Chapter 4

2202 Words
Bwesit na bwesit ako sa lalaking 'yon. Matagal naman akong bwesit sa mga lalaki pero siya iba 'yong inis ko. Umabot hanggang langit. Siya lang talaga nakapagpagigil sa akin ng ganito. Makapag-asar parang close kami, 'e hindi ko nga 'yan kilala. Ano akala niya sobrang gwapo na siya? Neknek niya. Ang yabang-yabang. Gwapo sana. Ay hindi! Ah basta! Naglakad na ako dahil uwian naman. Hindi ko ngayon nakita sila Vina at Ely ha, himala at hindi rin maingay gc namin. Siguro busy. Magkaibigan kami at sobrang close namin pero sa totoo lang, hindi naman kami palagi magkachat. Nag-iingay lang ang gc kapag may bagong chika, lalo na ako. Napahinto ako sa coffee shop na sobrang sikat ngayon sa social media dahil bago lang. Malapit lang pala rito sa schools. Kahit anong lapit at affordable pa 'yan, hindi ko rin naman 'yan susubokan dahil 'yong pambili ko ng ganyan ipambibili ko pa ng ulam namin. Nanliit mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na mukha. Jusko! 'Yong inutangan ni mama g kinsemel dahil sa sugal!! Tago! Kaagad ako luminga at nakita ko na may sasakyan nakapark. Tumakbo ako rito sa kabilang side saka nagtago. Sinilip ko ang dalawang matatabang babae na inutangan ni mama noon. Jusko, last time na nakita ko sila napahiya ako dahil wala akong may ibigay tapos ngayon naman ay wala pa rin. Ayaw ko na mapahiya! Wala rin kasi akong pera. Napaupo ako dahil papalapit na sila rito. Napapikit na lang dahil sa kaba. Sana huwag sila pumunta rito, sana hindi nila ako makita. Sana talaga! "Enjoy much?" "Ay palaka!" Napasigaw ako sa gulat at napatalon pa nga dahil sa may biglaang nagsalita sa tabi ko. 'Yon pala ay nakabukas na ang pinto ng front seat ng sasakyan niya saka bumulaga ito ang pangit niyang pagmumukha. Bigla tuloy nanumbalik ang pagkainis ko sa ginawa niya kanina. "Fvck you!' malutong kong sabi dahil sa inis. "Sorscha!!" Napalingon ako at napapikit nang tumakbo sila papalapit sa akin. And since bukas naman ang pinto ng sasakyan ng mokong na 'to ay wala akong magawa kundi sumulong sa loob. Nagulat pa ito nang tinulak ko siya, pero wala lang din siya nagawa kundi bumalik sa pwesto niya habang ako naman ay kaagad ko sinarado ang pinto. "Mag-drive ka dalian mo!" "Paano kung ayoko?" "Putangina magdrive ka sabi 'e!" Taranta kong sabi habang tinitignan sila na papalapit na sa akin. Dahil nataranta na rin siya at hindi niya inakala na sasabihin ko 'yon sa kaniya ay napadrive na lang ito. Napahinga ako nang maluwag nang makita ko na nakakalayo na kami. Phew! Buti na lang! Wala rin kasi akong pambayad. "Seem like you like to just ran off instead of talking to the person, huh." Kumunot noo ko. "Like you?" balik ko sa kaniya dahil naalala ko naman ginawa niya kanina. "You. You were the one who slammed me with that tray and I didn't even heard a single sorry from you." "Muntikan mo na ako mabangga kanina, quits na nga tayo. Ihinto mo na ang sasakyan, bababa na ako rito kung ayaw mo makasohan ng kidnapping." Tumawa ito. "Kidnapping? Ikaw mismo pumasok sa sasakyan." "Stop the car," sabi ko saka natawa sa sarili ko. SHutangina, taray ha!! Buti naman marunong siya sumunod at hininto na niya ang sasakyan. Kaagad naman ako bumaba at tumakbo palayo sa sasakyan niya. Hindi na ako nakapagpasalamat dahil ayoko isipin niya na may utang na loob ako. Saka ayaw ko rin sa kaniya 'no! Ayaw ko siyang maka-close at hindi kami close! Asa siya! Ayoko magkaroon ng kaibigan na mayabang at matapobre. Ngayon, ang problema ko ay papaano ako makakauwi kasi sa kabilang direction pala siya dumaan. Walang jeep dito kung saan malapit sa amin. Kailangan ko pa sumakay pabalik at doon sumakay sa kabila. Bwesit naman oh, sana pala kinapalan ko na pagmumukha ko at nagpahatid na lang ako sa kaniya since muntikan niya akong mabangga! Aysh! Umuwi na ako sa bahay ng haggard dahil napagod ako. Nagpahinga na lang ako ng konti dahil mamaya ay kailangan ko naman magtrabaho. "Ate, may singkwenta ka po ba diyan?" Napatingin ako sa pinto ng kwarto at nakita ko si Terah nakatayo rito. Hay, sobrang ganda talaga ng kapatid ko. 'Yong ganda niya ay tipo na pambato sa miss universe. Hindi siya nakakasawang tignan. Sakto lang ang pagkamorena niya at curly na buhok. Matangos din ang ilong at napakasweet ngumiti. Umubo ito kaya kumunot noo ko. "Parang ang tagal na 'yang ubo mo ah, hindi pa rin nawawala?" Tanong ko. Pansin ko lang kasi kapag umuubo siya rito sa bahay. Parang ako na nga 'yong naaawa. "Nawala, ngayon lang bumalik ulit 'e. So ano na, may singkwenta ka po ba?" Nakalahad na ang kamay niya at hinihintay akong magbigay. Tumaas kilay ko kasi parang atat na atat pa siya. "Meron naman, bakit?" Tanong ko saka tumingin balik sa salamin. Nag-aayos na ako ngayon dahil friday na at kailangan ko na magtrabaho ulit sa bar. Alas singko pa lamang at alas sais ang akin pasok. Pero 'yong start ng trabaho ko talaga ay alas 7 hanggang alas tres ng madaling araw. 8- hour work ako, 2 days lang naman. Friday-Sabado kasi kapag linggo ay hindi pwede may pasok ako. Tapos 'yong pasok ko ay 3 times a week lang. 2 days vacant at hahanap pa ako ng isa-sideline ko diyan kasi sayang oras. 'Yong sa friday-sabado naman ay noong walang klase, whole week ako nagta-trabaho, ni-change sched ko lang kasi hindi ko kakayanin na pumasok sa school na ilang oras lang ang tulog ko. Mabuti na lang ay pinayagan pa ako magtrabaho. Grabe pa naman pagmamakaawa ko no'n. "Ahm, ano po kasi. Magpapaload po sana ako." Nahihirapan pa siyang sumagot. Kumunot naman ang noo ko. "Ano gagawin mo sa load? Wala na kayong module oy, face to face na." Kinuha ko ang pulang lipstick at ginamit sa bibig ko. Naramdaman ko naman ang paglapit nito sa akin. "May research po kasi! Sige na ate, please!" niyugyog niya pa ako kaya lumapas ang lipstick sa lips ko. "Terah, ano ba! Maghintay ka, sandali.." "E ngayon na ate! Sige na please! Sige naaaaaa!!" Pangungulit niya pa. Napakakulit talaga ng batang 'to. "Saan mo nga gagamitin?" tanong ko ulit at inulit ang lipstick ko. "Research ngaaaaaa." "Anong research research pinagsasabi mo 'e highschool ka pa lang?!" Nanliliit mga mata kong tumingin sa kaniya. "'Yong totoo?" Wala naman kasing research sa highschool, kung assignment naman ay sa pagkakaalam ko hindi nagbibigay 'yong school nila ng assignment na kailangan pa isearch sa internet. May mga libro kaya. Napakamot na lang siya sa ulo. "Eeeeeeeeh!" Pabebe nitong sagot. "Wala! Kalimutan mo na nga!" At padabog itong lumabas. Sabi na nga ba 'e. Alam ko talaga na nagsisinungaling siya. Dalaga na talaga si Terah. Isang gabi narinig ko siyang may ka-video call dito sa kwarto, 'e iisang kwarto lang naman kami. Akala niya ata sa akin tulog na 'e. Hindi ko na lang ito binanggit sa kaniya dahil baka mahiya siya sa akin. And after all, privacy niya na 'yan. Nagsusumbong naman sa akin 'yan 'e kung ano ano mga nangyayari sa kaniya. Siguro ngayon ay hindi lang siya confident, at labas na ako doon. Maghihintay na lamang ako na sabihin niya sa akin. At isa pa, kilala ko ang lalaki dahil tinawag niya ito sa mismong pangalan. Detective ata 'to, ni stalk ko kaagad at nalaman ang profile. Humanda lang talaga sa akin 'yang lalaking 'yan na saktan ang prinsesa namin. Alam ko address niya, pangalan ng parents niya at aso niya. Lahat na tungkol sa kaniya ay alam ko! Huwag lang siya magkamali! Nag-iwan na lang ako ng 50 sa dresser at umalis na. Hindi ako pwede ma-late dahil napaka-strikta ng lady boss namin. Though, mabait siya dahil pinaboran niya akong magtrabaho rito every weekends. Pero still, kailangan ko pa rin maging early dahil bungagera ito at ayoko ko mapahiya. "Hoy bakla! Ano 'tong mga nasagap ko na chismis?! Tangina bakla ha, 'yong bff mo fiancée ng isang sikat na Hollywood star???! Sheeeet! 'Yong bet na bet ko pa!" Bungad kaagad sa akin ni Japoy nang umupo ako sa counter niya. Magbubukas pa lang naman ang bar kaya may panahon pa kami magchikahan, and of course— as expected, alam niya. Sino ba naman ang hindi makikilala ang viral ng isang linggo? Ilang araw na simula nang nangyari kay Ely. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang update sa amin. Kapag nag-o-open naman ako ng internet ay 'yong viral video niya ang nakikita ko. Hindi lang 'yon kundi 'yong mga edited niyang mukha. Buti na lang na naka-deactivate siya kaagad dahil isang litrato lang ang kumakalat. Hanggang ngayon ba naman ay mainit-init pa rin ang issue media 'e. Hindi ko rin nameet at makausap ang lalaki 'e. Hindi siya ma reach mga teh. Ganda ganda talaga ng bff ko, nanotice ng isang legend celebrity! Sabi ko na nga ba familiar 'yon, kasi naalala ko, nakikita ko siya sa mga billboard! Diyan! Diyan ko nga pala siya nakilala! Pero ayon lang, ang gago niya pa rin para idamay ang bff ko. Nalulungkot nga ako basahin sa comment lahat ng pag-aalipusta sa kaniya, minsan hindi ako makakapagpigil at sinasabat ko sila 'e. Talaga! Bespren ko 'yan 'e! Pero wala naman akong time palagi mag iinternet dahil marami akong sideline jobs. Saka sayang din sa data! Ayoko magpaload ano. Free data nga lang ako palagi. "Hoy bakla! Ano na nga? Kupad kupad nito!" "Huwag mo na nga 'yan pansinin! Alam mo namang hindi 'yan totoo!" Sabi ko na lang kasi atat na atat talaga siya makipag-chikahan. "Aba malay ko! Kaya nga tinatanong kita kasi kayo ang bff 'e! Isang beses lang naman siya napunta rito kaya hindi ko siya kilala! Buset ka!" Binisita kasi ako nila Vina rito. Si Vina ilang beses na nandito kasi nagagawa niyang tumakas, isa rin 'yan sa strict parents 'e. Habang si Ely naman ay isang beses lang napunta rito dahil tumakas rin. Kaso hindi na naulit kasi nahuli siya at grabe 'yong parusa ss kaniya. Hindi ko na lang pinansin si Japoy kasi nagbukas na at sigaw na sigaw na ang lady boss namin. Nagsipasok na rin ang mga guess at nag-iinoman na. Nga pala, hindi ko nabanggit na 'yong bar namin ay mayroon ding casino. Nasa second floor. Kaya hindi talaga kami mauubosan ng bisita dahil pangmamayaman 'tong Bar at Casino. Fun fact: Malaki ang mga tip na binibigay kung hindi kuripot. Medyo kaliitan lang sweldo ko ngayon kasi two days lang naman tinatrabaho ko kaya sa tip ako kumakapit. Chamba talaga kapag makaka-20k ako. Isang beses lang kasi nangyari 'yon at hindi man lang nagtagal sa kamay ko dahil binayaran lahat mg utang. Asa pa ba ako na makasave? Hinding hindi mangyayari 'yan. "Pst! Bakla, naalala mo 'yong lalaking binatukan mo ng tray?" Tanong ni bakla. Nagpahinga muna ako sa serving dahil halos lahat naman ay nakaupo na at may iniinom. Si Japoy naman ay wala pang may nakaupo sa counter kaya lumapit ito sa akin. "Huwag mo na nga 'yan ipaalala sa akin, kung alam mo lang na tinatagoan ko siya," sabi ko na lang. Naalala ko na naman na muntikan niya akong mabangga. Hindi aksidente 'yon kundi intensyon niya talaga 'yon! Naka-imagine pa naman ako na may makabunggoan ako tapos magiging lovelife ko, pero punyeta ha, bakit 'yong akin gustong-gusto talaga ako patayin?! "Bakit naman? Palagi kaya siya rito! Tapos magugulat ka sis! Tinanong ka niya sa akin!" Kaagad ako napatingin sa kaniya. Ha? Kakakita lang namin kanina ah? Sabagay, ang bilis din kasi ng mga araw. "Pinagsasabi mo?" "Tinanong niya sa akin kung ano pangalan mo, kung saan ka nakatira, kung saan ka nag-aaral, number mo! Lahat! Lahat ng information tungkol sa'yo, tangina ka talaga murat! Haba ng hair mo!" "Binigay mo ba?" Panic kong tanong kahit naman alam ko na alam na niya. Bumisita nga ulit! Saka kahit hindi niya man sabihin ay tinawag na ako ni Madam Meldrid, 'yong tumawag sa akin na inutangan ni mama! "OO!! BAKIT NAMAN HINDI?!" Namimilipit ito sa kilig. Habang ako ay mapapamura na lang. "Bobo ka talaga! Bakit mo binigay?! Tang ina, baka ipa-salvage ako no'n!" Paranoid naman ako kasi minalditahan ko siya. Ako pa talaga 'yong may guts na malditahan siya ah! Kapal lang. "Hoy kayong dalawa! Trabaho punta niyo hindi chismisan ha!" Napatingin ako sa likuran ko at nakita si Boss Lady. "S-sorry po!" Saka kaagad kami tumalikod at naghiwalay na. Habang nagtatrabaho ako ay hindi ko maiwasan maging praning. Kaya pala, kaya pala nandoon siya sa 7/11. Kaya pala, dumaan siya sa harap ng school namin para sagasaan sana ako! Kaya pala ang hirap ko gumalaw kasi pakiramdam ko parang may nagmamasid sa akin! "Sorscha, ibigay mo 'to sa VIP customer natin sa VIP room 069. Tatanga kasi 'tong si Grace, natatae. Punyeta ambaho pa ng utot." Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Lady Boss. Wala na akong choice kundi kunin sa kaniya ang dalawang mamahaling champagne at sinunod ang utos niya. Saulado ko na lahat ng room dito. “Bakla! Mag-ingat ka kay papa Blake!” Pahabol na sigaw ni bakla. Pumintig naman nang malakas puso ko. B-Blake? Seems familiar. Sana naman hindi siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD