Nanganak ako ng kambal—Julian Ashford Swellden Li at Aisha Swellden Li. Ako ang nakamana sa pagdadalangtao ng kambal sa lahi ng pamilya namin. Napangiti na lang ako ng makita ko si Louie na buhat ang anak ko. "Ang cute ni baby Ash," ngiting sambit niya sa akin habang buhat niya ito. Lihim pa lang nagkaka-gusto ang lalaking ito sa akin. "Hindi ka talaga nagkagusto sa iba?" tanong ko. "Hindi, ewan ko ba kung bakit sa'yo ako nagkagusto sa dami na naging ka-loveteam ko." ngising sambit niya sa akin. "Baliw," natatawang sambit ko na lang sa kanya. Inirapan ko na lang siya natutuwa ako na kahit may anak na ako may nagkagusto pa rin sa katulad ko. "Hindi ka lang ba naawa sa akin at nililigawan mo ako?" tanong ko sa kanya. "Wala akong nararamdaman awa sa sitwasyon mo, Ayana mahal kita mu