CHAPTER 3

1224 Words
 “I’m sorry about the other day. Baka na offend kita.” Matiim ang titig ni Red sa mukha niya.   Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. Marunong naman pala itong mag sorry.   Tumikhim siya at umiwas ng tingin dito. “O-Ok lang.”   Naupo siya katabi nito sa bench. Tiningnan niya ang painting nito. Napatitig siya doon dahil inaakit siya ng mga makulay sa pinturang ginamit nito sa canvass. The feeling is so serene yet so overwhelming. Mapapatitig talaga ang kahit sino sa painting nito dahil makulay iyon and the colors really blend in with each other.   “This colors are really good to represent the desire of the heart.” Itinuro nito ang kulay pula at blue na pinta sa mismong painting.   “But I don’t really like making my painting really colorful. I always leaned towards colors of gray, black and violet.” Sagot niya dito.   Humarap ito sa painting nito but there was a hint of smile in the corner of Red’s lips. Nairita siya sa nakitang ngiti mula dito. Bakit ba napaka misteryoso ng mga ngiti nito? Hindi niya maiwasang hindi iyon titigan.   “You feel so alone. The painting also represents what the painter feels. And heavy uses of dull colors make it feel so lonely.”   Natigilan siya sa sinabi nito. Nakita na ba nito ang mga pinta niya? Did she really feel alone? Umiling iling siya. Hindi nito maiintindihan ang gusto niyang ipahiwatig sa painting niya. Marahil nga ganun ang perception ng ibang tao pero hindi iyon ang gusto niyang maramdaman ng tumitingin sa mga ginawa niya.     “Bakit, dahil ba sa makulay ang pinta mo ibig bang sabihin hindi mo nararamdaman na mag isa?” She scoffs.   Narinig niya ang mahihinang pagtawa nito. “Sorry. I didn’t mean to offend you. Forget what I said.”   Nag patuloy ito ulit sa pag pipinta.   Reedly sighed. Hindi niya maiwasang mag sungit dito. Naalala niya kasi yung mga sinabi ng ibang tao. Kung hindi lang daw na-disqualify noon and babaeng kaharap ay baka ito ang prodigy sa mundo ng painting.   “Yung aso mo. Matagal na ba siya sayo?”   Lumingon ito saglit sa kanya at ngumiti ulit sa Shi tzu na ngayon ay nakaharap dito habang nakalabas ang dila. “Yes. Since I was 14 years old.” Saglit itong natahimik at ngumingiti mag isa.   Hindi niya maiwasang hindi ito titigan. Ngayon niya lang nakita ang ngiti nito. Simula ng makita niya ito sa Art gallery hindi ito ngumingiti, but when Red was speaking about her dog. Nagiging mas magian ang aura nito. Marahil ay may kakatwa itong karanasan bago maalagaan si Milky.   Hindi niya namalayan na napangiti na siya. “You love Milky. Ilang taon na siya?”   Tumingala ito saglit at nag isip. “She is 5 years old.”   “Oh.” Napatango tango siya. “Matanda na pala si Milky.”   Tinitigan niya ang aso nilang dalawa na ngayon ay nag hahabulan na sa parke. Choco was really happy. Mukhang mag kaka apo pa ata siya ng wala sa oras. Bumalik sa pwesto nila ang dalawang aso.    Dumukwang siya para alisin na ng tuluyan ang tali ni Choco. Baka kasi maapakan pa ng ibang tao ang tali nito. Sa pag dukwang naman niya na iyon ay napansin niya sa peripheral vision niya si Red. Parang nakatingin ito sa kanya. Lumingon tuloy siya dito. But Red was looking at the painting.   She sighed. Baka imahinasyon niya lang.   “S-So…...Taga saan ka?”   “Diyan lang sa kabilang Subdivision.”   Hindi ito sumagot sa sinabi niya. Napatingin ulit siya sa painting nito. It was beginning to really take form. Napanganga siya nang mapansin na medyo nagiging tao ang painting nito kahit halos smudges at splatters lang ang mga pintura sa canvass nito. She was really impressed.   Hindi man niya aminin pero kinakabahan siya sa mga nakikita niya. Red was really her archnemesis in the world of painting. Bakit hindi na ito sumasali sa mga art contest? Sayang ang talent nito.   “Uhmmm… sige mauna na ako. Baka kasi hinahanap na din ako ng magulang ko.” Tumayo siya at pinagpag ang bandang pwetan ng suot suot niyang maong short.   Ayaw niyang makita ang painting technics nito. Ayaw niya ding mapalapit dito dahil pag dating ng araw ay baka mag harap sila nito sa isang painting contest. Hindi pa naman siya yung taong tumatanggap basta basta ng isang pagkatalo.   “Choco!” She shouted her dogs name. Mukhang feel na nitong sumunod sa kanya kaya ito na ang kusang lumapit.   “A-Aalis ka na agad?”   Hindi siya lumingon dito. Tumango na lang siya at muling ibinalik ang leash ni Choco. Choco brings out his tongue at her and made a puppy eyes. Mukhang gusto pa nitong kalaro si Milky. Kahit na gusto niya pa ding pag bigyan ang aso niya ay hindi niya na ginawa.   She was getting uncomfortable being with Red De Silva. Parang ipinamumukha sa kanya ng tadhana na walang wala ang hard earned efforts niya sa isang art genius na kagaya nito.   “Choco. No. We need to go home. Gusto mo bang bigyan kita ng bone treats?”   Tumahol si Choco ng dalawang beses. Napangiti siya at hinaplos ang ulo nito. “Good boy.”   “M-Makikita pa ba kita dito sa park?”   Doon na siya tuluyang lumingon kay Red. There was sadness in her voice that made Reedly looked at her. She sighed. Nakatingin ito sa canvass nito at hindi na nito ginagalaw ang hawak na brush. Mukhang nahulaan nito na ayaw niya itong maging kaibigan.   “Hmmm…depende. Minsan kasi sa subdivision lang kami nag gagala ni Choco.” She forced a smile.   “Kung hindi ka busy at gusto mong laging ipasyal si Choco. Isasama ko din si Milky.” Humarap ito sa kanya at isang tipid na ngiti ang ibinigay nito. Inilahad din nito ang kamay sa kanya. “Friends?”   Saglit siyang natigilan. Gusto niya ba itong maging kaibigan? Wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan niya ito kahit na naiinis siya sa walang ka effort effort nitong talent sa pag pipinta.   Tinanggap niya ang kamay nito. “Friends.”   Nakita niya ang pag angat ng gilid ng labi nito. Napaiwas siya ng tingin. Ang sexy kasi talaga. Red has this side smirk that can make her feel something.   “Uh…. Uhmm…. sige Red. Uuwi na kami ni Choco. I’ll see you when I see you.”    Ngumiti ito ng tipid at nakita niya kung paano kumunot ang noo nito. Napahawak din ito sa sentido.   “Red?” Gumuhit ang pag aalala sa mukha niya. “Ok ka lang ba?”   “Y-Yeah. Sorry. I am holding you too long. K-Kaya ko na ‘to.” Ngumiti ito ng pilit pero kitang kita niya sa mukha nito na nahihirapan ito. “Lilipas din ‘to.”   She reluctantly stood up. “O-Ok.”   “Sige na. Ok lang ako.” Umiwas ito ng tingin sa kanya.   She sighed. Baka nga gusto nitong mapag isa at sarilihin na lang kung ano mang nangyayari dito. She tugged on Choco’s leash. Saka siya nag lakad paalis ng parke. But she can’t help but regret her decision of leaving Red De Silva there. Na-g-guilty siya. Pero hindi niya naman talaga ito tinuturing pang kaibigan. Isa pa it wasn’t her business. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD