"Hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo, Lindon! Bata ka pa, kaya ang gulo ng isip mo! So, please, umuwi ka na dahil nakainom ka!" maawtoridad na utos ko. Tinalikuran ko na siya subalit hinarangan niya ang daraanan ko.
"Bata! Ako, bata! Bullshit! I'm not young anymore and you know that because I took your virgin¡ty! Nakuha ko ang pagkabirhen mo sa edad kong disi-siyete at malakas pa nga ungol mo, hindi ba! Tapos sasabihin mong bata ako!" muling sigaw niya sa akin.
"Dahil iyan ang totoo! At pagkakamali lang ang isang gabing iyon! Nag-enjoy ka naman sa akin, hindi ba! Sinulit mo ang ibinayad mo, kaya ano pang pinuputok ng butchi mo! Ano pa!" muling asik ko. Kulang na lang maputol ang ugat sa leeg ko.
"But that's not my point! Parang wala lang sa 'yo ang nakaraan na 'yon tapos si Thomson naman ngayon! Then, kapag nagipit ka, ibebenta mo rin katawan mo sa kanya, ha! Do you think na kaya ka niyang bayaran! He is just a high school teacher at hindi niya kayang pantayan ang ibinayad ko noon! At hindi ka ba nahihiya na okay lang na nagpaliligaw ka in front of your students at mas inuuna mo siya without even saying excuse me, class dahil wala kang delikadesa!" gagad niya sa akin. Binitiwan ko ang hawak kong bulaklak at sinampal ko siya nang malakas.
"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng gan'yan, Lindon dahil estudyante lang kita! Ano man ang gawin ko sa buhay ko'y labas ka na roon! Ang nakaraan ay nakaraan! Kung nagulo ko man ang buhay mo dahil lang sa pvtik na namagitan sa atin, puwes, hindi ko na kasalanan 'yon! Gan' yan naman talaga kayong mga kabataan, ang pinaiiral ninyo ay iyang emosyon ninyo. So, uulitin ko, umuwi ka na dahil baka hinahanap ka na ng mga magulang mo," matigas na sambit ko.
"Hindi pa tayo tapos, Dafne! Tandaan mo, hindi pa tayo tapos!" banta niya sa akin.
Naglakad na siya papasok sa kotse niya. Nakita ko pa siyang lumagok ng alak sa bote at pinaharurot niya na ang sasakyan.
Kinabahan pa ako dahil ang bilis ng pagpatatakbo niya. Dinampot ko ang bulaklak at tuliyan na akong pumasok sa loob. Mabuti na lang pala at walang nakarinig sa sigaw an namin. Naalala kong nasa Cavite ang land lady namin.
Tinungo ko ang kuwarto ko. Nilagay ko sa ref ang pagkain ni-take-out ni Thomson kanina. Saglit akong nagpahinga. Naghilamos ako, nagtoothbrush, at nagbihis na.
Ang daming nangyari ngayong araw. Dumagdag pa si Lindon sa isipin ko, kahit hindi ko naman dapat sya isipin.
Humiga na ako nang magring ang phone ko, kaya kinuha ko iyon sa loob ng aking bag.
Si nanay na naman ang tumatawag, kaya sinagot ko ito. "Napatawag ho ulit kayo, Inay."
"Gumawa ka nang paraan para mapadalhan mo kami rito ng kapatid mo. Asin na ulam namin ngayong gabi. Pero, ikaw siguro ay masarap ano? Naku, Dafne, huwag kang makasarili! Kumakain ka nang masarap, kami ng kapatid mo ay hindi," pahayag ni inay sa kabilang linya dahilan upang bumuntong-hininga ako.
"Budget ko lang ng isang linggo ang pera ko rito, Inay. Pero, hayaan n'yo at mangungutang ho ako kay Thomson," saad ko.
"Ipadala mo na 'yang budget mo sa akin at bahala ka nang mangutang kay Thomson. Gusto kong makabawi sa sugal, kaya ngayon din ay ipadala mo na 'yang pera," gagad ni nanay sa akin.
"Gabi na, Inay at sarado na ang remittance. Bukas na lang ho at magpahinga na ako. Magpahinga na rin kayo dahil anong oras na. Pakausap ako sa kapatid ko," wika ko dahil Mis ko na si Donnalyn.
"Wala si Donnalyn dito at hindi mo makakausap ang kapatid mo, hangga't wala kang naipadadalang pera!" galit na sambit ni nanay at pinatayan na naman ako nang tawag tulad kanina.
"Si nanay talaga," napapailing na saad ko.
Ipinatong ko sa mesa ang phone ko nang magring na naman iyon. Kinuha ko iyon at si Thomson naman ngayon ang tumatawag.
"Hello, Love," bati nito sa akin. "Nakauwi na ako rito sa bahay, namis kita agad kaya kita tinawagan," anito sa akin.
"Mis mo 'ko agad, eh, magkikita naman tayo bukas," wika ko.
"Ganito talaga ang in Love kaya hayaan mo na ako. At sabi ko naman sa ' yo, 'di ba na araw-araw kitang namimis. Hindi rin ako magsasawang maghintay dahil alam kong kinikilala mo pa 'kong mabuti. At saka, handa akong maghintay sa ' yo, Love kahit gaano pa 'yan katagal," pahayag nito sa akin.
"Bahala ka, Thomson. Pero, huwag ka nang bili nang bili para sa akin dahil hindi ko rin naman ' yan nakakain minsan. Ikaw rin, baka masanay ako, sa mga ibinibigay mo," ngiti na sambit ko.
"Okay lang na masanay ka, importante ay napasasaya kita. Um, Love, can I ask something?" anito.
"Ano ' yon, Thomson?"
"Nagkaboyfriend ka na ba before?"
"Hindi pa."
"Ever since?"
"Yap."
"You mean, no boyfriend since birth?" hindi makapanilang tanong nito sa akin.
"Oo nga!" sagot ko.
"Woah!" sigaw nito sa kabilang linya. "Ang suwerte ko naman sakaling sasagutin mo 'ko dahil first boyfriend mo 'ko. Excited na tuloy ako at hindi na ako makapaghintay na sagutin mo 'ko, Love," masayang pahayag nito. Napatigil tuloy ako sa kawalan. Dahil no boyfriend since birth ako, ngunit hindi na ako birhen. Paano ko ba ito ipaliwanag kay Thomson? At nakahihiya pa kung malaman niyang estudyante ko ngayon ang nakakuha ng pinakaingat-ingatan kong puri. "Natahimik ka, Love? May hindi ka ba nagustuhan sa sinabi ko?" untag pa nito sa akin.
"Wala naman, Thomson. Salamat, dahil kahit ilang buwan ka nang nanliligaw at hindi pa kita sinasagot ay nariyan ka pa rin," pagpasasalamat ko.
"Dahil ikaw lang ang gusto ko, Dafne. Noon pa man ay gusto na kita, pero saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para ligawan ka. Isa kang crystal na kailangang ingatan," senserong anito sa akin. Napalunok tuloy ako dahil inihantulad ako nito sa isang crystal.
"Salamat, Thomson. Um, Matulog na tayo dahil may pasok pa tayo bukas," wika ko.
"Sige, dahil gagawa rin ako ng lesson plan. Night, Love at sana ako ang mapaginipan mo, muah!" saad nito sa akin.
"Pilyo ka talaga, Thomson. Okay, sweet dreams," tugon ko. In-end of call ko na ang phone ko at ipinatong ko na ito sa mesa.
Ipinikit ko na ang mga mata ko nang sumagi si Lindon sa isipan ko. At naalala ko na naman ang pinagsaluhan namin nang gabing iyon, isang taon ng nakararaan.
Pati, ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina ay naalala ko rin. Bumangon ako at kumuha ako ng tubig saka ko ininom 'yon.
Ibinaon ko na dapat sa limot ang lahat ng mga nangyari noon sa amin ni Lindon sa hotel. Pero, kahit anong gawin ko'y paulit-ulit pa rin iyon na tumatatak sa isipan ko.
At kahit matagal na ang pangyayaring iyon ay tila parang kahapon lang namin pinagsaluhan ang isang mainit na gabi. At pakiramdam ko ay nakadikit pa rin ang labi niya sa labi ko, kaya wala sa sariling dinama ko ang labi ko.
"Ano bang ginagawa mo, Dafne?" kausap ko sa aking sarili.
Inubos ko ang sambasong tubig. Bumalik na ako sa higaan ko. Humiga na ako at kalaunan ay nakatulog na ako.
Madaling araw nang magising ako. Inumpisahan ko ng maglinis, mag-almusal, at pagkatapos ay naligo na ako. Isinuot ko na ang formal na binili namin sa mall ni Thomson, nakaraang buwan. Nagmake up ako nang manipis lang, saka ko na isinuot ang takong ko. Nakatanggap ako nang text mula kay Thomson na on the way na siya, kaya maghihintay na lang ako sa labas.
Subalit nagsalubong ang kilay ko nang matanaw ko ang pamilyar na kotse. At tiyak kong kay Lindon iyon. Nakabukas naman ang bintana, pero wala namang tao sa loob.
"Ako ba hinahanap mo?" narinig kong tanong niya sa aking likuran. Hinaplos pa niya ang buhok ko, kaya agad akong humarap sa kanya.
"Ano na naman ba'ng ginagawa mo rito?" gagad ko.
"Sinusundo ka," nakangiti na sagot niya. Pero, alam kong ang ngiti na iyon ay may ibig sabihin.
"Sinusundo?" maang na tanong ko. "Hindi naman ako nagpasusundo sa 'yo, kaya mabuti pang pumasok ka na bago ka pa maabutan ni Thomson dito. Baka magtaka 'yon dahil nandito ka," gagad ko pa sa kanya.
"And so? Ano ngayon kung maabutan niya ako rito? Sa kanya ba itong apartment? Itong daan at mga kalye rito? Kung ipasarado ko kaya ito para hindi na siya makaraan at hindi ka na niya mapuntahan dito, ha!" sarkastiko na sambit niya sa akin dahilan upang maikuyom ko ang kamay ko.
"Isip bata ka talaga, Lindon! Umalis ka na, okay! Umalis ka na!" matigas na wika ko ngunit ngumisi siya sa akin nang nakaloloko.
"Ang isip bata ay hindi marunong humalik, hindi marunong magromansa at lalong-lalo hindi marunong makipags€x! At saka, natatakot ka bang malaman ni Thomson ang tungkol sa atin noon? Why? Dahil akala niya'y birhen ka pa," asik pa niya sa akin.
"Ayaw kong makipagtalo sa 'yo nang umagang-umaga, Lindon. Kaya, nakikiusap ako, sa ' yo na umalis ka na," giit ko.
"T*ng ina, ayokong umalis, at hindi ako aalis hangga't hindi ka sasama sa akin," diin na aniya.
"Hindi ako sasama sa sa 'yo, Mr. Delgado. At isa pa' y may usapan kami ni Thomson na sa—"
"Shut up! Pulos ka, Thomson! Thomson! Siya na lang ba ang bukambibig mo! Why? Dahil ba sa mga materyal na ibinibigay niya sa 'yo, ha!" gagad niya sa akin.
"What's going on?" tanong ni Thomson sa likuran namin dahilan upang lingunin ko ito. Lumapit ito sa amin. "What are you doing here, Mr. Delgado? Hindi naman ito Guadalupe National High School para mapadpad ka rito. At ang aga mo yatang papasok dahil six-thirty pa lang. May kailangan ka ba kay Ma'am Dafne mo?" tanong pa ni Thomson sa kanya.
Nakita kong ngumisi si Lindon. Tumingin siya sa akin, kaya naman kinabahan ako sa klase nang tingin na iyon.
"I just want you to know, Sir Montecarlo that I and Ms. Dafne was. . . "
"Lindon, please," pigil ko sa kanya. Subalit ngumisi lang siya sa akin at. . .