Pustahan

953 Words
Napangiti si Claire ng makitang mga kaibigan sa canteen. Naririnig pa nyang usapan ng mga ito habang papalapit siya sa mesang ukopado ng mga ito. "Talagang yang si R'joy di mapakali hanggat di nakakapag higante, kainis siya sinama pa si Ashley sa mga kalokohan niya". Dinig nyang sabi ni Mabel . Ng makaupo si Claire sa tabi ni Rowena, tahimik lang syang nakikinig sa usapan ng mga ito, Ayaw niyang mag comment hanggat di nya naiintidan ang topic ng usapan. "Sana ako na lang isinama ni R'joy, game ako sa mga ganyan eh, hihihi" "Kasi maharot ka, kaya gusto mong umeksina" Nakaismid na pambabara ni Roselia kay Rowena. "Tse! inggetera, eh malandi din naman" sabay irap ni Rowena sa kaibigan. Biglang tayo si Mabel at niyaya ng lumabas sa canteen ang mga kaibigan. Dipa halos sila nakakalabas ng pintuan narinig na nilang boses ni R"joy na sumisigaw. " Punyeta ka pala eh!, kala mo kung sino kang gago ka, eh ambantot naman ng hininga. " Nakaawat naman si Ashley sa kaibigan . "Tama na yan , maya na lang sa labas abangan natin ang gagong yan" . Pabulong na sabi nito sabay hila sa kaibigan. Nakaamba namang sumuntok si Athan kay R'joy, palibhasa napahiya kaya gustong gumanti. Pero bago lumapat ang kamao nito sa mukha ng dalaga, nasipa na ni Ashley ang dibdib nito, at napaatras ang mokong sabay baling ng tingin nito sa kanya. "No one can harm my friends, not in my watch asshole ". ( wow english, eh tama naman kaya ang grammar ?) nakatiimbagang sabi nito sa binata. Nakamasid lang sila habang nakikipag away ang dalawa, alam naman kasi nilang kayang kaya na ng mga ito at hindi na bago ang ganitong eksena. Isang upper cut pang pinakawalan ni R'joy simplang ng binata. Napailing na lang si Mabel ng makitang nag apir pang dalawa bago lumapit sa kanila. "Anong show na naman ito ? Kayong dalawa talaga mapi principal na naman kayo niyan eh! Alalahanin nyo girls, graduating na tayo baka sumabit pa kayong dalawa niyan at maiwan kayo dito". Napangisi lang ang dalawa sa sinabi ni Claire sa kanila. Natahimik lang sila ng mapadaan sa harapan nila si Delfin, 1st officer nila sa CAT class. Napatingin silang lima kay Ashley at ang bruha deadma lang, Hanggang sa biglang sumulpot si Anthony sa tabi nito at hinila na lang basta ang kaibigan nila. Nakakunot noong nagtanong si Rowena. "Sila pa ba ni Delfin?" "Parang..." sagot ni Claire "Eh anong ibig sabihin nung pahila bigla moves ni Anthony ?" Nakataas kilay na tanong ni Roselia. "Sus! kasimpleng sitwasyon di nyo na gets ? Si Anthony ng latest ni Ash! hahaha" natatawang sabi ni R'joy. "Inaykupo! Nakakaawang nilalang 3days lang yan kay Ash, may bago na naman". "Oo nga parang ikaw lang Rowena di ba ganyan ka?" Nakangiwing sabi ni Claire. "Hell! yeah , me pa ba! Tatanggi sa grasya?" Tara na nga uwi na tayo at may date pa ako". At umalis ng malandi . Ganun lang ang ending ng araw na ito sa kanila. Nagsasaya , enienjoy ang highschool life nila, at habang papalapit ang pagtatapos nila, sinusulit na nilang pagkakataon at panahon na magkakasama buong tropa. "Anuba?" Sabay hila ni Ashley sa braso nya . Nagulat talaga siya ng kaladkarin ni Anthony patungong likod ng library. "Problema mo ha?" Sigaw pa niyang naiinis sa binata. "Bakit nakikipag away ka na naman ? Diba sinabi ko na sayong magpakatino ka na ha!, anuba! Ashley, kailan kaba magbabago?". Aba't ang talipandas na to kala mo kung sinong maka asta eh pustahan lang naman kaya naging kami , kainisss di ako pwedeng matalo kila R'joy ... Huminga sya ng malalim para kumalma. 'Tiis pa! ganda, tatlong araw lang to plissss! Tiningnan nya mula ulo hanggang paa si Anthony, naawa siya sa binata dahil alam at ramdam niyang seryoso talaga ito sa kanya, Kaya lang ang problema laro lang ang lahat kagaya ng relasyon nila ni Delfin may expiration date. "Ahm, mahal, sorry na! promise last na yong kanina" sabay kiss sa pisngi ng binata Tiningnan siya nito ng nakataas ang kilay. "Bakit parang di ako naniniwala na last mo na yon ? kasi ganyan din ang sinabi mo sakin kahapon ". Faktay na ! Sige pa Ashley, lambingin mo pa dali at hanggang bukas na lang ang love team nyo . " Ah mahal kain muna tayo gutom na kasi ako, tara libre ko". Sabay kiss ulit, sa lips na para intense ? At nagpahila ng binata sa kanya, pero napahinto siya ng biglang huminto ito at niyakap siya. "Mahal na mahal kita Ashley, sana totoo ka sakin at dimo lang ako pinaglalaruan, dahil kapag nangyari yun, tangna! diko alam kung anong mangyayari sakin" . Napapikit na lang siya sa mga sinabi ni Anthony sa kanya. Ayaw niyang makasakit pero heto siya nakasanayan ng manakit ng damdamin . Ayaw niyang magkunwari pero na master na niyang gawin ito. Ayaw niyang mag paasa pero anubang tawag sa mga ginagawa niya? Ahhh.... " Karma is a b***h" laging paalala ni Claire sa kanya. Kumalas siya sa yakap ng binata at pinakatitigan ang mata nito, may lungkot syang nababanaag dun at konting luha sa mga pilikmata nito, Bakit bigla syang nakaramdam ng awa habang nakatitig sa mga mata nito? Nakokonsensya na ba siya? Pero bakit? di nga ba tigasin sya at wala siyang puso kaya utak pinapagana niya? Oh eh, bakit ngayon ganito na siya? 's**t di pwede ito matatalo ako kapag nagpatuloy pang ganito , kailangan bukas matapos na ito at sisiguraduhin kong mananalo ako sa pustahan period. "Halika na nga ang drama drama mo". pahampas hampas pa siya sa balikat ng binata habang naglalakad sila patungong gate ng school. Nangingiti na lang si Ashley kasi panay ng halik ni Anthony sa ulo nya at minsan sa pisngi , alam nyang kampante na ito. Sa ngayon, Eh bukas kaya? Bahala na... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD