SA ARAW ding iyon ay tumawid sila sa mundo ng imortal at sa Celosia Palace sila dumiretso. Upang doon mamalagi ang kaniyang ama at kapatid. "Wow! Ang ganda pala sa mundo ninyo. Nakakabighani ang ganda," masayang sabi ni Leny, na halos hindi makapaniwala na sa isang iglap ay nasa daigdig na sila ng mga immortal. "Pa, okay ka lang na dito muna tayo?" tanong ni Yuki sa ama. "Oo, huwag mo akong alalahanin anak. Kung saan kayo masaya ay masaya na rin ako. Basta hindi lang tayo magkalayo, ikaw na lang kasi ang natitirang magandang alaala ko sa iyong Mama. Kaya ayaw kong mawalay ka pa sa akin." "Kayong apat, magpalit na kayo ng inyong mga damit," utos ni prinsipe sa kanilang mga alipin. "Opo, prinsipe." Kumilos naman ang apat at agad nagpalit. "Ako rin, Nyleve. Gusto ko katulad niyo ang a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books