Lumapit ito sakin at nagdala ng pagkain.
" Tita pwede po dito muna ako matulog!.." Pagsusumamo kong sabi sa kanya.
" Nako magagalit si papa mo, sabi niya hwag nadaw kita patutulugin dito, nako iba pa naman iyun pag nagalit alam mona nag aadik!.." Sabi naman nito.
Sabay lagay ng plato at kanin sa lamesa.
Halos gusto ko nalang umiyak at sabihin ang pinag gagawa ng hayop kong amain sakin. Kaso hindi pwede at ayoko rin na makadamay ng iba at baka masaktan pa siya lalo't siya lang mag isa sa bahay.
Kaya pinili ko nalang tumahimik at kumain habang pigil ang luha sa mga mata.
Nagulat nalang ako ng bigla itong magsalita.
" May itatanong ako sayo anak!.." Seryoso nitong sabi na ikinatakot ko naman dahil ang tapang ng mukha niya at akala ko may nagawa akong kasalanan.
" Ano po yon tita!.." Sagot ko naman.
" Pag umuuwe ba ang papa mo at nakainum anong ginagawa niya sayo!.." Biglaan nitong sabi na ikinagulat ko. At hindi kona napigilang hindi umiyak sa harapan niya, bigla rin itong naiyak at yumakap sakin na tila alam na nito ang ibig sabihin ng pag iyak ko.
Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
" Huwag kang matakot anak mag kuwento ka, alam mo bang masama ang ginagawa niya sayo, pwede natin siyang ipakulong, ang bata mo pa para danasin mo yan!.." Naiiyak nitong sabi.
Suminghot muna ako bago nag salita.
" Sa tuwing umuuwe po ito ng lasing, dumederetso po ito sa hinihigaan ko, tapos pilit na inaalis ang short ko at pang loob, t..tapos ayun na ginagawa na niya sa akin iyun!.." Umiiyak nitong sambit.
Hindi ko nalang ipinaliwanag pa ang mga kaganapan dahil masyadong sensitive ito.
" Pinapasok ba nito ang ari niya sayo!.." Tanong nito sa seryoso na boses.
" Hindi poh, pero yung isang daliri po pin*pas*k niya at d*l* po!.." Sagot ko naman.
" Araw- araw po ganun, pag umuuwe ng lasing po siya!.." Sabi ko naman.
"Susporsanto anak ano ba itong dinanas mo, kawawa ka naman!.." Awang awa nitong sabi sakin. " Ipakukulong natin siya!..." Muli nitong sabi.
" Hayaan nyo nalang po!, Kawawa kase ang kapatid ko, pag nakulong siya lalong lalo napo yung bunso na wala pang isang taon. Wala pong magbabantay, ang gusto kolang po sana eh umuwe na si mama dito!.." Sabi ko naman sa kanya.
" Hwag nyo rin po sasabihin sa kahit na sino baka po kase mapano po kayo pag may nakaalam ang gusto ko lang naman po eh umalis nalang ako sa bahay at hindi na uuwe duon!.." Sabi ko ulit.
Hindi naman ito sumagot at saglit na tumahimik na parang may iniisip.
" Hindi pwede pano kung mas malala pa dyan ang gawin nya sayo, kailangan nating sabihin sa mama mo ito!.." Sabi nito, pero nagpumilit parin akong hwag nalang ipagsabe dahil natatakot ako.
Kaya na natiling sekreto parin ang lahat. Hindi na rin muling nasundan pa ang ginagawang pambababoy sa akin ng stepfather ko dahil palaging nandun sabahay si tita melba upang samahan ako, at sa twing aalis ito ay isinasama ako at ang mga kapatid ko, hindi rin ito nagpasindak sa pananakot ng stepfather ko, dahil binantaan niya itong isusumbong sa pulis pag may ginawang kahayupan sa kanya at sa akin.
Kaya naging maamong tupa ang amain ko at hindi na ako minomolestya kaya matagal tagal na nakapagpahinga ako mula sa pang aabuso nito sakin.
ilang linggo din ang nag daan at nakatanggap kami ng mga padala galing kay mama, mga grosery at bigas, pero hindi ito umuuwe, may kalakip pa na pera, kinukuha ito lahat ng step father ko at pinag iinum lang na para sana sa kapatid kong bunso iyun at sa pag aaral ko rin dahil magpapasukan na naman hindi pa ako na paenroll ng grade one.
Tatlong taon na ang lumipas at mag wawalong taon nalang ako hindi parin ako nakakapasok sa paaralan, kaya hindi ko maiwasang hindi maingit sa mga kagaya kong mga bata na nag aaral.
Dumaan pa ang ilang buwan, at ang taong nagsisilbi ina ko at tagapagtanggol ko sa tuwing sasaktan ako ng amain ko, ay bigla namang nawala at nagkasakit ng malala na naging sanhi ng kanyang maagang kamatayan, kaya balik sa normal na naman ang buhay ko, pero hindi na gaya ng dati na pumapayag akong abusohin, dahil lumalaban na ako at sinasabi ko na kapag ginalaw niya ako ulit ay magsusumbong na ako.
Hindi narin ako umuuwe sa bahay sa kalsada nalang ako naglalagi, at natutulog, dahil sa pangamba na baka muling molestyahin na naman ako ng amain ko dahil wala na ang nag iisang tagapagtanggol ko.
Dumadalaw parin naman ako paminsan minsan sa bahay parakamustahin ang dalawakong kapatid, pero kasama ko ang mga kaibagan kong palaboy at badyaw, gusto ko sanang kunin yung kapatid kong isa na lalake para sana kasa kasama ko, pero hindi pumayag ang demonyo kong amain, wala rin akong magawa dahil anak naman niya iyun, nagbibigay rin ako ng gatas at bigas sa kanila, naiinis nga ako kapag umuuwe akong nadadatnan kong lasing ito at napapabayaan ang mga kapatid ko lalong lalo na yung bunso na wala pang isang taon.
Dumaan pa ulit ang isang taon at ang kalsada na ang nagsilbing tirahan ko at tanging pangangalakal na ang ikinabubuhay ko, nakatira lang ako sa ilalim ng tulay, nasa idad nine taong gulang na ako, dalawang taon narin na hindi na umuuwe si mama, pero nagpapadala naman ito sa step father ko ng pera at grosery.
Minsan naiiyak nalang ako pag gabi at kapag nababasa ako ng ulan.
Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng galit kay mama, pakiramdam ko kase parang inabandona na niya kami, naisip korin na baka maganda na ang buhay niya, samanlang kami na magkakapatid heto naghihirap at nagtitiis, laking pasasalamat ko at puru lalaki ang naiwan sa amain ko, panatag ang loob kong hindi sila matutulad sakin gaya ng sinapit ko sa kamay ng kanilang ama.
Nagulat nalang ako ng biglang may gumising sa akin.
Agad ako napabangon ng marinig ko ang familiar na boses agad ako napamulagat ng mata at madaling napabangon. Sa isang iglap nawala agad ang galit at pagka Inis na nararamdaman ko ng makita ko ang babaeng umiiyak sa harapan ko at hindi makapaniwala na narito ako natutulog sa ilalim ng tulay.
Agad ako napayakap kay mama at iyak ng iyak, saglit ako nahinto ng makita ko ang bunso kong kapatid na bitbit nito, pinamamadali niya akong tumayo at hinila palabas ng ilalim ng tulay na para bang nagmamadali at parang maytinatakasan.
Agad ko nakita ang pampasaherong van na naghihitay pala samin ni mama.
Pinamadali akong pinasakay ni mama dito.
" Mah, kararating mo palang aalis ka naman?!.." Sabi ko naman na tila nagtatampo
" iiwan kona yang amain mong batugan, at wala ng ginawang matino sa buhay, ang tagal kong nagtiis na magtrabaho sa malayo at tiniis ko ang ialng taong pangungulila sa inyo para lang makapagpadala, tapos ipangbibisyo lang pala niya!.." Galit nitong saad " Buti at may nakapagsabi na wala kana daw sa bahay nakatira ka nadaw sa langsangan, kaya napauwe ako agad para kuhanin ko na kayo dahil nag aalala ako sa kalagayan mo lalo't babae ka panaman baka mapano ka!.." Sabe pa nito na ikinatahimik ko lang at bigla kong napagtanto na ang mga sinasabe nito at ikinumpara sa mga ginawa sakin ng hayop na stepfather ko.
Dahil nga sa murang idad ko at wala pa gaanong kaalam alam sa buhay kaya nagpapatianod nalanga ko sa takbo ng hangin kung saan man akong dalhin ng kapalaran.
Limang oras ang naging byahe papunta sa Magapit galing ng Togegarao, huminto ang van na sinasakyan namin sa harap ng maliit na bahay na maraming bulaklak.
Agad din kame bumaba ni mama, wala akong dala na kahit anong damit at medyo yagit din ako, nakita ko ang matabang babae na lumabas mula sa bahay at ang isang binatang lalake na matangkad at nasa idad kinse.
Agad kame pinapasok ng babae sa kanilng bahay.
Nagtanong pa nga ako nasaan ang banyo para maligo sana dahil nakakahiya at sobrang dumi ko, alam ko nagtataka sila bakit marumi ako at mabaho samantalang si mama sobrang linis.
Narinig kong nag usap silang dalawa bago ako pumasok sa banyo, sinabihan pa ako na magtipid daw dahil wala daw tubig sa kanila, kaya napatango nalang ako sa sinabe ng masungit na binatilyo. Dahil nga bata pa ako at wala akong alam sa mga taong nakapaligid sa akin, kaya bale wala sa akin ang tumingin sa may hitsura oh wala, hindi pa naman ako dalaga ng taon nayun kaya wala talaga ako kahit may hitsura pa ang binatilyong kasama ng matabang babae na masasabe kong ina niya dahil tinawag naman niya itong mama. hinagisan pa ako niya ng isang paris na damit at iyun nalang daw muna suotin ko.
Makalipas ang ilang minuto ng makalabas na ako ng banyo ay nagtaka ako bakit wala na sila mama at ang bunso kong kapatid.
Agad ako nagtanong sa babaeng mataba na mukang masungit.
Sinabe nito na umalis lang saglit pero babalik naman daw mamayang hapon, sumapit pa ang ilang oras at mag gagabe na pero walang anino ni mama ang nagpakita, buong maghapon akong nag antay sa pagbabalik ni mama pero wala. inabot nalang ng tatlong araw, linggo, buwan at ang mas masakit naging taon pa!..
Mabait naman sila pero may ugali rin na demonyo, at mahilig manakit lalo na kapag hindi agad na gagawa ang lahat ng gusto nila. Duon ko lang naranasan ang buhay na sobrang pait.
Tinuturan naman ako ng gawaing bahay, at papano maglinis ng maayos, tandang tanda kopa ang sinabe ng babaeng nag alaga sa akin na sa idad kong sampo at hindi pa ako nakakapag aral, heto lang daw ang trabaho na madaling pasukin ng mga babaeng walang pinag aralan, ang maging kasambahay.
Yung salitang iyun ang talagang tumatak sa isip ko.