"Dahil ginamitan ko ng kapangyarihan," sagot ng binatang immortal na tanging siya lang ang nakakarinig. Hanggang sa nagmadaling umalis si Yuki, para makahabol pa sa inteview. Tama naman na sa paglabas ni Yuki sa kanto ay may dumaang taxi. Pagkabukas niya ay naunag sumakay ang immortal. Bigla namang tumayo ang mga balahibo ni Yuki. Dahil sa lamig na dumaan sa kaniyang harapan at natulala siya saglit nang maamoy niya ang pabango ni Amarpal sa kaniyang panaginip. Ngunit hindi niya ito binigyang halaga dahil sa isip niya ay baka sumama lang ang amoy ng bulakbulak. Itinuro ni Yuki ang adres na kaniyang pupuntahan at alam naman ito ng taxi-driver. "Ma'am, anong pangalan ng pabango mo?" tanong ng drayber. "Bakit po?" pagtatakang tanong ni Yuki. "Sobrang bango kasi, ma'am. Hindi masakit s