Bad Girls

766 Words
Napasimangot si Ashley ng makapasok sa gate ng school nila , paano ba naman ki aga aga nagkalat ng mga chismosa . "tsk mga inggiterang plastic sakit sa mata nakakairita hmp." Habang naglalakad umiikot naman ang tingin niya, Kasi hindi niya makita ang tropa niyang madalas na nakaabang sa pagpasok niya , "saan naman kaya nagsipunta ang mga yun nakakapagtaka." Napahinto siya sa paglalakad ng makakita ng umpukan sa bandang kaliwa niya, nagtatakang nilapitan niya yun at sumiksik para makita kung anong pinagkakaguluhan ng mga studyante . Isang binugbog na studyante lang pala, walang malay at may sugat sa ulo, hmm hindi na bago sanay na siya sa mga ganitong eksena sa school nila , Anupa bang aasahan niya sa public school na pinapasukan niya , kung hindi ka tigasin at palaban malamang lagi kang pagtitripan ng mga fraternity na nakakalat lang kung saang bahagi ng school na ito. "Ash, kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala,." Nilingon niyang tumawag sa kanya , si R'joy isa sa mga katropa niya. Maganda, maloka, mabisyo at suplada. Actually anim sila , si Roselia na malihim, malandi at mataray.. Si Rowena na maharot , sumpungin , at malibog.. Si Mabel na seryoso,masipag mag aral in short matalino.. Si Claire na mahinhin , maalalahanin at maunawain ang pinakamabait sa kanilang lahat. At syempre pahuhuli ba sa mga katangian nila si Ashley? siya lang naman ang palaban , madiskarte , mapride at playgirl .. Sila ang "Bad Girls" ng school nila . walang sinasanto , lahat binabangga kahit nga professor nila pinapatulan pa nila bahala na si batman kapag bagsak ng grado nila. Ganyan siya ka badgirl wala siyang pakiaalam kung anong iisipin at sasabihin ng iba sa kanya, ang rason niya palagi... "Bakit sino ba sila para magpa apikto ako? walang perpekto na tao at wala silang alam sa buhay ko, kaya pakialam ko naman sa kanila, mamatay sa inggit ang mga pangit haha". Ganyan kataas ang pride niya na kahit mga katropa niya tiklop kapag nagagalit na siya. "San na sila ? kailangan ng pumasok bakasakaling magbago pang isip ni ma'am Ela maawa pa satin at dina niya tayo ibagsak sa klase niya ." Sabi niya sa kaibigan. Adviser nila si Miss Ela, matandang dalaga masungit pero mabait naman at may konsiderasyon sa kanilang anim. Gusto lang naman kasi nito na makagraduate sila kahit na nga puro pula ng mga grades nila . Sa totoo lang hindi naman sila bobo kaya lang mga matitigas ang ulo at tamad mag aral. "Nandun ng lahat ikaw na lang ang kulang, tara na habang nasa canteen pa si ma'am". Sagot ni R'joy sa kanya. Sumabay na siyang maglakad kay R'joy papasok ng room nila. Habang naglelecture si Miss Ela panay naman ang harutan nilang anim , hindi naman sila mapapansin kasi laging sa panghuling row sila pumupwesto sa bawat subject nila. Ganyan ang buhay nila araw araw kinig konti sa teacher , masayang lalabas ng klase at tatambay sa canteen o di kaya sa tindahan sa tapat ng school nila, pagtitripan mga dumadaan, at sa uwian deretso na sila sa tambayan nilang lumang bodega , mag iinuman ng konti, sigarilyo ng konti at kapag may dala na m*******a si R'joy tinitira din nila . At kapag high na makakatulugan na lang basta at bahala ng bukas kapag nagising na sila. Kinabukasan habang naglalakad pauwi ng bahay si Ashley, nakita na niyang nakaupo ang nanay at tatay niya sa tapat ng bahay nila, At dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito. "Ayan ng anak mong adik tsk ," . Sabi ng tatay niya habang naka ismid at umiiling pa sabay tayo at umalis na. Tiningnan naman siya ng nanay niya na may pag aalala sa mukha. " Nak, san ka na naman ba natulog kagabi dika na naman umuwi , kila R'joy ka ba tumuloy? ." Nakangiti man ang nanay niya pero ramdam pa rin ni Ashley na nahihirapan ito sa pagdedesiplina sa kanya. Ngumiti siya't inakay ang nanay niya papasok ng bahay nila , bumuntong hininga siya sabay sabing... "Huwag niyo na ho akong alalahanin nay malaki na ho ako at kaya ko na po ang sarili ko, Kahit ganito po ako makakagraduate po ako ng highschool at makakapag college pa, at pangako nay balang araw giginhawa rin ang buhay natin, kaya wag na ho kayo mamroblema ako na hong bahala sa lahat ." Sabay kurot sa pisngi ng ina . Sana makaya ko! Oh well, no guts no glory ika nga ng iba, kung kaya nila kaya ko rin .... Sa buhay na tinatahak ngayon ni Ashley, Matutupad kaya niyang mga pangako sa ina niya? Parang ang hirap isipin at mas mahirap gawin. Pero malay natin bakasakaling magbago rin siya at gumanda ang takbo ng buhay nila. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD