Chapter 2

2081 Words
Pumapasok kami nang sabay pero, hindi katulad ng dati na magkasamang uuwi sa bahay namin. "Xiongdi, fuqi shenghuo zenme yang?" bungad ko sa kanya nang makita ko siya sa canteen namin. (How's married life, bro?) "Ayos lang, shenghuo zhong de yidian tiaozheng, women dou xiguanle, xianzai hen xingfu." aniya sa akin may kinawayan at napatingin ako nakita ko ang asawa niya na palapit sa amin. (A little adjustment in life, we both get used to it and we are happy now.) "May regalo sa inyo sina mommy at daddy pinapasabi nila sa inyo," sambit ko na lang sa kanya. Tumango siya at tumabi sa kanya ang asawa niya. "Sister in law na talaga kita, Elle hay..huwag na huwag nyo sasaktan ang isa't-isa." paalala ko sa kanilamg dawa. "Mahal ko ang kapatid mo, Ayana hindi ko ito sasaktan baka siya pa sa akin." wika ng hipag at kaibigan ko nilingon niya ang asawa niya. "Mahal din kita, hindi ko kayang saktan ka." aniya napangiti ako sa kanilang dalawa. "Inunahan mo pa talaga ako, bro pero masaya ako para sa inyo." sambit ko natawa silang dalawa sa akin. "O-order na ako ng kakainin natin," aniya sa amin at tumayo siya. "Hindi ka ba talaga buntis hindi pa rin ako kumbinsido," aniko sa kaibigan ko. "Hindi, sa'yo ko kaagad sasabihin kapag nalaman kong buntis ako." sambit ng hipag ko sa akin natawa ito pagkatapos. "Eh.." sambit ko na lang sa kaibigan ko. "Gusto lang nanin magpakasal hindi dahil buntis ako, Jinchi saka nasa tamang edad na kami nahuli lang ng isang taon kayo ng kapatid mo." sambit ng hipag ko sa akin. "Dapat gamitin mo na ang apelyido namin," aniko. "Mag-renew naman sa ibang ID ipapakita ko lang marriage certificate ko at magtatanong ako kung papaano sa national Id," sambit ng hipag ko sa akin. "Okay," sambit ko ilang linggo lang lumipas nakuha na kaagad nila ang marriage certificate. Napalingon kami sa taong lumapit sa mesa namin. "Louie!" sambit ng hipag ko sa lalaking nakatayo sa harapan namin. "Balita ko kasal na kayo ni Ash? Totoo?" mahinang tanong ni Louie sa amin kumuha siya ng upuan na walang nakaupo. "Yup," sambit ng hipag ko sa kanya hindi kami malapit sa bawat isa pero tropa namin siya. "Wala kang taping ngayon?" tanong ko na lang umiling siya. "Wala, pahinga ako ngayon kaya nandito ako sa school." wika ni Louie sa amin tumango na lang ako. "Speaking.." sambit ng hipag ko napalingon ako nakita ang kapatid ko na palapit sa amin. "Louie, wala kang shoot?" bungad niya at nilapag ang dalang tray sa mesa bago tumabi sa asawa niya. "Wala, gusto ko rin magpahinga sunod-sunod ang schedule ko nang mag-launch ako ng kanta at nalaman pa nilang anak ako ng may-ari ng hamman makulit si daddy eh apelyido ni mommy ang dapat ang gagamitin ko as screen name ayaw niya." wika ni Louie sa amin nagpaalam siyang oorder ng makakain niya. "Ganyan talaga ang buhay artista pero gusto namin ang larangang pinasok namin hindi dahil sa magulang namin," sabat ng hipag ko inakbayan siya ng kapatid ko at kinuha ko ang pagkain ko sa tray. "We know, Elle." aniya sa asawa niya pinag-titinginan sila ng mga schoolmates namin. Alam nilang magkakaibigan kami pero ang pagiging mag-asawa nila hindi nila nalalaman. Kami lang talaga kasama si Louie ang nakaka-alam ng tunay nilang status napatingin ako sa taong 'yon. Bully siya mula pagkabata namin kaya inis ako sa kanya pero mabait siya. Ngumiti ito nang pabalik sa pwesto namin inirapan ko na lang siya. "Ano ang regalo sa amin ni mommy?" tanong niya sa akin huminto ako sa pag-kagat ng hamburger na binili niya sa akin. "Hindi nila sinabi pero, ito ang pinapa-bigay nila sa inyo." sambit ko at binigay ko ang maliit na envelope sa kapatid ko. "Ano 'yan, AC?" tanong ng hipag ko sa kanya nang tignan ang hawak nito. "Sa condo ko na lang buksan," aniya tumango ang hipag ko sa kanya. Napatingin ako sa taong may hinarang sa mukha ko. "Inumin mo," alok ni Louie sa akin kumunot ang noo ko nang wala akong