Chapter 5: Halik

2301 Words
"Ano ba, Mr. Delgado!" protesta ko nang halikan niya ako. Muli ko siyang sinampal subalit halik ang iginanti niya sa akin. Tila, halos magdugo ang labi ko dahil sa pagkakariin ng labi niya sa labi ko. At binitawan niya ito. Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Hindi ba't iyan din naman ang gusto mo! Nagpahalik ka nga sa co-teacher mo, sa mismong harapan namin ng mga estudyante mo pero hindi ka man lang nagprotesta! Pero sa akin na tayong dalawa lang ang tao rito ay nagrereklamo ka! Mas masarap bang humalik si Sir Thomson kaysa sa akin, ha!" gagad niya. "Lumabas ka na ngayon din, Mr. Delgado, labas!" maawtoridad na utos ko. "Pinaiwan mo 'ko, tapos palalabasin mo 'ko? Why? Dahil natikman mo na ang labi ko?" sarkastiko na ngisi niya sa akin. "Bastos!" impit na sigaw ko. Nanginginig ako sa galit. Gusto ko siyang suntukin pero baka may makakita sa amin. Hinaplos niya ang mukha ko kaya nadagdagan na naman ang kabang nararamdaman ko. Itutulak ko sana siya ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at dinampihan ng halik iyon. "Pasensyahan na lang tayo dahil ako ang estudyante mo. Welcome to my world, Dafne Salazar at tama nga ang desisyon kong lumipat sa school na ito dahil nandito ka, complete package pa dahil guro kita at hindi na ako mahihirapan," ngisi niya sa akin. Binitawan niya ang kamay ko at tinalikuran niya na ako. Lumabas na siya kaya nakahinga ako nang maluwag. "Buwiset siya!" sambit ko tuloy. Kinapa ko ang dibdib ko at ang lakas ng t***k ng puso ko. Kung puwede lang na magpalipat ako ng section, pero kaybago-bago ko lang sa paaralang ito. At baka magtaka rin sila kung sakaling magpalipat ako. Umupo ako. Inumpisahan ko nang binasa ang sanaysay na ginawa ng mga estudyante ko at si Lindon agad ang nakita kong pangalan. Ayaw kong basahin ang isinulat niya, subalit may nag-uudyok sa akin na basahin iyon. Well, inabala ko lang naman ang sarili ko sa paghahanap sa babaeng gumulo sa buhay ko. Ito lang ang nakasulat sa papel. Kaya, hindi ko alam kung sanaysay ba ito? Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa labas at nakita kong nag-uusap si Lindon at si Chelsea. Naalala ko tuloy na siya nga iyong babaeng nabunggo ko at kausap ni Lindon sa hotel. Pero, bakit tila parang galit ang ekspresyon ng mukha ni Lindon? May mis-understanding ba ang mga ito? Wala naman akong pakialam kung ano man ang relasyon nilang dalawa. Ang ikinaiinis ko lang ay ba't naging estudyante ko pa siya! Tumigil lang ako sa pag-e-emote nang dumating ang ibang section sa classroom ko. Tatlong section ang tuturuan ko ngayong umaga. At dalawa naman mamayang hapon sa MAPEH. Inumpisahan ko nang magturo. At pagkatapos ng pagtuturo ko ngayong umaga ay sinundo ako ni Thomson. "Sabay tayong maglunch, Love," ngiti na saad nito. Hindi naman ako naaasiwa sa pagtawag nito sa akin ng endearment na love, pero baka akala ng iba ay makarelasyon kami. "Sige, pero, iwanan ko na rito itong bulaklak at balikat ko na lang mamaya," sambit ko. "Dalhin ko na lang dahil baka pag-interesan pa ng ibang section na magkaklase mamaya rito. Alam mo naman ibang estudyante. At ilalagay ko maya sa kotse," anito sa akin. Hindi na ako nagprotesta pa. Isinukbit ko na ang shoulder bag ko, ngunit kinuha ito ni Thomson. "Ako na rin magdala, Love, remember na manliligaw mo 'ko," ngiti pa nito sa akin. "Ang dami mo nang dala, Thomson, kaya ako na 'to," saad ko. "I insist," giit nito. Hinayaan ko na nga lang ito dahil ayaw ko pa naman ng makulit. Lumabas na kaming dalawa. "Saan mo gustong maglunch, Love?" tanong nito sa akin. "Sa pinakamalapit na lang na canteen para iwas pagod," sagot ko. Tumango lang ito sa akin at tinungo na namin ang canteen. Maraming estudyanteng nakapila upang bumili ng food. Napansin kong may mga matang nakatingin sa akin. Si Lindon. Kasama niya ang nakapilang mga tropa niya at katabi niya si Chelsea. "Doon na tayo umupo, Love dahil siksikan na rito," aya sa akin ni Thomson. "Hindi ba puwedeng maghintay na lang tayo, Thomson," depensa ko dahil kung papayag ako ay magkatabi kami ng table ni Lindon. "Matagal pa kung mag hihintayin tayo lalo na at kakaumpisa lang nilang maglunch . Doon na lang tayo dahil malamig pa," anito. Nagpatianod na lang ako kay Thomson dahil tama naman ito. Subalit hindi ko gusto ang uri nang tingin ni Lindon sa magkahawak na kamay namin ni Thomson. Umupo na kami at nasa mismong harapan ko siya at si Chelsea. "Hi, Ma'am Dafne, hello, Sir Thomson," bati ni Chelsea sa amin. Ginawaran ko lang ito ng ngiti. At ibinaling ko sa iba ang tingin ko. "Huwag mong masyadong higpitan 'yang pagkahahawak mo sa tray, Thyron dahil hindi mo naman pag-aari 'yan," dinig ko na saad ni Lindon sa pararating ng si Thyron. Alam kong nagpaparinig siya, pero hindi ko na lang siya pinansin. "Ito na mga order n'yo,Guys," anito na dala ang tray ng foods. "Hi, Ma'am," bati nito. Kumaway naman si Kevin sa akin. "Order muna ako ng pagkain, Love," saad ni Thomson. Pumila na ito kaya naiwan akong mag-isa. "I don't like the food," narinig kong saad ni Lindon dahilan upang tumingin ako sa kanya. "Pero, dito ka nag-aya, Babe. Sinabi ko naman sa 'yo na sa restaurant na lang tayo kumain," ani Chelsea. "I lost my appetite, bigla kasing uminit ang ulo ko," sambit nito na sa akin nakatingin. "Hayaan mo, Babe dahil pagaganahin kita mamaya. At tiyak kong titirik na naman ang mga mata mo," ani Chelsea na hinaplos ang labi ni Lindon. "Really? So, kung gano'n, hihintayin na naman kita sa condo ko and bring your pills," narinig kong sagot naman ni Lindon. Napalunok tuloy ako sa mga naririnig ko sa mga estudyante kong ito. "Try this, Babe baka masarap ito, pero tiyak kong mas masarap pa ako rito," sambit ni Chelsea. Sinubuhan nito si Lindon dahilan upang iiwas ko ang tingin ko. Ngunit hindi ko maiwasang hindi sila sulyapan kaya naman nagtama ang mata namin ni Lindon. Binawi ko ang tingin ko at kay Thomson na lang ako tumingin. "Masarap nga talaga, like you," narinig kong wika ni Lindon kaya napatingin na naman ako. And s**t, dahil sa akin siya nakatingin. "Kumain na tayo, love at paborito mong pagkain ang pinili ko," ani Thomson na hindi ko namalayan ang pagdating niya. Umupo si Thomson sa tabi ko. Pinagsilbihan ako nito. Sumubo na ako nang pigilan ako nito. "I want you to taste this one. Naalala mo na ito 'yong una nating kinain nang una tayong magmeet noong mga hayskul tayo at hindi natin alam pareho na kinakapatid natin ang isa't isa," pagkukuwento nito sa akin. Isinubo ko ang kutsarang may carbonara at masarap ito. "What's the taste?" tanong pa nito. "Masarap," sambit ko kahit hindi ko pa masyadong nanguya ang carbonara. "Kasing-sarap ng labi mo, Love," mabilis na sambit ni Thomson dahilan upang maghiyawan ang mga kumakain doon. "Ang sweet ng mga teacher natin, 'no? Sana, gan'yan ka-sweet ang boyfriend ko," tuwang sambit ng babaeng estudyante. Napansin ko na binilisang kumain ni Lindon. Tumayo na siya at nakalimutan yata niyang may kasama siya. Tinawag pa siya ng mga estudyante ko, ngunit hindi niya ito nilingon. Pagkatapos ng lunch break ay umalis na kami ni Thomson. Dumaan muna kami sa principal's office dahil may short meeting at tungkol ito sa gaganaping buwan ng wika. Nang matapos na kami sa aming usapin ay nag-stay muna ako sa classroom ni Thomson dahil may isang oras pa naman ako para magpahinga. Nagpaalam na ako kay Thomson dahil alauna ymedia na. Nagbihis na ako ng pang-P. E. Itinali ko ang mahaba kong buhok. Nagpahid ako nang manipis na lipstick sa aking labi at nagpolbos lang ako. Nag-alarm ako. At habang hinihintay ko ang alas dos ay nagbasa muna ako ng libro. At ni-review ko muna ang ginawa kong lesson plan. Tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ang schedule ko at napanganga ako dahil section-3 na naman ang mga estudyante ko. Kailangan kong paghandaan ang section na iyon dahil nandoon si Lindon. Tinungo ko na ang gymnasium at hindi pa man din ako nakapapasok sa loob ay nakita ko na ang pigura ni Lindon. Nakabihis ito ng P. E uniform. At dahil nakatayo siya ay bakat na bakat ang p*********i niya sa suot niyang pants dahilan upang iiwas ko ang tingin ko roon. Kung bakit pa kasi napatingin ako sa parteng iyon. "Hello, Class. . . Good to see you again," nakangiti na bati ko. "Same to you, Ma'am at ang sexy ninyo," puri sa akin ng mga estudyante. "Huwag n'yo na 'kong bulahin," nahihiya na saad ko. "So, do you believe na sexy ka talaga, Ms. Salazar? Mukha ka ngang tinipid na suman," gagad ni Lindon. Tumawa ang mga tropa nito, lalo na si Chelsea na ikinataas ng kilay ko. "Iyon ang tingin ng mga klasmeyt mo sa akin, Mr. Delgado. Ika nga ay beauty is in the eye of the beholder," sambit ko dahilan upang umiling siya sa akin. "Choose your partner at magkakaroon tayo ngayon ng kaunting ensayo tungkol sa katutubong sayaw," pahayag ko. "Agad-agad, Ma'am? Hindi ba't sa kalagitnaan ng buwan 'yan inaaral dahil gano'n sa private school," gagad ni Chelsea. "Sa private school 'yon dahil public naman ito. At gusto kong maayos ang pagsasayaw ninyo dahil magkakaroon tayo ng patimpalak sa buwan ng wika. At Cariñosa ang napili kong sasayawin ninyo," pahayag ko. Tumayo isa-isa ang mga estudyante ko. At pumili sila ng kani-kanilang kapareho. Napansin kong lumapit si Chelsea kay Lindon. "Wala ako sa mood, Chels," narinig kong saad niya. "Ako na lang ka-partner mo, Chelsea, dahil kanina pa wala sa mood ang kaibigan namin," ani Kevin. "Wala rin ako sa mood," pumiksi na anito. "Kung wala kayo sa mood sumayaw, wala rin ako sa mood magbigay ng grado," matigas na saad ko, ngunit ngumisi lang si Lindon. "Halika na nga, Kevin dahil no choice ako at ayaw kong bumagsak," gagad ni Chelsea. "Get ready. At gayahin n'yo ang nasa TV kung paano ang steps," saad ko. "Papaano kami gagaya, Ma'am, eh, wala kayong kapareho. Mahirapan kaming mga lalaki," komento ni Thyron. "Oo nga naman po, Ma'am," sang-ayon ng ibang estudyante. Tama nga naman si Thyron. Pero, si Lindon na lang ang lalaking naiwan, kaya alangan naman na siya ang kapareho ko? "Si Lindon na lang ka-partner n'yo, Ma'am, tutal siya lang naman ang walang kapareho. At magaling po 'yan sa sayaw dahil dancer 'yan sa Saint Elbanez Catholic School noon," imporma ni Thyron. "Ayaw kong sumayaw, Pre. Tinanggihan ko nga si Chelsea, si Ma'am Dafne pa kaya?" sarkastiko na ani Lindon. "Ang yabang talaga!" inis na bulong ng isipan ko. Huminga ako nang malalim at ngumiti ako sa kanya. "Sige na, Mr. Lindon. Dahil tayo lang naman ang nagkaklase rito. Nasa English department na kasi si Sir Thomson kaya nahihiya naman ako kung iistorbohin ko ang klase niya para lang makapareha ko," paliwanag ko. Ibinaba niya ang kanyang backpack. At lumapit siya sa akin. "Makikiusap ka rin lang naman, kailangan mo pang banggitin ang pangalan ng Thomson na 'yon," bulong niya sa akin. "Naririnig tayo ng mga kaklase mo, Lindon kaya umayos ka! No choice lang ako, kaya nakiusap ako sa 'yo," bulong ko rin sa kanya. "Natatawa lang ako, sa 'yo, Ms. Salazar. Pag-isipan mo at aralin mo muna kasing mabuti ang mga itinuturo mo sa amin. Hindi iyong kung ano'ng naisipan mo lang ay 'yon ang ituturo mo," segunda pa niya sa akin. "Ayaw kong makipagtalo sa 'yo, Lindon. At ba't mas magaling ka pa sa akin? Nabasa mo ba ang nasa lesson plan ko, ha?" mahinang gagad ko. "Tssk! Ginagawa mo lang yata ang bagay na ito para maglapit ang katawan nating dalawa. Why? Namis mo ba katawan ko?" ngisi niya sa akin dahilan upang baling ko ang tingin ko sa mga estudyante ko. "Are you ready, Class?" tanong ko. Hindi ko na lang sinagot si Lindon dahil baka magwalk-out pa ako sa inis. "Kayo na lang ni Lindon ang hinihintay namin, Ma'am," iritang saad ni Chelsea. Kinuha ko ang CD sa loob ng bag ko. Sinalpak ko 'yon sa dvd player. at ni-switch ko ang TV upang hindi na rin kami mahirapan. "Okay, ganito ang steps ng Cariñosa, Guys. Alam kong noong mga elementary tayo ay sinayaw na natin' yan. Remember, Cariñosa means loveable, affectionate, or amiable. At may kasamang flirting acts ang cariñosa, kaya ang suggest ko, hindi natin gagayahin lahat ang mapanonood natin sa TV kaya kami ni Ms. Salazar ang gagayahin ninyo. I want something unique like Ma'am. Unique ang kagandahan niya. Kaya sa huli, ang babae ay kakandong sa hita ng mga lalaki habang nakaluhod ang isang leg at nakabent naman ang isang binti nila para maiba naman ang ating steps. At magtititigan kayo na tila inlove sa isa't isa," paliwanag ni Lindon dahilan upang kumunot ang noo ko. " Pabor ba kayo sa ideya ni Mr. Delgado, Class? " tanong ko. " Yes, Ma'am, " nakangiti na sagot ng kalalakihang estudyante. Nag-umpisa na kaming sumayaw. Naiilang pa ako dahil hindi inaalis ni Lindon ang titig niya sa akin. Nang malapit ng matapos ang sayaw ay ginawa nga namin ang suggest niyang kumandong ang babae sa hita ng lalaki. Ayaw ko pa ngang kumandong sa hita niya dahil masama ang tingin sa amin ni Chelsea. "Hihilahin pa ba kita para kumandong ka?" mahinang gagad niya sa akin. "Kakaiba ang steps ng cariñosa mo, Mr. Delgado. Sinasadya mo ba ito? Baka, awayin ako ni Chelsea pagkatapos ng klase n'yo sa akin," depensa ko. Subalit nagulat na lang ako dahil hinila niya ako. At sa lakas ng pagkahihila niya sa akin ay natumba kaming dalawa sa semento. At naupuhan ko mismo ang pagkalalak¡ niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD