CHAPTER 03

1721 Words
Naging alila nila ako, kung saan naglilinis at nag iigib ng tubig na kariton lang ang gamit. Hanggang ngayon hindi ko alam kung matatawag kobang tinuturuan lang ba talaga ako ni manang santa oh paraan lang niya ito para maging sunud sunuran ako sa lahat ng ipapagawa nila, dinaig kopa yung katulong na walang pahinga sa trabahong bahay eh, gabi lang ang pahinga ko, wala namang pake-alam ang anak niyang binata laging nagkukulong sa kwarto. Tumagal ng tumagal at lumabas din ang totoo nilang ugali kung saan sobra akong nagtiis sa kalupitan nila, Nandun yung bubugbugin ako kapag hindi ko nagawa ng maayos ang ipinag uutos nila sakin, nanduon yung paglalabahin ka ng mga damit nila, paglilinisin ng buong bahay, lahat ng trabaho sa bahay ay ako ang gumagawa. Pero kahit naman na medyo masama sila may nagawa parin namang tama na sobra kong ipinagpapasalamat sa kanila dahil pinag aral nila ako at naransan kong mag aral at maging bata, pero ang pinagkaiba ngalang ako ang nag aasikaso ng sarili ko, at naglalakad minsan kung walang pamasahe. Minsan naman inuutusan nila ako maglako ng mga kakanin na niluluto nila at gulay na tanim namin sa bundok nilalako ko ito sa palengke kapag sabado at linggo para may pambaon ako at pambili namin ng bigas. Pagkatapos ko ngang maglako magtatrabaho pa ako sa bahay pag uwe, hinayaan ko nalang na ganito ang trato nila sakin,atlis hindi ako nakakaranas ng molestya at todo todo na pambubugbug di tulad ng amain kong demonyo, kahoy at sinturon ang pinangpapalo sakin nuon kaya okay narin na dito ako kahit pagod ako buong maghapon, pero never kong naenjoy ang pagkabata ko. Dumaan pa ulit ang isang taon at nakatapos ako ng grade one. Nagdarasal nalang ako na sana kunin nalang ako ni mama sa kanila dahil pagod na akong makisama sa ugali nila, pagod narin ako sa araw araw na trabaho ko sa bahay nila na parang isang katulong taga sunud ng dumi nila at minsan hindi pa pinapakain ng maayos, tira tira nalang ang nakakain ko oh kaya mga tutung, minsan dumating panga sa punto na pati pagkain ng aso kinain ko narin, dahil sa sobrang gutom ko. Sa lahat ng napagdaanan kong hirap at mga tiisin, kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa mama ko, kahit na ganito ang mga naransan ko, mahirap mang tanggapin na sobra sobra talaga ako napabayaan ni mama pero hindi parin ako galit sa kanya mahal na mahal ko kase siya. Habang naglalako ako ng gulay sa gilid ng daan, at nakaupo ako habang nag aabang ng bibili sa paninda ko, may isang pulang van na huminto sa tapat ko, at bumama ang maputing babae, halos maluwa ako ng makilala ko ang hitsura nito napaiyak nalang talaga ako ng muli kong makita si mama ulit. Hindi ko alam pero bigla nalang ako nakaramdam ng sobrang pagkatampo sa kanya kase una kong inisip na buti pa siya maganda na siguro ang buhay, may sasakyan na nga eh, tapos may dalawang batang lalake na udad apat at dalawang taon gulang na babae naman na sumilip sa likuran ni mama, na tuwa pa ako ng makilala ko ang bunso kong kapatid na malake napala dahil tatlong taon na ang nakalipas mula ng iwan nila ako. Niyakap niya ako tapos umiyak,sinabe niya sakin na sumama na daw ako kase okay na daw ang buhay niya kaya na daw niya kame buhayin, nakita ang lalaking nasa front sit at nakangiti sakin. Mapait akong ngumiti ng pabalik dito at kita ko naman samuka nito na mabait, Nagtaka pa ako ng makita ko si mama na naupo sa tabe nito at kameng tatlo nasalikuran naman. Hindi nalanga ko nagtanong pa dito at napangit I nalang ako sa ere dahil sa wakas matatapos narin ang pagtitiis ko sa kamay ng mga taong kumupkop sakin. Agad ako napatingin sa batang babae na may idad na dalawang taon maputi ito at kulot ang buhok parang manika nga eh, .mAy lahi kasekaming kastila kaya magaganda at gwapo kami talaga. "LAY KAPATID MO!.." Biglaang sabi ni mama na ikinagulat ko. " Ahh ang cute niya sabi ko naman!.." Hindi ako agad nakatingin ng deretso kay mama, at saglit na nagpigil ako ng luha. " Ang hirap pala ng ganito yung grabe ang pagtitiis mo sa kamay ng taong hindi mo naman kadugo, tapos yung sarili mong ina, na habang umiiyak ako sa gabi at nagtitiis, sila naman pala itong may marangyang buhay na, habang ako nagpapakahirap para lang mabuhay at makaraos sa araw araw kahit sukong suko na ako!. At may bago na naman pala na asawa.." Pagag akong natawa sa kinauupuan ko habang patago nalang nagpapahid ng luha sa gilid! (T_T)..." Agad ako natakot ng bigla kong ma-alala ang ginawang pagmomolestya ng stepfather ko sakin, natakot ako bigla at na ngamba na baka maging ganun na naman ulit ang mangyari sakin sa kamay ng bagong asawa ni mama. Tatlong oras din ang naging byahe namin bago kame nakarating sa bahay nila. Huminto ito sa up and down na bahay na ang akala ko bahay talaga nila yun, pero hindi dahil sa pagpasok namin ay nakita kong marami mga kwarto. Yun pala na ngungupahan lang pala sila sa hindi gaano kalaking kwarto. At yung van na ginamit sa kasamahan lang pala niya iyun, ang buo kong akala maganda na buhay nila mama, pero hindi naman pala. Pero kahit na, naging okay naman din kase nagbibigay naman ito ng pera kapag umuuwe, at mabait naman ito sa amin ni bubuy, hindi narin si mama nagpaakahirap mag hanap buhay dahil nasa bahay lang siya at inaasikaso kami ng mga anak niya. Naging okay narin ang buhay namin sa maikling panahon at taon. Ang napansin kolang din kay mama ng time na nakapa gang asawa ito ng mapera, magastos at hindi marunong mag tipid, na alala kopa nuon na may grocery na at isang sako na bigas tapos nakita ko pa na binigyan pa siya ng tatlong libo kada linggo pag uuwe ito, pero ubus iyun lahat sa sugal, pero minsan lang naman, basta ewan ko hindi ko alam saan ba talaga napuputa ang pera niya, minsan lang naman kase mag grocery si tatay roger eh, pero palaging nag aabot kay mama ng allowance namin. Tuloy tuloy na ang pag aaral ko hanggang sa nag grade two na ako, hindi ko nalang pinansin ang pang aasar ng classmates ko sakin na bata dahil sa idad ko na sampo, at grade two parin ako, hindi naman ako halata dahil maliit lang ako na babae at isip bata parin naman hindi pa ako nag dadalaga. Naging maayos na ang buhay ko kasama ang mama ko, kahit ilang taon kaming hindi nagkasama, pero mahal na mahal ko parin si mama. Hanggang sa isang araw narinig ko silang dalawa nag uusap habang kumakain, ako na naman itong na nunuod lang sa gilid, Narinig ko si mama na nagsabe na gusto daw nito umuwe sa kanilang lugar,sa mindanao daw. Tumango naman si papa roger, narinig kopa na gusto daw ni mama na bisitahin ang mga magulang niya. Napangiti naman ako ng maisip ko na may lolo pa pala ako at lola. Uuwe daw kame sa mindanao pag nag closing na daw, at duon nalang ako pag aaralin kung sakali ni mama,agad naman akong pumayag dahil naisip kong lola at lolo ko ang magbabantay sakin duon kaya walang problema . Sumapit na nga ang buwan na inaantay ko at naging excited ako sabyahe namin papuntang mindanao, wala naman akong alam kung malapit lang ba ito oh malayo. Basta excited ako sa magiging byahe namin. Sumakay kami ng bus tapos dalawang araw ang naging byahe namin, pagkatapos sasakyan pang bangka naman patawid ng malawak na dagat, sobra ako nag enjoy sa byahe namin ni mama. Hanggang sa makarating na nga kame ng Cagayan de oro city, at sumakay ng taxi, nagulat pa ako ng marinig ang kakaibang lengguwahe nila na ang tawag cebuano. Naging tahimik lang ako at nagmasid sa buong kapaligiran habang binabaybay ng sinasakyan naming taxi, lumiko ito sa may pataas na kalsada pa puntang bundok dahil sa maraming malalaking kahoy pero may kalsada naman. Mahigit 30 minuto pa ang inantay namin bag onto makarating sa bahay mismo ng mga magulang ni mama. kita ko ang saya sa mukha ni mama na tila sabik na sabik itong makita ang kanyang mga magulang, na alala kopa yung nag kwento siya sa akin na mahigit 20years daw niyang hindi nakita ang mga magulang niya. Huminto ang sinasakyan naming taxi at pumarada sa gilid. Unang bumama si mama habang ako at ang dalawa kong kapatid ay naiwan pa sa loob ng taxi, nakita ko si mama na may kinausap na medyo may katandaan, unti unti namang dumami na ang mga kaidaran kong tatlong batang babae at mga dalaga. Nahiya naman akong bumababa at inantay ko muna si mama na tawagin kami. Maya maya pa ay nakita kong may niyakap na si mama dalawang matanda at nag iyakan, ng matapos ay tinawag naman ako ni mama na bumaba na. Kaya bumaba naman na ako bitbit ang bunso kong kapatid, tanaw ko sa muka ng mga batang kaidaran ko ang pagkawili na makipagkilala sakin, nagulat din ako sa reaction nila dahil sobrang puti ko naman kase habang sila morena pero magaganda naman din. Dumaan ang isang buwan at masaya akong naparito sa totoo lugar ng mama ko dahil dito ko nadama ang saya at naenjoy korin ang pagkabata ko, pakiramdam ko naging safe ako sa lahat, at saglit na nakalimotan ko lahat ng masasalimuot kong napagdaanan, na hanggang ngayon baon baon ko parin at wala paring nakakalam kahit si mama. Naging masaya ako sa lugar ng lolo ko at lola ko kasama ang kapatid ni mama nasi Richard at fernando. Pero ang isa sa nakapag bigay inis sakin ay ng malaman kong walang tubig na kailangan pa palang mag igib ng tubig gamit ang kariton. Napakamot ako ng ulo ng may ma alala na naman ulit, pero pinii ko nalang ienjoy dahil side car na bike ang gamit namin kung saan kasama ko naman sila emily, eray, at edlyn at Yvonne at si richard na angkel ko pero matanda ako ng tatlong taon sa kanya. Mga kaidaran kolang din ang mga babaeng kasama ko, except kay yvonne na 7 na taong gulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD