CHAPTER 4

1149 Words
Reedly smiled at the mirror. Nakapag bihis na siya ng white long sleeves uniform, at nakahanda na rin ang canvass, paints at mga pencils niya. Ito ang unang araw na ng pasukan sa Don Picasso Art School. Excited na siya. She opened the door to her room. “Choco!” Nakita niya ito na nakaupo sa harap ng pintuan niya. Kinarga niya saglit si Choco saka ito inikot ikot. Tumahol ito at nag paikot ikot sa paanan niya habang nag lalakad siya papunta sa dining area ng bahay. Nakita niya din na gumagawa na ng breakfast ang mama niya. She kissed her mother on the cheeks. Saka siya tumabi sa dad niya na nag babasa naman ng diyaryo habang may tasa ng kape sa harap nito na nakapatong sa lamesa. Her mother threw her an amused look. “Mukhang masaya ata ang dalaga namin ah?” She smiled knowingly at her mother. Umupo muna siya sa upuan na nasa harap ng dad niya. Before turning to look at her mother. “Eh paanong hindi ako excited ma? Si Christine Manaysay ang hands on na nag tuturo sa mga art student ng DPAS. A living legend ma!” “May pa living legend ka pang bata ka.” Her dad playfully scowled at her. “Ito kami ng mama mo ang isa sa living legend.” “Ey. Iba naman yun!” She stucked her tongue out. “Kayo ni Mama ancient na.” Natawa ang mama niya sa sinabi niya lalo na ng sumimangot ang dad niya. Her mom and dad is also a living legend pero sa kapanahunan ng mga ito ay wala pang Christine Manaysay. The latter is one of the artist in her generation na talagang hinahangaan ng marami. Kumain sila ng agahan na nag k kwentuhan pa rin. Masaya siyang humalik sa pisngi ng mom niya bago siya sumakay sa kotse ng dad niya. Napangiti siya ng mag kiss sa harap niya ang mom at dad niya. Kinikilig siya kapag nakikitang ganito ka sweet ang dalawa. She wants the same thing for herself balang araw. “Ingat kayo. Dahan dahan lang sa pag mamaneho hon.” Her mom smiled. Mabilis namang tumango ang dad niya. “Yes, hon. I love you.” “I love you too.” “I love you too, mom!” Natatawang nailing na lang ang mom niya sa kanya. Isa pang wink sa mom niya at pinaandar na ng dad niya ang kotse. Inihatid siya nito sa school bago ito tumungo sa art gallery na pinapamahalaan nito. Bumaba siya sa kotse ng dad niya at may kahirapang kinuha ang mga gamit niya sa pag pipinta. Her dad chuckled and help her with it. Medyo may kabigatan din kasi ang mga gamit niya pero sa iisang duffel bag lang naman iyon nakalagay. “Ok na ba ang gamit mo anak?” Namewang ang dad niya sa harap niya. Mabilis na tumango siya. Saka tumingin tingin sa paligid. Mahirap na baka may makakilala sa dad niya. “Sige na dad. Pumasok na po kayo sa office niyo. I’ll be ok.” “Are you sure?” Napakamot sa ulo ang dad niya. Mukhang nag aalala talaga ito sa kanya. She smiled and quickly nodded. Napilitan tuloy ang dad niya na sumakay ulit sa kotse nito. Kumaway pa ito sa kanya ang bumusina bago umalis sa parking ng school. Isinukbit niya sa balikat ang dala dalang bag at nag simula siyang maglakad papasok ng school. Agad siyang napangiti sa nakita niya. There are students na nag p-pinta na agad ng pagka aga aga. She can almost smell the paints in the air. Huminga siya ng malalim. The air is fresh and crisp. Siguro dahil na rin sa mga puno at halaman na nagkalat. Halos kulay green ang paligid. It looked like a garden instead of a school. May malaking estatwa din ni Picasso na nag pipinta sa canvass nito ang nasa gitna ng isang water fountain. Wala pa man ay tila nagugustuhan niya na ang school. Maaga pa naman masyado kaya naman pumunta muna siya water fountain para tingnan kung ano ang nandun. She was surprised to see different colors of koi fish. May mga coins din na nasa pinakalapag ng water fountain. Napatingin siya sa estatwa. Is this a wishing well too? “It’s not a wishing well but probably students want it to be.” Napalingon siya sa gilid niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang nag sabi nun. Red De Silva is also looking at the statue. “You know my name, but I didn’t know yours.” Tuluyan na itong humarap sa kanya. Napaatras naman siya ng kaunti dahil sa sobrang lapit nito. “Uh….” Shocks! Napapikit siya saglit. Hindi nga pala nito ipinakilala ang sarili sa kanya. Malamang nag tataka ito kung paano niya nalaman ang pangalan nito. “R-Reedly Rose Vargas.” Nakita niya ulit ang pag angat ng gilid ng labi nito. “You have a beautiful name.” “Uh…. Aalis na ako. Baka ma late pa ako eh.” Humakbang siya paatras dito at tumalikod, but Red’s next question made her stay still. “How did you know my name? Hindi ko naman sinabi sayo yun sa park ah?” Hindi niya ito nilingon. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. For goodness sake! Baka malaman nito na nag s-stalk siya sa social media nito----No, correction! Sa social media ng kapatid nito. “Rose? Tinatanong kita?” Shit! Napapikit siya saglit. “Uh…...------” Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng makarinig sila ng bell. Napatingin siya sa loob ng building na pinagmulan nun. Something clicked in her mind. Makakatakas na siya dito! “Sige Red. See you.” Nag mamadali siyang tumungo sa pathway na papasok ng building. Halos takbuhin niya na iyon. Ni hindi niya nilingon kung saan ito pupunta. She didn’t even hear kung may sinabi ito sa kanya. Para siyang mabibingi sa lakas ng t***k ng puso niya. Sana hindi kami mag kaklase! Piping dasal ni Reedly habang tinitingnan ang schedule niya sa araw na yun. Nahihiya kasi siya dito. Ano ba namang kasing katangahan meron ka Reedly? Mahinang kastigo niya pa sa sarili habang nag lalakad. Medyo hinihingal pa siya habang tumitingin sa bawat classroom hoping na isa sa mga yun ang section niya. She smiled when she saw it. Star section! Yun ang nakasulat sa taas ng pintuan na bahagyang nakabukas. Itinulak niya ang pinto. Bahagya siyang napaatras ng makita kung sino palang ang nasa loob nun. Red looked at her. Muling umangat ang gilid ng labi nito. Sa pag ngiti nitong iyon ay naalala niya ang kakambal nitong si Violet. For a moment ay tila pilya ang pagkakangiti nito sa kanya. She mentally facepalmed. Patay siya dito ngayon! Paano niya ipapaliwanag ang lahat ng hindi nito nahahalata kung bakit niya iyon ginawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD