Chapter 3
Nabunggo ko ang babaeng sopistikada at halatang teenager ito dahil sa outfit nito.
"Ano ba! Tumingin-tingin ka nga sa dinaraanan mo!" tulak nito sa akin.
"Hi-Hindi ko sinasadya," sambit ko.
Nilingon ko si Lindon at ngayon ko lang napansin na naka-boxer shorts lang ito kaya pinagtitinginan siya ng mga nagche-check in dito. Palapit na siya sa akin kaya naman sumakay agad ako sa nakaparadang taxi roon.
"Dalian n'yo na mamang driver dahil may lalaking gustong kumidnap sa akin," sumbong ko sa lalaking driver. Pero, tila hindi ito naniniwala sa akin.
"Mukhang ikaw pa nga ang kikidnap dahil sa hitsura mo, Miss," gagad nito sa akin.
Humugot ako ng isang libo."Babayaran kita, kaya bilisan mo na."
"Heto na, heto na," anito at pinaandar ang taxi.
Nilingon ko pa ang hotel. Nakita kong kausap ni Lindon at babaeng nabunggo ko at mukhang nagtatalo ang mga ito base sa ekspresyon ng kanilang mukha.
"Magkakilala siguro sila? O, kaya naman ay magjowa. Naka-boxer shorts lang si Lindon kaya nagagalit siguro 'yong babae," kausap ko sa aking sarili.
"Okay ka lang, Miss? Kinakausap mo ang sarili mo, eh," sita ng driver sa akin.
Hindi ko na lang ito pinansin. Sinabi ko na lang na ibaba na lang niya ako sa ganitong lugar. Alam naman nito siguro kung saan iyon dahil taxi driver ito. At dala ng pagod ay nakatulog ako. At nagising na lang ako sa yugyog nito.
"Nandito na tayo, Miss," anito sa akin.
"Salamat, Mamang drayber," wika ko.
Bumaba na ako. Sumakay ako sa jeep at paglipas ng kensi minutos ay nandito na ako sa eskuwater naming lugar.
Mabilis ang paghakbang ko patungo sa bahay dahil kailangan ko pang pumunta ng hospital.
Mag-isa lang ni nanay roon at tiyak kong nangangati na ang puwet niyon dahil ngayon lang ito hindi makasasayaw sa club.
"Oy, Dafne, kumusta na si Donnalyn? Balita ko, malaking halaga raw ang kailangan ninyo sa operasyon. Kuh, kung ako sa 'yo, maghanap ka na lang ng afam habang fresh ka pa!" suhestyon ni Aling Marisol.
Ngumiti lang ako rito. Kung papatulan ko pa kasi sila ay hahaba lang ang kuwentuhan namin. At saka, wala rin naman silang maitutulong.
Binuksan ko ang pinto. Pumasok ako at sinindi ko ang ilaw. Saglit akong nagpahinga saka na ako naligo.
Ngayon ko naramdaman ang hapdi at anghang ng p********e ko. Napatigil tuloy ako nang maalala ko ang pinagsaluhan namin ni Lindon kanina.
Pagak akong ngumiti. Ipinilig ko ang ulo ko at lahat ng nangyari kanina ay makalilimutan ko rin.
Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na ako. Kinuha ko ang pera sa suot kong pantalon at ibinilang iyon dahilan upang manlaki ang mga ko.
"Si-Sixty thousand?" hindi makapaniwalang sambit ko. "At ang ibinigay niyang kabayaran ko ay isang milyon? Gaano ka ba kayaman, Lindon Delgado?" tanong ko sa sarili ko.
Inilagay ko ang pera sa loob ng sling bag ko at lumabas na ako.
Hindi ko pinahalatang paika-ika ako dahil nasa labas pa rin sina Aling Marisol at nagtotong-its ang mga ito.
"O, pupunta ka na sa ospital? Sabihin mo kay Mareng Magdalena na may naghahanap sa kanya na ala-Dennis Trilio ang hitsura. Alam mo naman ang nanay mo, maraming boylet. Isang buka lang niya, tiyak dalawang nangalumbaba agad ang nasa bulsa niya, kaya hindi siguro kayo mahihirapan sa hospital bill," komento ni Aling Marisol dahilan upang matawa ang mga ka-tong-its nito.
"Kung wala naman kayong maitutulong sa amin, huwag na lang ho kayong magsuggest," matigas na saad ko.
Naglakad na ako palayo sa kanila. Muli akong sumakay sa jeep. Alas diyes pa lang kaya tiyak kong gising pa si nanay.
