"s**t," usal ko. Tumalikod ako. Pakiramdam ko ay nalulon ko ang dila ko nang makita ko si Lindon. "Estudyante ko ba siya? May kaya siya sa buhay pero bakit dito siya nag-enroll? Baka, naligaw lang siya rito? Pero, nakasuot siya ng unipormeng pang-public school, " bulong ko sa aking sarili. Bigla tuloy nanlamig ang kamay ko.
"Morning, Ma'am, thank you for waiting us," bati ng isang lalaking estudyante. Narinig ko pa ang pag-apiran ng mga ito, dahilan upang huminga ako nang malalim.
Pumihit ako paharap sa mga ito at hindi ko inasahan ang masamang tingin sa akin ni Lindon. Pero, hindi dapat ako magpadala sa kabang nararamdaman ko.
"7: 40 ang klase n'yo sa akin. Pero, bakit ngayon lang kayo pumasok at late na late na kayo sa subject ko," matigas na sermon ko.
"Woah! Ang sungit ng new teacher mga Pre!" saad ng isa pang estudyante.
"Ipinagbabawal na pala ngayon ang late. Sabi nga nila, it's better to late than to absent. Kaya okay lang na ma-late kami, ang importante ay pumasok pa rin kami sa subject ninyo," sarkastiko na segunda ni Lindon sa akin.
"Ayon, oh!" anang isa ring estudyante.
Naikuyom ko ang kamay ko. "Ganito ba talaga sa public school? May mga estudyanteng walang respeto? At pasensya na mga, Hijo dahil hindi ako napadalhan ng memo na okay lang malate ang mga estudyante. First day of school pero hindi ko akalaing—"
"Then, why did you teach here, when there are many public and private schools. At saka puwede bang paupuhin n'yo muna kami, Ma'am. Kating-kati na kasi puwetan namin at gusto na naming maupo," matigas na sambit ni Lindon na titig na titig sa akin kaya naman naaasiwa ako.
Huminga ako nang malalim. Hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya. Hinayaan ko na lang maupo ang mga ito ngunit nakatingin pa rin siya sa akin. At dahil may bakante pa sa harapan ay roon mismo siya umupo.
"Lindon, Pre, marami pang bakante rito sa likod at katabi pa natin mga chikachiks pero diyan ka uupo sa harapan?" gagad ng lalaking estudyante.
"Gusto ko kasing makita at marinig kung paano magturo ang guro natin. Baka, katulad rin siya ng ibang guro na maraming eksplanasyon, pero doon din naman ang patutunguhan," pahayag niya na sa akin pa rin nakatingin.
Umiling ako. Kinuha ko ang chalk at bago ko makalimutan ay gusto kong malaman ang pangalan ng mga bagong dating na estudyante.
"I'm Kevin Labrador, love ng lahat, lalo na mga lola."
"Thyron Magneto at minamagnet ko ang mga babaeng tumitingin sa akin, kahit ang libag nila."
Pagpakikilala ng dalawa dahilan upang matawa ang kanilang mga kaklase. Corny ang mga ito, kaya pati ako ay natawa na rin. Subalit, tumigil ako nang Pumalakpak si Lindon.
"Ikaw, Mister? Hindi ka ba magpakikilala sa mga kaklase mo para naman alam nila ang iyong pangalan," magiliw na saad ko.
Ngumisi siya. "No need to introduce myself because they already know me. In fact, I came from an exclusive school."
"Ganoon ba? Yabang," mahinang sambit ko.
"Yeah, dahil may maipagmamayabang ako." Mahina, ngunit narinig ko rin iyon kaya hindi na lang ako nagsalita.
"His name is Lindon Delgado, Ma'am," maarteng imporma ni Chelsea.
Tumango ako. "Kung gano'n, ako ang inyong guro, ako si Ms. Dafne L. Salazar."
"Miss? Uhm, do you have a boyfriend, Ma'am?" tanong ni Chelsea.
"No, I'm single, Ms. Vegas," ngiti ko.
"Halata naman," bulong nito.
"Anong sabi mo, Ms. Vegas?" untag ko.
"Nothing, Ma'am. Ang sabi ko ho ay rito na lang sa tabi ko si Lindon, 'di ba, Girls?" anito na sinang-ayunan naman ng mga katabi nito.
"Kahit sino' ng gusto n'yong makatabi dahil hindi naman alphabetically arrange dito," pahayag ko. Kita ko pa ang pag-ikot ng mata nito pero hindi ko na lang ito pinansin. "So, punta na tayo sa ating aralin ngayon. At ang tanong ko sa inyo, bakit mahalaga ang Wikang Filipino? At anong maitutulong nito sa atin?" sunod-sunod na saad ko.
"Kailangan pa bang sagutin 'yan, Ms. Salazar? Filipino is a language, and it is used to communicate with Filipinos as well. But we can't use that if the person we're talking to is foreign, right?" sarkastiko na sagot ni Lindon.
"Depende pa rin sa tao ' yan, Mr. Delgado. Tulad ngayon, Filipino ang subject mo sa akin pero sinasagot mo 'ko ng foreign language," saad ko. Pero sa isip-isip ko ay naiinis na ako dahil nananadya na yata siya.
"Because I want . At hindi naman bawal na sagutin ko kayo ng gan'yan. Kapag ni-translate ko naman ' yan into Filipino ay iisa rin naman ang ibig sabihin," depensa niya dahilan upang bumuntong-hininga ako.
"May sasagot pa ba sa inyo, Class?" tanong ko sa aking mga estudyante.
"Yes, Ma'am. And I agree with Mr. Lindon," saad naman ni Chelsea.
Magsasalita pa sana ako nang makita ko si Thomson palapit sa classroom ko. May dala itong bulaklak at nakangiti ito sa akin.
"Hello, Love," bati nito at dire-diretso itong pumasok. "Pasensya na at naistorbo ko ang klase mo. Ibibigay ko lang itong bulaklak para maganahan kang magturo," pahayag pa nito na inabot sa akin ang bouquet of roses.
Kinuha ko iyon. "Thank you. Nag-abala ka pa talaga."
"Namis kita agad," saad nito.
"Oyy. . . !" kantiyaw ng mga estudyante ko.
"Intsik ba siya? Ang agang nanliligaw," narinig kong bulong ni Lindon. Ngunit hindi ko ito pinansin.
"I called you earlier pero hindi mo sinasagot ang tawag ko," nagtatampo na wika pa ni Thomson.
"HIndi ko siguro narinig, dahil nasa bag ang phone ko. Wala ka pang klase?" tanong ko.
"Meron, pero mas pinili kong pumunta muna rito. Alam mo namang ngiti mo lang ay buo na ang araw ko," pagbibiro ni Thomson dahilan upang lumakas ang kantiyawan ng mga estudyante except kay Lindon na masama ang tingin sa amin.
"Excuse me, Sir, As far as I know, you can't disturb the teacher, especially during class hours. At hindi naman importante ang pag-uusapan ng bawat isa. First day of school, so we want to learn more, especially from Ms. Dafne Salazar," mariin na saad ni Lindon.
"My bad, Mr. Delgado. But I want to see her beautiful face. And I want to let you know that I am dating her, " pahayag ni Thomson na ikinanganga ko.
"We don't mind, Sir," ani Lindon na ikinakunot-noo ni Thomson.
"We'll talk about this later, Love. Maraming loko-loko sa estudyante mo, lalo na ang nagsasalitang 'yan. I don't like his attitude," bulong nito sa tainga ko. Napansin kong umigting ang panga ni Lindon kaya pati ako ay naguguluhan. Nanlaki pa ang mga mata ko nang dampihan ni Thomson ng halik ang labi ko, kaya hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng mukha. "See you later, My love," ngiti na wika pa ni Thomson at naglakad na ito palayo sa akin. "Bye, Class," sambit pa nito at tuluyan na nga itong umalis.
"I can't imagine na may naglalampungang guro sa harapan ng mga estudyante niya. Is that what we called kalandian ba, Ms. Salazar?" gagad ni Lindon na ikinasalubong ng kilay ko.
"Gan'yan ba ang pagtrato mo sa mga guro mo sa exclusive school na pinanggalingan mo, Mr. Delgado?" asik ko. Pero, mahinahon pa rin akong magsalita.
"Hindi naman. But it doesn't matter to me nga pala if you're one of them. So, youʼll continue the topic dahil sayang ang oras, Ma'am Dafne," ngisi na sambit niya sa akin. Ngunit sa huli ay pinanliitan niya ako ng mata.
"Maiwan ka mamaya, Mr. Delgado," inis na saad ko.
"My pleasure," narinig ko pang sagot niya.
Imbes na ituloy ko ang pagsusulat sa blackboard ay pinagawa ko sila ng sanaysay tungkol sa kung ano'ng ginawa nila ng bakasyon.
Pagkatapos ng bente minuto ay isa-isa nilang ipinasa ang kanilang papel sa akin.
"Okay, you may go to your next class," saad ko. Lumabas na ang lahat at naiwan nga si Lindon.
Tama ba ang desisyon ko na ipaiwan siya?
"Galingan mo ang pagrecite, Pre para isang daang porsiyento ang grado mo kay Ma'am Salazar at i-share mo sa amin ang twenty-five percent," pagbibiro ng mga kaibigan niya kaya pinukulan ko ng masamang tingin ang mga ito. "Wait ka namin sa SM, Pre, silong ng mangga," hagalpak na tawa pa ng mga ito .
Itinaas ni Lindon ang kanang kamao niya kaya nagsialisan na ang mga ito.
Inayos ko naman ang mga gamit ko at hinarap ko siya. Hindi dapat ako matakot sa kanya dahil ako ang guro niya. At dapat lang na igalang niya ako.
"Wala ka bang respeto sa akin, Mr. Delgado dahil gano'n-gano'n na lang kung sagutin mo ako sa harapan ng mga kaklase mo?" matigas na tanong ko.
Ngumisi siya sa akin. Tumayo siya, kaya kinabahan na naman ako.
"Respeto? Tssk!" asik niya. "How can I respect you na sa tuwing tinitingnan kita ay paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang pinagsaluhan nating dalawa nang gabing iyon! And you left me without even saying goodbye na para kang aso na kung saan-saan nagsususuot at dito lang pala kita makikita! And I don't believe this na ikaw na binili ko nang isang gabi ay guro ko!" gagad niya sa akin dahilan upang sampalin ko siya nang malakas. Subalit nagulat na lang ako nang sunggaban niya ako ng. . .