Tinignan ni mommy ang girlfriend ng kakambal ko nakita kong nakita ito ni ninang Kecha kaya binulungan niya ito.
Ano kaya 'yon?
"Shh.." sita ni mommy.
"Kilala mo ang anak mo hindi siya nagkaka-ganyan kung hindi siya iniwan ng asawa niya, mahal niya 'yon." bulong ni ninang Kecha nang maulinigan ko.
"Matagal na ba ang relasyon nyo ng anak ko, hija?" tanong ni mommy tumingin siya kay Sherylle.
"Opo," wika ni Sherylle sa mommy ko.
"Ano ang name mo ulit, hija?" sabat ni lola nakikinig at nagmamasid lang ako.
"Sherylle Mae Jackson po." sambit ni Sherylle sa lola ko.
Kawawang babae hindi mo kilala ang mommy at lola namin.
"Ilan taon ka na ba?" tanong ni lola kinikilatis nila si Sherylle hindi sila ganito sa kaibigan ko kahit kilala nila ang pamilya nito.
May iba sa girlfriend ng kakambal ko napatingin ako sa kanya.
"20 po," sambit ni Sherylle minamasdan ko ang mukha niya at ang pinapakiramdam ang aura niya.
"Paano mo nakilala ang anak ko?" tanong ni mommy.
"Mom!" sabat ng kakambal ko sa mommy namin at nakakaramdam kami ng tensyon sa buong paligid.
"Crush ko po siya sa school namin nung nag-aaral po siya at muling nagkita sa bar," wika ni Sherylle tumataas ang kilay ko sa narinig schoolmates namin siya noon?
"He stopped studying, do you know the reason?" tanong ni mommy napa-titig ako sa kakambal ko kilala ko siya hindi niya sinasabi sa iba ang problema ng pamilya.
"Opo." sambit ni Sherylle nakita kong tumingin sa akin ang kakambal ko nakipag-titigan ako sa kanya.
Napatingin si mommy sa kakambal ko na bumuntong-hininga.
"Ano ang reason na sinabi niya sa'yo?" sabat ko.
"Hindi niya matanggap na na-rejected siya sa audition niya sa iba't-ibang pinuntahan niya at iniwan siya ng babaeng minahal niya hindi ko lang kilala kung sino ang girlfriend niya." sambit ni Sherylle nang tignan niya ako.
Half-fake and half-true..napatingin ako sa kakambal ko.
"'Yon lang? Rejected kamo at iniwan siya ng girlfriend 'yong isa baka totoo pa pero ang isa mo pang sinabi, bakit nga ba?" aniko tumingin ako sa kakambal ko.
"Paano mo naging crush ang anak ko kung hindi na siya nag-aaral noon?" tanong ni mommy sumang-ayon ako dyan.
"First year po ako noon makita ko siya sa school ng bsu kasama niya ang kaibigan niyang babae at isang lalaki." sambit ni Sherylle.
"Sino?" tanong ko.
Nagka-tinginan ang magulang ko sa akin bago tumingin sa kakambal ko.
"Hindi ako pamilyar sa mukha ng tao eh," sambit ni Sherylle.
"Hindi mo kilala?" tanong ko.
"Sikat daw pero hindi pa kasi ako celebrity kaya hindi ako pamilyar." sambit ni Sherylle.
"Sabi mo sikat, ibig sabihin kilala ng madla, gurl hindi mo lang sila kilala talaga kahit sikat sila balewala sa'yo ang mga taong sikat noon." aniko at tumingin ako sa kakambal ko napangisi na lang ako sa hitsura niya.
"Nagkita lang ulit kayo sa bar?" sabat ni daddy.
"Opo," wika ni Sherylle sa daddy ko nang bumaling ng tingin pero kaagad siyang umiwas.
"Alam mo ba na may GIRLFRIEND siya nang maging kayo?" sabat ni mommy napatingin kami at tumingin ako kaagad sa kakambal ko.
"Ako po ang girlfriend niya ngayon iniwan siya ng girlfriend niya noon kahit hindi ko kilala ang babaeng 'to," sambit ni Sherylle sa mommy ko.
"Ni bu hui gaosu ta zhenxiang ma?" tanong ni mommy sa kakambal ko nang kausapin niya napabaling ang tingin ko.
(Will not you tell her the truth?)
"No, mom." amin ng kakambal ko umiwas ng tingin sa magulang ng asawa niya.
"Why?" tanong ni mommy sa kakambal ko may gusto din ako malaman.
Bakit hindi niya sabihin kung naghanap na siya ng iba?
"Dui wo lai shuo, ta bing bu renzhen duidai ziji de guanxi." sabat ko tinignan ako ng magulang namin at nang dalawang kapatid kasama sina ninong Jong, ninang Kecha at dalawang nitong anak na nakakaintindi sa sinabi ko.
(To me, he is not serious about his relationship.)
"Totoo ba?" tanong ni mommy sa kakambal ko.
"Ta rengran ai ta de qizi," sambit ng bunso naming kapatid.
(He still loves his wife,)
Hindi nakasagot ang kakambal ko sa tanong ng mommy namin at tinignan niya ng masama ang kakambal ko.
"Bakit nandito pa sila?" tanong ni Sherylle sa boyfriend niya nginuso sina tito Emman at tita Alexie katabi si Axelle.
"Sino?" tanong ng kakambal ko sa girlfriend niya nang tumingin siya.
"Yong mag-asawang Villa at ang kanilang anak." wika ni Sherylle sa boyfriend niya mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Ang kapal naman ng mukha niya kung magsalita siya ng ganito wala pa siyang karapatan sa buhay ng kakambal ko.
"Parte ng pamilya namin sila kaya nandito pa sila," sabat ni mommy nang marinig ang sinabi ng girlfriend ng kakambal ko.
Wala ka kasing alam!
"Hon," sabat ni daddy sa mommy ko nang hawakan niya ang kamay nito nanginginig na sa inis.
Ang tunay na mahal ni Ash, hindi IKAW! Laruan ka lang niya pagsasawaan.
Hindi ko maalis sa mukha ko ang inis sa girlfriend ng kakambal ko. Naramdaman kong hinawakan ako sa kamay ng bunsong kapatid ko mabilis ako mainis at magalit kapag pamilya namin ang agrabyado.
"Calm down, ate." bulong ng kapatid ko nang hawakan niya ako sa kamay.
"Hindi ko mapigilan ang inis ko sa kanya," bulong ko at bumuntong-hininga na lang ako pagkatapos.
"Alam mo ba na may girlfriend siya bago ka niya nakilala?" tanong ni mommy.
"Hindi niya po sinabi sa akin baka po hindi na niya po mahal ang ex-girlfriend niya po," sambit ni Sherylle humawak sa kamay ng boyfriend niya.
Hindi umimik ang magulang namin sa sinabi ni Sherylle. Tinignan nina tito Emman at tita Alexie ang kanilang manugang bago may magsalita.
"Nawala siya para sa'yo, hijo." sabat ni tito Emman umiiling na lang naiintindihan niya ang nangyayari sa kakambal ko.
"Daddy?" tawag ng kakambal ko nagtaka agad sa sinabi ng biyenan niya nagtaka din ako.
"Nanghihinayang ako dahil umalis siya para sa'yo," sambit ni tita Alexie sa kakambal ko.
Alam nilang umalis ang anak nila—ang asawa ng kakambal ko?
Sabi nila, hindi nila alam?
Ano 'to?
"Mommy, matagal na siyang hindi nagpakita at si Sherylle ang nandito sa tabi ko." amin ng kakambal ko sa biyenan niya.
"Baka magsisi ka kapag nalaman mo ang totoo kung bakit siya umalis nang walang paalam sa'yo natatakot siya baka kaawaan mo siya, hijo." amin ni tito Emman sa kakambal ko.
Kawaan? Bakit, ano ang tinatago mo pa sa amin, Elle?
"Sino sng tinutukoy nyo po?" sabat ni Sherylle sa kanila.
"Hija, umuwi ka na at tapos ka na namin kausapin." sabat ni mommy tinignan niya ito.
"Ihahatid ko po siya, mom." sabat ng kakambal ko sa mommy namin gusto niya umalis at ayaw na niya malaman kung bakit umalis ang asawa—ang kaibigan ko.
"No, Ash." seryosong sambit ni daddy sa kakambal ko at tinawag ang kanilang driver para ihatid si Sherylle.
"Hon?" tawag ni Sherylle nag-aalinlangan na tumayo sa tabi ng boyfriend niya.
"Ihahatid ka niya," sambit ng kakambal ko at tinignan ito bago binitawan ang kamay nito.
"But, hon." bulong ni Sherylle sa boyfriend niya.
"Manong, ihatid mo na siya." tawag ni mommy at lumapit na driver pagkatapos ipatawag sa bellboy.
"Opo," sambit ni manong at hinawakan niya ang braso ni Sherylle.
Nang mailabas na ng hotel si Sherylle tinignan ni mommy ang kakambal ko at yumuko naman siya pinunasan niya ang mukha.
"Erzi, wo meiyou wei nin dai lai tai duo shanghai nuren de ganjue." seryosong tanong ni mommy sa kakambal ko.
(I didn't raise you that much to hurt a woman's feelings, son.)
"Anak, I'm sorry." wika ni tita Alexie tumabi ng upo sa kakambal ko.
Tinatago niya sa ibang tao ang sakit na nararamdaman ng puso niya pero hindi sa akin—siya pa rin.
Katulad siya ni daddy noon na kahit nasasaktan na sa ginagawa ni mommy nandyan at naghihintay pa rin siya na bumalik sa kanya ang mahal niya.
Tahimik lang na nakayuko ang kakambal ko na hindi inaangat ang ulo niya.
"Ni weisheme yao ziji zuo? Shi de, women zhidao nin shoule zhongshang yinwei nin de qizi yi yan bu fa di likaile nin, danshi nin renwei nin de hunyin hefa." sambit ni mommy sa kakambal ko at inangat niya ang mukha nito na may tumutulong luha sa dalawang mata.
(Why did you do this to yourself? Yes, we know you are very hurt because your wife left you without a word but, you think your marriage is legal.)
"Kung kasal ako, nasaan siya ngayon? May anak na kaming dalawa kung nandito siya o wala pa pero magkasama namin tinutuloy ang pag-aaral namin ng sabay." tanong ng kakambal ko tumingin sa biyenan niya.
"Hindi ka niya iniwan nang walang dahilan, Ash iniwan ka niya para mabuhay siya ng matagal at makasama ka niya ng habangbuhay." sabat ni tito Emman sa kakambal ko.
May malubha bang sakit ang kaibigan ko?
Kaya namin siya ipagamot at bakit niya 'yon nilihim sana mali ang hinala ko.
"Nasaan siya? Kung may asawa ako umalis siya na walang paalam sa akin, dad anong mabuhay ng matagal ang sinasabi nyo sa akin ngayon?" naitanong ng kakambal ko nakikinig lang ako sa kanila at naka-titig.
"Babalik siya, anak pero hindi ngayon alam ko 'yon dahil ina ako." amin ni tita Alexie sa kakambal ko.
"Nasaan ba siya, tita? Asawa niya si Ash dapat alam niya kung anong nangyayari sa asawa niya." sabat ko hindi ko na mapigilan pa.
"Aaminin ko sa inyo wala na kaming contact sa kanya mula noong nakaraang 2 taon," amin ni tita Alexie sa amin.
"Totoo 'yon, Ash at Jinchi kami na magulang niya walang contact sa kanya." sabat ni tito Emman.
"Alam ko na babalik siya dahil sinabi niyang hindi niya kami iiwanan." iyak sambit ni tita Alexie sa amin.
"Bakit ba siya umalis ng walang paalam, dad?" tanong ng kakambal ko tumitig na lang siya sa biyenan niya.
"Ang sabi ni Elle may importante daw siyang gagawin." sabat ni tito Emman sa kakambal ko.
"Ano po 'yon?" tanong ng kakambal ko.
"'Yon ang hindi namin alam, Ash hindi siya nagsabi sa amin bago umalis ng Pilipinas." wika ni tito Emman sa kakambal ko.
"Sana wag mo siya iwan at ipagpalit kailangan ka niya." wika ni tita Alexie sa kakambal ko.
Nasa ibang bansa si Elle pero hindi sa Canada?
"Totoo ba na may relasyon kayo ng babaeng 'yon?" tanong ni tito Emman sa kakambal ko ng masdan siya.
"Opo, dad." amin ng kakambal ko at yumuko siya kaagad.
"Alam mong bawal ang relasyon nyo may asawa ka," sabat ni tita Alexie sa kakambal ko.
"Paano siya kapag bumalik ang asawa mo?" tanong ni tito Emman sa kakambal ko dahil alam naming mahal nila ang isa't-isa.
"Maghintay ka, Ash ina ako alam kong babalik siya." wika ni tita Alexie sa kakambal ko hinawakan niya ang kamay nito.
Pumunta na sa kani-kanilang kwarto ang iba ng matapos ang iyakan scenes nasa kabilang kwarto matutulog naman ang ibang kasama namin. Nagpa-iwan naman kaming dalawa ng kakambal ko.
"Ni de jihua shi shenme?" tanong ko at tinignan ko ang nakayukyok na kakambal.
(What are your plans?)
"I don't know, if what you say is a plan, I'm confused by what I know." amin niya sa akin.
"You know, she never left you for no reason and she never left you for another man." sambit ko.
"Oo na, mali ako dahil ang pag-aakala ko." aniya sa akin huminga na lang ako.
"Kung mahal mo na si Sherylle makipag-anulled ka kay Elle dahil bawal ang relasyon nyo ni Sherylle kabit mo siya kung ayaw mo na maging ganun siya sa buhay mo anulled lang solusyon nun at kung si Elle pa rin ang mahal mo makipag-hiwalay ka kay Sherylle," seryosong sambit ko at tinapik ko ito sa balikat bago ako lumabas sa kwarto na tinutuluyan namin at pumunta ako sa kabilang kwarto.
Pino-problema ko ang problema ng iba pero ang sariling lovelife—bokya!