CHAPTER 5

1499 Words
Surprisingly. Reedly wasn't questioned by Red De Silva. Nakatutok lang ang mga mata nito sa blackboard na mukhang interesado talaga sa lecture na nasa unahan tungkol sa perspective. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya kasi masasagot kung bakit niya ito tinakbuhan kanina. And worst, mag kaklase pala sila. "Hey! You are Reedly Rose Vargas!" Someone poke her in the shoulder. Nilingon niya ito. Nakakunot ang noo niya dahil kahit mahina lang ang pag sundot nito sa balikat niya ay naiirita pa rin siya. Di kasi siya sanay na may mga taong touchy na agad kahit sa unang pag kikita pa lang. But the girl didn't even flinch. Nakangiti pa rin ito sa kanya. "Kaklase pala kita. Yung unang painting contest na ginanap noon. Kasama ako nun. Hangang hanga ako sa gawa mo." "And?" Malapit ng umangat ang kaliwang kilay niya sa sinabi nito. But the girl is providing distraction sa pag iisip niya kay Red na isang silya lang ang layo sa kanya. Kaya naman ini-entertain niya ito. "And I want us to be friends. Bianca Hermano nga pala." Nakangiti nitong inilahad ang kamay sa kanya. Kahit napipilitan ay inabot niya ang kamay ng babae. Ngiting ngiti naman itong tumango sa tatlo pang babae na nakaupo sa likod nito. Pangiti ngiti din ito sa kanya sa tuwing mapapalingon ito. Reedly sighed. She wasn't the friendly type. Polite lang talaga siya. Iniwas niya na lang ang tingin dito. "Ok class. I know na hindi kayo pamilyar sa isa't isa. Now is the time para mag kakilakilala kayo. Mag round robin tayo. Gagawa kayo ng abstract representation ng mukha ng mga kaklase niyo for a week. 20 mintues lang ang time limit." Some of the students cheered. Yung iba naman ay nag rereklamo pa. Napaikot lang ang mga mata niya. She wasn't interested in the teacher's idea. May ilang taon pa naman na makikilala niya ang mga kaklase. Bakit hindi na lang sila bigyan ng pag kakataon na mag enjoy sa araw na ito? "So, let's start?" She groaned. Inilibot niya ang tingin sa mga kaklase. Natigilan siya ng mag tama ang mga mata nila ni Red De Silva. May pigil na ngiting nakapaskil sa labi nito na saglit lang ay nawala din. And she didn’t know why pero sa tuwing gagawin nito iyon ay napaka cute nitong tingnan. Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Mukhang nakita din nito ang reaksiyon niya kaya lalo lang lumawak ang pigil nitong ngiti kanina. Agad niyang iniwas ang tingin dito.   Shocks! Ano kayang iniisip nito tungkol sa kanya ngayon?   -------------------------   Please. Please. Don’t let her be my partner this time!   Reedly was mentally praying that in her mind. Nag r-round robin na sila ngayon ng painting at habang ginagawa nila iyon ay kailangan daw nilang mag tanong ng 5 basic question at isang artistic question sa i-d-drawing nila.   She had drawn 15 of her classmate, including Bianca and her friends na sina Rica, Mayette, at Emily. At saktong 20 minutes na lang ang natitira sa oras ng klase. Pagkatapos ay studying art with Ms. Christine Manaysay na ang susunod nilang subject.    But she was disappointed dahil nakita niyang tumayo ito mula sa pagkaka drawing kay Bianca papunta sa kanya.   Her eyes widen. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makarating ito sa pwesto niya. Unti unting bumukas ang bibig niya ng tumayo ito sa harap niya. This girl is gorgeous!   Parang model ang height nito na sa tingin niya ay 5’6”. Kahit lagi itong naka poker face ay napakaamo ng mukha.   Hindi niya alam kung ilang minuto na ba siyang nakanganga dito. She saw how Red’s expression shifted. Mula sa walang emotion nitong mukha ay unti unting sumilay ang pinipigil na ngiti sa mga labi nito. Mukhang pinipilit nitong wag siyang pag tawanan dahil pinapaseryoso nito ang mukha.   Unti unting napakunot ang noo niya. Pinag tatawanan ba siya nito? Nakasimangot na tinuro niya ang silyang nasa harap niya. “Umupo ka.”   Hindi ito kumibo sa sinabi niya. Umupo ito at tinitigan siya. Naiilang naman na ibinaba niya ang tingin sa sketch pad niya. Bakit kasi naiilang siya dito? Baka dahil tinakbuhan niya ito kanina at mukha siyang isda sa pag bukas ng bibig niya habang nakatitig dito.  “C-Can we start?”   Muli ay hindi ito kumibo. Nag angat na siya ng tingin. Tumititig na din ito sa sketch pad nito habang ginuguhit ang lapis nito sa papel. Hindi niya alam kung bakit nakahinga siya ng maluwag na hindi na siya nito tinititigan. Naiilang talaga kasi siya. Kung bakit ay hindi niya din alam.   “Anong pangalan mo?”   Napaangat siya ng tingin sa tanong nito sa kanya. Bumukas sara ang bibig niya. And she realized na siya nga talaga ang tinatanong nito, kahit na hindi ito nakatingin sa kanya.   “R-Reedly Rose Vargas.”   She mentally wants to smack herself. Bakit ba siya nag stammer?   “Nice name. Bagay sayo.” Nag angat ito ng tingin at nginitian siya.   She was stunned for a moment. Shocks! Bakit ang ganda nito? Nakakainggit lang. Kapag ngumingiti ito ay lalo itong gumaganda. Lalo pa kapag nakikita na ang biloy nito sa kaliwang pisngi. Tila natuklaw ng ahas na napatitig siya dito. Napailing iling siya at naiinis sa sarili niya dahil nakita niya na naman ang pigil nitong ngiti. Ilang segundo na naman kasi siyang nakatitig dito. Paanong hindi siya titig? Ginuguhit niya naman talaga ito. Kaya wag itong masyadong mayabang! Hmph!   “Ilang taon ka na?” Masungit ang tonong tanong niya dito.   “17. Ikaw?”   “17 din.” Sinimangutan niya ito. “That’s a second question.”   Nag kibit balikat ito habang nag i-s-sketch. “Any friends?”   She tilted her head. Wala siyang maituring na mga kaibigan dahil hindi naman siya naging close sa mga kaklase niya nung junior high. Madalas kaya lang naman siya naging kaibigan ng mga ito ay dahil mag kaka grupo sila sa ibang projects. Marahang umiling siya.   “Well?”   Untag nito sa kanya. Nag angat siya ng paningin mula sa pag d-drawing ng nunal nito sa sentido. Hindi siguro nito nakita ang pag iling niya kanina. “U-Uhm…...W-Wala.”   “I have a few. Bilang lang sa daliri.”   She wasn’t surprised at all. Mukha naman talaga kasing hindi din ito friendly type. But she wasn’t really judging dahil parehas lang sila. Mas malala pa nga siya dahil wala siyang itinuring na kaibigan.   “Three. Kailan ang birthday mo?”   “September 4. Ikaw?”   “J-January 27.”   Unti unti ng nabubuo ang pag guhit niya dito. And she was surprised na sa drawing niya ay tila mas nagiging buhay pa ito. Hindi kasi yung poker face na mukha ni Red ang iginuhit niya. Nakangiti ito sa sketch niya.   “A-Anong kinakaawayan mo sa tao?”   She sneaks a peak at Red’s face. Gusto niyang malaman ang reaksiyon nito sa tanong niya. Nakita niyang natigilan ito. Saka nag angat ng tingin. “Well. Siguro yung mga pasaway at walang direksiyon sa buhay kagaya ng ate ko.”   Napangiti siya. Alam niya na ang tinutukoy nito. Si Violet De Silva. Bunso pala ito.   “What are you smiling about?” Untag nito sa kanya.   Napailing siya. Kailangan hindi nito malaman na stalker siya nito sa mga social media nito. “W-Wala naman hindi kasi halata. And hey! That is another question. Kapag sinagot ko yan isa na lang ang pwede mong itanong.”   “Nah. Don’t answer that. I think I know.”. Umangat ang gilid ng labi nito. “Your turn.”   Napasimangot siya sa sagot nito sa kanya.   “Uh……Ako yung mga fake na tao. Yung mabait lang kapag kaharap ka tapos pag nakatalikod ka kung ano ano na ang sinasabi.” Naalala niya yung nangyari sa contest at napakunot ang noo niya. Kung makikita niya lang yung anak nung babaeng nag sabi sa kanyang hindi naman daw siya ang dapat manalo ay susupalpalin niya ang anak nito.   Huminto ito sa pag sketch at tinitigan siya ng matiim. Naiilang naman na ibinalik niya ang tingin sa dino-drawing.   “Anong pangalan ng mga magulang mo?” Tanong nito sa kanya.   “Peter and Celine Vargas.” Hinintay niya ang magiging reaksiyon nito sa mga nabanggit niyang pangalan at hindi wala siyang nakuhang reaksiyon. Humaba ang nguso niya. Saan ba ito nakatira at hindi nito kilala ang mga magulang niya? Hindi ba sikat ang magulang niya kagaya ng inaasahan niya?   “You have famous parents.”   Yun lang ang reaksiyon nito? “Your turn.”   “Momosyne and Cassidy Blair De Silva.”   Nanlaki ang mga mata niya.  Kilala niya ang Momosyne De Silva na tinutukoy nito. That woman owns half of the shares sa gallery ng ama niya. Nakita niya din ito before nung unang ribbon cutting sa gallery. And she realized na parehas pangalan ng babae ang binaggit sa kanya ni Red. Just as the school bell rings.   Naiwan siyang nakanganga sa nakatalikod na pigura ni Red De Silva.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD