"Congratulations girl panalo ka na naman." Ngiting ngiti si R'joy habang tinatapik ang pisngi nya.
"As usual talo kana naman R'joy haha anong ipinusta mo ha? " pang aasar na naman ni Rowena .
"Hulaan ko, hmm trip to boracay or palawan ba yan ha? " singit ni Roselia sa usapan ng mga kaibigan .
"Yeyeyess!.. excited na tuloy ako, wohoo!" sigaw sa galak ni Rowena at may pa giling giling pa ng bewang ang loka loka.
Nakikitawa lang si Ashley sa usapan ng mga kaibigan . Napatigil lang ang pagsasaya nila ng humahangos na dumating sila Claire at Mabel.
"Hoy alam nyu ba, ha?" Si Claire na humihingal sa pagsasalita.
"Ay hindi pa! Ano yon dali ichika mo na". Atat na tanong ni Rowena .
Pero bago pa makasagot ang dalawa ay nasa likuran na ng mga ito si Anthony, namumula ang mukha sa galit at halatang kinokontrol lang nito ang emosyong nararamdaman ng mga oras na yon.
"Ashley, totoo ba ?" Napasinok ito at huminga ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Totoo bang pinag pustahan nyo lang ako ha?".
Tiningnan sila isa isa ni Anthony bago tumigil sa kanya ang tingin nito, at mapait na ngumiti ng walang ni isa sa kanila ang sumagot sa tanong nito.
Huminga sya ng malalim at akmang hihingi ng sorry sa binata ng biglang magsalita si R'joy.
"Yeah, it's true lover boy, nag enjoy ka ba sa 3days relationship nyo ni Ash? Well, dika naman lugi sa fren namin kasi magaling sya sa lahat ng bagay.. hmm masarap ba syang humalik? Nadala ka ba sa mga himas nya sa - "
"Shut up! b***h!" Biglang sigaw ni Anthony na nagpahinto sa pagsasalita ni R'joy. Pero ang mga mata nito ay na kay Ashley pa rin nakatutok.
"Eh, gago ka pala eh, wag mokong sigawan baka bayagan kita diy---."
Dina natapos ni R'joy ang sasabihin nito dahil biglang tinakpan ni Mabel ang bibig nya at kasama nito si Claire sa paghila sa kanya palayo kila Ashley.
Bumuntung hininga muna si Ashley bago kinausap sina Roselia at Rowena na kung pwedeng iwan muna sila ng binata. umalis naman kaagad ang dalawa.
Ng silang dalawa na lang hinarap nya si Anthony "Sorry Anthony, kung nadamay ka sa mga kalokohan namin . Alam kong di sapat ang sorry kaya hihilingin ko sayong huwag mo akong patawarin, deserve ko ang galit mo dahil mali ang ginawa ko sayo. Ako ang dapat na tawagin mong b***h hindi ang kaibigan ko, Dahil sa totoo lang ako ang nag umpisa sa larong ito nakipag deal lang sila."
Habang nagsasalita si Ashley nakatingin lang si Anthony dito.
'Bakit ganito hindi ko man lang magawang magalit sayo sa kabila ng panloloko mo sakin?.
Bakit mas nasasaktan pa akong lalo ngayong alam kong lalayuan mo na ako? Bakit mas lamang ang pagmamahal ko sayo ash,Bakit ?
Dahil ba mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin ang nagugustuhan ko? Siguro, dahil mula ng una kitang makilala napamahal ka na agad sakin, kaya ang saya saya ko ng maging tayo , pero diko inaasang matatapos na pala tayo dito. Ang sakit! Pucha ahhhhh".
Nagtataka naman si Ashley sa reaksyon ng mukha ni Anthony, parang ang lalim ng iniisip at di nya mabasa ang iba't ibang emosyon na nakikita nya sa mukha nito, kaya napagpasyahan niya na lang na magpaalam "Sorry Anthony, alis nako".
Biglang nataranta naman si Anthony ng makitang humahakbang na palayo si Ashley sa kanya. "No wait". Hinabol niyang dalaga at ng maabutan ito ay bigla na lang niyang niyakap at sinubsob ang mukha niya sa ulo nito sabay halik sa buhok ng dalaga.
"Ash, please! Huwag mo naman akong iwan ng ganito, mahal na mahal kita eh!, kahit na alam ko namang hindi mo ako mahal ayos lang sakin yon, basta wag mo lang akong iwan. Sige na ash, dito ka lang sa tabi ko, wag mo akong iwan please!.. Ash, please!."
Pagsusumamo ng binata sa kanya, ramdam nyang panginginig nito sa likuran niya habang nakayakap pa rin ito sa kanya. Napapikit na lang siya ng maramdaman ang luha nitong pumapatak sa ulo nya at minsan sa pisngi nya. Lalo syang naaawa sa binata, Pang ilan na ba itong pinaiyak nya ng dahil lang sa mga kalokohan nilang magkakaibigan? Ah, Di na nya mabilang.
"Anthony, makinig kang mabuti sakin ha! Hindi ako ang babae para sayo, may darating pang mas karapat dapat sa pagmamahal mo, napakabuti mong tao kaya nararapat lang na mabuting babae rin ang mapunta sayo. Goodluck! Anthony."
Ngumiti sya bago tinanggal ang mga braso nitong nakayakap sa bewang nya . "Maraming salamat sa lahat lahat ,I'm sorry!".
Ng makalayo na sya kay Anthony hindi nya mapigilang lingunin ito. Lalong nanikip ang dibdib nya ng makitang nakayuko ito habang tumatangis.
Sa totoo lang nasasaktan din siya sa mga kalokohang pinag gagawa niya , nakokonsensya din naman siya di lang nya pinapahalata kasi nga tigasin ang pagkakakilala sa kanya dito. Kaya pinaninindigan na lang nya ito, saka isa pa sa klase ng mga kaibigan na meron sya, dihado pag lalampa lampa ka lalo na pag si R'joy ang kadikit mo nakakahawa ang pagiging b***h nito..
Hay nyemas na buhay to! makakaraos din ako malapit na ?
Deretso uwi na si Ashley pagkagaling skwelahan. pagdating nya sa bahay nila naabutan nyang pinapalo ng sinturon ang dalawa nyang kapatid . Napatingin sya sa tatay nyang galit na galit, sinubukan nyang awatin ito pero nabaling lang sa kanya ang galit nito .
Nagulat na lang sya ng may tumamang matigas na bagay sa likod nya sabay sa pagdilim ng paningin nya't napalugmok sya sa sahig.
Pagmulat ng mga mata ni Ashley nakita nya agad ang mukha ng dalawa nyang nakababatang kapatid. Parehas na umiiyak habang hinihimas ang mga p***t nilang puro latay. Iniwas nyang paningin sa dalawa kasi naiiyak sya, ayaw nyang makita ng mga ito ang pagtulo ng luha niya kaya nagkunwari syang tulog pa.
Mabait naman dati ang tatay nila kahit minsan di man lang sila sinaktan nito, pero bakit bigla na lang itong nagbago? hindi naman ito umiinom di rin naninigarilyo.
Dati itong pulis umalis lang sa serbisyo dahil sa hiling ng nanay nya. Tumulo na naman mga luha nya minsan na lang sya kung umiyak pero sobra sobra naman at di nya maampat ang mga luha. Alam nyang masama ang magtanim ng galit sa tatay nya pero di nya mapigilan ang nararamdaman nyang sakit at hinanakit, naipon ng lahat at nakatatak na sa isip at puso nya.
Nagmulat ulit sya ng mga mata at tiningnan mga kapatid nya, kaya pala natahimik dahil nakatulugan na ng dalawa ang pag iyak. Bumangon syat inayos sa pagkakahiga ang dalawa nyang kapatid, naawa sya sa mga ito dahil sa murang edad nakaranas na ng p*******t sa katawan.
'Hayaan nyo mga bunso balang araw sasaya at giginhawa rin ang buhay natin, Pangako yan ni ate sa inyo'
Kinumutan nyang mga ito at agad na umalis ng bahay, kahit kumikirot pang likod nya dahil sa hampas ng tatay nya kanina, tinitiis nya dahil may lakad sila ngayon ng mga katropa nya, Pagliko nya sa unang kanto nakita nya kaagad ang kotse ni R'joy na nakaparada sa eskinita. Lumabas si Rowena ng makitang paparating na sya at sumenyas itong sa passenger side sya dumeretso at yun ngang ginawa nya.
"Ash, kila Arnold tayo ngayon may pa despidida party ang loko." Agad na sabi ni R'joy sa kanya ng makapwesto na sya sa loob ng sasakyan.
"Girls alam nyo ba may bago na naman akong boylet.. eeeeeee." Maharot na chika ni Roselia sa kanila.
"Yeah..yeah, everyday ka naman may new boylet eh! San ang excitement dun ? Boring ang hobby mo patikim tikim ka lang hahaha " Pambabara ni Rowena.
Umirap lang sa hangin si Roselia sabay sabing. " f**k! girl"
"Pareho lang naman kayong dalawa nag aasaran pa kayo" Nakataas ang kilay na saway ni R'joy sa dalawa.
Natawa na rin silang tatlo nila Mabel at Claire sa asaran ng tatlo. Kahit ganito ang mga kaibigan nya masaya sya kasi pag kasama nyang mga ito walang puwang ang lungkot puro saya ang nararamdaman niya.
At pinag papasalamat nya palagi na kahit di sya mayaman kinaibigan pa rin sya ng mga ito. Ang mga spoiled brat pero down to earth na mga babaeng ito.
Sumandal sya't napangiti sabay pikit ng mga mata para maipahinga konti ang kumikirot na Likod.
'Pucha magdamagang inuman na naman ito mamaya ?.
?MahikaNiAyana