Adik

994 Words
Maagang gumising si Ashley at nag ayos papasok ng school niya, Sinasadya niyang gumising ng maaga para di siya abutan ng ama kasi paniguradong sermon na naman ang almusal niya. Ayaw niyang masira ang araw niya ng dahil lang sa sermon ng tatay niya, kaya heto 6am pa lang nag aabang na siya ng jeep na masasakyan. Habang sakay ng jeep naalala niya yung minsang nagtatalo ang tatay at nanay niya ng dahil sa kanya. Ayaw man niyang makinig kasi paniguradong masasaktan na naman siya pero di niya maiwasang ma curious kung tungkol saan ang topic ng mga magulang. " Iyang anak mong si Ashley sinasabi ko sayo Deling, yan ang magdadala ng kamalasan at kahihiyan sa pamilya natin, Isang araw uuwi yang buntis, kita mo naman iba't ibang lalake ang sumusundo diyan sa anak mong adik." Napahawak sa dibdib niya si Ashley, hindi niya inakala na ganun katindi ang galit ng ama niya sa kanya. "Tama na yan Hernan, si Ashley na naman ang nakita mo, Bakit ka ba ganyan sa anak mo? kung makapag salita ka naman parang hindi mo siya anak ah! Pabayaan mo na kasi si ash malaki na siya alam na niya kung ano ang tama at mali , pagkatiwalaan mo naman siya".. Pagtatanggol ng nanay niya sa kanya, lagi naman eh tanging ang ina niya lang ang nakakaintindi sa kanya. Ikinuyom niyang mga palad at napa tiim bagang, masakit pero kaya niyang kontrolin ang emosyon niya. Kumbaga sanay na siyang magpanggap na ok lang siya, pero deep inside nadudurog ng pagkatao niya sa lahat ng sama ng loob.. 'Kaya mo yan Ashley magpakatatag ka, ipakita at patunayan mo sa kanila na iba ka , Na may mararating ka sa buhay kahit ganyan ka lang. At balang araw titingalain ka rin nila at ipagmamalaki .. .' Habang sinasabi niya yan sa sarili tinatapik naman niya ang dibdib na naninikip dahil kinakapos na naman siya ng hininga.. 'Anuba self umayos ka nasa jeep tayo '.. Sabay punas sa pisngi niyang basa na pala ng luha, mapait na napangiti siya , Akala niya sapat ng naipon niyang lakas ng loob at katatagan para di bumigay, pero heto apektado pa rin siya nasasaktan pa rin pala siya. Pagkababa niya sa sinakyang jeep tulala lang siyang naglalakad, ni hindi niya napansin ang lalakeng sumasabay sa bawat paghakbang ng mga paa niya. Ukupado kasi ang isip niya at kumikirot ang puso niyang nasasaktan. Maya maya unti unti ng bumabalik ang katinuan niya, at dun niya lang napansin ang kasabayan niyang naglalakad. Bigla siyang lumingon sa kanan at napasimangot ng makita si Ernesto na nakangiti sa kanya. "Wag ka ngang ngumiti diyan para kang tanga, ang aga aga binubwisit mo na naman ako ". Ano na naman kayang kailangan ng bansot nato sakin hmp ' Bubulong bulong na sabi pa niya. Natawa lang si Ernesto sa reaksiyon ni Ashley sanay na siya. Kumbaga immune na sa katarayan ng babaeng minamahal niya, At kahit na ilang beses na siyang nabasted hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa dalaga , Siguro dahil nakikita niya sa mga mata nito ang kalungkutan na pilit itinatago sa pamamagitan ng kamalditahan. "Uy Ash, breakfast naman tayo nagugutom nako eh!" Aya ni Ernesto sa dalaga. Natawa siya ng malakas ng makita ang pagdidilim ng mukha nito sabay baling ng tingin sa kanya. "Uy.. uy.. Ash, chill lang kakain lang naman tayo, Promise pagkatapos nun hindi na kita kukulitin". Sabay taas ng mga kamay nito na para bang sumusuko. Napangiti si Ernesto ng makitang nag umpisa ng maglakad si ash patungo sa isang kainan malapit sa school nila. Alam niyang may dinaramdam ang dalaga di niya lang matukoy kung ano yun. Ng biglang maisip niya na siguro may regla ito kaya lalong masungit sa kanya. Napangiti siya sa naisip pero bigla ring naglaho ang ngiti niya ng sumigaw si Ashley. " Anuba! ang bagal mo bilis bilisan mong lakad at mahal ang bawat minuto ko." Singhal ni Ashley sa binata na agad namang tumakbo palapit sa kanya, at sabay na silang pumasok sa kainan. Mula umpisa hanggang matapos silang kumain nagpapakiramdaman lang ang dalawa , Walang nagsasalita ni isa abala lang sa pagsubo ng pancit palabok ,puto at pandesal, iinom kapag nabubulunan. Hanggang natapos ang agahan at naghiwalay sila dun lang nagsalita ang dalaga. " thanks sa breakfast Ernesto wala ng kasunod ito, At wag mong bigyan ng malisya ang pagpayag kong sumabay sa pagkain sayo." Sabay talikod at dere deretsong pumasok ng gate si Ashley. Napapalatak at iiling iling na lang ang binata habang sinusundan ng tingin si Ashley. ' tsk bakit ba hanggang ngayon umaasa pa rin akong magugustuhan mo rin ako kahit na alam ko naman na malabong mangyari iyon, haysss kainis dalawang taon na akong umaasa, Bakit ba mahal na mahal kasi kita kahit ang sama ng ugali mo gusto pa rin kita!' Napahilamos ng mukha ang binata sabay talikod palayo sa gate ng school nila, mamayang 10am pang pasok nito, inagahan lang gumising para makasabay sa almusal ang dalaga. Ganyan siya kahibang, lahat gagawin niya basta mapansin lang siya. Kahit papaano nalibang din naman si Ashley sa almusal nila ni Ernesto. Nalimutan niyang sama ng loob na nararamdaman kani kanina lang. Masugid niyang manliligaw si Ernesto, sa lahat ng lalakeng nakipaglapit at binasted na niya bukod tanging si Ernesto lang ang nanatili sa tabi niya . Mabait talaga ito, pang boyfriend material kaya lang di talaga niya magustuhan ang binata , walang spark kumbaga parang kapatid lang ang tingin niya dito . At isa pa ayaw niyang saktan ang binata, kaya umpisa pa lang tinapat na niya ito, Pero di man lang ito nagbago ng pakikitungo sa kanya, kaya pinapakisamahan na lang niya. Ayaw rin niyang mapabilang ito sa listahan niya. Kaya ok na siya sa ganito nilang samahan , landiin man siya ni Ernesto walang epik naman yun sa kanya kaya hinahayaan na lang niya ang binata. Kunsabagay may pakinabang din naman ito sa kanya, May taga libre at bodyguard pa siya , Mag iinarte ka pa ba girl? Grab the opportunity ika nga ?.. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD