Chapter 2

1733 Words
Hingal akong napahinto sa kanto dahil sa takbo ko. Muntikan na 'yon ah! "Ay kabayo!" Ngayon ay napatalon naman ako sa gulat at napatingin sa likuran ko. Nakita ko na dumungaw si Vina na nakanuot at natatawa sa akin. Habang ako naman ay hindi na makahinga dahil sa takbo. Mukhang mawawalan ako ng malay dahil sa kakulangan ng hangin! Teka, hihinga muna ako nang napakalakas! "Shocks! Anyare sa'yo girl, bakit sobrang haggard?" Aniya na may mapang-asar pang tawa. Hindi ko siya pinansin dahil hindi na ako makapagsalita dahil sa paghingal. Argh! Kaagad naman ako nagpunta sa kabilang side niya at binuksan niya ang pinto. Sumakay ako sa kotse niya at laking ngiting pagpapasalamat ko talaga na makita siya. Pinawisan ko ang pawis ko sa aking ulo. “Hoy! Anyare sa’yo? Ngayon natatawa kana!” “Teka,” sabi ko saka inadjust ang paghinga ko. Inhale, exhale. Inhale, exhale. ‘Yan lang tanging ginawa ko muna para makapag-adjust. Pakiramdam ko pasan ko ang impyerno dahil sa sobrang init at haggard ng mukha ko. Nang nakarecover na ako ay nakapagsalita na ako. "Juice colored talaga! Buti na lang nandito ka! Salamat naman napadaan ka sa daang 'to, ano na lang kaya gagawin ko kung wala ka?” Hingal ko pa ring sabi habang hinahabol ang hininga ko. Takang-taka naman itong tumingin sa akin, saka kinuha ang bottle of water niya sa tabi niya at ibinigay sa akin. Kinuha ko ko naman ito kaagad sa kamay niya at binuksan saka niluklok. Para akong pulubi na uhaw na uhaw. Kasi ba naman ang init! Pinahiran ko rin ang mga pawis na tumatagatak sa akin. Grabe 'yong pintig ng puso ko, hanggang ngayon ay hindi ako makakalma. Hinihingal ako. Takbohin mo ba naman 'yong ilang street! Ang init talaga! Tinudo ko ang aircon niya saka itinutok sa akin. "Kalma ka nga! Para kang hinabol ng aswang. Look at you, papunta ka pa lang ng school, mukhang pauwi kana dahil sa haggard!" She laughed. “At bakit ka tumatakbo? Andaming sakayan oh, bakit nagtitiis kang maglakad? Sana tinawagan mo ako, may number naman ako sa’yo diyan.” Then, she took her bag from the back of her seat and took something out from her wallet. Nagulat ako nang ibinigay niya sa akin ang limang libo. Kaagad ko naman itong ibinalik sa kaniya. "Ano 'yan? Suhol? Tanga ka talaga," wika ko. At tinali ang buhok ko. Pakiramdam ko pa rin ay dala-dala ko ang araw dahil sa sobrang init ng pakiramdam ko. Gusto kong maligooooo ulit!!!! "Duh, as if naman hindi ko alam na naglalakad ka kasi wala kang pera." Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi pwede na gusto ko lang mag exercise?!" Sakit talaga sa bangs 'yong mga mayayaman na kaibigan. Hindi nila kayang maglakad may pera o wala. Sana all ganito 'no, hindi nasanay sa paglalakad kaya kung may makitang naglalakad ay automatic ba wala ng pera kaagad, which is true. Wala naman talaga kasi 'yong konting katiting na pera na mayroon ako, tinangay pa sa utang! "Hindi naman, but I know you, Sorscha. You have done a lot for the past few days, let me help you now, okay?" She spoke and keep the money in my bag. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lamang siya. Kapag gusto niya kasi ay hindi rin nagpipigil ito. Saka barya lang naman sa kaniya ang limang libo. Pero nakakahiya pa rin 'no. "Thank you," sabi ko na lang at nginitian siya. Ibabalik ko 'to mamaya sa bulsa niya nang hindi niya malalaman. "You are always welcome." She smiled ba. She put her bag again to at the back and started the engine. Inubos ko ang tubig saka lang ako umayos ng upo. Tumingin ako sa likod at sinilip ko kung nakasunod pa rin ba ang sasakyan na humabol sa akin. Luckily, wala naman kaya napahinga ako nang maluwag. Ewan ko ba bakit bigla bigla na lang ako tumakbo. Parang anytime kasi susuntokin niya ako. Galit na galit 'yong mukha. Hindi ko naman siya masisisi dahil sinapak ko siya ng tray. Hindi naman ako klase na namimintang kaagad, pero nagulat talaga ako noong oras na 'yon. Sa sobrang gulat kaya ayon, nakuha niya ang sakit ng hampas ng hampaslupa! Pasensya na lang siya. I mean-- ako. Baka kasohan niya ako 'e. "Tell us about that later. Kung nandya na si Ely para hindi siya outdated. Kailangan natin magmadali ngayon ay baka manalo siya at tayo 'yong manlibre!" Excited niyang sabi saka mas dinalian ang pagda-drive niya. Ngumiti ako. "Thank you ha?" Pagpapasalamat ko sa kaniya ulit. She just smiled at me and smirked. Appreciative akong tao kaya konting tulong mo lang ay hinding-hindi ko na 'to makakalimutan. It feels like I owe you half of my life. Lmao. Buti na lang talaga tama ang timing ni Vina. Kasi kung hindi ay patay na ako. Baka mahabol ako ng lalaking 'yon, jusko! Ayaw ko siyang harapin. Ang laki ng kasalanan ko. Mukha talaga siyang mamamayanin mami, hindi ko maimagine kung ano magagawa niya lalo na't nasaktan ko siya. Ito talaga ang kinakatakotan ko sa mga mayayaman, dahil kahit ano ay pwede nilang gawin. "Tanginang Alicia 'yan, makita ko lang dito sa campus sasabunotan ko talaga 'yan!" Kaagad nasambit ko pagkatapos tumango ni Ely. Kasi ba naman, kakarating niya dito ay sobrang haba na ng mukha niya. Halata naman sa mga mata niya ang lungkot at lugmok. Kaya nang napaupo siya ay alam na namin ni Vina kung ano ang dinadamdam niya. Naawa tuloy ako sa bestie ko. Kung sa akin ay tinatalakan ako ng magulang ko siya ay mga step-peps niya naman. Hindi niya pa kadugo ginagano'n siya! Nakakabwesit talaga lalo na 'yang bruhang step-sister niya na walang ginawa kundi mapagtripan siya palagi. Akala mo naman kay ganda 'e mukhang palaka nga bunganga no'n sa sobrang laki. "Kagandang babae nagmumura." Napatingin ako sa kalalakihan na dumaan sa pwesto namin. Sumapok kilay ko dahil sa sinabi niya. Ah talaga lang ha! Tumayo ako at dinuro sila. "Alam niyo? Putangina niyo," malutong kong sabi at ngumiti nang napakatamis, at pumakyo kaagad. Akala naman niya yata ikina-cool niya ang pagsusuway sa akin. FYI lang ha, ampangit niya rin. Hindi ko talaga gets kung bakit ampapangit ng mga lalaking sadboi, pakialamero saka walang ambag naman sa lipunan at pamilya kundi problema lang. Shuta nila. Nakita ko si Ely na napa-face-palmed at habang si Vina naman ay nahihiyang ngumiti at parang nagpaumhin pa sa mga lalaki. Wala naman silang choice. Sanay na 'yan sa akin. Hindi ko naman mapigilan sarili ko manahimik eh talaga naman kasi nakakabwesit 'yong mga lalaking ganyan. Sana pinahid na lang sila sa unan o pader. "Sorscha, halika nga. Kaya ka pinagkakamalang tomboy 'e," saway ni Vina at pinaupo niya ako. Tumawa na lang si ako at umupo. Buti naman natakot ang mga 'yon at umalis na. Ngayon ay mas itinuon ko na ang pansin ko sa kanila. "Pasensya na kayo, na-miss ko lang talaga ang school at mga gwapo dito!" Kilig kong sambit at nilibot mga mata ko. Ito isa ko sa mga goal sa buhay 'e. Ang makahanap ng gwapong lalaki, I mean boyfriend. Oo, may pakialam talaga ako sa mukha. 'E total magkakatulad lang naman mga lalaki, sasaktan at lolokohib ka lang naman nila sa huli, edi do'n na tayo sa gwapo. Masasaktan tayo at least hindi mukhang impakto ang iniyakan natin dahil nanggago. Oh, 'di ba! At 'yan ang life hack ko. Sana makatulong mare. Nagkamustahan lang kami at hindi nagtagal ay nagsipuntahan na kami sa sarili naming classroom. As usual ay walang klase at pinakilala lang sarili namin. Tumunog phone ko at nakita ko na nagtext ang kapatid kong si Terah. From Terah: Ate, sobrang sakit ng puson ko. Wala po si mama dito. Ate wala akong napkin huhu. Nag absent ako kanina dahil dito po. Ate tulong, sobrang sakit. Tinignan ko ang oras at nakitang alas singko na. Nang umalis na prof namin ay kaagad naman akong lumabas at dali-daling bumaba. Napahinto lang ako dahil sa sobrang daming taong nagsitakbohan papunta sa cafeteria. Nakita ko si Ely na nasa entrance na parang may pinulot, gusto ko siya sana puntahan pero naalala ko kapatid ko kaya mamaya na lang ako magpapaalam sa kanila sa chat. Lumabas na ako ng university at tumungo sa 8/11 sa harap nito. Kumuha ako ng tatlong sachet of napkin kasi para na rin sa akin ang isa sa susunod na buwan. Since unang pasok ng face to face ngayon ay hindi maikaila ang daming studyante, kaya wala akong choice kundi pumila na rin. Malaki kasi ang 8/11 dito sa harap ng school because of the university. Habang naghihintay ako sa pili ay nilibang ko muna sarili ko through scrolling f******k. What I did was just to read and scroll, not until I saw a familiar face on the live of one of our schoolmates. Dali-dali ko itong ni-click at pinanuod. May babaeng blonde na nakaharap kay Claire at base sa mukha ni Ely, siya ay galit na galit. "Really? How sure are you? If there was nothing between us, then how come that I am living at his place, close with his parents and even with his whole family? Truth, he's a cheater and you're a HOE," sabi ng babaeng blonde kaya napataas ang kilay ko. Aba gaga 'to ah! Sino ang walang hiyang hampas lupang b***h na 'to para pagsabihan ang kaibigan ko na ganito?! Tang ina niya ah! Nanggigil ako! "Excuse me! Watch your words b***h! Bakit kasi ayaw mong maniwala na wala akong alam sa inyo, maganda ka talaga sana pero bobo ka rin 'e!" Sabat naman ni Ely. "Woah! Kaibigan ko 'yan!" Napasigaw ako nang wala sa oras. Ngayon ko lang di. Napagtanto na nasa loob pa pala ako ng isang convenience store kung saan madaming tao. Saka 'yong iba ay nanunuod din ng vid. "Grabe talaga si girl, si Claire na 'yan 'e!" Ani ng isa sa tabi ko. "Oo nga, hindi niya talaga siguro napigilan ang kati." "Hoy! Pukingina, ingungudgod ko 'yang pe*pek mo nang mapag-alaman kung sino makati!" Sigaw ko at umalis na sa store. Hindi pa nga nila alam ang buong istorya, grabe na makapaghusga! Tumakbo ako palabas ng store, at bago pa ako tuluyan makalabas ay may nabangga akong lalaking papasok. Tinignan ko ito, at kung minamalas ka nga naman. Nagpakita ulit ang taong iniiwasan ko. "Oh, so it's you again." He smiled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD