Japan

1519 Words
Mabilis dumaan ang mga araw, buwan at taon, Heto ng araw ng pagtatapos nilang anim. Nandun ang excitement pero lamang ang lungkot na nararamdaman nila, kasi simula sa araw na ito magkakahiwa hiwalay na sila. Ang alam ni Ashley sa abroad na magpapatuloy ng pag aaral sina R'joy, Roselia at Rowena. Sabagay may mga kaya naman sa buhay ang mga ito kaya dina nakakapag taka. Sa Manila naman si Mabel kasamang ate niya na dun nakapag asawa, Kaya siya ng magpapa aral sa kaibigan nya. Si Claire naman, haaay! na shocked ang lahat ng malamang buntis na ito! Sino ba namang hindi magugulat eh ito ang pinaka manang sa grupo tapos mababalitaan na lang na mag aasawa na kasi nga buntis!. Hay Life is full of surprises nga talaga!.. Ngayong magtatapos na siya ng highschool, pina plano na nyang pagpasok sa college. 2 year course lang tama na sa kanya basta magka diploma. "For future purposes nga daw". Dahil sa wala ng barkadang nakapalibot kay Ashley. Gumanda ang takbo ng buhay nya, matataas ang mga gradong nakukuha at malapit na rin ang kanyang pagtatapos. At sa wakas nakaraos din sya. Habang pababa ng entablado at hawak hawak na ang kanyang diploma, hindi mapigilan ni Ashley ang mapa iyak. Ito ang pinaka mahalagang araw na pinapangarap nya , na sana sa araw na ito ay makita man lang nyang buo ang kanyang pamilya. Pero kabaliktaran dahil ni isa wala man lang nag abala para saksihan ang kanyang tagumpay. Di bale, Kaya mo yan.. Ashley! Ngayong nakatapos ka na malaya ka ng gawin lahat ng gusto mo, dahil may napatunayan ka na sa tatay mo. Mapait syang napangiti sabay punas ng mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi nya. Taas nuo syang naglakad palabas ng graduation hall . Simula bukas magbabago ng buhay ko , magsisikap pa akong lalo para mabigyan ko ng maginhawang buhay ang pamilya ko. Kaya ko to , kakayanin ko to! Sabay tumingala sya sa langit . "God bless me!. Unang trabaho na natanggap sya bilang sales girl, tiniis nya ang maghapong nakatayo at dahil sa sobrang pagod nya pagdating ng bahay nila, pagkatapos maglinis natutulog agad sya. Ganun araw araw at dahil sa liit ng sweldo nya di pa rin magkasya kahit na anong gawin nyang pag ba budget. Sumasakit lang ulo nya kakaisip kung anupa ba ang dapat nyang gawin ngayong dalawang nakababatang kapatid ang pinapa aral niya. " Hoy Ash, tulala ka na naman diyan, ok ka lang ba? ". Tanong ng kasamahan nya sa trabaho na si Barbie. Ngumiti lang sya at tumango, napahikab na din dahil sa antok at pagod. Ng maisipan nyang tanungin ang kaibigan,. "Ahm.. Barbie, may alam ka bang ibang trabaho na mapapasukan? Yon sanang malaki ang sahod kung meron kang alam." "Meron, gusto mo work abroad? Malaki sahod YEN pa". "Talaga! Sang bansa ba yan ?, gusto ko talagang mag abroad." Ngiting ngiti nyang tanong nangingislap pang mga mata nya habang hinihintay sumagot ang kaibigan. "Sa Japan. bes, ano gogogo ka ba?." "Yes of course! my friend, kailan tayo puntang agency ha?" Excited nyang tanong. " Eh kung mamaya na mag half day na lang kaya tayo?" " Hahaha ok, sige, kita na lang tayo maya sa labas ha!." Kumaway na lang sya sabay talikod at mabilis na tinungo ang office ng supervisor nila para magpaalam. Nasasabik na syang magtanghalian para makapunta na agad sila ni Barbie sa agency. Lumulutang ang isip ni Ashley habang naglalakad pauwi ng bahay. Hindi sya makapaniwala na natanggap siya bilang entertainer sa Japan. Ang problema nya ngayon ay kung paano nya makukuha ang birth certificate sa tatay nya, at panigurado ring di sya papayagan nito. Pero buo ng pasya nya aalis pa rin sya kahit di pumayag ang tatay nya. Habang naghahapunan ang ama nya panay naman ang pag buntong hininga ni Ashley. At ng makitang tapos ng kumain ang tatay nya , agad nya itong nilapitan at hiningi ang birth certificate nya. Mahabang paliwanagan at bandang huli nauwi pa sa pagtatalunan bago ibinigay sa kanya ng tatay nya ang papeles na kailangan nya. Kahit may sama ng loob dahil sa binitawang salita ng Ama nya sa kanya, itinuloy pa rin ni Ashley ang balak nyang mangibang bansa. Sa dami ng hirap at pasakit na naranasan nya hinding hindi sya sumuko, kahit pa itinakwil na sya ng sarili nyang ama nagpakatatag sya. Habang sakay ng eroplano patungong Japan, tumatangis pa rin ang puso nya pero wala ng luha na lumalabas sa mga mata nya. Marahil ay nasagad ng emosyon nya kaya naging manhid na rin sya. Para sa pamilya ko, gagawin kong lahat ng makakaya ko para magtagumpay ako ,. Patutunayan ko po sa inyo itay , na kahit sagad hanggang buto ang galit nyo sakin, hinding hindi ko po kayo pababayaan, Pinapangako ko po yan! Pinilit ni Ashley ang sarili na makatulog kahit saglit lang, alam nyang mahirap ang buhay na kinakaharap nya ngayon dahil talagang nag iisa na lang siya sa banyagang bansa na pupuntahan niya . Natatakot at kinakabahan din siya pero nandito na ito, nangyari ng isa sa mga gusto nya kaya dapat harapin nya ito ng may lakas ng loob at tiwala sa sarili. Pikit na pikit ang mga mata ni Ashley dahil sa nerbyos na nararamdaman, napapakagat labi pa sya sa tuwing gumagalaw ang eroplanong sinasakyan nya. Ang higpit ng pagkakakapit nya sa upuan at panay ang dasal nya. 'Lord , I guide nyu po ako sa tamang daan, patnubayan nyo po ako sa lahat ng gagawin ko sa bagong pakikipag sapalaran ko, at patawarin nyo na rin po ako dahil sa mga nasabi at nagawa kong hindi maganda! Please Lord gabayan nyo po ako! Amen po' At nag sign of the cross na sya bago iminulat ang kanyang mga mata. Narinig nyang announcement ng flight attendant na pwede ng mag toilet kasi stable ng eroplano, kaya agad syang tumayo at pumihit paharap sa likuran kasi nakita nya kanina na sa bandang likuran nandon ang toilet, Sa biglang pagpihit nya nagkauntugan sila ng taong nakatayo pala sa likuran nya. agad nyang sinapo ang ulo nya pakiramdam nya naalog yong utak nya dahil sa lakas ng pagkakauntogan nila ng taong himas himas naman nito ang pangang namumula habang nakangiwi. " Anuba dahan dahan ka naman sa kilos mo Mr. nakakasakit kana ah!, inis nyang singhal sa lalaking nakatingin na ngayon sa kanya. "Hoy! anuna, hindi ka man lang ba magso sorry sakin ha?" inis pa ring sabi nya sa lalaki. Ng dipa rin ito Nagsasalita, inis na tinabig ito ni Ashley sa tabi para makadaan sya patungong toilet. " Umalis ka nga diyan sa dadaanan ko, naku! Baka di kita matantiya mabayagan pa kita. hmp." Nakatulala naman ang lalaki habang sinusundan ng tingin ang dalaga. Ng makabawi sa pagkagulat napailing ito at napakamot sa batok. 'What a rude woman ? f**k! it hurts" Sabay sapo sa labi nyang nagkasugat dahil nakagat nya ito ng bigla syang nauntog sa babaeng amazona na yon. Iiling iling syang bumalik sa upuan nya at tamang tama naman na padaan ng dalaga sa tabi nya. 'Hmmm nice smell , so sweet di bagay sa gumagamit' Napangiti na lang sya sa naisip . Pag kaupo ni Ashley hinagilap kaagad nya ang bag sa ilalim ng unahang upuan, saka kinuha ang face powder nya at suklay, agad siyang nag ayos ng madinig nyang malapit na silang lumanding sa Fukuoka Japan. 'This is it! hello, Japan! nice to see your beautiful country". Ang lapad ng pagkakangiti ni Ashley ng umapak ang mga paa nya sa airport ng Japan. Sa sobrang excitement na nararamdaman niya, hindi man lang nya napansin ang lalakeng kumukuha ng pictures sa kanya. Sa bawat click ng camera nito agad na tinitingnan nito at ngingiti ng nakakaloko. At ng makitang may kausap ang babaeng "Amazona" ( yes, yan ang ipinangalan nya sa babaeng mataray na umaway sa kanya kanina) pasimple syang naglakad palapit dito para marinig nyang usapan ng mga ito. " Hello I'm Ashley Arsones, nice meeting you ma'am" pagpapakilala ng dalaga sa sumusundo sa kanya. "Hi Ashley, just call me Dina," Sabay lahad ng kamay nito sa dalaga. " Are you ready ?" Ng tumango ang dalaga napangiti si Dina. " This way please!". Nakasunod naman ang mga mata ng binata sa dalawa. 'So, Ashley Arsones palang pangalan mo ha!, Bakit hindi pa naging Lansones mas bagay sayo yon hahaha.' Hindi nya napigilang tumawa ng malakas dahil sa mga kalokohang naiisip nya. 'Ano kayang business nya dito hmmm? Baka ime meet ang jowa nya o baka naman may asawa na sya?' Bigla syang natigilan at nalungkot sa naisip nyang yon. 'Teka, bakit ba ako nagpapa apekto sa babaeng amazona na yon tsk tsk ?' Kasi, kahit dimu aminin masyado kang affected ng tarayan ka nya. O baka naman na love at first sight ka sa kanya. Sagot ng isip nya. "No way! Biglang sigaw nya na nagpalingon sa mga taong malapit lang sa kanya. Holly s**t! It's bad , so so bad.. Malalaki ang mga hakbang ni Reign palabas ng arrival area habang hila hila ang malaking maleta. Siguro naman hindi na kami magkikita ng babaeng yon, Sana nga!.. Malay mo nga naman Reign, tama ka di na kayo magkita? But, Life is full of surprises ? ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD