Louie POV Dinala ko sila sa lugar na hindi masyadong matao kapag madilim na. Hindi ko alam pero mula nang bata pa kami may gusto na ako sa kanya hindi ko lang maamin dahil hindi kami malapit sa isa't-isa. Akala ko nang magtatapat na ako ng mararamdaman magiging masaya na ako kaso, Ako pala ang ma-shocked nang sabihin niya sa akin noon na may anak na siya dahil alam kong wala siyang boyfriend o pinapatulan noon. Tinanggap ko ng lubos ang naging anak niya kahit hindi ako ang ama nito. "Ang cute ni baby Ash," ngiting sambit ko sa anak niya. "Hindi ka talaga nagkagusto sa iba?" tanong niya sa akin napabaling ang tingin ko sa kanya. "Hindi, ewan ko ba kung bakit sa'yo ako nagkagusto sa dami na naging ka-loveteam ko." ngising sambit ko sa kanya inirapan lang niya ako. "Baliw," natatawa