Chapter 1
Kitang - kita ni Sabrina mula sa kinauupuan niya ang malanding babae na kumakalantari kay Braileys. Lumapit iyon sa kinauupuan ng lalaki, na dalawang mesa lang ang layo mula sa mesa na kinaroroonan niya. Niyakap nun ang lalaki sa leeg, mula sa likod at walang humpay ng halik-halikan sa pisngi, at kapag hindi nakukuntento ay ipinipihit ang mukha ng asawa niya at hinahalikan sa labi.
Diyos ko. Bakit naman sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ito pa ang nakita niya? Bakit sa tagal ng panahon?
Napabuntong hininga siya.
Kinakati na yata ng sobra ang babae habang ang magaling na lalaki naman ay hindi tin tumitigil sa kakatingin sa kanya.
Why? Does he think she's still the stupid Sabrina Elizares?
Nakakatawa.
Sukat sa kaisipan na yun ay nanumbalik ang matinding galit niya. Nakikieksena yata ang babae sa mga bagong kasal. Baka naiinggit kaya daig pa ang tuko kung makakapit at daig ang s**o kung makahalik.
Sapphy shook her head.
Hindi na nahiya! Ang kapal ng mukha! Ang lalandi.
Harap-harapan na lumalabas na kabit ng asawa niya ang babaeng iyon. Alam kaya ng babae na ang nilalandi nito ay kasal sa kanya? Malamang, pinaringgan na niya kanina. Baka sadyang bingi o kaya manhid lang.
Dinampot niya ang wine glass at sumimsim ng red wine. Mabuti na lang pala at nang alalayan sya ng magaling niyang asawa ay kaagad syang tumikal at iniwan ito na parang hindi niya kakilala. Kung hindi ay baka nagpang-abot pa sila ng kerida nito. Ni hindi sya nagpasalamat dito?
What would be she thankful for? For saving her not to fall on the floor and saved her pride? That compares nothing to what he did for breaking her heart six years ago, na mismong gabi ng kasal ay para siyang hangin na hindi nito napapansin. Yun pala ay hindi talaga sya papansinin dahil sa napakalaking bintang na kasinungalingan nito sa ama niya. Bintang lang yun kasi wala namang patunay ito sa lahat, at nagawa syang gamitin para makapag higanti lang.
Hiyang-hiya siya sa ama niya, na halos hindi niya maamin o matanggap ang lahat. She married a fake guy, a user, a badass.
And what's so funny, ay nang humingi naman siya ng annulment a year ago, nang talagang matanggap na niyang wala na ay binabaan lang siya nito ng telepono pagkatapos na sabihin na hindi nito ibibigay ang annulment hangga't nabubuhay ito.
Fuck him for that!
Yeah! Yun malamang ang rason nito dahil hanggang ngayon yata ay gusto pa rin siyang pasakitan na husto. Wala na. Hindi na siya masasaktan pa. Matatag na siya.
Ngayon pa ba na ang Sapphire Sabrina na pinakasalan nito ay hinubog na ng panahon at lumitaw na ang ugaling Elizares na palaban?
Itinaas ni Sapphy ang noo kahit nang muli siyang mapasulyap sa gawi ng mga iyon. Parang biglang nawala ang interes nito sa babaeng kanina lang ay kinakamay na nito sa elevator.
Pathetic. She smirked. Ano yun, nagpapanggap din na walang interes, samantalang parehas na mga haliparot?
Ngayon, magkasubukan kung sino ang mahuhulog. Kahit may kirot pa rin sa puso niya, hindi siya paaapi lalo pa kung mga ganitong eksena ang nakikita niya.
Braileys must be happy, dahil hindi na kasintapang ng noon ang Papa niya. Nang tumanda kasi ay mas lalo ng naging malambing si Heaven at mapag-analisa, at hinahayaan siya na umayos ng sarili niyang problema. At alam niya na hanggang sa mga oras na ito ay umaasa ang mga magulang niya na magkakabalikan pa sila. Too bad. Bakit aasa ang mga yun sa imposible? Gusto ba talaga ng mga iyon na habambuhay siyang makasama ng isang lalaking dakilang sinungaling?
"May nakatitig," bulong ni Becca sa may likuran niya kaya naipilig niya ang ulo.
Alam niyang si Brail ang tinutukoy nito. Kanina pa rin kasi niya napapansin yun. She's just too strong to control her feelings and fight back with his melting gazes.
If he was staring her her this way long ago, perhaps she was badly affected, but not today.
Saksi ang kaibigan niyang si Becca sa katangahan niya noon kay Brail kaya wala syang maitatago rito ni gahiblang luha man noon.
Ngumiti lang sya saka umiling.
"Still aiming for revenge, that's why," she simply shrugged.
Naupo ito sa tabi niya habang suot ang long gown nito.
Tumingin siya sa kaibigan at nginitian ito ng matamis. Masaya siya para rito dahil nakahanap ito ng matinong lalaki na mamahalin.
Di maiwasan na maalala niya ang kasal niya kay Braileys. It was the most elegant wedding because she's the princess of Elizares Clan, pero ang akala niyang fairytale ay walang happily ever after dahil hindi prince charming ang napakasalan niya, kundi ang dakilang kontrabida pala.
If Sapphy could turn back the time, she probably did a long time ago.
"I see no revenge at all in his gorgeous eyes, Sapphy." kinurot pa sya nito sa tagiliran habang nakatitig ito sa dati niyang asawa.
That's impossible.
Malamang isa rin ito sa mga tao na umaasa na may sila pa ni Brail. Oh, come on.
"It's just your hallucination, Becca." she softly chuckle, pero dahil medyo tahimik ang lugar ay medyo umangat ang boses niya kaya nanarinig malamang ng ilang mga taong malapit.
Pinakatitigan siya ni Becca. Para bang inaaral nito ang aura niya. Nakipagsukatan sya ng tingin sa matalik na kaibigan habang hawak niya pa rin ang wine glass, at iniikot ikot ang laman nun sa loob.
"You've changed. You're so damn strong my friend. Kitang kita sa mga mata mo ang pagiging Elizares mo." anito sa kanya, na para bang natutuwa sa napakalaki niyang pagbabago.
Ibinaling niya ang tingin sa alak na hawak, "Yes." aniya. "But I'm still a baby inside. At nararamdaman ko yun kapag kausap ko si twinnie." humina ang boses niya.
Ang tinutukoy niyang twinie ay ang kakambal na si SJ. Mahal na mahal kasi nila ang isa't-isa at malamang na kung wala lang respeto sa kanya ang kakambal niyang iyon ay matagal ng basag ang mukha ni Braileys. Baka hindi nga lang mukha, baka comatose na kamo.
Nagtitimpi lang yun nang malaman ang lahat at tulad ng kanyang mga magulang, hinahayaan siyang ayusin anh gusot sa kanyang buhay.
Kung sana ay kasing dali lang ng pagpaplantsa ang pagtanggal ng gusot, matagal na sanang ayos, pero hindi.
"Wala na bang feelings friend?" usisa pa nito sa kanya.
She inhaled deeply, saka niya pinatapang ulit ang sarili at buo ang lakas ng loob na tiningnan ang dating asawa o asawa pa rin naman niya talaga hanggang sa ngayon.
Walang humpay ang pagtungga nun ng alak, habang ang babae naman ay nakapulupot sa braso at pinagsasawa rin ang sarili sa paghimas.
Pain? Pinakiramdaman niya ang sarili nang mabuti.
"There's still Becca pero pinapatay ko pa rin yun," aniya. Hindi siya magpapanggap dahil wala naman talaga siyang ibang lalaking ginusto, si Braileys lang.
"You know that he's the only man that I have loved since we're seventeen. But I'm not a martyr. He took me off his life, so I had to do the same ." wika niya habang nakamasid kay Braileys at sa malanding hitad na parang gusto ng maunang mag-honeymoon kesa sa bagong kasal.
Maya-maya ay nagtama ang mga paningin nilang mag-asawa pero hindi sya bumawi. Hanggang sa kinabig na lang ng babae ang mukha nun at hinalikan sa labi.
There's a pang inside her chest. Masakit pa rin pala. Masakit kasi di niya kayang makipagsabayan ng paglaban sa ganoong paraan, na makikipaghalikan kung kani-kaninong lalaki sa harap ng maraming tao, pero matatag na sya. Hindi niya kaya ang ganoong imoral na gawain, pero hindi niya papansinin ang mga ganoong kalokohan ni Braileys, not this time, not again.
"But let's see how far his revenge goes. I'll have back company, at kahit magkasama kami sa iisang building, kakayanin ko yun, Becca. Yun ang sadya ko rito." nginitian niya si Becca.
Niyakap naman sya ng kaibigan at hinaplos ang mukha niya. Kapagkuwan ay hinalikan pa sya nito sa noo.
Matanda kasi ito sa kanya ng dalawang taon. Naging magkaklase lang sila dahil operada ito at huminto sa pag-aaral, kaya nagkasabay sila noong third year high school na sila. Sa Pilipinas na kasi sya nag-aral dahil sawa na sya sa US. Iba pa rin kapag nasa sariling bansa kesa roon. Kahit may parte pa ng pagiging banyaga sa dugo niya at kahit na nga ang mga mata niya ay berde, mas Pilipino pa rin ang pakiramdam niya.
"Good luck, my friend. I'm still hoping na maayos pa, hindi mas lumala pa, you know, second chances," anito sa kanya na ngiti lang ang isinagot niya.
I'm not hoping. Sa isip niya.
She sighed before she got up. "Ladies room lang, ha. Wait lang." she handed her pouch and walked sexily, na halos ikaputol ng leeg ng mga kalalakihan doon, mahabol lang sya ng tingin.
She still carries that undeniable charm, being an Elizares. Sino bang magsasabing nagkaasawa na siya? Wala. Ang katawan niya ay katumbas pa rin ng mga kababaihan ngayon sa showbiz.
If Braileys would draw nearer to her, he better not. Igaganti niya ang puso niya at ang p********e niya. Wag lang sanang umiral ang malambot na pagkatao ng isang Sabrina, kung hindi ay baka matalo siya. Minsan na siyang naging talunan kaya siya umalis ng bansa, pero ngayon na bumalik na siya, iba na.
"Babe..." that familiar hoarse voice behind her which made her almost pause for a while but she didn't.
Alanganin syang lumingon kasi di niya alam kung sino ang babe na tinatawag ni Braileys. Sya ba o iba?
Babe kasi ang tawag nito sa kanya. Babe? After all this time? Babe? Really? Kung sya man ang tinatawag nito at hindi ang isa sa mga malalanding kerida nito. At kung siya man, ang masasabi lang niya ay, ang kapal.
"Babe."
Shit!