Umupo siya sa kama sabay buntong-hininga nang napakalalim. At maya-maya pa ay naalala niya ang nangyari sa kaniyang pag-alis at 'di niya napigilan ang mapaluha. Hanggang sa galit na ang kaniyang naramdaman. "Mga walang hiya talaga kayo!" sigaw niya sabay tanggal nito sa kaniyang sapatos at ibinato sa gilid. "Ouch!" daing ni Amarpal sabay hawak niya sa kaniyang ulo dahil natamaan siya ng isang bagay, habang siya ay natutulog. "Hmmm… may bago na naman pa lang tumira dito sa kuwarto, kailangang parusahan kita sa iyong ginawa sa akin," kunot-noong sabi ng binatang immortal at tumayo ito sa kaniyang kama upang lapitan ang mapangahas na mortal. Ngunit nakahiga na si Yuki at nakatalikod ito habang patuloy pa rin sa pag-iiyak. Napansin naman iyon ni Amarpal at bahagya siyang naawa sa babaeng