Hindi kumibo ang kanyang ina at tinitigan siya ng mabuti. "Sigurado ka ba sa iyong sinasabi, Amarpal? "Opo! At naramdaman ko na mahal rin niya ako." "Nakikita ka na ba niya?" "Oo, sa panaginip niya, Inang." "Paano kung hindi ka niya mahal? Amar, nag-iisa kitang anak, at ayaw kong masaktan ka. Hindi ako hahadlang kung sino man ang iyong mamahalin. Sapagkat ang gusto ko lang ay lumigaya ka sa piling ng mahal mo. At ayaw kong matulad ka sa akin." "Ano ang ibig mong sabihin, Inang?" interesado niyang tanong. "Dati rin akong nagmahal ng isang mortal, subalit hinahadlangan ako ng aking mga magulang at nagiging mahina rin ako at hindi ko siya ipinaglalaban. Nalaman ko na lang na namatay ang mortal dahil sa sobra niyang kalungkutan," malungkot na kuwento ng kaniyang ina. "Alam ba ni Amang n