inumin sa tray. "Ash Chen Li Swellden, wala akong inumin?" inis kong sambit sa kapatid ko at tinuro ko ang tray. Inirapan ko siya at napadilat nang wala akong inumin sa tray. "Pinag-palit mo na talaga ako, Ash Chen kasama mo pa ako mula pagkabata." aniko at inirapan ko na lang ang kapatid ko. "Wala talaga? Wait, babalik ako sa counter." aniya at tumayo siya sa upuan niya. "Wala ka ng inumin, Louie." sambit ng hipag ko kay Louie nang mapansin ang ginawa nito. "Ayos lang, Elle bibili na lang ako ng panibago." sambit ni Louie sa hipag ko binalik ko na lang ang binigay niya hindi ko pa naman iniinom. "Salamat, pero sa'yo na 'yan binili mo para sa'yo." sambit ko at binalik sa harap nito ang inumin. Bumalik ang kapatid ko na may dalang inumin iniirapan ko pa rin siya sa ginawa niya. "Duibuqi, jiejie." aniya at nilapag sa harap ko ang binili niyang inumin. (Sorry, sis.) "Kainis ka!" sambit ko at ininom ang binili niya nag-peace sign siya sa akin hinampas naman ang kamay ng hipag ko. Nang tumunog ang bell tumayo na kami at lumabas sa canteen. "Hatid ko na si Elle katabi ng building nila ang classroom nila kung okay lang sa'yo, Ash?" tanong ni Louie sa kapatid ko nang tignan niya. "Sige, magkita na lang tayo sa condo, Elle." aniya sa hipag ko na kaagad tumango. Sumama na ang hipag ko kay Louie at sinundan na lang namin sila ng tingin. "Bakit kay Louie hindi masama ang mukha mo pero Clarkson iba ang hitsura mo?" tanong ko naglakad na kami papunta sa classroom namin. "Iba ang aura ko sa kanya kapag magkasama silang dalawa," aniya sa akin binatukan ko siya sinamaan niya ako ng tingin. "Ganti ko 'yan kanina, Ash Chen buwisit ka talaga minsan, ano?" aniko sa kanya at inakbayan ako nang abutan ako sa paglalakad. "Sorry, sis next time hindi na pero ang sweet ni Louie first time niya 'yon ginawa sa'yo aso't-pusa pa naman kayo noon." aniya sa akin hindi ko rin alam kung bakit niya 'yon ginawa sa akin. "Sino ang mag-susundo sa'yo?" tanong niya sa akin nang bumaling ang tingin niya. "Manong," aniko sa kanya. "Gusto mo i-sabay ka namin?" alok niya nang huminto kami sa tapat ng classroom namin. "Hindi na, susundin ako ni manong." aniko sa kanya ngumiti ako sa kanya nang abutin niya ang bag ko. "Nakaka-miss ang ginagawa nating magkasama," aniya natawa ako sa boses niya. "Ikaw kasi nagpa-tali ka na kaagad kay Elle, hindi kayo makapag-hintay ewan ko ba sa inyo." sambit ko. "Punta ka na lang sa condo kada sabado," aya niya hinawakan ko ang noo niya natawa naman ako nang alisin niya ang kamay ko. "Magpaalam ka na lang kay mommy hindi sa akin, bro." aniko at pumasok na ako sa loob ng classroom namin. Namiss ko rin ang kakambal ko sa bahay ang tahimik na kasi mula ng magpa-kasal siya sa kaibigan ko. Pero, masaya ako para sa kanilang dalawa. "Jinchi, bakit ganun ang hitsura ng kapatid mo?" tanong ng kaklase ko nang tumabi ako sa kanya. "Humiwalay na kasi siya sa amin, independent na ang kakambal ko." kaila ko na lang sa kaklase ko sumandal ako sa upuan ko. "Criminology talaga ang kukunin mo?" tanong ng kaklase ko sa akin. "Oo, HUMSS ikaw hindi ba Journalism? Ang kukunin mo?" tanong ko at tumango kaagad siya sa akin. Nagulat ako sa pagpunta ng kakambal ko kasama ang asawa niya. "Napasugod kayo?" gulat kong sambit sa dalawa nang mapatingin ako dahil nanonood ako ng TV sa sala namin. "Sina mommy at daddy?" tanong niya at tinawag ang magulang namin. "Kuya!" sigaw ng kapatid namin at yumakap nang makababa sa hagdanan. "Nasa groceries si mommy kasama si daddy," aniko at tumingin ako sa kanila. "Kuya!" tawag ni Kech sa kapatid niya at tumingin siya. "Ni de xueye zenme yang? Wo zai ye jian bu dao ni zai jiaoshi lile." aniya sa kapatid namin at ngumiti na lang. (How're your studies? I can't see you in your classroom any more.) "Wo de chengji dou hen gao, wo yizhi dou shi yiliu de, xiongdi, wo xiang ni, mommy shuo ni dulile, ni buyao zhu zai zhelile." wika ni Kech sa kapatid niya. (My grades are all high and I'm always on top, brother I miss you mommy said you're independent you don't live here anymore.) "Shi de, wo ye xiangnian ni de beibi." biro niya sa kapatid namin tinawag ko ang katulong namin na dalhan ng ma-iinom kami. (Yes, I also miss your meanness.) Kiniliti niya ang kapatid hinayaan lang namin sila ng hipag ko. "Bakit napapunta kayo ng biglaan?" tanong ko sa hipag ko pagkatapos may kinuha siya sa bag at inangat ito. "Susi ng bahay?" aniko na lang at ngumuti siya sa akin. Wala kaming pasok dahil mahal na araw. Ngumiti siya sa akin tama kaya ang hinala ko sa pinakita niyang susi. "Oo, 'yan ang laman ng envelope na binigay mo sa amin." sambit ng hipag ko napatulala na lang at kinuha sa kamay niya ang susi. "Napuntahan nyo ba ang bahay?" tanomg ko sa hipag ko at tumango siya. "Oo, ang ganda ng mansyon maliit siyang tignan sa labas pero kapag pumasok sa loob ng bahay ang laki." sambit ng hipag ko at kinuha niya ang panyo sa bag nang lumuha na siya. "Ashh..deserve nyo 'yan, sis." aniko sa hipag ko at niyakap ko na lang iyakin pa naman ang babaeng 'to. Bahay ang regalo ng magulang namin sa kanila. "Haha! Kuya!" tawang sambit ni Kech masaya akong nakikita ang ganito sa loob ng bahay namin. "Ash? Elle?" bungad ng isang boses mula sa likod namin. "Mommy! Daddy! Si kuya oh.." sumbong ni Kech sa magulang namin si mommy ang tumawag sa mag-asawa. "Mommy!" sambit niya at tinigilan ang kapatid namin. "Bakit kayo nandito?" tanong ni mommy sa kanila humalik kami sa kanya at kay daddy. "Ano 'yong susi natanggap namin, mom? Pinuntahan namin ang address isang bahay ang nakita namin." sambit niya at lumayo sa mommy namin. "Surprise gift namin sa inyo," wika ni mommy sa kapatid ko at tinawag ang katulong namin para kunin ang pinamili nila. Kinausap ni daddy ang kapatid kong bunso sala at nagpunta kami sa veranda. "Mom, gusto kong mula sa pera ko ang ipapatayo naming bahay." aniya at sumandal sa bato. "Bayaran mo ng paunti-unti, anak pera mo ang ginamit namin para gumawa ng bahay nyo kami ang nagka-utang sa'yo tanda mo pa ba noong bata ka pa nag-iipon ka para makabili ng gusto mo?" wika ni mommy sa amin tandang-tanda ko nga 'yon may ipon din ako nun nasa bangko. "Oo, mommy tanda ko hanggang ngayon nag-huhulog pa rin ako sa account ko." wika niya sa mommy namin hindi pa rin na-gets. "2 million na ang naipon mo at 'yon ang ginamit namin sa bahay na surpresa namin sa'yo, anak ibabalik namin ang inipon mo para naman sa magiging anak nyo." sambit ni mommy nagulat ako sa narinig napatingin ako sa kapatid ko. Natulala na lang siya sa nalaman niya naiiyak ang hipag ko sa narinig. "Hindi mo pansin, 'nak nakaka-ipon ka ng malaki sa bangko mo nang hindi mo pinapansin ang laman nagulat din kami ng daddy nyo nang alamin namin ang laman ng account mo proud na proud ako sa'yo." ngiting sambit ni mommy sa kapatid ko naiiyak na rin ako para sa kanya. "Wo bu gan xiangxin, mom?" sambit niya sa mommy namin at yumakap na lang siya. (I can't believe it,) Sumama na rin ako sa yakap nila hinayaan kami ng hipag ko na umiiyak sa galak. "Halika ka, Elle anak.." tawag ni mommy sa hipag ko at lumapit ito sa amin. Tumawa kaming apat sa tuwa nagka-yayaan kami na ipa-blessing ang bahay nila. "Amen!" sigaw namin mula sa loob ng bahay napahanga ako sa laki at ganda ng bahay nila. Nagluto ng pang-miryenda ang mommies namin at pumunta sa swimming pool ang daddies naiwan kami sa sala. "Jinchi, nagpagawa kami ng duplicate key, sa inyo ni Axelle kayo lang pwede pumasok sa loob ng bahay maliban sa magulang natin." wika niya at inabutan kami ng susi. "Weisheme?" tanong ko sa kanya at sinabit ko sa favorite bag ko na regalo niya sa akin nung birthday namin. (Why?) Dahil, iisa ang araw ng kasal nila at birthday namin. Pero, isang pangyayari sa buhay niya ang magdudulot ng pagbabago niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD