Chapter 2
Hindi pinansin ni Sabrina ang pagtawag ni Braileys ng babe. Though she realized na walang ibang tao na naglalakad sa pasilyo na yun papuntang ladies room ay nagkunwari syang bingi. Hindi na niya ito ulit gustong makaharap pa, o kung makaharap man ay hindi na niya gusto na mag-usap pa sila. Their love story ended up six years ago and there's no continuation of it. He ended it.
He chose to end it.
Hindi na niya gugustuhing saktan pa ang sarili niya sa pangalawang pagkakataon na ito na nakabangon siya mula sa sakit ng nakaraan.
Nilakihan pa niya ang mga paghakbang kahit kumakalabog ang dibdib niya sa kaba.
Shit talaga! Bakit may kaba? Dahil ba sila lang dalawa ngayon ang nasa medyo dulong pasilyo na ito?
Binilisan niya ang paghakbang. Thanks to her talent of wearing high-heeled shoes.
Papasok na sya sa loob ng banyo nang may humawak na sa braso niya. Kaagad na parang na kuryente siya sa pagdantay ng kamay nito sa balat niya. He has this familiar warmth that other men do not have. Baka dahil sa ito ang first love niya kaya ganoon ang dating nito sa kanya, plus the fact na may pinagsamahan sila, hindi nga lang masaya.
He still has that special effect on her. Akala niya ay nagkamali lang siya kanina nang alalayan siya nito, pero hindi pala.
Grabe lang na pagkalipas ng six years, buhay pa rin pala talaga ang feelings niya kahit na sobrang sakit ng ginawa nitong panloloko sa kanya. And he's still doing it right now, for fox's sake! Nambababae ang dati niyang asawa tapos ngayon ay babe ang tawag sa kanya?
The nerve!
Hindi sya nagpatinag. Hinarap niya ito gamit ang kanyang kaswal na mukha, mukha ng isang babaeng hindi na muling pauuto pa.
"Excuse me? Get your damn filthy hands of my skin. Ihinawak mo sa basura tapos hahawak mo sa bilyonarya." tumaas ng kaunti ang mga kilay niya sa asawang nakatitig sa mukha niya.
Hindi naman gaanong lasing si Braileys, nakikita niya. Kahit may pamumula ng pisngi nito ay hindi naman sapat para tawagin na lasing. Alam niyang nasa tamang huwisyo at pag-uutak ang mister niya, at least kung may utak man ito, dahil sa huling pagkakatanda niya, utak talangka si Braileys.
Napilitan itong tanggalin ang kamay sa kanya at narinig pa niyang bumuga ng hangin, pero bago tuluyang pakawalan ang braso niya ay ginalaw galaw na muna ang hinlalaki sa balat niya, hinahaplos sya nito alam niya at nakatingin pa mismo ito sa sarili nitong daliri.
That made her shiver mentally. She crossed her arms on her chest and cleared her throat.
"What?" may katarayang tanong niya sa asawa na parang naputulan ng dila.
Diretsong-diretso sa mga mata nito ang titig niya, at tama nga si Becca, wala syang nakikitang galit sa mga mata nito. Parang ang bait bait nito ngayon, o baka dahil lang sa ala. Pwede rin na nagbabait baitan na naman, tulad noong desi siete sya para makuha ang pagmamahal niya na planado pala.
Braileys bit his own lip, maybe to forbid himself from uttering a word.
Nang hindi ito magsalita ay tinalikuran niya ito pero sa pagkadismaya niya ay pumasok din ito sa ladies room.
"Hey, get out! Ladies room to!" halos ipitin niya ito ng pinto para lang makalabas pero ang laking tao ng asawa niya kaya hindi madala papalabas.
"Wait, I'll stay here. Just do whatever you have to do. I'll wait for you here. I want us to talk." malumanay na sabi nito at sumandal lang sa may hamba pero sa loob ng banyo mismo.
Nairita siya. Tingin ba nito ay tamang lugar ang banyo para dun sila mag-usap? At bakit sila mag-uusap. Wala ng dapat pang pag-usapan pa. Maraming taon na ang nasayang. Sapat ng ang lahat ng mga nailuha niya.
"Damn you, Braileys! Hindi ako bumalik sa Pilipinas after six years para lang mapatsismis na umiihi ako ay may lalaki akong kasama sa banyo!" singhal niya rito at halos pandilatan niya.
"You're my wife." tanging saad nito habang nakatitig sa mga mata niya.
Ngumisi siya at halos matawa pa nga na tila nakakainsulto.
"Wife?" tumaas ang mga kilay niya, "Since when you treated me as your wife? Did you tell your mistress that I was once your wife?" buong tapang niyang sagot.
"Babe..." anito ulit at parang litong-lito.
"Stop that," mstapang na utos niya, "I'm not that silly girl you met anymore who was damn head over heels for you." mabilis na pigil nya rito.
Nakatayo sya sa harap ng lababo at naghuhugas ng kamay pero nang tumingin sya sa salamin ay kitang kita niya ang pagkakatitig nito sa kanya.
Wala na ba itong gagawin kundi tumitig? Bwisit!
"No more talking, and besides I don't care what you want to do with your life. Watch yours, I'll watch mine." Hinarap pa niya ito at hindi sya natakot man lang na ipagkanulo sya ng damdamin niya.
Dahil kahit na may pagmamahal pa rin sya para rito, palagay niya ay kulang na yun para magtiwala sya ulit sa lalaking ito na walang kasing tuso at mapagpanggap. He's a masquerading Saint but in reality, he's a demon.
"And for your information, I'm here to manage my company, na inangkin mo." buong katatagan sa sabi niya rito.
Halos manigas pa ang mukha niya sa inis.
"And I'll pursue the annulment case." Dagdag pa niya bago niya tinungo ang isang cubicle sa loob ng ladies room.
"A thing I won't agree with." he simply said without hesitation. Nilingon niya ito at nakapamulsa pa ito, tila proud sa sarili.
"f**k you, Braileys Guzman the sixth!" gigil na mura niya rito.
Patawarin sya ng kalangitan pero sobra ang sama ng loob niya sa taong kaharap niya. Or maybe tao nga ba? Baka hayop si Braileys talaga.
"I miss that, babe. When?" he smirked, staring at her intently. Parang sa tabas ng mga mata nito ay hinuhubaran na siya.
Gusto niyang magsisi kung bakit siya pumunta sa kasal. Wala siyang anumang ideya na magkikita sila at kung anu-ano kaagad ang gagawin sa kanya.
Mas gigil na pumasok sya sa loob ng cubicle at marahas na isinara ang pinto. Ang hayop niyang asawa, wala pa ring ipinagbabago, bulgar pa rin ang bunganga talaga. Akala yata nito ay padadala sya sa mga kalokohan nit, sa mga katarantaduhan at kabastusan.
Nang lumabas sya ay nakatayo pa rin ito at talagang binantayan sya. Tila ba hindi niya ito nakikita na nilagpasan niya sa may hamba ng pintuan pero di pa man lang sya nakalailang hakbang papalayo ay narinig niyang sumunod din kaagad ito.
Mas pinili niya itong insultuhin.
"f**k your mistress." tanging sambit niya sabay irap habang nakatalikod dito.
"Are you jealous? I can dispatch them all." parang nangingisi pa ito nang lingunin niya.
Them? Wow! Ei di sana all maraming kabit.
Gusto niyang matawa. Pinagmamalakihan ba sya ng asawa niya? Pwede rin naman syang manlalaki kung gugustuhin niya. Hindi lang kasi sya hinahabol, nagkakandarapa pa ang mga tagahanga niya, pero sadyang mana lang yata sya sa Mama niya na iba ang prinsipyo pagdating sa lalaki. Malamang kung pati pagiging maharot ng Elizares ay nakuha niya, baka daig pa niya ngayon ang pinagsawaan sa kabaret.
Madaling tumalon sa kama, kasama ang iba't ibang mga lalaki pero hindi ganun kadaling tanggapin ang sarili pagkatapos, lalo pa kung dala lang ng kati sa katawan ang dahilan kaya nakakagawa ng imoralidad.
She's just so different, na hanggang ngayon ay si Braileys lang ang lalaki sa buhay niya, na hindi niya alam kung dapat ba niyang panghinayangan at itanong sa sarili niya kug bakit ito lang?
"Pwede ba Braileys?" Naningkit ang mga mata niya, "Don't act as if we're friends because we're not!" she posed in front of him and clasped her arms on her chest.
At halos manlaki ang mga mata niya nang isahing hakbang sya nito at bigla sya nitong yakapin sa baywang, paraisinandal sa pader.
Pinakatitigan ni Braileys ang maganda niyang mukha.
"We're not friends because we're lovers, babe, at babalik ka bilang Mrs . Guzman, soon." inilapit nito ang mukha sa mukha niya at mukhang hahalikan siya kaya pumilig sya para makaiwas.
Hindi pa siya sira ulo para pahalik dito. She had been badly traumatized. Ramdam niya ang takot sa puso niya.
"Bitiwan mo ako." mariin na sabi niya.
She tried to push him away, pero hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.
"No one have the right to own you, Lalo na ngayon, Sabrina. Iniwan mo ako ng walang paalam pero ngayon di mo na yun magagawa," his warm breath on her cheek.
Amoy alak ito pero mabango pa rin tulad ng dati. There's still pain inside her, and it occupies almost all the rooms in her heart. She grew up being loved and valued. Everybody treated her as a princess, but then all of a sudden she was mistook by someone, and what's even more painful was because of the reason that it was her husband who made her feel unwanted, misplaced and unloved.
Sapphy made herself a little more stiff.
Naramdaman niya na bumaba ang mukha nito sa may leeg niya.
"I miss you babe." anas nito na parang sinasadya pang padikitin ang ilong sa balat niya at mukhang inaamoy-amoy pa siya.
Miss? Sasabihin nitong miss siya pagkalipas ng anim na taon na wala lang?
Diyos ko! Naitikom niya ang labi at tinangka ulit itong itulak pero matigas si Braileys. She's tall but he's way lot taller and stronger.
At sa tingin niya ay mas lalo pang lumaki ang katawan nito ngayon, kumpara noong huling anim na taon niya itong nakita.
At sa panghihilakbot niya ay hinalikan nito ang leeg niya bago sya tuluyang pinakawalan at iniwan ng walang paalam.
He looked so, pissed na nagawa pang sampalin ng isang palad ang pader na dinaraanan.
Ang hininga niyang kanina pa niya pinipigil ay naibuga niya ngayon. Her heart is racing too fast, at ngayon sya tila nanlumo.
Why now? Bakit ngayon ay ganito ang ipinapakita nito sa kanya? Isa itong tao na napakahirap arukin ng pag-uugali. It was her fault, dahil sa loob lang ng tatlong buwan na mag-on sila ay naisuko niya ang sarili niya rito noong magdi-desi otso pa lang sya. Kaya ngayon ay kasal sya sa isanglalaki na hindi niya pala lubos na kilala.
And now acts as a possessive jerk!