Kabanata 7

1888 Words
 Pasado ala-sais na nang makalabas ako ng trabaho. Nagmamadali ako para dumiretso sa Starry Hub gaya ng bilin Mr. Fournier. Hindi ko ma-iwaksi ang pananabik na makabalik sa trabaho. Lalo pa ang makita si Bonnie. Ngunit natigil ang mga paa ko nang mapansin ang magarang sasakyan ni Gonzalo sa mismong tapat ng café. Lumunok ako ng ilang beses para ibsan ang bumangong kaba sa puso. Nakahilig ito sa nguso ng kaniyang sasakyan. He still wore his office suit, but this time naiwan na lamang ang long-sleeved polo na nakatupi hanggang kaniyang siko. Narinig ko ang hagikgik ng mga kasama kong palabas ng café. Isa na roon si Vexana na mabilis binati si Gonzalo na tila kanina pa naghihintay doon. Lumapit ang grupo nila dito para sana kausapin ngunit ang matabang at suplado nito mukha ang tangi niyang isinagot sa mga kaharap. Lumunok ako nang gumawi sa banda ko si Vexana. Her brows twitching so bad as if I have done something wrong. "Ah, Mr. Dela Serna. Hinihintay n'yo po ba si Miss Trina?" Isang malapad na ngiti ang iginawad ni Vexana dito. Pero imbes na sumagot ay tumuon ang tingin sa'kin ni Gonzalo. Mabilis kong hinigit ang paghinga nang humakbang ito palapit sa'kin. "Are you done for today?" he asked smoothly at me. Mabilis lumipad ang tingin ko kina Vexana na bumagsak ang panga sa nasaksihan. "Uhm..." I nodded. Para kasing nalunok ko bigla ang dila ko. Kung susubukan ko sigurong magsalita ay tiyak na mauutal lang ako. "Good, let's go." Tumalikod na ito at tinungo ang kaniyang front door. Napansin kong napa-atras sina Vexana at halos patayin ako sa matalim nilang mga tingin. Wala naman akong nagawa kundi ang yumuko na lang. Gonzalo open his door for me from the inside. Bahagya niya pa akong sinulyapan bago umayos ng upo sa driver seat. "Wear your seat belt," aniya bago isuot ang sunglasses nito. I nodded slowly. Tila naninigas ang mga kamay na sinunod ang utos n'ya. Ang puso kong kanina pa tinatambol ay mas lalong sumidhi ngayong mas malapit siya sa'kin. Buong byahe namin ay tahimik lamang ito. Hindi ko rin naman ito tinangkang kausapin ngunit nang lumampas kami sa Starry Hub at lumiko papasok sa South Ridge Village ay mabilis ko itong sinulyapan. "I'm starving." Ito na ang unang nagsalita habang hindi inaalis ang tingin sa daan. Imbes na sumagot ay naagaw ng pansin ko ang lawak at laki ng South Ridge Village na sumalubong sa'kin. Halos idikit ko ang pisngi sa tinted window ng kaniyang kotse habang tinatanaw ang naglalakihang bahay at ilang establisyemento sa loob. This Village is extravagant. Walang tulak kabigin ang mga bahay. Agaw pansin din sa'kin ang club house maging ang theme park na nadaan. Umabot ng ilang minuto ang byahe bago ito tumigil sa tapat ng isang mala mansyon sa laki na bahay. Sa tingin ko ay ito na ang pinakahuling bahay sa South Ridge Village. The gate is automatically open and we headed inside. Ilang hakbang pa kasi ang layo bago tumigil ang kotse nito sa tapat mismo ng kaniyang bahay. "This is where I live." Pinatay nito ang makina ng kotse matapos ay hinubad ang suot na sunglasses. Agad naman akong binalot ng kakaibang kaba. Kung dito siya nakatira ay tiyak na kasama n'ya sa bahay ang asawa. "Ah, sa tingin ko hindi magandang sumama ako saiyo dito," wika ko sa maliit na boses. Ramdam ko ang pagsulyap nito sa'kin bago ko marinig na binuksan n'ya ang front door. "Let's eat first, bago kita ihatid sa Starry Hub," aniya bago lumabas. Nagdadalawang isip kung susunod ba dito. Tiyak na malaking gulo kung makikita kami ni Penelope na magkasama. Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib ko at inisantabi ang agam-agam bago dahan-dahan lumabas. Agad kong tiningala ang bahay nito na tila moderno ang pagkakagawa. The moment I step into the door my eyes widened. Ang tanggapan ay may purong puting kulay, gayon din ang mga kurtina. Ang mga muwebles ay may dekalidad na yari at ang mataas na kisame na umaabot sa ikatlong palapag ay nakadaragdag ng elegante sa buong bahay. "Feel at home, i'll be at the kitchen," aniya bago siya tumalikod sa'kin. Nabinbin naman ang mga paa ko sa sahig dahil sa kabang bumangon. Naging malikot rin ang aking mga mata. Nangangamba na baka biglang sumulpot dito ang kaniyang asawa. Napakislot ako mula sa pagkakatayo nang may biglang lumabas mula sa pintong pinasukan ni Gonzalo. Isang may edad na babae na nakasuot ng bistidang bulaklakin ang namataan kong palapit. "Ah, good evening ho," wika ko sa mababang tinig. Hindi ko mapigilang higitin ang paghinga habang pinapasadahan nito ng tingin. Binalot ako ng kaba dahil sa klase ng tingin ipinukol n'ya. "Ikaw pala ang bisitang sinasabi ni Gonzalo. Ako nga pala si Helen." Pakilala nito. "Ah, Alondra po," sagot ko naman. Pansin ko ang malapad nitong ngiti sa'kin bagay na nagpakaba sa aking puso. "Halika ineng sa komedor." Pag-aya n'ya sa'kin. Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib bago sundin ang sinabi nito. Sa pagkakataong ito'y mas napagmasdan ko ang loob ng bahay. Hindi makakailang mamahalin ang mga figurines at paintings na nakasabit sa pader. Maging ang bulwagan ay kahali-halina sa laki. "Maupo ka ineng," utas nito matapos akong ipaghila ng silya. "S-salamat ho," magalang kong sagot. Hindi na rin ito nagtagal at umalis rin kaya nagkasya na lang ako pagtingin-tingin sa kabuoan ng silid. Kahit gugolin ko siguro ang buong buhay ko sa pagta-trabaho ay hindi ko matatamasa ang ganitong klaseng buhay lalo pa ang magkaroon ng ganito kalaking bahay. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako pukawin ni Gonzalo na siyang parating. May bitbit itong tray kasunod nito si Manang Helen na may dala rin. Balak ko na sanang tumayo ngunit agad na tumaas ang tingin sa akin ni Gonzalo. I pursed my lips and cleared my throat as I shifted on my seat. "Si Gonzalo ang nagluto niyan. Kanina pa siya sa kusina bago ka sunduin." Malaki ang ngiti sa labi ni Manang Helen nang magsalita. Agad naman namula ang dalawang pisngi ko at tumingala kay Gonzalo. "Salamat manang, ako na dito," aniya sa matanda matapos nitong ilapag sa lamesa ang dalang tray. Tahimik nitong hinain sa akin ang tenderloin steak at isang platitong pasta. May nilapag din siyang baso ng pineapple juice sa harapan ko. Yumuko ako para itago ang hiya sa ginawa n'ya. Hindi ako sanay na may nag-aasikaso sa'kin. Lalo pa ang isang katulad ni Gonzalo. "Hindi ka na sana nag-abala, " mahina kong sinabi. Hindi ito nagsalita bagkus ay naupo na rin para simulan ang pagkain. Gusto ko sanang may pagusapan kami at tanongin siya sa isang bagay pero 'di ko magawa. "Focus on your food, Alondra." Napakislot ako mula sa malalim na Pag-iisip nang magsalita siya. Mabilis na umangat ang tingin ko dito. His dark eyes darted on me strictly. Tila inuutos na sundin ko ang sinabi n'ya. Yumuko ako at mabilis na tinapos ang pagkain. Hindi na rin naman ito nagsalita pa kaya mas naging komportable akong taposin ang pagkain. "Mag-iingat kayo sa daan!" Bilin sa amin ni Manang Helen. Bahagyang tumango dito si Gonzalo habang ako naman ay ngumiti dito. "Babalik ka hija. Ipagluluto kita sa susunod ng masasarap kong putahe," aniya sa akin. Namula ang dalawang pisngi ko't hindi nakasagot. Ano ba ang dapat kong sabihin? I'm sure that this probably our last time to met each other. Because there will no next time. Tahimik lamang kami habang bumibyahe patungong Stary Hub. Gonzalo never spoke to me. Hindi na rin nawala ang pagkunot ng noo nito kanina pa. "Thanks for the ride," I said as I pull the door to open. Napalingon ako dito nang baklasin ang suot niyang seatbelt at lumabas din ng sasakyan. "I'm going in," aniya bago pindutin ang alarm ng sasakyan. Dahan-dahan akong tumango dito at sinundan na lang siya ng tingin habang papasok sa loob ng bar. Kinailangan kong sa likod dumaan at dumiretso muna sa opisina ni Ms. Olga. "You can start now, Alondra. Pero mahigpit kong ipinagbabawal ang makisalamuha sa customers, lalo na sa mismong may-ari. Ayokong isipin nila na malakas ka lang sa may-ari kaya ka bumalik dito." Bilin sa'kin ng manager. Dahan-dahan akong tumango. Kahit naman hindi n'ya puntohin ay parang pinamukha n'ya sa akin na malakas lang ako kay Syd Fournier na siyang may-ari mismo ng Starry Hub. Muli kong isinuot ang uniform ko na inabot n'ya sa'kin bago mag-umpisa na sa trabaho ngayong gabi. Masigla akong lumabas ng kaniyang opisina at dumiretso agad sa bar counter. Agad kong nakita si Bonnie kaya nilapitan ko ito. "OMG! Nandito ka na ulit?!" Hawak nito ang dalawa kong kamay na tila hindi makapaniwala. "Oo, binigyan pa ako ng isa pang pagkakataon para makabalik dito," masigla akong wika. "Talaga? Mabuti naman!" Tiluyan na n'ya akong niyakap. "Oh, tama na iyan. Umpisahan n'yo na ang trabaho!" Putol ng isa naming kasamahan. Inabot nito sa akin ang menu bago ako ismiran paalis. "Hmp, atribida!" nakangusong sinabi ni Bonnie sa patalikod na si Yumi. "Hayaan mo na..." Pigil ko dito. Minabuti kong umpisahan na lang ang trabaho at sinalubong ang mga bagong dating na customer. Ngunit hindi ko mapigilan sulyapan ang VIP section kung saan naroon na nga ang grupo nila Gonzalo. "Oh, ano pang hinihintay mo? Dalhin mo na 'yang menu para doon sa mga bagong dating," bulong sa'kin ni Bonnie. Humigpit ang hawak ko sa menu at iniisip ang mga sinabi kanina ni Ms. Olga. Gayon pa man ay gusto kong gawin ang trabaho ko ng maayos kaya lakas loob kong hinakbang ang mga paa ko patungong VIP section. I almost choke to death as they turned theu gaze at me. Una na doon si Primotivo at Zanjoe. "Looks who's coming!" buska nito Zanjoe nang makalapit ako. Isa-isa ko silang sinulyapan. Halos kumpleto ang grupo maging ang mismong may-ari ng Starry Hub na si Syd ay tumango lang sa'kin. Gonzalo stay quiet on his seat. Hawak nito ang kopita ng alak at nandoon lamang ang pansin. "Uh, can I take your order, Sir?" baling ko sa dalawang bagong dating na ngayon ko lang nakita. "Just give us one bucket and nachos," sagot nito. Tumango ako at inilista ang sinabi nito. "Liam, Apollo, nakilala n'yo naba si Alondra?" Panimula ni Zanjoe. Lumunok ako at sumulyap sa dalawa. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Agad binalot ng pagkabalisa. "She's Alondra... And these two boys are, Liam Carter and Apollo Austria," ani Primo. "Hi, nice to meet you!" anila sa'kin at kumaway. Gaya ng grupo. Hindi rin magpapahuli ng dating ang dalawa. They both have a handsome face and strong aura. I smiled softly and nod. Umatras na ako para hindi na lumawig pa ang usapan. Agad ko ring dinulog sa kanila ang order nilang bucket at tahimik na umalis. Ginawa ko rin busy ang sarili sa ilang customer para hindi na magawi pa sa lamesa nila Gonzalo. Pero natigil ako sa ginagawa nang mamataan si Penelope na dumating na may kasama ring mga babae. Agad itong tumabi kay Gonzalo at sa huli ay dinampian ng halik sa labi na labis na nagpasikip ng aking didbdib. I averted my gaze. At tumalikod na sa kanila. Ngayon ko napagtanto na walang saysay ang mga nangyari ngayong araw. Hindi na lang din sana ako umasa... Dahil may Penelope na nand'yan na siya mismong asawa..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD