Nagbulong-bulungan ang mga hukom na tila naisip nilang may punto ang mortal. Hanggang sa nakapag desisyon ang mga hukom na bigyan pa ng isang pagkakataon na mabuhay si prinsesa Zaida. Ngunit pinagbawalan na siyang makaapak sa palasyo at kung makagawa pa siya ng isang pagkakamali ay wala ng kapatawaran at kamatayan na ang kanyang parusa. "Maraming salamat mortal, maraming salamat," paulit-ulit na sabi ni prinsesa Zaida at yumukod siya sa harap ni Yuki. Lumapit si Yuki sa kanya at inalalayan niya itong makatayo. "Prinsesa Zaida, hintayin mo na kusang darating ang lalaking magmamahal sa iyo," wika niya rito. Tumango naman ang prinsesang immortal at hilam sa luha ang mga mata. Lumapit ang ama ni Zaida at yumukod kay Yuki. Ngunit hindi niya ito pinahintulutan kaya iginagalang naman niya