Chapter 4

1865 Words
After 3 years (2029) Pinuntahan ko ang mommy ko sa garden para magpaalam. "Mommy, aalis po ako pupuntahan ko si Ash sa bahay niya," bungad ko naabutan na nakaupo lang sa may upuang bakal si mommy. "Tinawagan mo ba siya?" tanong ni mommy sa akin nang mapalingon sa akin. "No, mom surprise po ang pagdalaw ko sa kanya sa bahay niya." aniko at humalik sa pisngi ni mommy. "Mula nang hindi nagpakita ang asawa ng kapatid mo nagbago na siya," nasambit ni mommy sa akin alam ko 'yon mula nang umalis na walang paalam ang hipag ko nagbago na ang kakambal ko. "Totoo, mom mas lumala siya ngayon hindi naman sinabi nina tita Alexie at tito Emman kasama si Axelle ang dahilan na pag-alis noon ni Elle misteryoso para sa akin dahil matalik ko siyang kaibigan," pag-amin ko at napailing na lang ako. "Umuwi ka kaagad may pupuntahan tayo ngayon nandun na ang kapatid mo na si Kech," sambit ni mommy at binitawan niya ang hawak na cellphone. "Okay po, mom kita kits later." aniko at lumakad na ako palabas ng bahay namin. Mag-taxi na lang ako para hindi aksaya sa gas. Nang lalapitan ko ang sariling sasakyan na bigay ng magulang ko noong birthday namin. Lumakad ako papunta sa labas ng subdivision. Tinitignan ko nang masama ang mga lalaking tambay na nararamdaman kong tinitignan niya ako. Nang may mapansin akong taxi na walang laman tinaas ko ang kamay para mapansin naman ako. Huminto ito sa harap ko at kinatok ko bago bumukas ang bintana. "Saan po?" tanong ng taxi driver nang sumilip sa bintana. "Taguig, manong." sambit ko sa taxi driver. Binuksan ko ang pintuan nang tumango ang taxi driver sa akin. Naupo kaagad ako sa upuan at sinara ang pintuan. "Manong, dalhin mo ako sa subdivision 'to." banggit ko sa taxi driver "Sige po, ma'am." wka ng taxi driver at umandar na ito kinabit ni Jinchi ang isang headset sa kaliwang tenga nya bago pinakiramdaman ang kanyang paligid. Nag-aalala ako sa kakambal ko mula nang iwan siya ng bestfriend ko mas lumala ang dati niyang ugali. Naalala ko kung paano nagbago ang ugali ng kapatid ko mula nang iwan ng asawa nito. "Manong, dito na lang po." aniko sa taxi driver at nagbayad na lang ako pagkababa ko sa taxi. "Salamat, hija." wika ng taxi driver at ngumiti. "Welcome, manong." sambit ko at kinuha ko ang duplicate key sa sariling bag at binuksan ang gate ng bahay nang kapatid ko. Nang mabuksan ko ang gate pumasok na ako sa loob at nang bubuksan ko na ang pintuan naabutan ko ang kakambal ko na kasama nito ang girlfriend. Bakit dinala niya ang babaeng 'to sa bahay nila ni Elle? Nang maabutan ko ang kakambal ko na kausap ang girlfriend nito na isang artista. Minasdan ko lang muna ang dalawa habang nag-lalambingan. Napapailing na lang ako at tinawag ang kakambal ko na kinakausap ang girlfriend niya. "Ash Chen." tawag ko sa kakambal ko napatingin ito sa akin at kumunot ang noo nang makita ako. "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. Dinadalaw ka masama ba?" mataray na sita ko sa kanya. Hindi naman," seryosong aniya sa akin. Nakatingin lang ang girlfriend niya ng bumaling ako. "Nagbago ka na nga mula—" naputol nasambit ko nang magsalita siya. "Tumahimik ka!" sita niya at sinamaan niya ako nang tingin. "Masama ang sasabihin ko sa'yo hindi naman eh!" simangot aniko hindi ko pinansin ang girlfriend nito. "Bakit ka ba nandito? Hindi ka pupunta dito nang walang dahilan." aniya sa akin napapailing na lang ako sa sinabi niya kambal talaga kami. Nakatingin lang ako na may kahulugan sa kanya. "Ni hao ma?" tanong ko nakataas ang