CHAPTER 2

1224 Words
“The winner of this contest is….” Tumingin pa isa isa sa kanila ang MC. Sumigid tuloy ang kaba sa dibdib niya. Her heart was beating fast and hard habang inaantay na-i-announce na ng MC ang winner.    “Reedly Rose Vargas! Her painting entitled Of Expectations.” Nanlaki ang mga mata niya. Agad na hinanap ng mga mata niya ang mga magulang niya. Nakangiting nag-thumbs up ang dad niya. Her mother was crying. Nanginginig ang mga paa na humakbang siya sa stage para kunin ang trophy niya. Inangat niya iyon. Ngiting ngiti siya.   “Ang galing mo anak!” Pagkatapos niyang bumaba sa stage, her dad hugged her.   Nakita niya ang pag pupunas ng luha ng mom niya, “I’m so proud of you anak.”   “Hmmph. Sabi nung mga judges kung natapos lang daw nung prodigy na si De Silva ang painting nito. Yun ang siguradong nanalo. Second lang yang anak ng mga Vargas na yan.”   Napalingon siya agad doon sa sinabi ng magulang ng isa pang contestant na pumangalawa sa kanya. Nakakunot ang noo niya. Narinig din siguro ng mga magulang niya ang sinabi ng mga ito.   Hinarap ito ng mom niya. “Pwede ba kung naiinis kayo sa pagkatalo ng anak niyo. Wag niyo namang i-undermine ang hardwork ng anak ko.”   “Tama na yan Hon. Uwi na tayo.”   Sinamaan ng tingin ng mom niya ang babae. Hinawakan siya ng dad niya sa kamay at hinila na palayo sa lugar na yun. But that word left an impression on her and made her heart feel hurt.   Reedly opened her eyes. Napangiti siya nang mapait. Ang panaginip na iyon ang isa sa mga recurring dreams niya. Napahilamos siya sa mukha niya. Puno na siya ng pawis. Tatayo na sana siya, when Choco came running towards her bed. Dinilian agad nito ang baba niya. Natatawang inilayo niya ito sa katawan niya. Nakalimutan niya tuloy ang panaginip niya.   “Choco!” But Choco was relentless in his assault. Hindi niya makita ang mga mata nito dahil natatakpan iyon ng mahahabang balahibo nito. Choco is a Shi tzu. Kaya ganito ito kakulit at mapaglaro.   Umiiling na nagpasya na lang siyang bumangon.   Choco is always excited in a day like this. Ganito kasing araw niya ito pinapasyal sa park. But this time it was different. Bagong lipat sila ng bahay at hindi niya kabisado ang lugar. Pero pinangako niya na sa sarili na laging ipapasyal si Choco kapag ganitong linggo.    “Choco wait lang ha?” Ibinaba niya ang shi tzu sa sahig. Natawa siya ng magpaikot-ikot ito sa paligid ng paa niya habang papunta siya sa panyo. “Choco. Stay. Maliligo lang ako then we will go. Ok?”   Parang nakakaintindi na tumahol ito ng dalawang beses.   “Oo?”   Dalawang tahol ulit. Saka ito umupo sa harap ng pintuan ng banyo. Napailing na lang siya habang nangiti. Ang talino ng dog niya.   Isinara niya na ang pinto at naligo. And Choco was scratching her door kaya madaling madali siya sa pagligo at pagbibihis. Pagkatapos ay agad niyang tinali si Choco sa hawak niyang panali. Nag paalam na din siya sa mom and dad niya para hindi mag alala ang mga ito. Nag tanong tanong siya sa gwardiya kung saan may pinakamalapit na park. Itinuro naman nito. Yung park na maraming tao ang nag pupunta. Marami kasing subdivision na pinapaligiran ng park na iyon. So safe naman pala sila ni Choco na mag lakad-lakad.   Napahinto siya nang may makitang pamilyar na tao na nakaupo sa bench. May canvass sa harap nito, may Japanese bike na malapit dito at may knap sack na nasa paanan nito. Si Red De Silva!   Napaatras siya. Pagkatapos ng encounter nila sa art gallery noong sabado minsan sumasagi ito sa isip niya. Lalo na yung alanganin nitong ngiti. Ang sexy kasi kahit na hindi talaga tuluyang ngumingiti. Agad niyang ipinilig ang ulo niya. Bakit ba sexy ito sa paningin niya?   Pinag masdan niya ito.   Seryosong seryoso ito habang nagpipinta. Naintriga tuloy siya dahil mukha naman na hindi landscape ang dino-drawing nito. Sige lang ito sa paglalagay ng pintura sa canvass nito. Humakbang siya palapit pero napahinto din siya. Paano kung ayaw naman nitong may nang-iistorbo dito? Baka mainis ito sa kanya kapag pinakialaman niya na naman ito. Kagaya nung sa gallery.   She tugs on Choco’s leash. Uuwi na lang muna sila. Pero tumahol ng tatlong beses ang hawak niyang aso. Nag pupumilit itong kumawala sa kanya. She sighed. Tiningnan niya ang tinatahulan ni Choco. Isa iyong shi tzu na palapit sa pwesto ni Red.   Napasigaw siya nang biglang tumakbo si Choco. Hindi niya ito napigilan dumulas ang kamay niya sa hawak na panali nito. Nakadila pa na tumakbo ang aso niya papunta doon sa puting puti na shi tzu. Wala na tuloy siyang choice kundi lapitan ang mga ito. Pag may nagustuhan kasing dog si Choco paniguradong mahihirapan siyang ilayo iyon dito. Kahit anong tawag niya kay Choco hindi ito lalapit sa kanya. Minsan tuloy hindi niya alam kung nakanino ang loyalty nito.   Napapikit siya saglit. Huminga siya nang malalim para ipunin ang confidence niya. Nakakainis ka Choco! Gusto mo atang maging asosena! She was cursing her dog in her mind. Napakapasaway naman kasi. Bakit ba nito hinabol yung puting shi tzu? Bakit dun pa sa pwesto ni De Silva?   “C-Choco!” She shouted the dog’s name kahit malayo pa siya sa kinauupuan ni De Silva. Pero tumagilid lang ang ulo ni Choco habang nakalabas ang dila sa kanya.   Napairap siya, “Come on choco. I have a snack here.”   May dinukot siya kunwari sa bulsa niya pero wala talaga siyang hawak na kahit ano.   Nakaramdam siya ng pag asa na lalapit sa kanya si Choco nang bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo. Humakbang din ito palapit sa kanya.   “Come on. You are a good boy.”    She groaned when Choco slumped down again and sniff the white shi tzu’s butt. Naloko na!   “Lumapit ka na kaya?”   Kunot ang noo na nilingon niya si Red. Hindi ito nakatingin sa kanya nung sabihin iyon. Napaturo pa tuloy siya sa sarili niya. And she realized it was stupid kasi hindi nga pala ito nakatingin sa kanya.   “Are you talking to me?”   “Yes.”    “O-oh….ok.” Lumapit siya sa mga ito para hawakan ang leash ni Choco. Aalis na sana siya doon ng muling magsalita ang babaeng nakaharap lang sa canvass niya.   “Your dog is cute. I think he has a crush on Milky.”   Napanganga siya. A-Aso nito yung puting shi tzu? “P-Pero walang tali ang dog mo?”   Humarap ito sa kanya and she saw a smile. It was heart stopping. Napahawak tuloy siya sa dibdib niya. Ang ganda pala nito kapag nakangiti. Those eyes really lit up kapag nakangiti ito. Napaiwas tuloy siya ng tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit kumakabog ng malakas ang dibdib niya. O baka naiilang lang siya sa presensiya nito.   “I want her to enjoy her freedom. Sa bahay lang siya may tali kapag andun ang kapatid ko. Ayaw niya kasi kay Milky.” Gentle ang mga mata nito habang nakatingin sa aso nito. For a moment there, she wished she was the dog, na agad naman niyang ikina-iling. Ano bang iniisip niya? Bakit naman siya maiingit sa isang aso?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD