Chapter 8: Hello, Baby

2113 Words
"Tell me, Mr. Delgado, do you need anything from Ms. Salazar?" takang ni Thomson kay Lindon. "Yeah," tipid na sagot ni Lindon dahilan upang pukulan ko siya nang masamang tingin. "Ma-May gusto lang siyang tanungin sa akin, Thomson. But it doesn't matter naman dahil tungkol lang iyon sa discussion namin kahapon, 'di ba, Mr. Delgado?" baling ko sa kanya. Ngumiti si Lindon. "She's right, Sir Montecarlo. And I didn't understand our assignment yesterday. At isa pa ay wala naman kasing ibinigay si ma'am Dafne na phone number kaya nagtanong-tanong ako rito sa mga kapitbahay ninyo kung saan siya nakatira." "Really? But how did you know na rito nangungupahan si Ma'am Dafne mo?" muling takang tanong ni Thomson. "Because I saw her yesterday," mabilis na sagot niya. Ang galing niyang magsinungaling, samantalang kagabi lang niya kami sinundan. Pero, iyon din naman ang gusto kong mangyari. "Okay. So, pinaintindi na ba ni Ms. Salazar ang assignment ninyo?" tanong na naman ni Thomson. "Not yet, Sir dahil bigla kang dumating. Kaya, kukunin ko na lang ho ang phone number ni Ma'am Dafne to ask her about our assignment dahil wala talaga akong naintindihan kahapon. And I want to talk to my mom and dad na kung puwede ay kuhanin ko na rin na tutor si Ma'am Dafne dahil nahihirapan ako sa ibang aspeto, especially in music because I hate notes," pahayag ni Lindon na ikinamaang ko. " Why not, Mr. Delgado. It's better to ask Ms. Salazar dahil dagdag income na rin 'yan sa kanya, " ani Thomson at bumaling ito sa akin. "So, Love, ibigay mo na number mo kay Mr. Delgado dahil alam kong kailangan mo rin ng sideline," ani Thomson. Pagak akong ngumiti rito. Subalit nakita ko ang pagngisi ni Lindon sa akin nang nakaloloko, kaya umigting ang aking mga panga. Kinuha ko ang keypad kong cellphone sa bulsa ko. Kung puwede lang na ihampas ko 'yon ay Lindon ayt ginawa ko na. Kaya, kahit inis na inis ako ay magiliw ko pa ring ibinigay ang phone sa kanya. "Type mo na lang phone number mo riyan, Hijo at i-call mo na lang," ngiti na sabi ko. Kinuha niya ang phone. Pa-simple pa niyang hinawakan ang kamay ko, kaya naman nagsitayuhan ang maninipis na balahibo ko. Ibinalik naman niya agad ang cell phone ko pagkatapos at ibinulsa ko na ito. " I owe you one, Ms. Salazar, " nakangiti na aniya sa akin. Tila para siyang bata na binilhan ng lobo sa bayan. "It's alright, Hijo," tugon ko kahit napipilitan lang akong kausapin siya. "Bye, Ms. Salazar and thanks again," muling saad niya. Tinapik pa niya si Thomson, bago siya sumakay. Pinaandar niya na ang kotse niya. Ngunit hindi ko na lang siya pinansin. "Shall we go?" yaya naman ni Thomson sa akin. Tinungo na namin ang kotse niya na nasa gilid ng tindahan kaya hindi namin namalayan ni Lindon ang Pagdating nito. Sumakay na ako. Sumunod ito at binuhay na nito ang sasakyan. Nagvibrate ang phone ko. Alam kong may nag text kaya kinuha ko 'yon dahil baka importanteng mensahe ' yon. Subalit unknown number naman ang nakalagay. Gayon pa man ay binasa ko pa rin ang message. "Hello, Baby." Iyan ang nakalagay. Nireply ko siya. "Sino 'to?" Wala pa man ding isang segundo ay nagreply agad siya. "Nakalimutan mo 'ko agad, Baby? Ako lang naman ang kauna-unahang lalaking nakakuha, sa 'yong crystal." Aniya sa message niya kaya naman kilala ko na kung kanino ang number na ito. Hindi ko na siya nireply subalit muli na naman siyang nagtext. "Ba't hindi ka na nagreply, Baby? Busy ka ba sa Thomson na 'yan, ha?" text niya sa akin. "Is there something wrong, Love? Ba't gan'yan ang hitsura mo? May nagmessage ba sa 'yo?" untag ni Thomson sa akin. "Si-Si nanay, Thomson. May ni-message lang," pagsisinungaling ko. Tumango lang ito sa akin. Ibinalik ko na ang phone ko sa aking bulsa, ngunit ilang beses nag vibrate 'yon. Hindi ko na lang ito pinansin. Nang magring ito. "Sagutin mo na, Love dahil baka magtampo si Tita Magda sa ' yo," ani Thomson sa akin. "Mamaya na lang, Thomson dahil hindi rin naman kami magkaririnigan," saad ko. "Sabagay," kibit-balikat nito. Katahimikan ang pumagitna sa amin ni Thomson. At paano ba ako kukuha ng buwelo na uutangan ko siya. Mamaya na lang dahil nakahihiya lalo na't umagang-umaga. Pagdating namin sa campus ay nag madaling bumaba si Thomson. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan niya akong makababa dahil nakasuot ako ng pencil skirt. "Salamat, Thomson," ngiti na saad ko. "Mahirap ng masilipan ka, Love kaya kailangan protective ako, sa 'yo," tugon nito sa akin. "Pilyo ka," napapailing na sambit ko. Tinungo muna namin ang office upang magtime in saka inihatid na ako ni Thomson sa aking classroom. Napansin ko na wala si Lindon samantalang maaga naman siyang pumasok kanina. Sabagay, hindi ko napansin ang sasakyan niya sa parking. "Sabay ulit tayo maglunch mamaya, Love dahil nagluto ako for us," ani Thomson dahilan upang magsitilihan ang mga estudyante ko. "Naiinggit na mga pulang langgam, Ma'am Dafne, Sir Thomson. At sana all, nilulutuhan! Ako kasi, ni tuyo'y hindi ako mailutahan ng jowa ko," natatawang sambit ni Bea. "Gusto ko kasing pagsilbihan ang Ma'am Dafne ninyo para ipakita ko sa kanya kung gaano ako ka-sweet," wika pa ni Thomson na hinaplos ang pisngi ko. Bigla tuloy akong nahiya dahil nasa harapan pa man din kami ng aking mga estudyante. "Excuse me, Sir Montecarlo, may naghahanap sa inyo sa Science Department," anang lalaking estudyante. "Sige na, Love, maya na, bye," ani Thomson at naglakad na ito palabas ng room. Parating naman si Lindon, kasama si Chelsea at ang tropa niya. Napansin kong may inabot siya sa kamay ng lalaking nagsabi na may naghahanap kay Thomson. "Magandang umaga sa inyo mga ginoo at binibini," magiliw na bati ko. "Magandang araw din po sa inyo, Ma'am Dafne," tugon ng mga ito. Pinatayo ko ang mga ito. Nagdasal kami at pagkatapos naming nagdasal ay pumasok sina Kevin at Thyron. "Morning, Ma'am Dafne," ngiti na bati ng mga ito. Huli namang pumasok ang dalawa at hindi ko alam kung ano'ng trip ni Lindon ngayong araw dahil hindi siya nagbigay galang. Umupo na siya sa tabi ni Chelsea dahilan upang matuwa ako dahil hindi na ako naiilang sa kanya. "Okay, Class, ngayong araw ng Martes, tatalakayin natin ang Panitikang Pilipino. Ano nga ba ang panitikang pilipino?" tanong ko. Subalit walang gustong magtaas ng kamay, kaya tinawag ko si Chelsea. Tumayo ito. "I don't know the exact, answer, Ma'am dahil may hang-over ako." "Hindi ka na sana pumasok, Hija para nakapagpahinga ka," nakangiti pa rin na saad ko. Kung alam naman pa la niyang may hang-over siya, ba't pa sya pumasok? "Because I want to see my babe dahil siya lang naman po ang pinasukan ko," depensa pa nito sa akin. At sumandal pa ito sa dibdib ni Lindon. "Okay. So, may gusto bang sumagot sa inyo kung ano ang panitikang pilipino?" muling tanong ko. Ngunit nakayuko lang ibang mga estudyante ko at nakatingin naman si Lindon sa kawalan na parang wala siyang pakialam. "Ang panitikan ay—" "Nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao," mabilis na sagot ni Lindon dahilan upang tingnan siya ng mga kaklase niya. "Good job, Babe!" pumapalakpak na saad ni Chelsea, sabay halik nito sa pisngi ni Lindon. "Nagtaas ka sana ng kamay, Mr. Delgado. Hindi iyong, kung kailan naman ako nagsasalita rito sa harapan saka ka naman sisingit," sarkastiko na saad ko. "Kahit hindi naman ako magtaas ng kamay kung talagang tatawagin n'yo 'ko, right, Ma'am Dafne? At isa pa, wala naman kasing kahirap-hirap iyang tanong ninyo. At kung ako lang ang guro, ipaa-assignment ko 'yan sa mga estudyante ko, upang sa gayon ay alam nila ang kanilang isasagot. Hindi iyong magtatanong na lang kayo about sa topic natin today. Ni hindi n' yo pa nga 'yan nabanggit kahapon, hindi ba? Hindi pa nga tayo tapos sa Wikang Filipino, nagjump ka na agad sa panitikang pilipino? And I don't know how you passed the LET Exam and why you are teaching here in a public school. Why didn't you just teach at a private school to hone your knowledge. Because if I were the principal here, I would find you a credential," mahabang sambit ni Lindon na ikinakuyom ng kamay ko. Nakita ko pa ang pagngisi niya kaya alam kong sinasadya niyang pahiyain ako sa harap ng mga kaklase niya. "Pasensya ka na, Mr. Delgado. Saka, masyado mo na yatang pini-personal ang pagtuturo ko," matigas na sambit ko. "I'm just telling the truth, Ms. Salazar. Is it bad to give you advice? At hindi naman totally lahat ng guro ay magaling magturo," ngisi niya sa akin. Tumalikod ako. Hindi ko alam kung saan na kukuha ni Lindon ang mga ibinaba to niyang salita sa akin. Gusto ko siyang batuhin ng eraser o ano pa man na nasa mesa ko para alam niya kung saan dapat siya lumugar. Pero, baka makasuhan pa ako, kung gagawin ko ang bagay na iyon. "Get one whole sheet of paper. From number 1 to 10," inis na sambit ko. Hindi tuloy magkandauga-ugaga ang mga estudyante ko sa pagkuha ng papel nila. Subalit, pangiti-ngiti lang si Lindon na animoy nakaloloko ang hitsura. "Magbigay ng sampung halimbawa ng panitikan at ibigay ang kani-kanilang kahulugan at magbigay ng limang halimbawa ng bawat isa," walang prenong sambit ko. Umupo ako sa aking upuhan. "Tingnan ko lang kung makasagot pa ang Lindon na ito," bulong ng isipan ko. Abala sa pagsagot ang ibang mga estudyante ko. Subalit, pa-easy-easy lang si Lindon. Nagring ang phone ko. Kinuha ko ito at si Thomson ang tumatawag. Nag-excuse ako sa mga estudyante at lumabas ako. "Hindi tayo magkasamang maglunch mamaya, Love dahil inutusan ako ni principal na makipagmeeting sa division," pahayag nito sa akin. "Okay lang, Thomson. Ingat ka riyan," ani ko. "Take care, Love," anito. Ibinaba na nito ang tawag. Napansin ko na 101 ang messages at galing ito kay kay Lindon, kaya sa inis ko ay binura ko lahat 'to. Bumalik ako sa loob. Pagkatapos ng kuwarenta minutos ay kinuha ko na ang papel ng mga estudyante ko. Subalit, si Lindon na lang ang hindi pa natatapos. "Bilisan mo na pare dahil got all mo na ' yan," pagbibiro ni Kevin. "Hintayin n'yo na lang ako sa co-op, Guys dahil tatapusin ko ito," pahayag niya sa mga ito. "Kung dito na lang kaya kita hintayin, Babe," maarteng saad ni Chelsea. "Hindi na, Chelsea. Sumama ka na sa kanila," aniya rito. Bumuntong-hininga ito at lumabas na ang mga ito. Umupo ako sa harapan. "Pakibilsan mo, Mr. Delgado dahil maya-maya'y narito na ang susunod na section." "Maghintay sila kung gusto nila," matigas niyang saad na hindi nakatingin sa akin. "May oras kayo sa akin at ganoon din sila. Huwag kang pa-VIP dahil hindi lang ikaw ang estudyante ko," gagad ko. Ngumisi siya. Tumayo siya at tila slow motion siyang lumapit sa akin. "Bakit, hindi? Saka, ba't gan'yan ang suot mo? Hindi mo ba alam na naiinis ako sa babaeng nagsusuot ng gan'yan lalo na't nakapanty ka lang," wika niya dahilan upang tumingin ako sa suot ko. "Wala kang pakialam kung ito ang suot ko dahil hindi naman ikaw ang masisilipan," muling gagad ko. Pinandilatan ko pa siya ng mata ngunit nagulat ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Baka, masakal ko pa ang makasisilip sa may latak ng crystal mo, Dafne," seryosong sambit n'ya dahilan upang mapalunok ako. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya, ngunit hinawakan niya ang baba ko. "Kanina lang ang sungit mo. Pero, anong nangyari ngayon? Lumapit lang ako, sa 'yo, napalulunok ka na," ngisi pa niya sa akin. "Kung tapos ka na, p'wede ka nang lumabas," pagtataboy ko. "Kung ayaw ko?" aniya kaya kinabahan ako. "Kaya nga nagpahuli ako para lang masolo kita," dagdag pa niya kaya tumayo ako. "Tapos na ang klase natin, Mr. Delgado kaya lumabas ka na," maawtoridad na utos ko. Ngunit hindi siya nagsalita. Tumayo siya nang tuwid saka siya naglakad palapit sa akin. "I said, lumabas ka na!" diin na sambit ko. Paatras na ako nang paatras hanggang dingding na ang nasa likuran ko. At halos lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng t***k nito. Ang seryoso ng mukha ni Lindon kaya hindi ko mabasa ang nasa isip niya hanggang makalapit na siya sa akin at isang dangkal na lang ang pagitan namin. "You know what I hate the most? Iyong tinawag mo 'kong hijo sa harapan ni Thomson. I told you, I'm not young anymore at patutunayan ko ulit 'yon sa 'yo ngayon," gagad niya, sabay halik sa aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD