Nagulat ang lahat pati ang mga bisita na napalingon sa may bukana nang hall nang sumigaw.
"Happy birthday bro." sigaw ng kakambal ko ngumisi sa kanyang kapatid nang makalapit at tinapik ang balikat nito.
Kasunod niya ang girlfriend na pinagtitinginan ng mga tao.
"Hi, hijo." bati ni tita Alexie sa manugang niya napa-titig tuloy ako sa kakambal ko.
"Hi, mommy." bati ng kakambal ko sa biyenan niya at inakbayan pa niya sa harap ang girlfriend nakangiti.
Bumati ang girlfriend ng kakambal ko sa magulang namin. Hindi ito pinansin ng magulang ko nakatingin lang silang dalawa sa kakambal ko.
"How are you?" tanong ni tito Emman seryosong tinignan niya ang manugang at kasama nito.
"I'm fine, daddy." seryosong sabat ng kakambal ko inalalayan niya pa ang girlfriend na umupo rin pero iisa lang ang upuan.
Nag-tawag ng waiter ang kakambal ko at humingi ng extrang upuan.
"Kuya, xiexie." wika ng bunsong kapatid namin ng tumingin lang.
(Thank you.)
"Ikaw pa! Bunso ka ng pamilya." ngising wika ng kakambal ko ang reaksyon ng bunsong kapatid namin na ngumiwi lang sa kanya.
"Sino siya?" tanong ni tito Emman sa manugang at tinignan niya ang girlfriend ng kakambal ko.
Ang salitang sino siya? Ang dahilan para tumingin sa kanya ang pamilya ko tumingin din ang asawa nito na si tita Alexie.
"Hon, bakit mo tinawag na mommy at daddy si Mr. at Mrs. Villa?" bulong ni Sherylle sa kakambal ko at narinig ko 'yon at natawa na lang ako ng palihim.
"Kuya, siya na ba?" tanong ng kapatid namin tinignan niya ang kanyang nakatatandang kapatid.
"Ni shenme yisi?" seryosong tanong ng kakambal ko tinignan niya ang bunsong kapatid namin.
(What did you mean?)
"Ta daodi shi shei? Ni gonggong wen ni, ta shi shei?" naitanong na lang ng kapatid namin ang pamilya ko lang ang nakaka-intindi sa pinag-uusapan nila.
(Who is she in your life? Your father-in-law asked you, who she is?)
"Kumain na ba kayo?" sabat ni mommy nang nakaramdam ng tensyon sa dalawang kapatid ko.
"Oo nga, Ash." sabat ko na lang sa kanila tinignan ko siya ng may ibig sabihin.
"Mommy Alexie and Daddy Emman, si Sherylle my girlfriend." wika ng kakambal ko sa biyenan niya at yumuko siya bigla.
Tahimik na kumuha ng pinggan ang kakambal ko at inabutan na rin niya ang girlfriend para makakain na rin ito.
"Hi po, tita at tito." bati ni Sherylle sa magulang ko at sa dalawang artista.
Hindi pinansin ng magulang ko ang girlfriend ng kakambal ko. Tahimik ang buong paligid nang makaramdam ng matinding tensyon sa pagitan namin.
Sana makaramdam ka, bruha ka!
"Ash, mag-usap tayo mamaya." wika ni daddy sa kakambal ko napabaling ang tingin ko sa kanila.
"Ihahatid ko pa siya sa condo niya, dad." wika ng kakambal ko sa daddy namin.
"No." sabat ni mommy at sinamaan niya ito ng tingin.
Mag-uusap tayo pagka-uwi natin sa bahay ang driver natin ang maghahatid sa kanya," sabat ni daddy hindi na kami nag-react kapag sila na ang pumagitna napatingin ako sa kakambal ko.
"Okay lang ba sa'yo, hija." tanong ni mommy at tinignan niya ang girlfriend ng kakambal ko.
"Opo." sambit ni Sherylle at napayuko na lang nakaramdam siya tensyon sa mommy ko nakikita ko 'yon sa mata niya.
Kumain na kaming lahat nagsimula na ang party. Nakamasid lang ako sa kakambal ko at sa girlfriend nito na inirapan pa ako.
Mabuti nga sa'yo hindi mo mailabas ang katarayan mo inirapan ko din siya.
Lihim na tumingin ako sa magulang ko at sa girlfriend ng kakambal ko. Napapailing na lang at napangiti sa nakitang ngisi ng kapatid ng hipag ko na si Axelle.
"I thought, kuya do you really love her?" sabat ng bunso kong kapatid habang katabi ng kakambal ko.
"Bi zui!" bulong ng kakambal ko at narinig ko naman nakita kong sinamaan niya ito ng tingin.
(Shut up!)
"Hon," tawag ni Sherylle sa boyfriend niya at naiilang na siya sa paligid niya.
"Yes, hon?" tanong ng kakambal ko sa girlfriend niya nang mapatingin siya.
"Wala." sambit ni Sherylle sa boyfriend niya nagpaiwas ng tingin sa lolo at lola ko nang tumingin sa kanya.
"Sigurado ka? Gusto mo na ba umuwi sa condo mo?" tanong ng kakambal ko sa girlfriend niya.
"I'm okay, hon." sambit ni Sherylle sa boyfriend niya at ngumiti nang mapakla.
Sinungaling kang babae ka!
"Kilala ko ang mga hitsurang ganyan sa tagal ko sa industriya ng showbiz parang normal na sa akin, hija sabihin mo na BOYFRIEND mo naiilang ka na dito sa mga kasama mo sa mesa at kami ang aalis." sabat nina tito Emman at tita Alexie sa girlfriend ng manugang.
Napapailing na lang ako sa nakitang pamumutla ni Sherylle tinignan siya ng masama ng magulang ko.
"Kukuha ako ng another na room para sa atin dito muna kayo manatili at ikaw, hija ipahahatid kita sa driver namin pasensya na kung hindi ka maihahatid ng anak ko may pag-uusapan ang pamilya namin." wika ni mommy sa girlfriend ng kakambal ko.
Makalipas ng dalawang oras, masayang nagtawanan ang buong pamilya ko kasama ang ninong Jong at ninang Kecha pati ang biyenan ng kakambal ko iniwan nila ito sa mesa kasama ang girlfriend nito at hindi na pinansin.
"Hon, aalis na ako parang ayaw ako ng pamilya mo." sambit ni Sherylle sa boyfriend niya.
Tahimik na lumalapit ako sa kakambal ko at girlfriend nito at hindi ako nagpapahalata na nakikinig ako pag-uusap nila.
Mabuti ramdam mo na hindi ka welcome sa aming pamilya napangisi na lang ako sa narinig ko.
"Mag-papaalam lang ako at ihahatid kita," wika ng kakambal ko sa girlfriend niya nang tatayo na ito nagsalita na ako sa likod niya.
"Ash!" tawag ko at lumapit ako sa kakambal ko.
"Siguro may sinabi ka sa magulang mo at ganyan sila sa akin," sabat ni Sherylle nang tumayo na rin siya at humawak sa braso ng boyfriend niya.
"Bakit?" tanong ng kakambal ko napalingon sa akin nang marinig ang tawag ko.
"Excuse me?" seryoso kong sambit tinignan ko ang girlfriend ng kakambal ko.
"Weisheme?" tanong ng kakambal ko.
(Why?)
"Tawag ka nila mommy at daddy isama mo na rin siya sa loob saglit at kung may sinabi ba ako kamo? Nakakatawa ka naman hindi ako nakikialam sa buhay ng kakambal ko tanungin mo pa siya kung makikialam ako sasabihin ko sa kanya." seryosong sambit ko at umalis para bumalik sa mga kasama ko.
"Sumama ka sa daddy mo," sambit ni mommy at humarap sa mga bisita.
"Magandang gabi, everyone tapos na ang party ng anak namin ni Kecha paumanhin kung hindi matagal dahil may emergency ngayon sa pamilya namin." seryosong sambit ni mommy sa mga bisita ng kapatid at kinakapatid ko.
Inutusan ni mommy ang waiter na pabaunan ang mga bisita ng natirang pagkain.
Nang dahil sa'yo natapos kaagad ang party ng kapatid ko at ng kinakapatid ko.
Tinignan ko lang si mommy na papalayo para puntahan ang kakambal ko at sa girlfriend nito. Sumama na ako sa daddy at kapatid kong bunso. Tinabihan ko ang kapatid ng hipag ko. Nagulat kami sa pagdating ng mommy ko at kasama ang kakambal ko kasunod nito ang girlfriend na si Sherylle.
"Maupo ka, hija." sabat ni lola sa dalagang kasama ng kakambal ko.
"Aalis na po kami, grandma." sabat ng kakambal ko sa lola namin at alam niya ang mangyayari.
"Hindi ka ang maghahatid sa kanya, apo." sabat ni lolo sa kakambal ko natahimik kami kapag ang hukom na ang nagsalita.
Umakyat naman sa tinutuluyang kwarto ang kapatid ko at ang matalik na kaibigan nito na si Jon. Habang naiwan naman kaming dalawa ni Axelle sa tabi ng mga matatanda.
"Paano kayo nagkakilala?" tanong ni lolo sa kanilang dalawa.
"Sa bar po, grandpa." sambit ng kakambal ko sa lolo ko nang humarap.
"Nagbago ka nga pero sa maling landas ka napadpad, apo." sabat ni lola napailing sa sinabi ng kakambal ko hindi ako nagsasalita nagmamasid lang ako.
Bakit ka kasi umalis nang walang paalam kay Ash?
Elle, mahal mo siya at mahal ka niya.
"Nin zhen de quxiaole yu qizi de hunyin, nandao nin bu ai ta bing xunzhao ling yige nuren ma?" tanong ni lola sa kakambal ko natahimik kaming lahat sa sinabi nito kumpara sa girlfriend nito.
(Are you really annulled your marriage on your wife, don't you love her and look for another woman?)
Hindi umimik ang kakambal ko sa tanong ng lola namin nakatingin sa kanya ang buong pamilya namin pati ang girlfriend niya kahit hindi naman niya naintindihan ang sinabi ng lola namin.