One month and one week before Pumunta ako sa garden para magpahangin. Sinundan niya ako ng tingin nang hipag ko na nasalubong ko sa sala. Bakit sumuka ako nang gumising ako iniisip kung may nakain akong hindi nagustuhan ng sikmura ko. Tinabihan ako ng pamangkin ko sa bench. Napatingin naman ako sa pamangkin ko. "Tita, are you okay?" tanong ng pamangkin ko sa akin. "Oo naman, okay ako." sambit ko at ngumiti ako sa pamangkin ko pagkatapos. "Napansin kasi ng pamangkin mo na malungkot ka at namumutla," sabat ng hipag ko at bumungad sa tabi namin. "Eh?" takang aniko at nilingon ko ang hipag ko sa likod ko. "May gumugulo ba isip mo o PUSO mo?" tanong ng hipag ko tinabihan niya ako nang upo. "Ang baho mo, Elle—" singhot kong sambit at tinakpan ko ang ilong ko tinuro ko pa ang hipag ko.