Hindi ako pumasok sa school kahit kinausap ako ng magulang ko. Pumunta na lang ako sa bahay ng kapatid ko hindi pa rin nag-sick in sa akin na umalis nang walang pasabi ang kaibigan ko.
Dahil, alam namin kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
"Ash!" sigaw ko nang makita kong paalis siya sa bahay nila.
Bumaba ako sa taxi at lumapit ako sa kanya ng businahan niya ako.
"Likai nàli! Wo zoule!" sigaw niya nang humarang ako sa harap ng gate nila.
(Get out of there! I'm leaving!)
"Ni yao qu nalǐ? Wo hui gen ni qu!"
(Where are you going? I will come with you!)
"Bu!" sigaw niya sa akin umiling ako sa kanya.
(No!)
"Da wo, zheyang ni jiu keyi qu ni yao qu di difangle." aniko sa kanya nakita kong tumitig siya sa akin.
(Hit me, so you can go where you're going.)
"Sumakay ka na!" inis niyang sigaw sa akin tumakbo ako papasok sa sasakyan hindi ako nagsusuot ng seatbelt humarurot na siya.
Walangya ka! Wala ka sa karera para gumanito ka.
Kaagad kong sinuot ang seatbelt at sinamaan ko siya ng tingin. Huminto kami sa bahay ng biyenan niya at kaagad siyang bumaba sumunod kaagad ako sa kanya.
"Ash!" tawag ko sa kanya hindi siya nakinig sa pag-tawag ko.
"Mommy!" tawag niya sa biyenan mula sa labas ng bahay.
Hindi pa rin ako makapaniwalang iniwan ng hipag ko ang kapatid ko.
"Pumasok na kayo sa loob," aya ng katulong nila naabutan namin na naglalakad sa sala ang daddy ng hipag ko.
"Hijo!" wika ni tita Alexie sa manugang nila niyakap niya ito nakatayo lang ako at nakatingin sa kanila.
Sumama ako sa kanya para malaman kung bakit siya iniwan ng hipag ko.
"Mommy, nasaan ang asawa ko? Al—" putol sambit niya nang sumabat ang biyenan niya.
"Wala din kaming alam, Ash kahit kami hindi namin siya matawagan sa cellphone niya." wika ni tito Emman kita sa mukha ang pag-aalala sa nawawalang anak.
"Pinuntahan ko ang hospital na pinuntahan niya ang sabi wala sa record nila ang pangalan ng asawa ko, magulang kayo, nasaan ang asawa ko?" tanong niya sa biyenan at napatingin ako sa bunsong anak nila na umiwas ng tingin sa amin.
"Kuya..walang alam sina mommy at daddy kung nasaan si ate pilit kong tinatawagan at tine-text siya pero walang ate ang nag-reply nag-aalala na kami sa kanya." umiiyak nasambit ni Axelle sa amin pinakita niya sa bayaw niya ang cellphone niya.
"Ang sabi niya, pupunta lang siya sa hospital may sisiguradin lang siya at sasabihin sa akin pagkatapos nun hindi ko na siya ma-kontak." aniya sa amin yumuko siya.
"Tito, kakausap ako sa koneksyon namin sa underground hihingi ako ng tulong, pwede ba? Para mahanap natin siya kaagad?" sabat ko napatingin sila sa akin.
"Kayo ang bahala, balitaan nyo kami kapag nahanap nyo ang anak ko." wika ni tito Emmman sa amin umupo siya sa tabi ng asawa niya.
Tumango na lang siya napatingin ako sa kapatid ko.
Nasaan ka ba, Elle?
"Tinawagan ako ni ate nasa hospital siya pero nang matapos 'yon wala nagulat na lang kami sa pag-sugod mo, kuya at dun namin nalaman pati sa'yo hindi na siya nag-paramdam." sambit ni Axelle sa bayaw niya.
"Imposibleng iwanan niya ako para sa iba..dapat matagal na niyang ginawa 'to sa akin, mom at dad, saan siya posible magpunta?" tanong niya.
"Wala na kaming bahay sa Quezon City, anak dito na sila lumaki sa Tagaytay paluwas-luwas na lang kami para sa trabaho kung—" putol nasambit ni tita Alexie nang sumabat ang asawa niya.
"Sa Canada?" sabat ni tito Emman sa asawa niya nang titigan ito.
"Wala na ang bahay ni papa sa Canada, alam mo 'yan, king." sambit ni tita Alexie sa asawa niya.
"Saan siya pupunta?" tanong ni tito Emman sa asawa niya napatingin ako sa kanila.
May kakaiba sa galaw at kilos ng mata nila hindi yata napapansin ng kapatid ko dahil sa iniisip niya.
"Huwag kang sumuko, Ash mahal nyo ang isa't-isa alam kong may dahilan siya para iwan ka niya ang hindi ko lang alam kung ano, malihim ang batang 'yon maski sa amin hindi sinasabi ang lahat." wika ni tita Alexie sa amin hinawakan niya ang kamay ng manugang.
"Huwag kang sumuko sa pag-hihintay at pag-hahanap sa kanya pati kami hindi susuko hanggang sa kaya namin at nabubuhay kami." nasambit ni tito Emman sa manugang niya tinapik ang balikat.
Umuwi kami sa bahay niya sinamahan ko siya ayokong mag-isa siya kaya niyang patayin ang sarili niya.
Ako lang ang makaka-awat sa kanya kapag ginawa niya 'yon.
Naalala ko tuloy ng malaman ko ang nangyari sa kanila.
Nang malaman ko 'yon pinuntahan ko ang kapatid ko sa classroom wala akong nakitang Ash Chen.
Nang matapos ang klase nagpa-hatid ako sa bahay ng kapatid ko. Sinabi ko sa magulang ko ang nalaman ko at nagulat din ako na alam nila ang nangyari.
"Ash, nasaan ang asawa mo?" sigaw ko sa kanya nakikita kong nakayukyok siya sa kama nila.
Naabutan ko siya sa bahay nila nagpapaka-lasing.
"Wo bu zhidao ta zai nali!" sigaw niya nakita ko ang hitsura niya niyakap ko na lang siya.
(I DON'T KNOW WHERE SHE IS!)
"Ni gaosu women, ta rang ni zhidao ta yao qu yiyuan? Na jia yiyuan?" tanong ko na lang.
(You told us, she let you know she was going to the hospital? Which hospital?)
"Maria Emerald Memorial Hospital," aniya sa akin tumunga siya ng alak sa harap ko.
Sobra nila mahal ang isa't-isa para mag-hiwalay sila ng walang pagtatalo.
"Nag-away ba kayo bago siya umalis?" tanong ko sa kanya inangat niya ang ulo bago umiling.
"Suiran neitian zaoshang ta xinqing bu hao, dan neitian women rengran hen gaoxing, jiejie wo hui qu shangxue, ta hui qu yiyuan." umiiyak nasambit niya sa akin hinawakan ko ang dalawang kamay niya.
(We were still happy that day even though she felt bad that morning, sis I will go to school and she will go to the hospital.)
"Hindi ka na lang pumasok ng hindi mo siya ma-kontak hanggang gumabi?" tanong ko sa kanya na siyang tumango kaagad sa akin.
"Nag-text at tumawag ako sa magulang niya para malaman ko kung nasa kanila ang asawa ko pero wala daw hindi kaagad ako naniwala pumunta ako sa hamman at sa bahay nila wala nga.." iyak niyang sambit sa akin tumunga siya ulit ng alak.
"Baka may dahilan siya at hindi niya sinabing aalis siya?" banggit ko sa kanya imposibleng iwan niya ang kapatid ko para sa ibang lalaki.
"Ta de liyou shi shenme?! Ruguo ta likai wo, ta hui daizhe ta de dongxi, danshì, bu hui." sambit niya at umiyak siya sa harap ko.
(What's his reason?! If she left me, she will carry his belongings but, no.)
Madalang kung umiyak ang kapatid ko naawa ako sa kalagayan niya.
Mula nang malaman naming umalis ang hipag ko hindi na kami pumasok sa school.
Nagalit sa amin ang magulang ko pero nang makita nila ang sitwasyon ng kapatid ko.
"Ikaw na ang bahala sa kakambal mo, Jinchi ikaw ang sandalan niya sa ngayon at hindi kami tutol man sa desisyon nyong huminto naiintindihan ko naman." wika ni daddy tahimik lang si mommy at ang kapatid ko.
"Hihingi ako ng tulong sa council para hanapin si Elle, nag-aalala rin ako sa batang 'yon, ano ba ang pumasok sa isip niya para hindi umuwi mula sa hospital?" tanong ni mommy sa amin tahimik lang kami.
"Bukas na bukas pupuntahan ko ang hospital, mom magpapasama ako sa kapatid niya." sabat ko.
"Sige," wika ni mommy sa akin.
Hinawakan ko sa balikat ang kapatid ko na hindi umiimik sa tabi ko.
"Ash, nandito kami—ako hindi ka nag-iisa," sambit ko tumingin siya sa akin.
"Huwag kang huminto, kahit ako lang okay lang." aniya.
"Kung saan ka, dun ako, Ash maliban nga lang sa pag-ibig naunahan mo ako pero sa bawat pagsubok sa atin magka-sangga tayo." ngiting sambit ko na lang sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit iisa kami kaya kung saan siya kasama niya ako magalit man ang magulang namin wala akong pakialam.
Pumunta ako sa school namin at kinausap ang principal ng school habang nag-hahanap ang kapatid ko sa asawa niya.
"Sir Paulo, mag-drop kami ng kapatid ko pasensya na po." panimula ko at napayuko ako dahil sa hiya.
"Bakit? Mataas ang grades nyo sa school na 'to, bakit mag-drop kayo pati ang asawa niya ba?" tanong ni sir Paulo sa akin.
Umiling ako sa sinabi niya sa akin at sinabi ko ang dahilan.
"Ano! Saan nagpunta ang anak nila?" tanong ni sir Paulo sa akin umayos ako ng upo sa couch.
"Umalis po ng walang paalam sa kapatid ko ang asawa niya, sir hahanapin po namin siya kaya mag-drop kami at hindi niya kayang hawakan ang problema niya alam nyo po 'yon kapag okay na ang problema namin kakausapin ko ang kapatid kong bumalik kami sa pag-aaral." seryosong sambit ko sa principal namin.
"Hihintayin namin ang pagbabalik nyo," wika ni sir Paulo sa amin at tumayo lumapit kaagad ako.
Binigay ko ang dropping form nang tumayo sa couch.
"Xiexie, sir Paulo." sambit ko na lang sa principal namin.
(Thank you,)
Lumakad na ako palabas ng opisina naabutan ko si Louie sa bungad.
"Jinchi," tawag niya sa akin nang lapitan niya ako at hawakan sa kamay lumayo ako sa kanya.
"Aalis na ako," sambit ko ng hinawakan niya ang kamay ko.
"Na-hanap nyo na ba si Elle?" tanong niya huminto ako at humarap ako sa kanya.
Umiling lang ako nang maglalakad na ako sumabay siya sa akin.
"Bakit umalis siya?" tanong niya wala siyang alam sa nangyayari hindi na-kwento sa magulang niya.
Hindi na lang ako nagsalita at naglakad na kami hinarang siya ng security guard nang palabas na ako ng gate.
Nang makarating ako sa parking lot sumakay ako sa sasakyan ko para puntahan ang kapatid ko sa bahay nito.
"Ash! Yuhoo!!" sigaw ko pumunta ako sa kwarto nila at sa underground room.
Naabutan ko siyang nakahiga sa mat puro sugat ang mukha niya.
"Nakipag-laban ka naman mag-isa sabi ko sa'yo iisa tayo, Ash." sambit ko na lang sa kanya.
Naupo ako sa tabi niya at humiga rin ako at naramdaman ko ang yakap niya.
"Wo he women zai yiqi zuole shenme, ta likaile wo ma?" bulong niya sa akin naramdaman ko ang pag-hinga niya sa leeg ko.
(Did I do something with our together and she left me?)
"Hindi, masaya kayong dalawa at 'yon ang nakikita ko sa inyo, wala ako sa lugar upang isipin kung ano ang dahilan kung bakit ka niya iniwan." aniko sa kanya hinawakan ang kamay niyang puro sugat.
"Wo xiang bu chu ta likai wo de liyou, wo shen zhi qu zhao kelake sen, yexu ta ba ai li cangle qilai, wo wei ziji shengqi." bulong niya mas humigpit ang yakap niya sa akin.
(I couldn't think of a reason for her to leave me, I even went to Clarkson and maybe he hid Elle, I was angry for myself.)
"Kung makakapag-hintay ka sa pagbabalik niya huwag kang humanap ng iba, kung mahal mo siya hindi ka susuko sa kanya." bulong ko sa kanya hinawakan ko ang braso niya at hinimas.
Alam kong hindi siya susuko pero napapagod rin siya sana bumalik ka na, Elle..
Tumayo na siya at sumunod ako sa kanya sinamahan ko siya sa kwarto nila. Walang ilangan sa pagitan namin at sanay na kami sa isa't-isa naupo ako sa kama nila.
May malaking wedding photo frame sa tapat ng kama nila.
"Itatago ko ang mga gamit niya sa underground, maliban sa mga damit niya." aniya sa tabi ko tumingin naman ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko na lang sa kanya.
"Nalulungkot ako kapag nakikita ko ang masasayang pictures namin," amin niya nagbihis siya sa kabilang kama.
"Itong wedding photo nyo?" tanong ko sa kanya nang lingunin ko siya.
"Dun din," sambit niya sa akin.
Tumango na lang ako s kanya at kami na ang nag-lipat sa underground ng gamit nila maliban sa mga damit ng asawa niya.
Kada araw,
Kada buwan,
Umaalis kami para hanapin ang asawa niya kahit sa Visayas at Mindanao nagpunta na kami para hanapin ang asawa niya.
Ang hindi pa namin nagagawa ang umalis ng Pilipinas para hanapin siya sa ibang bansa.