Chapter 3

2018 Words
"Halika na! Kailangan na tayo ni Ely!" Hinila ako ni Vina at tumakbo kami palabas habang 'yong mga mata ko ay nakatutok pa rin sa lalaki na nakilala ko sa bar. Nakatingin lang ito sa akin na may nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. Parang may pinaplano at hindi ko ito gusto. Wala talaga akong tiwala dito, imagine hanggang dito ba naman susundan ako?! Tang ina niya ha! Baka may balak masama sa akin 'to! Stalker siya! Hindi porket may kasalanan ako sa kaniya, gaganitohin na niya ako! Kapag may ginawa lang talaga siya sa akin na hindi ko gusto, malilintikan siya sa akin! Napaharap na lang ako kay Vina at tumakbo na kami sa loob. Focus muna ako kay Ely. Kailangan ako ni Ely ngayon. Nakita mo nga pala ang viral? Grabe lang talaga!" Sabi niya pa habang tumatakbo pa rin kami papasok sa university. Hingal na hingal kaming naka punta sa loob. "Oo nga 'e, nakakapanggigil! Alam naman natin na hindi magagawa ni Ely maging kabit!" sabat ko habang tumatakbo pa rin kami. Malayo-layo kasi ang gate sa cafeteria, nasa loob talaga ito ng campus malapit sa field kaya kung lalakarin mo lang ay 10 minutes pa aabotin mo pero kung takbo, ayan 5 minutes!! "Grabe talaga 'yong lalaki!" Habang papunta kami sa cafeteria ay hindi ko maiwasan kabahan habang iniisip siya. 'Yong lalaki— 'yong Blake? Distracted ako. Punyeta! Andaming tanong na tumatakbo sa utak ko. Ano ba mayroon sa lalaking 'yan bakit hindi siya mawala sa isip ko? Punmapasok at pumasok pa rin 'e kahit na hindi naman invited! Iniisip ko lang na ngayon na nalaman niyang dito ako nag-aaral paano kung hintayin niya ako sa labas ng gate?! Paano kung kidnap-in niya ako? Ipasalvage or worse, gahasai——- ARGH! Nag-ooverthink ako nang wala sa oras! Hindi kasi siya mawala sa isip ko. Shutangina lang, ginayuma niya ba ako?! Hindi gayuma na mainlove ha, kundi parang may nilagay siya sa akin na spell na mukhang matatakot ako. For the record, ngayon lang talaga ako natakot sa lalaki. At siya pa? Hindi pwede 'to! Walang may makakanigay sa akin ng ganitong feeling. Pero... oo, nakakatakot naman talaga kasi siya. Mukhang ang superior niya tignan. 'Yong tipo na ayaw mo talagang banggain at baka isang myembro ng mafia, o baka nga founder! 'Yan! 'Yan ang image at vibe niya talaga. Hindi naman siya siguro mafia, drug adik o drug lord 'no? Bwesit. Okay lang naman sana kung wala akong ginawang masama sa kaniya 'e, pero baka kapag nireport ko siya sa pulis-- ibabaliktad niya lang at hingin pa ng CCTV sa bar kung paano ko siya sinapak. Ending, ako makukulong. I shrugged off. Kumalma ka nga Sorscha, pakiramdam mo end of the world mo na 'e. Takot takot ka pa diyan, ano ka weak? Sinusupalpal mo na 'yong ibang kalalakihan tapos sa kaniya tiklop ka? Gosh! Tama! Kumalma ka! Ang OA mo! Kadiri! "Ayon! Si Ely!" Napatingin na lang ako at nasa entrance na kami ng cafeteria. Mukhang hahabolin niya pa sana ang lalaki kaso tinawag ko ito kaya napahinto siya. "Ely!" sigaw ko at tumakbo kami papalapit sa kaniya. Kung gaano ako kagalit sa isip ko, kita naman sa buong pagmumukha nito ang inis at galit. Parang mananaksak 'e. Bigyan ko kaya ng kutsilyo? "Ano nangyari?" Kinamusta siya namin kaagad at sinabi niya na okay lang siya. Pero pagkatapos no'n ay hindi na siya makausap. Nananatili lamang nakatikom ang kamao niya na tila mananapak talaga. Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Galit na galit at inis na inis. Mukhang maiiyak nga 'e. Pero alam ko na pinipigilan niya lamang para hindi ipakita sa amin na naapektohan siya. Hindi namin siya pinush na ikwento ang nangyari kasi nakita naman sa video kung ano talaga. Tho, kahit kami ay medyo nagulohan pero alam namin sa sarili namin na hindi 'yon totoo. Kasi kung totoo, edi sana dapat kami 'yong mas nakakaalam una pa lang dahil kinikwento naman namin sa gc kung ano nangyayari. E parang ako lang naman ata ang maraming ka fling 'e. Muntikan na nga akong maging kabit. Ay hindi, naging kabit pala talago. Bwesit na James na 'yon, kung gaano kabantot ang pangalan gano'n din ang ugali! Buti talaga may maladetective skills mga kaibigan ko, may asawa pala! Kaya ayon, tigil agad ang convo! Pero si Ely, alam namin na kailanman hinding-hindi siya magiging kabit. Jusko, ni ayaw nga sa dating sites!! Kahit anong reto ko sa kaniya 'e waley, ayaw! Tapos mababalitaan na lang namin na kabit siya? Hay iz a no. Kaya ngayon, tignan mo, parang mamamatay ng tao. "Tawagan mo lang kami ha? 'Pag kailangan mo ng kausap," sabi ko nang nahatid na siya namin sa bahay nila. Sa gate rather. Madilim na rin kasi ang langit. Hay, niyakap ko na lang siya dahil hindi na maguhit ang mukha nito. Jusko, kawawa naman 'tong bestfriend ko. Malamang sa malamang binubully na siya ngayon ng mga tao sa internet dahil sa viral live na 'yon. Hindi mawawala 'yan sa social media lalo na't famous celebrity pa ang kaniyang nasangga. Napatawa naman si Vina. "Gaga, nandito cellphone niya sa atin. Paano tatawagan?" Ay oo nga pala! Kinuha pala namin kanina dahil baka madepress siya kakabasa sa comments. Lutang na talaga ako. Parang ako rin kailangan ng pahinga 'e. "Ay! Ibigay mo muna kasi, baka kakailanganin niya." Kinuha ko naman ito sa bag ko at binigay sa kaniya pero hindi niya tinanggap. Tinignan niya lang ito at umiwas na ng tingin. Bakas pa rin sa mukha niya ang malungkot. "Sige lang, baka kasi makapagsalita pa ako ng hindi maganda sa mga comment 'e. Saka matutulog naman ako, baka panaginip lang 'to." She sarcastically laughed. Mapakla ang tawa, hindi masaya. Nagsitinginan na lang kami ni Vina. Hay, kung ako talaga 'yon sasapakin ko ang lalaki. Sinapak ko nga ang walang may kasalanan sa akin 'e. Sa may kasalanan pa kaya. "Okay, sabi mo 'e." Hindi na siya sumagot pa at pumasok na sa kanila. Pinanuod na lang namin siya na lumayo. Kaya nagkibit-balikat na lang kami at umalis na. Kailangan ko na rin kasi umuwi at baka kailangan na ako sa bahay. "Naawa ako sa kaniya," sabi ni Vina nang makalayo-layo kami. Ihahatid niya na ako. Napatango na lang din ako. "Oo nga 'e. Sana okay lang talaga siya." Kung inaakala ko na malas ko ngayon dahil nakita ko 'yong lalaking galit na galit sa akin, pero siya naman ay mas sobra pa pala sa akin. Celebrity 'to oy! Maraming fans ang love team nila. Knowing people on social media, walang ibang ginawa kundi magbash nang magbash! Andaming hanash sa buhay, 'e wala namang ambag sa mga taong sinisiraan nila. Kabanas talaga. 'Yan talaga ang isa sa mga pinag-aalala ko ngayon sa kaniya. "So, dito ka na lang? Sure ka? Kaya ko naman pumasok." Natawa ako. "Ano ka ba? Boyfriend ba kita para ihatid ako nang bongga sa mismong bahay ko pa?" Tumawa kaming dalawa. "Gaga ka talaga! Baka hindi ka pa makalabas nang hindi butas gilid mo 'e." At tumawa kaming dalawa ulit. Hinatid na ako ni Vina sa kanto namin. Hindi ko na siya pinapapasok pa dahil hindi na kasya ang sasayan. At mas mabuti na rin na hindi makapasok kotse niya dahil nasa iskwater area kami, malamang sa malamang ay lalabas siyang puno ng gasgas ang sasakyan. Andami kasing Mariko dito! Inshort sa mars, inggit ako! At saka, madaming adik uy, baka mapagtripan pa siya 'e sobrang kinis ng balat niya. "Sige, ingat ka ha?" Nagbeso naman kami. "Ikaw rin!" sabi ko saka bumaba na at hinintay muna makaalis siya saka ako pumasok sa aming footwalk area. Medyo nasa dulo pa kasi ang aming bahay. "Ano ba 'yan Sorscha! Gabi kana umuwi! Wala kaming makain dito! Ano ba?! Inuuna mo na naman ba paglalandi mo?!" Bungad kaagad sa akin ni mama nang pumasok ako. Kaagad ko naman siya nilapitan at magmamano sana pero umiwas ito. "Aalis muna ako ha! Pagbalik ko sana nakahanda na ang pagkain! Hay! Bwesit na buhay 'to! Walng kwenta!" Hindi na ako sumagot kasi halata namang lasing na naman siya. Kaya nilapag ko na lang ang bag ko sa sala namin at tumungo na lang sa munting kusina namin para matignan kung ano magagawa ko. Lumabas naman ang kapatid kong si Terah. "Nagsaing na po ako ate, wala lang po talaga ulam. Wala ring pera naibigay si mama," aniya. Napatingin ako sa pinto na nakabukas at kakalabas lg ni mama. Pagkatapos ay tinignan ko ulit si Terah. Nakatingin lang ito sa akin, naghihintay sa kung ano ang sasabihin ko. Napabuntong hininga na lang ako. Kinapa ko ang bulsa ko nang maalala ko na may ibinigay pala si Vina sa akin. Shet, nakalimutan ko. Ibabalik ko sana 'to. Pero napangiti na lang ako kasi kahit papaano ay tama siya.. na kailangan ko nga 'to ngayon. Pero grabe lang, limang libo pa talaga. Nakahiya naman kay Vina, mukhang wala na akong mukhang may ihaharap sa kaniya dahil sa pagtulong niya. Hayaan mo Vina babawi talaga ako sa'yo ng bongga. "Ito, bili ka ng beef loaf at tatlong itlog lang. Huwag muna tayo mag manok dahil wala pang pera." Binigay ko sa kapatid ko ang isang libo. "Kailangan natin magtipid ngayon lalo na wala pa akong sahod dahil kakasahod lang, naubos naman kaagad." Tumango siya. Kaagad naman siya lumabas para bumili. "Hoy ang sukli ha! Hiniram ko lang 'yan!" Habol kong sigaw. "Opo! Pero pahinge pipty!!" Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na ko na siya pinabili ng tuyo dahil tuyo ulam namin last month! At isang buwan talaga 'yon. Kahit delatas na lang uulamin namin today nang hindi na sila magsawa sa tuyo at maulam namin sa mga susunod na buwan. Ang hirap talaga ng buhay. Kailan kaya kami makakaraos? Isang taon na lang naman. Isang taon na lang at makakafocus na ako sa trabaho. Part time part time lang kasi nagagawa ko gawa nang may klase ako. At lahat ng mga sideline ko ay sa pang-araw araw na gastos lang namin napupunta. Ayaw ko rin bitawan pag-aaral ko dahil knowing Philippines, 4 year college degree ang hinahanap. Saka, iba pa rin naman talaga kasi 'yong nakapag-aral at may tinaposan. Hinding hindi ako mamamaliitin ng kung sino pa man. Kumain na kami at natulog na. Kinabukasan ay maaga akong nagising para gawin ang daily routine ko. Pagkatapos ay binigyan ko si Terah ng 150 para sa isang buong linggo niyang baon. Swerte rin ako kah Terah dahil marunong umunawa. Saka nilalakad niya lang naman ang public school ng highschool dito kaya hindi rin masyadong magastos. Nilakad ko lang ang kanto namin at sumakay ako ng jeep. Saktong pagsakay ko ay nanliit mga mata ko nang makita ang sasakyan na nakasunod sa amin. 'Yan 'yong sasakyan na muntikan na ako mabangga at nakasakay 'yong matapobreng Blake na 'yon! Jusko, hindi ko pa rin siya nakakausap at malaki pa ang kasalanan ko sa kaniya. Ang nakatali kong buhok ay kinuha ko ito para gamitin pantago sa mukha ko. Medyo mahaba-haba rin kasi ang buhok ko. At pasimpleng tumingin ako sa kanan since nasa kaliwa ang sasakyan. Sana hindi ako makita. Sana hindi ako makita. Dalian mo naman kuyang driver! Pero laking gulat ko nang makita na nasa harap ko na ang sasakyan at bumaba ang bintana nito. Nanlaki mga mata ko nang makita siyang masama ang tingin sa akin. Kaagad naman ako tumalikod! Sinusundan niya ba ako?! Ano pa ba ang gusto niya?! Magso-sorry ako? Nako! Hindi 'yan pwede! Wala sa vocabulary ko ang salitang sorry! Red flag ako! Huminto na sa harap ng university namin ang jeep. Bago pa man ako makapasok ay kailangan ko munang tumawid, pero kung minamalas ka nga naman ay muntikan na ulit akong mabangga dahil sumugod siya. Napasigaw at napapikit ako sa sobrang kaba. Nang minulat ko ang mata ko ay kita ko lahat ng tao napatingin sa akin. Ilang minuto pa lamang nakalipas ay umandar na ulit ang sasakyan at dumaan sa harap ko, bago pa ito tuluyan mawala ay huminto siya saka ibinaba ang bintana. Then, he smirked. "We're quits now." ARRRGHHHHHH!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD