“For we know, brothers loved by God, that he has chosen you, because our gospel came to you not only in word, but also in power and in the Holy Spirit and with full conviction. You know what kind of men we proved to be among you for your sake.” – 1 Thessalonians 1:4-5
--
Chapter 1
Pearl
Kailanman ay hindi ko naringgan si Nanay Clara ng mga paninira kay Tatay Victorio. Pangungulila at pag-ibig na hindi na nadugtungan ng tadhana ang tanging pumapasok sa isipan ko.
Mahal niya ito sa kabila ng paghihiwalay. Tinawag niyang hindi para sa isa’t isa ang pag-iibigan nilang dalawa. Dahil kung mas matimbang ang pag-ibig kaysa sa buhay na gusto, mas pipiliin pa rin ang magkasama kahit iwan ang dating nakagisnang buhay.
Pinili ni tatay ang bumalik ng maynila. Samantalang ang Cebu naman kay nanay. They both loved each other but that ‘love’ wasn’t enough to fill the gap. Kahit… may anak pa silang dalawa.
And I longed for a father’s care. I longed for my twin sister. I longed for the complete family I never had.
Wala na rin ang Nanay Clara.
“Teka hija, alam ba ng mga Tiyahin mong nandito ka sa maynila?”
He prepared food and even accommodate me. Sa sobrang pagkamangha ko pagkakita sa kanya ay hindi ko halos napansin ang pinagdalhan niya sa akin. Nasa loob ako ng Sitting Pretty Salon na kanya ring bahay. Ang sala ay ginawang salon. Ang hagdanan ay nakadikit sa dingding pero ang kahoy at makintab na railings ay sinabitan ng mga picture frames. Nakita ko ang isang litrato ni Ruby. At sa hawakan ay nakapalibot ang kulay pink na laso. Kakulay ng mga kurtina.
Dalawang dingding na hindi magkatapat ay may malaking salamin. Sa ibang espasyo ay mga makukulay na poster. Pamilyar na Korean Pop Idols na paborito ni Pamela sa isa sa mga nakadikit na poster. Tatlo ang upuan para sa customer. Sa tapat ay makitid at pinasadyang mesa na pinaglalagyan ng gamit sa panggupit. Hindi ko mabilang kung ilang gunting, suklay at brush na puro itim ang naroon. Pati blower at curler ay itim din. Ang upuan ay itim din. May mga basket sa may kaliitang push cart.
Sa isang estanteng may salamin ay naka-display ang mga produktong pang buhok. Shampoo, conditioner at pangkulay na malalaki ang botelya. Nakarolyo rin ang mga itim na tuwalya sa ibaba no’n. Organized tingnan at nalilinisan naman ang itsura.
Wala silang customer na pinapasok. Wala ring pumapasok pero binaliktad pa rin nila ang nakasabit na karatula para sabihing sarado ang salon sa oras na ito.
Kasama pa rin ang dalawa na maingay kanina. Nakabukas ang TV sa tabi ng estante pero mababa ang volume.
“Alam po nila.” sagot ko sa nakita kong pag-aalala sa mukha niya.
Pinaupo nila ako sa two-seater sofa na nakatapat sa TV. Iyong dalawang tahimik at kuryoso ay nakaupo sa gupitan. At si Tatay ang mag-isang nakatayo.
“Buti pumayag?”
Magkadikit na magkadikit ang mga tuhod ko. Ang tingin sa mga pares na matang nilang tatlo ay sinusuri ako o ang damit o ang mukha ko. Hayagang nasa mga mukha nila na hindi makapaniwalang narito ako. At hindi ko maiwasang maasiwa sa kabila ng damdamin ko pagkakita kay Tatay Victorio.
“Hindi kaya tumakas Mama Vicky kaya nandito?”
Nanlalaki ang mga mata nu’ng kulot na lalaki. Nawala na ang galit at muhi sa mga mata nila kanina sa babaeng pinaalis.
“Siguro inaapi siya roon. Pinaghuhugas ng libo libong plato araw araw at napagod na siya,” sang-ayon ng may maiksing buhok sa kanya.
“O kaya, pinaglalaba ng mga kurtina, kumot at carpet. Pinaglilinis ng four hundred fifty na kwarto,”
Suminghap ang katabi niya.
“Pinapaakyat sa tsimineya para pakintabin ‘yon.”
“Kung walang tsimineya?”
“Hm, edi bubong. Inuutusan siyang maglagay ng vulcaseal kasi siya lang ang pwedeng utusan at nagtitipid sila. At kapag may mga event, hindi siya pinapasama. Naiiwan lang sa bahay kasama ng mga daga at aso na bestfriend niya,”
Hindi ko sinatinig na wala kaming aso at ayaw sa daga ng mga Tiyahin ko. Pero nahiya akong sabihin.
“At sumakit ang tiyan ng Fairy godmother niya kaya hindi rin makaalis ng bahay. So, dito siya napunta sa maynila. Whatcha think, Mama Vicky?”
Isa isang dinagukan ni Tatay ang mga nakaupo. Umawang ang labi ko.
“Cinderella? E mas mukha pa kayong mga evil stepsisters niya. Jojombagin ko kayong dalawang kung hindi niyo ititikom ‘yang mga bibig niyo!”
Humalukipkip ang may maiksing buhok na tila maldita.
“Kung kami ang evil stepsisters, ikaw naman ang impaktang stepmother niya.”
“Gaga. Stepfather.”
“Edi stepbrothers tayo?”
Dinagukan sila ulit ni Tatay sabay kurot sa sa tagiliran.
“Biro lang naman, Mama Vicky e! Ang sakit ng mangurot parang dinosaur ang kamay.”
“May kamay ba ang dinosaur?”
“Oo naman! Marunong ngang magbukas ng pinto.”
“Ay wow ang taray nakakapagsalita ang anak ng dinosaur!”
“Tumahimik nga kayong magkapatid.”
Nagulat ako. Hindi naman nagtaas ng boses ni Tatay Victorio pero dinig ang inis nito sa mababa at buong boses. Napatiklop niya ang dalawang madaldal at seryoso sa mga sinasabi.
Tumikhim ako. “Uh, hindi po ganoon sina T’yang Adora. Mababait po sila at… simple lang ang bahay namin sa Carcar. Hindi po marangya.”
Ngayon lang ako nakarinig ng 450 na kwarto. May ganoon ba? Sobrang laki naman yata ng bahay na iyon.
Nilapitan ako ni Tatay at umupo sa sofa. “Pagpasensya mo na itong sina Mariposa at Dyosa, Pearl. Gan’yan talaga magsalita ang dalawang ‘yan at minsan ay walang preno ang bibig. Pero… ano bang dahilan at napadpad ka rito sa maynila, anak? Hindi siya a-ayaw kong narito ka kaso… matagal na akong walang balita sa ‘yo magmula ng mamatay si C-Clara.”
His voice cracked as he mentioned my mother’s name. Hindi ko maikakailang may tumusok sa puso ko sa pagkabasag ng boses niya.
“Alam niyo po palang namatay ang nanay?”
Umiwas siya ng tingin at hindi sumagot.
“Matagal ko na po kasi kayong gustong makita ng kambal ko.”
Tiningnan niya ako ulit. Sumakit ang lalamunan ko at muling uminit ang mata ko.
“Alam ko pong… mas pinili niyo si Ruby na dalhin dito pero hindi po ako galit o nagtatampo, tatay. Hindi po ganoon ang pagpapalaki sa akin ni nanay. At talagang gustong gusto ko po kayong makilala...”
I said the whole truth from the bottom of my heart. Walang binibit kundi pag-aasam na matanggap niya rin ako bilang anak kahit panandalian. Hinanda ko na rin ang sarili kung sakaling hindi niya ako akuing anak. Basta ang maranasan na makasama siya kahit isang araw ay sapat na. Pwede na akong umuwi baon ang alaalang hinding hindi ko malilimutan.
Hindi ko namalayang lumandas ang masaganang luha sa gilid ng mata ko na pinunasan ni tatay Victorio.
“Hindi rin naman po ako magtatagal dito sa manila. Gusto ko lang po kayong makita. Ayun lang naman po…”
Hindi ko inalis ang titig sa kanyang mukha. He is my biological father that I haven’t seen for twenty-three years of my life. Now, this small dream of mine has fulfilled. I’m so grateful. So very grateful for this moment to happen. Na kahit ano pang isagot niya ay okay lang. Tanggap ko at hinanda ko naman ang sarili.
Atleast, I’ve seen him and Ruby. I got my wishes granted.
Lumambot ang kanyang mata. Kinuha niya ang mga kamay ko at kinulob sa kanyang mga kamay. Nilalamig siya. Nanginginig din. Ang isiping gusto niya rin akong makita ay sobra sobra na sa pinangarap ko. Sobra na iyon.
“Kahit magtagal ka rito anak walang kaso sa akin. Ang bahay ko ay bahay mo rin. Kung alam mo lang ang pagsisisi kong iwan ka sa nanay Clara mo. Kung kaya ko lang… sana lahat kayo kinuha ko. Pero naunahan na ako ng takot at hiya. Hindi na kita nabalikan.”
Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Para akong bituin na pinagningning at nasilaw sa sariling liwanag dahil sa una niyang sinabi. Pakiramdam ko, nagkaroon na ako dahilang bumalik ng maynila at karagdagang pamilya. Umaasa akong matutuwa ang mga Tiyahin ko sa nangyari sa lakad kong ito.
“Alam mo bang niyaya ko ang Nanay Clara mong sumama sa akin noon?”
Suminghot ako. Nanakit ang lalamunan ko pero pinilit kong tumango. Kinuwento iyon sa akin.
My mother said no. Mas gusto niyang sa Cebu. Sinubukan niya ring manirahan sila pero maynila ang pinili ni Tatay.
“Tinanggap naman ako ng Nanay mo kahit alam niyang… g-ganito ako. Sumubok kaming magsama pero sadyang hindi ko makakayang sa Carcar manirahan. Ilang beses ko siyang niyaya. At umasang madadala ko siya pag-uwi. Mas pinakinggan niya si ate Adora. Hindi niya ako gusto, obvious na obvious naman. Sa huli, kinuha ko si Ruby at iniwan kita sa kanya. Nangako akong magsusulatan kami. Nakuha sa ganoon sa umpisa hanggang unti unting hindi napanindigan at…”
“Nagkalimutan.”
Nag-angat siya ng tingin. Lumamlam ang mga mata niya at muling umiwas.
“Hindi ko siya nakalimutan, Perlas. Katulad na hindi ko paglimot na may anak ako sa Cebu. Mahirap ipaliwanag na kahit hindi kami nag-uusap, nasa alaala ko pa rin si Clara. Ang mga Tiyahin mo lang talaga…”
I’ve been told even back home how cold and stiff my Aunties were. Tanong ni Pamela kung paano ako nakakatagal sa puder nila gayong maraming bawal at istrikto. Pero hindi ako nagrereklamo. Siguro, nakasanayan ko. Nakalakihan ko ang mga turo nila sa akin.
Pareho kami ni Nanay Clara na naiintindihan ang protectiveness at simpleness ng buhay kasama sina Tiya Adora, Tiya Bertha at Tiya Alma. Kahit na may nagsabing takot lang sila sa mga lalaki. Pinagkibit ko ng balikat. Ako ang kasama nila araw araw sa bahay kaya mas kilala ko. At saka… parang baliktad iyon.
Pero paminsan-minsan, naku-curious ako sa buhay na buo ang pamilya. Iyong normal na sinasabing may ama, ina at kapatid. Nakapunta na ako sa bahay ni Pamela at nakita ko na ang parents ni Mark. Walang boses ng lalaki sa bahay namin. Kung kaya naming mga babae ang simpleng pagkukumpuni ay kami ang gumagawa. Ako ang nagpapalit ng ilaw at naglilinis ng electric fan. It’s no big deal. But sometimes electrical problems at home defy my patience. Lumalapit na ako sa kakilala para humingi ng tulong.
Binabayaran ni Tiya Adora ang mga gumagawa sa bahay. Then back to normal again. I lived my life like that with them. And I never dream for something more. Except to see my father and twin sister.
“Hindi na po kayo nag-asawa ng iba?” I still asked him.
“Wala na, anak. Sa itsura kong ‘to at kakirihan ko, sa iisang babae lang ako nagkagusto at ayaw ko na. Hindi ko na mahahanap pa sa iba si Clara.”
Pinagmasdan ko si Tatay Victorio. Hindi siya katangkaran at medyo malaki ang tiyan. Ang buhok ay hanggang balikat at kulot na kulot. Namana kay Nanay Clara ang straight at kapal ng buhok namin ni Ruby. Kayumanggi ang balat ni Tatay. Maputi si Nanay. Our bone structure, skin and a lot of features we got from our mother.
“Ang pinakanagustuhan ko sa tatay mo, alam kung ano mo, Pearl?”
Pumangalumababa ako at nakangiting nakatingin kay nanay. Nagtitiklop siya ng mga damit at ako naman ay nasa mesa. She was always smiling whenever talking about Victorio Herrera.
“Ano po, ‘nay?”
She gave me that pretty and gentle smile of her.
“Masipag at marunong magpatawa. Ang sungit nga no’n noong una pero kalaunan, naging sweet din. Siya ang una at huli kong nakarelasyon.”
And she didn’t add anything words after that. Hindi ko maalis ang titig sa tatay nang maalala ko ang palaging kwento ni nanay tungkol sa kanya. Magkaibang ang kanilang mundo mula umpisa pero nag-ugnay nang dahil sa pagmamahalan. Ang ending, naghiwalay pa rin dahil hindi matimbang ang pag-iibigan.
Nanay was showing his gentle and smiling—contented face. While her eyes speaking the opposite. Hindi ko nagawang magtanong. Noon ay hindi ko maintindihan ang pagkakaiba ng ganoong reaksyon.
Nadaig sila ng circumstances at natalo ang feelings. Kung natutong mag-commit sana edi buo ang pamilya namin. Kaso hindi. Different people face different obstacles with different view in life. Kung mas lalawakan ang tinatayuang mundo baka mahatak ang determinasyon sa tamang landas.
Pero hindi ko sila masisising dalawa. Mas mabuti pang unawain ko kaysa ang magalit. For me anger is a poison to heart. I’m still blessed to have my aunties who took care of me since childhood. Ang gusto ko na lang ay magbago ang pananaw nila sa tatay.
Kung papayag si Ruby, isasama ko siya sa Cebu para makita nina T’yang. Matutuwa rin iyon kapag nakita niya ang mga namanang alahas sa Lola namin. From the Villaruz family. Sa tingin ko mahilig siya sa ganoon. Excited akong ilibot siya sa lugar ni nanay at ipakilala kina Pamela. We will roam there and let her taste the beauty of Cebu. Like how I will explore her town--Manila.
“Kumain ka rito, Perlas. Sige lang. Mariposa, bumili ka pa ng 1.5. Nauuhaw ang anak ko dalian mo.”
Naglabas ng isangdaan si tatay galing sa bulsa ng pantalon.
“Ayos na po ako sa tubig, tatay.”
Marami na siyang pinabili. May mainit na tinapay, pansit bihon at ice cream. Itong pinagsasaluhan-saluhan namin ay sobra sobra na.
“Ay hindi, anak. Dapat nga nagluto ako. Kaso mamamalengke pa. Di bale, bago ka bumalik sa Cebu, ipagluluto kita. Oh,” inabot niya ang pera kay Mariposa.
“Coke o Sprite?” sabay ayos niya sa maiksing buhok.
“Ano sa ‘yo, Perlas?”
Ngumiti na lang ako. “Bahala po kayo.”
“Hindi ko pa ‘yan natitikman, Perlas ng silanganan--aww!”
Napalunok ako nang batukan ni Tatay si Mariposa.
“Isang coke at sprite.” Nagdagdag ulit siya ng isangdaan.
“Tanginaka kasi ang dami mong sinasabi—oops!”
Sabay takip ng bibig si Dyosa at namimilog pa ang mata.
“Sorry. Nagmumura ka ba, Perlas?” tanong ni Dyosa.
“H-hindi po…”
Nagpatuloy sa paghinga si Mariposa. “Dalawa na ang malinis ang looban dito. Jusko! Malapit na kaming masunog!”
“Bumili ka na. Tapos, pauwiin mo sina Gelay.”
Tiningnan ko sa malapit ang ilang mga picture frame na naka-display sa hagdanan. Puro litrato ni tatay at Ruby sa bawat graduation. Elementary, High school at College. Tourism daw ang kinuhang kurso ni Ruby at minsan ng sumali sa local beauty pageant contest.
“Maganda ang kapatid mo. S’yempre kami ang nag-aayos kaya lang pagdating sa Q and A, lumagapak. Hindi mabili sa judges ang sagot niya kaya hindi nauwi ang title.”
Nakatingin ako sa Elementary graduation photo niya. Nasa stage siya. Kinakamayan ang nag-aabot ng diploma. Naka-makeup si Ruby at kulot ang buhok niya rito. Mahaba ang eyelashes at makapal. Ang pisngi ay namumula.
“Siguro nalungkot po ‘yon nang matalo.”
“Si Ruby Francine malulungkot?! Hindi uso ‘yon sa kanya, teh.”
Napabaling akong bigla kay Dyosa na kumakain pa rin ng tinapay na pinalamanan ng pansit. Nakangisi pa ito.
“Ano pong nangyari?”
“Ha! Nagwala at naimbyerna sa kanya ang ibang kandidata kasi inagaw niya ang korona ro’n sa nanalo. Ayaw isoli. Napasugod kami sa stage para ibaba na siya kaso binalibag ‘yung korona sa bubong ng katabing building. Susme. Katakot takot na gulo at away ang inabot namin sa kanya. ‘Yan ngang tatay mo, ilang beses humingi ng sorry sa parents ng nanalo.”
“Nakalimutan ko na ‘yan.” Malumanay na sabi ni tatay.
“Halos mabunot ang buhok ko para hindi masaktan si Ruby sa mga galit na kandidata tapos ni wala akong nakitang pagsisisi sa kanya? Ewan ko ba ro’n sa babaeng ‘yan. Pinaglihi yata sa bulok na mangga kaya ganyan.”
Napatingin ako kay tatay. “Mukha naman pong hindi ganoon si Ruby,”
Tumango tango lang si tatay. Alam kong hindi ko pa gaanong kilala ang kakambal ko pero magkadugo kami. Itong pagsasalita ng hindi maganda sa kanya ni Dyosa ay nasasaktan na ako. Kung may masama mang ugali ang tao, tiyak na may kabutihan din. Pero kadalasan ay mas napupuna ang masamang nagagawa kaysa maganda.
Pinakita sa akin ang lumang photo album ng kapatid ko. Kamukhang kamukha ko siya. Nagbabago lang sa impression ng mata at ngiti. Madalas ay kanang corner ng lips ni Ruby ang tumataas kapag ngumingiti sa bawat litrato. O kaya hindi lumalabas ang ngipin kung ngingiting maayos. She looks like the playful girl on her teenage years. High school pictures pa lang, natuto na siyang mag-makeup. Palaayos at postura palagi.
Some of her old photos were taken in a restaurant and or parties. May isang litratong halos puro lalaki ang katabi.
“Mga kaibigan niya ‘yang puro mayayaman.”
Tinuturo ni tatay ang mga litrato at tapos ay sasabihin ang kwento.
“Marami po pala siyang kaibigan dito at kahit noong nag-aaral pa.”
“Mabarkada ang kambal mo. Hindi mapirme sa bahay,”
“At sakit pa kamo sa ulo.”
Hindi ko na tiningnan si Dyosa nang magsalita ito. Nakita ko naman kaninang nagse-cellphone na siya.
“She’s approachable and friendly,”
That’s how I pictured her during high school.
“Ganoon ka rin ba sa Cebu?”
Back in high school, mas kumonti ang naging kaibigan ko. Kapag may lalaking nagsasabing crush ako, agad kong nilalayuan o kaya naman ay hindi papansinin. Palagi kong nasa isip, pag-aaral muna. Iyon din ang matinding bilin ni Tiya Adora. Inuuna ko rin naman ang studies ko kaysa ang pakikipagrelasyon at parang hindi ko kayang pagsabayin iyon kung sakali. Wala rin naman akong nagustuhan na kahit sino.
“Hindi po, ‘tay. Kaunti lang.”
He smiled. “Mas reserved ka at mahiyain ka kaysa sa kambal mo.”
“Saan kaya bumili ng softdrinks si Mariposa? Sa Jupiter pa yata.”
Tumungong kusina si Dyosa at narinig ang pagbukas ng refrigerator. Hindi pa rin naman ako natatapos sa pagkain dahil sa pagtingin sa mga litrato ng kambal ko. At nalilibang sa pagkukwento ni tatay sa buhay nila noon. Gusto kong marinig ang pinagdaanan nila no’ng wala ako.
“Sigurado akong bihira ka ring lumabas ng bahay at pumasyal-pasyal sa mga kaibigan, ano?”
Napatingin ako.
“Gan’yang ganyan sila sa nanay Clara mo. Sobrang conservative, istrikto at maraming bawal. Ultimo pagsusuot ng damit, mapili. Hindi pwedeng naka-shorts kapag lalabas. Ganoon pa rin ba sila hanggang ngayon?”
“Sa tingin ko po.”
He chuckled and flipped the next photo. “Kung si Ruby ang nasa kanila, t’yak delubyo ‘yon sa kanya. Pero okay ka lang ba?”
Inisip ko si Ruby sa bahay. At ang reaksyon ni Dyosa sa pagkukwento sa contest. Kinagat ko ang labi. Parang nai-imagine ko ang maagang pagputi ng buhok nilang tatlo.
Umayos ako ng upo. “Mukha naman pong napagsasabihan si Ruby, ‘tay. Siguro talagang nagsusungit pero hindi naman ‘yun bago sa ugali ng tao. I’m sure magugustuhan din siya nia Tiya. Lalo na ni Tiya Alma. Mahilig po ‘yung manood ng mga beauty pageant,”
Biglang naibaba ni tatay ang hawak.
“Nagkita na kayo ng kambal mo?”
Tumango ako.
“Kailan? Aba, ang tagal ng hindi umuuwi ‘yon dito. Nasaan ang kambal mo ngayon?”
“Nasa condo po ni Preston.”
“Preston? Sila pa rin ng lalaking ‘yon? Akala ko nagbreak,”
Kumurap kurap ako. Lumabas si Dyosa ng kusina dala ang ininumang baso ng tubig.
“Ano ka ba, Mama, hindi nawawalan ng jojowain ‘yang si Ruby. Vitamins na niya yata.”
“Magtigil ka nga at anak ko ‘yan.”
Nagtakip na lang bibig si Dyosa na naglalakad pabalik sa inupuan.
Tumikhim ako. “Na-contact ko po siya sa f*******:, ‘tay. Doon kami unang nag-usap at sinabi ko kina Tiya Adora. Pinapunta niya po ako rito para magkita kaming dalawa. Ipinagpaalam ko po iyon at agad akong nag-impake. Kahapon po ako dumating. Sinundo niya ako sa Airport.”
“Saan ka natulog kung ganoon?”
“Dinala niya po ako sa condo ni Preston. Doon din po yata siya nakitira kaya hindi nakakauwi rito.”
Bago sa akin ang magsalita sa paraang tila pinagtatanggol ko ang kambal sa pagiging pasaway nito. I liked it. Sa tingin ko ay tungkulin ko ang gawin ito. Lalo na’t wala siya.
“Pambihirang bata ‘yon. Sa ibang bahay pa pinatulog ang kapatid imbes na iuwi rito.”
Sinarado ko na ang photo album. Parang uminit ang ulo ni tatay.
“Hindi po ba niya nasabing pupunta ako rito sa maynila?”
Sila ni Dyosa ay natigilan at nagkatinginan. At saka… umiling.
“Wala kaming kaalam-alam, hija. Hindi kami nagkakausap ni Ruby at ewan ko sa batang ‘yon kung anong pinagkakaabalahan. Sana man lang ay mag text o tumawag. Kaso…”
Tumayo ako at hinaplos sa likod si tatay. Sinabi niya ang ibang kalungkutan sa hindi pagpapakita ni Ruby sa kanya at pati hindi pagtetext. Kaya sa oras na makabalik ako sa condo, pagsasabihan ko siyang kausapin si tatay. Hindi pwedeng pinag-aalala niya ito. At mukha namang maganda ang hanapbuhay niya. Kahit si Preston ay mukhang may sinasabi.
Napatingin kami sa pinto at pumasok si Mariposa. Bitbit ang tig-isang bote ng coke at sprite. Tumayo na rin si Dyosa para kunin ang softdrinks na kanina pa hinihintay.
“Ang tagal neto,”
Nilapag sa mesa ang coke pero naiinis pa ring binuksan.
“Pasensya ka na, amo. Tinulungan ko si Gelay,”
“Bakit ano bang nangyari?”
Bumukas ulit ang pinto. Una kong narinig ang pagpalahaw ang iyak ng isang bata. Iniwan pa ako ni tatay para salubungin iyon.
Napalapit ulit sa pinto si Mariposa. Pumasok ang isang babaeng may buhat na batang babae.
“Why are you crying, baby girl?” alu ni tatay.
Mahaba at straight ang buhok ng bata. Maliit pa. Parang nasa tatlo o apat na taong gulang. Medyo magulo ang buhok at basang pawis.
“Kung saan saan na nga kami nakarating para tumahan kaso-
Tumigil si Gelay sa pagsasalita pagkakita sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumanganga. Tinuro niya rin ako.
“Nandito na pala ang mommy mo, Jewel.”
Agad natigil sa pag-iyak ang bata. Buhat na siya ni tatay. Pagkakita rin sa akin, nagpababa ito at patakbong lumapit.
“Mommy!” she cried again. Ang maliit at munting tili ng boses ang nagpapatda sa akin.
Niyakap niya ang mga binti ko. Hindi ako nakagalaw kahit kaunti.
“Mom… my…” she murmured in between her sobs.
Umawang ang labi ko. Hinayon ko ng tingin sina tatay. Mariin niyang tinikom ang bibig at tinapat ang hintuturo. Tinitigan niya akong maigi.
Si Dyosa ay umiling. Si Mariposa at Jelay ay napaatras na tila may kinatatakutan.
At ako… ngayon ko lang nalamang may anak pala si Ruby.