Makalipas ang kalahating oras na biyahe ay nandito na ako sa San Lorenza hospital.
Pinuntahan ko agad ang ward ng kapatid ko dahil nasa private ito. At naabutan kong nagbibilang ng pera si nanay. Ngunit nagulat ito nang makita ako sa pinto.
"I-Ikaw na pala, Dafne. O, ano? Kumusta ang pagbibigay aliw kay Mr. Delgado? Nasarapan ba siya sa 'yo, ha?" agad na tanong ni nanay sa akin. Iniligpit nito ang pera at inilagay iyon sa malaking bag.
"Kayo ba humingi ng halaga sa binatilyong iyon, Inay?" tanong ko.
"May problema ba kung sasabihin ko na oo? Natural lang naman na magde-demand ako dahil birhen ka," gagad ni inay sa akin.
"Pero, hindi n'yo sinabi na birhen ako kaya muntik na tayong mapahamak dahil gustong bawiin ng binatilyong iyon ang perang ibinayad niya sa inyo," pahayag ko dahilan upang magsalubong ang kilay ni inay. "Nagmakaawa ako sa kanya, Inay. Inisip ko na lang na para 'yon sa kapatid ko," paliwanag ko pa.
"Sinusumbat mo ba ang ginawa mong iyon, ha! Magpasalamat ka pa nga sa akin dahil sa wakas ay nakatikim ka na rin ng sariwang hotdog!" muling gagad sa akin ni inay dahilan upang bumuntong-hininga na lang ako. "Sa club na ako at ikaw na bahala sa kapatid mo dahil bukas siya ooperahan. Babalik na lang ako rito para magbayad dahil baka mangungupit ka pa," asik pa ni nanay sa akin.
"Huwag na kayong bumalik doon, Inay at baka bumalik si Lindon sa club at magbago isip niya na bawihin ang pera lalo na at menor de edad 'yon. Saka, isa pa ay enrollment namin bukas," depensa ko.
"Tanga lang ako sa pag-ibig, Dafne, pero hindi ako tanga pagdating diyan. At anong ginagawa ng vip room para pagtaguhan ko, ha? Sige na, sige na at aalis na ako. At saka, tigil-tigilan mo 'yang pag-aaral mong 'yan dahil nag-aaksaya ka lang ng panahon diyan. Kung ako, sa 'yo, magsayaw ka na lang sa club para gabi-gabi kang may datong. Sabihin ko na rin kay Tita Rose na hindi ka muna makapapasok sa club niya. O, hetong isang libo at pambili mo ng pagkain mo. At iyan lang ang tira sa ipambabayad sa operasyon ng kapatid mo, kaya hindi kita mabibigyan ng malaki, " saad ni nanay sa akin. Totoo nga ang nasa isip ko kanina. Pero ang importante naman ay maoperahan ang kapatid ko. Lumabas na si nanay. Pero muli itong bumalik."Hindi ka ba binigyan ng karagdagang bayad ni Mr. Delgado?" tanong nito sa akin.
"Hindi ho, Inay," pagsisinungaling ko dahil baka kuhanin niya ang pera.
"Puwe! Palibhasa'y wala kang experience sa kama! Tuod ka siguro, ano! Pero, hindi bale, dahil tiyak ko namang nag-enjoy ka! O, siya, alis na ako at nang makarami," ani ina'y at tuluyan na itong umalis.
Nilapitan ko ang kapatid ko. Tulog ito habang nakadextrose ang kamay nito.
Hinaplos ko ang buhok nito. "Magpagaling ka, kapatid ko. Lalaban tayo, ha. Gagawin lahat ni ate para sa 'yo."
Biglang nangilid ang luha ko. Mula nang isinilang si Donnalyn ay ako na nag-alaga sa kanya dahil kensi anyos ako noon at malaki ang agwat ng edad namin.
Nabuntis si inay ng customer niya. Noong una ay pumupunta-punta pa ang lalaki sa bahay.
Ngunit kung kailang manganganak na ang nanay ko ay saka naman siya iniwan sa ere ng lalaking 'yon. Kaya, alam ko lahat ang pinagdaanan ni nanay.
Kaya ang galit niya sa tatay ko at sa tatay ni Donnalyn ay sa amin niya ibinaling.
"Ate! Ate!" biglang sigaw ni Donnalyn kaya naman kinabahan ako.
"Nandito ako, bunso. Anong masakit sa 'yo, ha?" tanong ko.
"Ate, masakit! Ang sakit ng tiyan ko, ate!" nagsisisigaw na sambit nito kaya naman lumabas ako.
"Nars! Dok!" tawag ko.
Agad namang lumapit ang dalawang nurse at doktor sa ward. At tiningnan ang kapatid ko.
"Hindi na puwedeng paabutin ang operasyon bukas, Miss dahil nahihirapan na ang pasyente," imporma sa akin ng nephrologist .
"Ba't ang sabi ng nanay ko ay bukas n'yo pa ooperahan ang kapatid ko," maang na tanong ko.
"Matigas ang ulo ng nanay mo, Miss. Sinabi ko na kaninang hapon na operahan na ang kapatid mo dahil nasa stage 4 na ang chronic kidney disease nito," muling imporma ng doktor samantalang kahapon pa hawak ni ina'y ang pera.
"Operahan n'yo na ho ang kapatid ko, Dok. Gawin n'yo po lahat at magbabayad po kami," pakiusap ko.
"Sige na, Nurse, dalhin n'yo na ang pasyente sa operating room," utos ng doktor sa dalawang lalaking nurses.
"Ate, 'wag mo ' kong iiwanan, ha. Huwag kang umalis," umiiyak na wika ni Donnalyn sa akin.
"Hindi ako aalis, Donnalyn, dito lang ako, okay," sambit ko. Dinampihan ko ito ng halik sa noo at dinala na ito ng mga nars sa operating room. Humiram naman ako ng cellphone sa isang nars at tinawagan ko si inay. ʼNay, ooperahan na si Donnalyn ngayon kaya bumalik kayo rito," saad ko.
"Ooperahan na pala, ba't tumawag ka pa sa akin? Doktor niya ba ako? Istorbo talaga kayong magkapatid," gagad ni inay sa akin.
"Sino ba 'yan, Love at istorbo sa honeymoon natin. Patirik na ang mata ko, eh!" narinig kong saad ng lalaki sa kabilang linya. Pero, hindi ko' yon pinansin.
"Nasa inyo ang pera, Inay," sambit ko.
"O, siya! Sige na! Patayin ko na ito at sayang ang nangalumbabang pera ngayong gabi. Tapusin lang namin ito ng kustomer ko dahil mahirap mabitin," ani ina'y sa akin at binagsakan ako ng tawag.
Ibinalik ko ang cellphone sa nars. Tinungo ko ang operating room. Umupo ako sa naroong upuan at taimtim akong nagdasal na sanay okay ang operasyon.
Lumipas ang tatlong oras. Lumabas ang doktor.
" Ku-Kumusta ang kapatid ko, Dok?" agad na tanong ko. Nanlalamig ang kamay ko kaya pinagsiklop ko ang mga ito.
Ngumiti ang doktor . "Success ang kidney transplant, Miss. At huwag kang mag-alala dahil isang foundation hospital ito. Maiwan muna kita at bukas na lang tayo mag-usap."
"Salamat ho, Dok," pagpasasalamat ko.
Umalis ang doktor sa harapan ko na siya namang pagdating ni inay at halatang pagod na pagod ito.
Gusto ko sanang komprontahin ito, pero huwag na lang. Ang importante ay naging maayos ang operasyon.
Sumapit ang isang linggo at lumabas na kami sa ospital. Si inay ang nag-ayos ng bill namin dahil wala raw siyang tiwala sa akin at mukha itong galit.
Umuwi na kami sa bahay at hindi pa man din kami nakapapasok sa loob ay nakaabang na naman ang mga tsismosa pero hindi na namin pinansin ang mga ito.
Inalalayan kong makapasok si Donnalyn at pinaupo ko ito sa kawayang upuan.
Pumasok ako sa kuwarto. Nagpalit ako ng shirt nang sitahin ako ni inay.
"At saan ka pupunta?"
"Mag-e-enroll ho ako, Inay dahil late na po ako sa enrollment," pahayag ko. Kinuha ko ang backpack ko nang muli na naman silang magsalita.
"Sinasabi ko, sa 'yo, wala kang mapapala riyan! At ba't ka umalis sa club? Mahigit isang linggo kang wala, tapos aalis ka roon. Ngayong wala ka nang trabaho, may ipangmamatrikula ka ba, ha! May pera ka bang ipangbubuhay sa inyong magkapatid! Huwag mong sabihing aasa kayong dalawa sa akin, Dafne!" gagad ni inay.
"Hindi naman talaga kami umaasa sa inyo, Inay dahil sanay na kami," sagot ko.
"Mabuti at alam mo! Hindi iyong naghirap na nga akong magluwal sa inyong magkapatid ay maghihirap na naman akong magpakain sa inyo! Ano kayo, sinusuwerte!" bulalas ni inay.
"Sige na, Ate, pumasok ka na, " ani Donnalyn.
Hinaplos ko ang buhok nito at hindi ko na lang initindi si inay dahil baka hahaba pa ang aming diskusyon.
Umalis ako sa club dahil may nakapagsabi sa akin na pabalik-balik si Lindon doon at hindi iyon sinasabi sa akin ni inay.
Tama lang siguro na umalis ako. At ang perang ibinigay ni Lindon sa akin ay siyang gagamitin ko para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko.
Ibinigay rin ni Tita Rose ang tatlong linggong suweldo ko, kaya malaking bagay na rin iyon sa akin.
Lumabas na ako. Sa inis ko ay sinipa ako ang bato. Sumakay na ako at dumiretso ako sa unibersidad na pinapasukan ko.
Pumila kami ng mga kaklase ko sa registrar. At pagkatapos ng mahabang pila ay nakapag-enroll na rin ako.
Lumipas ang apat na buwan at natapos na naman ang isang semester.
Ngayon ay araw ng aming pagtatapos. At excited akong umakyat sa stage, subalit wala si inay, kaya ang kapatid kong si Donnalyn at ang ninang kong si Susan, kasama nito ang kinakapatid ko na si Thomson Montecarlo na nagtuturo sa hayskul ang kasama ko ngayon.
"Salazar, Dafne L," sambit ng emcee na isang professor din.
Una akong umakyat at kasunod ko sila at kinuha ko ang aking sertipikasyon.
Pumunta kami sa restaurant at treat ni Thomson kaya naman hindi na ako nagprotesta pa.
"Mag-exam ka agad, Hija upang sa gayon ay maipasok ka ng anak ko sa pinapasukan niyang paaralan," ani Ninang Susan akin.
"Oho, 'Nang. At pagpasensyahan n'yo na po dahil busy si inay," sambit ko.
"Lalo kang gumanda ngayon, Dafne," puri sa akin ni Thomson. Hindi ko tuloy maiwasang hindi pamulahan ng mukha.
"May make up kasi si Ate kaya maganda siya," komento naman ni Donnalyn.
"Oo nga, Thomson, " sang-ayon ko.
Ngunit titig na titig si Thomson sa akin kaya ibinaling ko na lang sa iba ang paningin ko.
Bilang regalo ko sa aking sarili ay bumili ako ng cellphone, kahit iyong keypad lang.
Iyon pa ang perang natira sa ibinigay sa akin ni Lindon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi alalahanin ang pinagsaluhan namin ng gabing iyon.
Sumapit ang buwan ng Setyembre ay nag-exam ako sa LET exam ng PRC.
At pagkatapos ng dalawang buwang paghihintay ay si Thomson mismo ang nagbalita sa akin na nakapasa ako. Kaya, pinaghahanda niya na ako ng mga requirements upang mag-apply sa paaralang pinagtatrabahuhan niya.
"Inay, Donnalyn, nakapasa ako!" nagtatalon na sambit ko.
"Talaga, Ate?" tuwang saad ni Donnalyn sa akin. Subalit tahimik lang si inay dahil nagpe-pedicure ito ng paa.
Lumipas ang ilang linggo at pumunta si Thomson sa bahay upang sundin ako dahil sasamahan niya akong mag-apply sa Guadalupe National Highschool.
Aminado rin ako na nanliligaw na ito, ngunit wala pa sa bokabularyo ko ang makipagboyfriend.
Sumakay kami sa kotse niya. At isang oras din at kalahating ang biyahe saka kami nakarating dito.
"Kailangan mong magrent ng apartment kapag magtuturo ka na rito, " nakangiti na pahayag nito sa akin.
"Hindi pa ako tanggap, kaya huwag ka munang maniguro," wika ko dahilan upang tumawa ito.
"Tanggap ka na, okay! Ako bahala sa 'yo," muling ngiti nito sa akin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. At sinamahan niya akong magbigay ng mga requirements ko sa principal.
In-interview ako ni Ma'am Moira Torre at pinagdemo ako nito. Kinakabahan man ako, ngunit ang inisip ko ay gusto ko at mahal ko ang propesyong ito.
"You're hired, Ms. Salazar at ang tuturuan mo this coming school year ay 4th year high school," imporma ng principal sa akin dahilan upang hindi ako makapagsalita. "Ms. Salazar, baka mapasukan iyang bunganga ninyo," pagbibiro pa nito.
"Ta-Talaga, Ma'am? Ta-Tanggap na ako?" hindi makapaniwala na tanong ko.
"Gusto mo bang bawihin ko, Ms. Salazar? At kulang ang guro dito kaya urgently needed talaga ang paaralang ito lalo na at maraming nag-enroll ngayong taon," imporma nito sa akin. Lumuluha akong nagpasalamat, kaya natawa ito sa akin. "
Lumabas na ako at sinalubong ako nang mainit na yakap ni Thomson.
"You did it, My love," anito kaya inismiran ko lang ito. "Kahit hindi ka pa pumapayag na ligawan kita, ako na nagsasabi na patuloy pa rin ako sa panliligaw sa 'yo at handa akong maghintay," sensero na pahayag nito sa akin.
"Salamat, Thomson," ngiti ko.
Bago kami umuwi sa bahay ay niyaya muna niya akong mag mall.
Siya raw ang taya. At siya mismo ang pumili ng mga susuotin ko sa pagpasok.
May bagong issue raw ngayon ng uniform galing sa division kaya formal muna susuotin ko at nabanggit naman iyon ni Ma'am Principal kanina.
Isinukat ko lahat ng mga pinamili niya hanggang sa sapatos. At babayaran ko lahat ng mga iyon dahil walang-wala na talaga akong pera.
Dumaan din kami sa apartment. At siya rin mismo ang nagdown ng two months advance p*****t sa land lady .
"Nahihiya na ako sa 'yo, Thomson," saad ko nang maihatid niya na ako sa bahay.
Ngumiti siya. "Wala 'yon."
"Makababayad rin ako sa ' yo kapag nagsuweldo na ako," pahayag ko.
"Iyan ka na naman, Dafne. Pero, oo mo lang ay bayad ka na, joke!" pambabawi niya.
Nagpaalam na siya sa akin dahil marami pa siyang aasikasuhin.
Dumating ang buwan ng pasukan at nakalipat na rin ako sa apartment na nirentahan namin ni Thomson.
At ngayon ngay unang araw ng pasukan taong 2009.
Maaga akong pumasok dahil walking distance lang naman upang makapag-exercise lang ako.
Subalit naalala kong susunduin pala ako ni Thomson ngayon. Nagtext na lang ako na nasa school na ako upang hindi ito maghintay. At start na rin ng flag ceremony.
Totoo ngang maraming estudyante. At tulad ko ay may bago ring mga teachers dahil hindi rin naka-uniform ang mga ito, kundi naka-formal lang din.
Nang matapos ang flag ceremony ay nagreport muna kami sa principal's office at kanya-kanya na kaming pumunta sa aming klase.
Filipino at Mapeh ang ituturo ko dahil kulang pa rin ng guro. Marami daw lumipat ngayon dito ay mayroong galing private schools ayon sa aming principal.
"Hello, Ma'am, good morning," bati ng aking mga estudyante.
"Magandang umaga rin sa inyo," bati ko rin sa mga ito.
Naglakad ako patungo sa harapan kung saan nandoon ang mesa at upuan ko.
Ipinatong ko ang dala kong bag at libro saka ko pinagmasdan ang mga estudyante.
Tila may pamilyar sa akin at hindi ko alam kung saan ko ito nakita.
Nagdasal kami at nagpakilala ako sa kania. At isa-isa rin silang nagpakilala sa harapan.
"Lahat ay tapos ng magpakilala? Kung gano'n, gusto kong sabihin sa inyo na magtatagalog kayo rito, since Filipino ang subject ninyo sa akin. At gumawa kayo ng name tag upang sa gayon ay makilala ko agad kayo, lalo na ang inyong mga mukha," pahayag ko.
Tumalikod na ako sa mga ito at nagsulat na ako sa blackboard. Nakalimutan kong tawagin isa-isa ang mga ito pero tiyak kong may darating pa kaya mamaya na lang ako mag-a-attendance sa aking class record.
"Excuse me, Ma'am Salazar, nandito na po mga iba naming classmates," maarteng imporma sa akin ni Chelsea, ang estudyanteng pamilyar sa akin.
Humarap ako sa mga ito. At napaawang ang labi ko nang makita ko ang isang lalaking estudyanteng pamilyar na pamilyar sa akin. Walang iba kundi si Lindon Delgado.