Chapter 6: Kaba

1747 Words
"Fvck!" sambit ni Lindon. Ramdam ko ang pagkalalak¡ niya kaya naman agad akong tumayo. "CR lang ako, Class, ituloy n'yo lang ang pag-e-ensayo," excuse ko sa mga estudyante ko. Napansin ko pa ang masamang tingin sa akin ni Chelsea, pero hindi ko naman iyon sinasadya. Naglakad na ako patungong comfort room. Tumingin ako sa salamin. Naghilamos ako, saka ako huminga nang malalim." Kailangan mong iwasan si Lindon, Dafne," kausap ko sa aking sarili. Pinunasan ko ang basang mukha ko. Lumabas na ako subalit nagulat ako dahil nakasandal si Lindon sa dingding. "A-Ano'ng ginagawa mo rito, Mr. Delgado? Naninilip ka ba?" mahinang sambit ko. Ngumisi siya nang nakaloloko. "Nakita mo bang sinilipan kita? Naabutan mo nga ako rito sa labas, hindi ba?" "Bumalik ka na ro'n, Mr. Delgado dahil baka makahalata pa sila sa 'yo," gagad ko. "Do you think na sinundan kita rito? My nerve! Inupuhan mo ang man0y ko at halos mabiyak ito, kaya naiihi ako, okay!" gagad rin niya sa akin. "Nabiyak ba? Buti at buhay ka pa!" sarkastiko na saad ko. "Yeah, buhay pa dahil naamoy niya ang ensaymada mo," saad nito, sabay impit na tumawa. "Respect, Lindon, respect!" asik ko. "Respect? Tayo lang naman ang nandito at walang nakaririnig sa atin, Dafne. But, I don't mind the people around if they hear us," ngisi pa n'ya sa akin. "Ewan ko, sa 'yo!" inis ko. Tatalikuran ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko. "Anong pakiramdam na naupuhan mo ang alaga ko, Ms. Salazar? Matigas ba? Hindi ka ba nasaktan?" muling ngisi niya sa akin. "Matigas? Nakatatawa! Mukhang foam lang ng bra!" gagad ko. inalis ko ang kamay niya at iniwan ko na siya. "Kakainin mo rin 'yang sinabi mo, Ms. Salazar!" pahabol niya. Pero, hindi ko na siya nilingon pa dahil hindi pa naman niya mapigilan ang bunganga niya. At bastusan ang gusto niya, puwes, pagbibigyan ko siya! Subalit, tumigil ako sa pag-iisip nang makasalubong si Chelsea. At masama pa rin ang timpla ng mukha nito. "Si Lindon, Ma'am?" matigas na tanong nito sa akin. "Hindi ko siya nakita, Ms. Vegas," sagot ko. "Pero, dito ho siya dumaan," wika nito sa akin. "Hanapin mo na lang siya riyan dahil hindi ko siya napansin," ani ko. Bumalik na ako sa klase ko at nakaupo na ang mga estudyante . Pinanood ko na lang ang mga ito ng steps at bukas ko na lang ituturo ang ibang topic namin. Napansin kong hindi pa bumabalik si Lindon at Chelsea. Ngunit napalingon ako nang marinig ko ang boses ng mga ito. "Ano bang problema mo, Babe at iniwasan mo ang halik ko? Bad breath ba ako?" narinig kong tanong ni Chelsea. "We're in public place, Chelsea. Hintayin mo na lang na magsolo tayong dalawa dahil ayaw kong pag-usapan nila tayo rito sa campus," depensa naman ni Lindon. "So, what's wrong? Nasa loob naman tayo ng cr, kaya hindi nila tayo makikita. At saka, ginagawa naman natin dati 'yon noon sa private school' di ba? At okay lang naman sa 'yo kahit inaabutan pa tayo ng mga teachers," segunda pa ni Chelsea. "I'm worn out, okay!" gagad ni Lindon na umupo at sa akin tumingin. Sumunod si Chelsea at tumabi ito sa kanya. Kinuha ko ang phone ko dahil narinig kong tumunog iyon nang may humawi sa buhok ko. Nilingon ko ito. "Thomson? May klase ka, hindi ba?" "Yeah, but I slipped my mind to give you this, Love," ngiti nito na ipinakita ang dalang paper bag. "A-Ano 'yan?" tanong ko. "Just open it. Nasa kotse ' yan. Naalala ko lang kanina habang nagdi-discuss ako about kay Romeo and Juliet. At tiyak kong magugustuhan mo 'to," ngiti pa nito. Kinuha ang paper bag. Binuksan ko ito at natawa na lang ako dahil isang masquerade chocolate ang nasa loob niyon. " Ang dami mong alam, Thomson. Balik ka na nga sa klase mo dahil baka hanapin ka nila, "pagtataboy ko. "I really love your face, Love. Lalo tuloy akong nai-in love sa 'yo. Nakita ko 'yan sa bakeshop kanina, so I bought it for you," malambing na saad nito kaya naman nagtilihan ang mga estudyante ko. Kita ko naman ang pag-iling ni Lindon. "Sige na, alis na ako," pagpapaalam na nito at naglakad na nga ito paalis. Halos madapa pa ito dahil hindi nito tinitingnan ang bench. Ibinalik ko ang phone ko dahil si nanay ang tumatawag. Maya ko na lang sila kausapin. "Okay, Class, look at the screen. Pag-aralan ninyo ang katutubong sayaw sa utube. At ang bawat kilos ng magkapareha sa bahay n'yo dahil titingnan ko bukas kung sino talaga ang nagpraktis," pahayag ko. Tiningnan ko ang suot kong relo. May kensi minutos pang natitira kaya nagdiscuss ako nang kaunti tungkol sa Cariñosa. Subalit naiilang ako dahil nakatingin na naman sa akin si Lindon. Tila, nakahahalata na si Chelsea pero inignora ko na lang silang dalawa. "Excuse me, Ms. Salazar, I'm not sure what you mean by," ani Lindon dahilan upang tumigil ako. "Pardon. Mr. Lindon, may sinabi ka ba?" mahinahong tanong ko. "Didn't you hear me?" taas kilay na untag niya sa akin. "Nope. Ano ho ba'ng tatanungin mo sa akin?" nakangiti na wika ko. "I didn't quite get what you were talking about," gagad niya. "Ba't kailangan n'yo pang ipaliwanag 'yan? Nasa TV naman, so you don't have to explain that dahil lalo kaming naguguluhan. Inuulit mo lang naman ang sinasabi riyan," reklamo niya, dahilan upang tingnan siya ng kanyang mga kaklase. "Lindon, Pre, teacher natin ang kausap mo," pahayag ni Kevin sa kanya. "It doesn't matter to me if she is our teacher. I don't get her at lalo akong nalilito," inis na pahayag niya. "Hindi mo talaga maiintindihan ang sinasabi ko, Mr. Delgado dahil hindi ka naman talaga nakikinig," gagad ko. "Absolutely, I'm not!" gagad rin niya sa akin. Tumayo siya at nag-walk out. Sumunod sa kanya si Chelsea. "The class is over, puwede na kayong lumipat sa susunod na subject n'yo," pahayag ko sa mga estudyante. "Bye, Ms. Salazar, see you tomorrow," paalam ng ibang mga estudyante. Tumango lang ako sa mga ito. Nang wala na ang mga ito sa paningin ko ay kinuha ko ang phone ko dahil nagriring na naman ito. "Napatawag kayo, Inay," sambit ko. "Kailangan ko ng pera, Dafne," bunganga na saad ni inay sa akin. "Matagal pa ho ang suweldo, Inay. Padala na lang ako riyan kapag o—" "Wala ka talagang silbing anak, Dafne! Anong akala mo, may tira pa roon sa pinampaopera ni Donnalyn, ha! Kita mo nga na private room ang kinuha ko noon kaya ang laki ng binayaran natin!" gagad ni nanay sa kabilang linya. "Wala naman akong sinasabing gan'yan, Inay. Ang sabi ko lang ho ay wala pang suweldo," mahinang saad ko. "Pvnyeta talaga! Tinuring ka ngang guro, pero wala ka namang pera! Kung nagdancer ka na lang sana, tiba-tiba ka ngayon! Hindi iyong propesyonal ka nga, wala namang lamang ang bulsa mo, puwe!" sigaw pa ni nanay sa kabilang linya, sabay baba sa akin ng tawag. Napabuntong-hininga tuloy ako. Kailan ba magbabago ang nanay ko? Sana nga na magbago rin sila dahil hindi na sila pabata. Nagklase pa ako ng isang oras at kalahati sa section 4. Pagkatapos ay sinundo na ako ni Thomson. Sabay naming tinungo ang parking nang makita ko si Lindon na nakasakay sa kotse at may kahalikang babae. Hindi naman si Chelsea iyon dahil ang layo ng hitsura. "Get in, Love, para makapagpahinga ka na. At saka huwag mo nang pansinin si Mr. Delgado dahil kilala 'yan na playboy sa Saint Elbanez," pahayag ni Thomson sa akin. "Kilala mo siya?" untag ko. "Yep, dahil doon nag-aaral ang pinsan ko. Actually, kilala rin naman niya ako, pero sa mukha lang," paliwanag nito. Binuksan ni Thomson ang pinto. Naamoy ko pa ang bulaklak na ibinigay nito sa akin dahil nasa back seat 'yon. Pumasok na ako at sumunod ito sa akin. Kinabit nito ang seat belt nang hindi sinasadyang mapatingin ako kay Lindon at nakatingin pala siya sa akin, habang nakadikit pa rin ang labi niya sa babaeng estudyante. Bigla ko tuloy iniwas ang tingin ko dahil nakakailang. Binuhay na ni Thomson ang makina. Hindi ko na rin alam kung anong nangyayari sa dalawang iyon. "Dinner muna tayo bago kita ihatid para hindi ka na magluto," yaya sa akin ni Thomson. Tumango lang ako rito. Binaybay na namin ang Filipino restaurant at medyo may kalayuhan ito sa apartment na inuupahan ko. Muli akong pinagbuksan ng pinto ni Thomson. Pagkababa ko ay nakita ko ang kamukha ng kotse kung saan nakasakay si Lindon kanina. Pero, alam ko namang maraming ganoong sasakyan. Pumasok na kami ni Thomson sa loob ng restaurant. Nag-order ito ng food. Pagdating ng order nito ay nilantakan ko agad iyon dahil gutom na ako. Umalis dn naman kami agad. At ni-take-out-an pa ako ni Thomson ng food para hindi na raw ako lumabas kapag nagutom ulit ako. Hindi ko na rin napansin ang kotse kanina dahil magkamukha lang siguro. Pasado-alas siyete na nang makauwi kami dahil medyo traffic. "Sunduin kita bukas, Love kaya 'wag kang mangungunang pumasok, okay," anito sa akin. Baba ba sana ito nang pigilan ko siya. "Okay. Huwag ka nang bumaba dahil baka hindi ka pa makauwi." "Tama ka. Sige na, ingat ka at tawagan kita later," anito sa akin. Bumaba na ako, dala ang bulaklak at paper bag. Kumaway pa ito bago ito tuluyang umalis. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Thomson ay pumihit na ako paharap sa pinto. Papasok na sana ako nang may humila sa akin. Muntikan pa akong ma-out of balance. Buti na lang at nahawakan ako ni. . . "Lindon?" maang na sambit ko. "Nagulat ba kita?" untag niya sa akin. Naamoy ko ang bunganga niya. "Ba't nandito ka? Anong ginagawa mo rito at amoy alak ka pa." "Hindi ba obvious na sinundan ko kayo ng Thomson na 'yon," gagad niya sa akin. "Umuwi ka na, Lindon," matigas na utos ko. "Umuwi? Ba't mo 'ko pinauuwi? Sumama ka nga sa Thomson na 'yon, pero ako! Gusto mong umuwi ako! T*ng ina, Dafne! Hinanap kita ng buong taon! Ni pangalan mo' y hindi ko alam! Pabalik-balik ako sa club at pati nanay mo'y pinagtataguhan ako! Sabihin mo, pinaglaruan mo ba 'ko!" sigaw niya sa akin. "Hindi mo alam kung ano' ng sinasabi mo, Lindon. Isang gabi lang ang nangyari sa atin at—" "Isang gabi! Pero, buong taon mong ginulo ang buhay ko!" muling sigaw niya dahilan upang mapaawang ang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD