3

1700 Words
Chapter 3 SABRINA gathered her self confidence. Nakataas noo syang naglakad pabalik sa reception ng kasal. Ni hindi hinanap ng mga mata niya ang asawa. Lalong lalaki ang ego nun kapag sige ang tingin niya. Isa pa ay walang katiyakan ang tinatakbo ng ugali nito. She was once fooled by him, not again this time. Di bale ng magmukha syang maarte kesa naman masaktan sya ulit. Di niya makakalimutan na halos dalawang taon sya bago nakapag move on dahil sa ginawa nito sa kanya. Na pati Papa niya ay hindi matigil sa kakatawag sa kanya at sorry ng sorry sa isang bagay na hindi rin naman nun halos matandaan kung may nagawa man nga bang kasalanan. Imagine, the brave HJE was so sorry for a mistake he wasn't sure if he once did long time ago? Kilala niya ang ama niya, pweo aminado yun na hindi raw nakakatanda ng mga pangalan ng mga babaeng ikinakama, playboy kasi. Naawa pa sya sa Papa niya na walang ibang ginawa kundi ang mahalin lang sila. Saksi sya sa katapatan ng Papa niya sa Mama niya kaya kung may nangyari man sa ina ni Braileys, hindi yun noong mga panahon na committed na ang Papa niya. Baka noong binata pa iyon. That was the untold story. The issue was about her father and Brailey's mother, na siya ang naging tagapagbayad utang, ang damdamin niyang walang ibang alam kung hindi magmahal at kiligin sa isang manloloko. Diretso siya sa may mesa para payapain ang sarili. Kumukuha sya ng inumin sa napakahabang mesa na punong puno ng pagkain at iba't-ibang cocktail drinks nang may bumangga sa braso niya. Her drink even spit a little out of her wine glass. "Oh," tanging sambit ng babae sa tabi niya nang lingunin niya ng kaunti. Ang babae ng asawa niya ang nakita niya. Pang-ilan kaya ito sa araw-araw na naikakama? May hitsura, malaki ang hinaharap, malaki ang balakang, malaman. Blonde dyed hair, though mukhang may lahi rin talaga. May lahing ahas. She thought. Kamuntik pa syang matawa sa sariling tinuran ng isip niyang ginapangan ng kapilyahan. Hindi niya ito pinansin. Umusog siya. She was checking what possible food she could eat. Hindi pa rin kasi siya kumakain simula kanina at tinamaan na sya ng gutom ngayon. Ikakain niya ang gumugulo sa isip niya, kahit na wala naman dapat na isipin pa. Malinaw na isa lang sa mga panloloko ni Braileys ang mga kilos nun ngayon sa kanya. She must not get affected. She made herself busy, pero sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niya na pinapasadahan sya ng tingin ng babae. So what? She's gorgeous. Wala syang dapat na ikailang. She look so seductive and breathtakingly beautiful with her read off shoulders dress, na fitted hanggang sa may taas ng tuhod. Kaya nga yata na-trigger si Braileys na amuyin sya at halikan dahil sa suot niya na nakahantad ang balat niya sa may leeg at balikat. Laban naman sya sa kagandahan. Hindi kalakihan ang dibdib niya pero proportion naman sa katawan niya at wala rin naman syang bilbil. Isa pa ay mas defined ang katawan niya kesa sa babaeng katabi nya, na medyo malaman. Slim type sya pero hindi naman mukhang kalansay ang labas niya. "Is it true that you're his wife?" biglang tanong ng babae sa tabi niya. Tumaas ang isang kilay niya at tiningnan ito muli, "Excuse me? Are you talking to me?" tila may katarayan ang himig ng boses niya. Mukhang magkakasubukan silang dalawa. Mahirap na makigulo. Sisirain ba niya ang party na inayos niya para sa bestfriend niya? Kailangan niyang umiwas kung kaya lang rin naman niya. Wala siya sa teritoryo. Bahagya niyang nilingon si Becca na nakatingin sa kanya. Di niya alam kung anong pakahulugan ng tango ng kaibigan niya sa kanya pero alam niya na aware yun sa babaeng katabi niya ngayon na kasama ni Braileys na kahit sa elevator ay nagpapagamit. Tumingin iyon sa kanya. "Yes. May iba pa ba?" mataray din na sagot nun at kunwari ay pa tusok tusok ng mga pagkain palagay sa platong hawak. Buong kaplastikan syang ngumiti sa nag-uuyam na paraan. Her bitter heart showed the way how she smiled. "Oh. Sorry. I forgot to inform the crowd that I'm his WIFE." her lips twitched, "But go on. I don't care who the hell you are in his life. Just watch him closer, who knows you're in his list, panghuli nga lang." she even gave the woman a mockering look from head to toe, habang nakataas pa rin ang magaganda nyang kilay. Sabay pihit patalikod niya sana pero pa simpleng hinawakan ng babae ang braso niya pasalubong sa kanya. May kariinan yun pero binalewala niya. Alam niyang magmamarka yun. Napaka sensetive pa naman ng balat niya dahil ubod ng puti. "At sino ang una? Ikaw ba?" the woman chuckled sarcastically, "I don't think so." umirap pa iyon. Ngali ngali na niyang sapakin ang babae, kaso nakakapagpigil pa naman sya. She played it cool." Oh dear. I didn't say anything like that. But if he makes you feel that I'm still on top of his list, tell him thank you. I'm so flattered you informed me." hinayaan nya pa rin na hawak niyon ang braso niya pero sa loob ay gigil na sya. Kung gusto nito si Brail, eh di sige. Ayaw lang niya na pati pananahimik nya ay pinakikialaman pa ng babae ng asawa niya. Wala na nga syang imik, insecure pa ba sa kanya? Come on? Dahil ba yun sa maikli niyang buhok? Salamat sa salon. Nakita niyang palapit si Braileys sa kanila kaya lalo lang syang nabwisit. "I'm his constant partner." Sabi pa ng babae sa kanya, "Don't make a scene and try not put yourself back into the spotlight. You're out of his life, live with it." matatag na sabi ng babae sa kanya. Inuutusan sya ng kabit ng asawa niya? Nakakatawa. Tumaas ang mga kilay niya habang nakangiti. Napaka low class naman nito. At constant partner daw. Saan? Sa kama, sa elevator o sa sofa? Nawala ang plastik na ngiti niya. "You don't have the right to dictate the things that I must do. FYI, just in case he misled you, WE are still married, kaya KABIT ka lang. Tanggalin mo ang kamay mo sa braso ko kung hindi, ingungudngod ko ang mukha mo. Huwag mo akong subukan. Isa akong Elizares," her teeth gritted. Pabalyang itinulak ng babae ang braso niya kaya walang sali-salitang ininapon niya sa mukha nito ang laman ng baso niya, at saka iyon hinawakan sa may batok. Inginudngod niya ito sa pagkain na nasa mesa. Pumasag pasag ang babae matapos na tumili pero hindi makaangat dahil gigil na nadidiina niya ang batok niyon gamit ang dalawang kamay niya. "Pumili ka ng babanggain mo, kabit. Hindi ako paaapi sa katulad mong makati pa sa higad ang pagkababae." gigil na sambit niya. Nagtagis ang mga bagang niya sa galit. "Sabrina." mahinang saway sa kanya ni Braileys nang halos dalawang hakbang na lang yata ang layo. "Babe, let go please." he almost whispered in her ear. Hinawakan pa nito ang mga kamay niya at pilit na inaalis ng marahan sa batok at ulo ng kabit nito. Nakatayo ito na parang humarang sa tagiliran niya para mapagtakpan ang nangyayaring eksena. Babe let go? Hayup ka! Binitiwan niya ang babae at saka niya ubod ng lakas na sinampal ang asawa na hindi nakaimik. Nasapo lang nito ang pisnging sumalo sa sampal niya. "We're not yet even. Kulang pa yan Mr. Guzman!" paangil na sabi niya rito at itinulak pa niya ito sa dibdib, na hindi man lang natinag. Damn his strength! "The next time, warn your bitches who to fight with. If it's the Princess of Elizareses, back off. Even you! Jerk!" pahirap niya itong nilayasan na halatang nagpigil ng sariling magsalita. Napansin niya kasing ilang beses na tinangkang ibuka ang bibig pero hindi na nakaimik. "Bala ang sasubong sa bunganga ng kabit mo sa susunod." sabi pa niya habang papalayo na. Kinalma niyang pilit ang sarili habang papalapit sya sa kaibigan na alam niyang nakita ang ginawa niya. Nawala na ang interes niyang kumain. Sapphy kissed Becca, "I'm so sorry Becca. I was so pissed." lumamlam ang mga mata niya na nakatunghay sa mukha ng kaibigan niya. Becca touched her cheek. "It's okay. At least nailabas mo. Kanina ko pa rin gustong sapakin mo yun babae, buti naman binusog mo sa mesa." kulang na lang ay matawa pa ito sa sinabi sa kanya. Pasaway si rin talaga at tunay na kaibigan kahit kailan. "I'm going. Visit me after your honeymoon. I love you." niyakap niya ito ulit. "I love you, too. Take care always lalo sa pogi mong asawa na nakahabol pa ng tingin sa'yo." Becca patted her back. She rolled her eyes. "Mamatay sya sa titig." she giggled. Suddenly ay nawala ang tension sa katawan niya. Kanina lang eh pakiramdam niya ay masarap pumatay ng tao, ngayon ay hindi na. She kissed her friend once more at saka sya nagpaalam sa asawa nitong iiling-iling sa kanya. "Mahal ka nun, sinampal mo pa." nakangising sabi ni Jeremy sa kanya. "That's a miracle. Puti na ba ang uwak, Jeremy?" parang nang-iinsulto pa nyang tanong kaya natawa na lang iyon. "Silly you, Sapphy." hinagkan sya nito sa ulo, "Take care for Brail." pahabol niyon nang mag-umpisa syang magmartsa paalis. "In his ass!" sabi lang niya at wala syang pakialam kung marinig man sya. She's an Elizares at wala syang dapat na katakutan o ikahiya. At kahit itanggi niya, kilala sya ng lahat dahil sa yaman at kapangyarihan ng pamilya niya at idagdag na rin ang apelyido niya ngayon na Guzman na hindi rin naman basta sa alta Sociedad. Yun lang, she denies that she's the wife of the famous handsome business magnate, Braileys Guzman VI. Famous in Hollywood, famous pa sa Pilipinas. Kaya yata inaway pa sya ng kerida. Ilan pa kayang kerida ang magtatangka sa kanya? Well kahit ilan pa, di sya pasasampal kanino man. Hindi nasasampal ang isang Sapphire Elizares. She's as strong as her birthstone, lalo na kung pagdating sa mga kumakalantari sa asawa niyang babaero, hindi sya patatalo. At kung meron mang tatalo sa kanya? My heart. Not again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD