"Bakit nga ba?" tanong ni Yuki. "Kasi mahal kita," Pagtatapat ng immortal sabay hawak niya sa kamay nito. "Pakiramdam ko, mahal rin kita, Amarpal," tugon niya rito. "Sigurado ka ba, Yuki?" "Oo, kasi iyon ang naramdaman ko." "Huwag kang mag-alala, Yuki. Dahil hindi ka magsisisi na minahal mo ako at lahat ay gagawin ko para mapasaya kita." "Amar…" sambit niya sa mahinang boses. "Bakit, Yuki?" "Please, huwag mo akong iwan, ayaw ko nang masaktan pang muli." "Pangako, hinding-hindi ako mawawala sa iyo. Ngayon pa ba? Na tayo na," nakangiting tugon ng immortal. "Tayo na ba?" pagbibiro na tanong ni Yuki. "Bakit ayaw mo ba? Sige, aalis na ako!" ganting biro ni Amarpal at akmang tatayo. "Hmmp! Kakasabi mo lang na hindi mo ako iiwan tapos ngayon sisirain mo na ang pangako mo!" Nagtampo