noo na tumingin ako sa kanya. (How are you?) "Who are you?" sabat ng girlfriend niya sa akin. "Oh my! Ash nagpapasok ka ng babae sa bahay nyo?" birong totoo ko sa kanya at tinignan ko ang girlfriend nito mula ulo hanggang paa. "How did you get inside my boyfriend's house?" tanong ng girlfriend niya na si Sherylle. "Ano pa sa palagay mo!? Hello! Duplicate key po." mataray kong sambit tinaas ang susi hawak ko. "Jinchi, shut up!" saway niya. "Ano? Totoo naman ang sinabi ko ah! May duplicate key ako ng bahay mo." pag-amin ko sa kanya mukhang walang alam ito sa background ng kapatid ko. "Who is she, Ash?" tanong ng girlfriend niya at napatingin sa kakamball ko. "Haha! Hindi ako kilala? Hindi mo ba ako binanggit sa kanya?" tawa kong sambit at ngumisi sa dalawang kaharap ko. "She is your girlfriend again?" tanong ng girlfriend niya ng tumaas ang kilay nito sa kakambal ko. "Haha..." tawang sambit ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. "No, she's not my girlfriend." aniya at tinignan niya ako. "Who is she? How did she get into your house? And she had a duplicate key." tanong ng girlfriend niya. "And who are you? Why are you here at his house?" tanong ko sa girlfriend ng kakambal ko nang tignan ko ito. "I'm Sherylle Mae Jackson and I'm famous actress." mataray sambit ng girlfriend niya at ngumisi sa akin. "Actress? Ash, kilala kita sabi mo ayaw mo na makihalubilo sa katulad niya, ano 'to?" takang tanong ko sa kakambal ko nang balingan ko ng tingin. "Ni zai zheli zuo shenme?" tanong niya na seryosong tumingin sa akin. (What are you doing here?) "Dinadalaw ka nga syempre, Ash at hinahanap ka nila." sambit ko inirapan ko ang girlfriend niya. "Bakit mo naman siya dadalawin?" tanong nito sa akin. "Kilala mo ba ang ang pamilya ni Ash?" tanong ko at tinignan ko ang kakambal ko sa gilid nito. "Oo, at sino ka ba at tanong ka nang tanong?" tanong nito sa akin. "My name Jinchi Ayana Swellden kakambal ng katabi mo na boyfriend mo akala ko ba kilala mo ang pamilya nyan? Katawa ka alam mo 'yon." inis kong sambit na napatigalgal na lang ito sa sinabi ko. "Hindi nga baka isa ka sa mga babaeng naghahabol sa kanya," anito tinaasan niya ako ng kilay. "Hoy! Kaya ako nagpunta dito para dalawin at sunduin ka may party tayong dadaluhan." sigaw ko na lang sa kakambal ko. "Totoo ba na kapatid mo siya?" tanong nito sa kakambal ko nang balingan niya ng tingin. "Yes, she's my twin sister." amin niya sa girlfriend niyang nakasimangot ang mukha. Hindi sila bagay. Hindi namin namalayang tatlo na may parating na isa pang bisita. Kaya nagulat kaming tatlo sa pag-bangga kay Sherylle at nakilala ko ito—si Axelle ang kapatid ng kaibigan. "Ops!" wika ni Axelle kay Sherylle nang mabangga niya ito. "At sino ka rin? Paano ka nakapasok?" tanong ni Sherylle at mahinang tinulak niya ang dalaga. "Axelle? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa kapatid ng hipag ko na bagong dating sa bahay ng kakambal ko. "Kuya, may pinakukuha si mommy dito na gamit ni ate." wika ni Axelle sa brother in law niya. "Magkakilala kayo?" takang tanong ni Sherylle na makilala niya ang dalaga na anak ng dalawang sikat na actor at actress. "Oo." aniya hindi man lang tinanggi sa girlfriend niya. "Sinong ate ang sinasabi niya na may gamit dito?" sabat ni Sherylle sa kakambal ko kumunot ang noo niya. Syempre ang REAL GIRLFRIEND este REAL WIFE ni Ash ang tinutukoy niya. Nakatingin lang ako sa kanila parang nanonood ako ng teleserye in real life pa. "Kaibigan namin siya," sabat ko tinignan ko ang kapatid ng hipag ko. "Anong gamit ang kukunin mo?" tanong niya sa sister in law niya. "'Yong natirang gamit na iniwan niya dito," nasambit ni Axelle sa brother in law niya. "Wait! Umupo muna kaya tayo ngalay na ako." sabat ko sa kanilang tatlo at naupo sa sofa pinagpag ko muna ito bago naupo nandiri ako sa tagpong nakita ko dito kanina. "You are the daughter of Alexie at Emman Villa, right?" tanong ni Sherylle kay Axelle. "Yeah, kuya akyat muna ako sa itaas." inip nasambit ni Axelle at napatingin siya sa kanyang brother in law niya. "Saan ka pupunta?" tanong ni Sherylle kay Axelle. "Sa taas syempre," wika ni Axelle at aalisin na niya ang kamay ng brother in law sa braso niya. "Anong gagawin mo dun?" tanong niya unli talaga 'to ayaw niyang alisin sa bahay niya ang gamit ng asawa niya. "I respect you, but you would think how she would feel when she found out, for three years—you didn't wait for her to return without our assurances." seryosong tanong ni Axelle bago man tuluyang umalis sa harap ng brother in law nang pigilan siya ni Sherylle. "Anong sinasabi mo?" sabat ni Sherylle. "Sumama ka sa amin ni Ash, Axelle." aya ko sa kapatid ng hipag ko. "Invited kami nila mommy at daddy." wika ni Axelle bago muling tuluyang umalis para umakyat sa hagdanan. "Bakit hindi mo siya pinigilan?!" takang tanong ni Sherylle sa kakambal ko na hindi kumibo pagkatapos. "Ash, aalis na ako sabihin mo lang kung pupunta ka at sasabihin ko kina mommy." sabat ko at kinuha ko ang bag nang tumayo sya sa sofa. Kilala ko ang kakambal pampawala lang ng lungkot ang ginagawa niya pero deep inside nasa puso at isip pa rin niya ang asawa niya. "Susubukan kong magpunta," sabat niya. "Magtatampo sa'yo si Kech nyan," biro ko at bumeso sa kanya inirapan ko ang katabi nito. "Wait, Jinchi sabay na tayo nakuha ko na ang kukunin ko." bungad ni Axelle na hinihingal pa sa paglapit sa akin. "Sige, alis na kami ni Axelle." aniko at hahawakan ko ang kamay nito nang magsalita ito. "Sana wag mo na 'to ulitin at sasabihin ko kina mommy at daddy 'tong naabutan ko," seryosong wika ni Axelle bago siya sumama sa akin. Where are you? Someone is looking for you for a long time, your husband and your family. Pagkatapos ko marinig ang sinabi ng kapatid ng hipag ko umalis na kaming dalawa. Napatingin ako sa kapatid ng hipag ko sumakay na kaming dalawa sa tricycle nang may huminto sa harap namin pagkalabas namin sa bahay. Nagtataka ako sa mukha ni Axelle nang mapansin na umiiling ito. "Okay ka lang?" puna ko nang nilingon kp ang kapatid ng hipag ko. "May iniisip lang ako kung may ginawa si kuya na hindi nagustuhan ni ate at kung bakit umalis ito," wika ni Axelle. "Walang ginagawa si Ash sa ate mo mahal niya si Elle kaya nga nagpakasal silang dalawa sa murang edad, hindi ba." pagtanggol ko sa kakambal ko dahil kilalang-kilala ko ito. "Alam ko, ate nabanggit ba sa inyo ni ate o nila mommy at daddy na nung bata pa siya nagkasakit siya ng malala?" tanong ni Axelle sa akin. "Yes, we know she got sick when she was young but she or your parents didn't tell us what that was." sambit ko sa kanya. "Ayaw nang balikan ng magulang ko ang dahilan na muntik mawala sa kanila si ate," nasambit ni Axelle at tumahimik na lang siya pati ako nadamay. Pilit ko man kinukulit siyang magsalita kung ano ang naging sakit ng kapatid niya ayaw pa rin nito sabihin baka ito ang dahilan ng pag-alis niya sa buhay ng kapatid ko. Bumutong-hininga na lang ako nang hindi ko magawang pilitin si Axelle na magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD