Kabanata 8

1952 Words
Kabanata 8 Invitation Mabilis lumakad ang araw. Naging abala ako sa trabaho at sa darating na pasukan sa lunes. Luckily nakapag-enrolled ako bago pa magsimula ang klase. Isang taon na lang at ga-graduate na ako sa kursong BS management kaya mas matutukan ko na ang trabaho at pagpapa-aral sa mga kapatid ko na nasa high-school pa lang. "See you tomorrow!" Kaway sa'kin ni Josie nang matapos ako sa shift ko sa café. Agad akong sumakay ng jeep patungong Starry Hub. Isang linggo na lang ang ilalagi ko sa Café dahil kailangan kong pumasok sa iskwela. Pinili kong iwan ang trabaho sa Stary Hub dahil gabi naman ang shift ko dito. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Tiyak na kailangan kong magtipid ng doble dahil sa mababawasan na ang sahod ko ngayon. Kung sanay pwede kong hatiin ang katawan para kahit papano ay makapasok pa rin sa café ay gagawin ko. Ganon pa man ay hindi ako dapat sumuko. May mga kapatid akong umaasa sa'kin. Hindi ko sila dapat biguin. Mabilis akong umibis ng sasakyan matapos kong marating ang Starry Hub. Diretso na ako sa locker room at nagpalit ng uniform. "Evening, Alondra!" Bati sa'kin ni Bonnie matapos kumaway. I waved my hand too and looked for the menu. Inumpisahan ko nang lakarin ang kahabaan ng VIP section kung saan may isang grupo ng mga lalaki ang dumating. Sinulyapan ko ang lamesa kung saan parating naka-pwesto ang grupo nina Gonzalo ngunit wala sila doon. Baka mamaya lang ay sumulpot na ang mga iyon dito. Kaya ginawa kong abala ang sarili sa pag-aasist sa mga customer. Ngunit lumipas ang halos isang oras ay wala ni isang anino ng grupo akong namataan. Marahil ay may lakad ang mga ito kaya hindi pumunta ngayong gabi. Itinuloy ko ang trabaho kahit pa habang tumatakbo sa isip kung bakit wala ang mga ito. "Alondra, may naghahanap saiyo," ani Bonnie sa'kin. Mabilis kong pinunasahan ang kamay at tumango dito. "Sino daw?" "Hindi ko kilala, pero ikaw ang hinahanap e," aniya. Lumabas ako saglit at namataan ko doon kausap ni Manong Guard ang isang naka-suit na lalaki. Agad itong nagpaalam sa kausap nang makita akong lumabas ng naturang Bar. "Miss. Alondra? Pinasusundo po kayo ni Mr. Dela Serna." Natigilan ako, wait, si Gonzalo ba ang tinutukoy n'ya? "Ho?" "Sumama ho kayo sa'kin. Hinihintay na po n'ya kayo," aniya pa. Nagugulohan akong umiling. "Eh, manong nasa trabaho ho ako. Hindi po ako pwedeng umalis." Ayoko nang maulit 'yong nakaraan na bigla na lang umalis sa shift ko. Ito na lang ang natitira kong pinagkakakitaan kaya hindi ko pwedeng isawalang bahala ang trabaho ko dito. "Nakausap ko na ho ang manager n'yo na si Ms. Olga. She also received a call from Mr. Fournier telling her to released you now," aniya sa seryosong boses. "Hihintayin ko na lang po kayo dito, ma'am." Dagdag pa n'ya at sinulyapan ako ayos ko. "Uh, sandali lang ha?" Mabilis na akong tumalikod dito at tumungo sa aking locker room. Gusto ko sanang dumaan sa opisina ni Ms. Olga ngunit baka kung ano lang ang sabihin nito sa'kin. Isa pa hindi ko nga alam kung saan ang punta namin. Mabilis kong pinusod ang buhok at bahagyang naglagay ng lip tint at face powder. Ito na ang pinaka the best kong ayos kaya kahit simple lang ay lumabas na ako bitbit ang aking body bag. Hindi ko na namataan si Bonnie dahil sa back door ko na rin piniling dumaan para iwas sa mainit na mata ng mga empleyado. Agad akong sumakay sa kotse na nag-aabang sa'kin. Gusto ko sanang tumahimik na lang habang binabagtas namin ang daan papasok sa South ridge village. Pero hindi ko na napigilan pang magtanong. "Saan ho ba ang punta natin?" I asked impatiently. "Sa bahay ho ni boss," aniya. Boss? Si Gonzalo tiyak ang tinutukoy n'ya. Dumikit ang mukha ko sa tinted na salamin nang mamataan ang magagarang bahay na naraaan namin. Ibang iba sa nakalakhan kong lugar na masikip at maingay. Dito halos wala kang makitang naglipanang mga bata at mga nanay nag tsi-tsismisan sa kanto. Dito halos hindi magkakakilala ang mga tao dahil sa agwat ng bahay sa isa't isa. Nilubog ko ang likod sa malambot na upuan. I breathe in and out. Ang bango kasi ng loob ng kotse ni Gonzalo. Tiyak na isa lamang ito sa mga koleksyon niyang sasakyan. Parang gusto kong magtagal pa dito at magrelax sa maranhan na pagpapatakbo ni manong. "Nandito na ho tayo, ma'am." Dumilat ako at muling sumilip sa labas. Nandito na nga kami sa bahay ni Gonzalo. Halos magliwanag ang bahay sa mga ilaw na nakatutok sa mismong bahay. Bukas rin ang mga ilaw sa lahat ng palapag kaya't pansin mo ang bongga ng loob dahil sa glass wall doon. Pinagbuksan ako ng driver ng pinto habang hindi inaalis ang tingin sa malapalasyong bahay. Pakiramdam ko ay nanliit ako habang nakatingala sa mansyon nito. I only have 500 pesos in my pocket, hindi pa sigurado kung may kakainin ako bukas dahil wala pang sahod. Wala rin akong ipon sa bangko dahil lahat ng pera ko'y nailaan ko na sa pagbubukas ng klase at pagpapadala sa mga kapatid ko sa probinsya. But I'm now standing here in his mansion. Ngayon ko napatanto na milya-milya ang layo ko sa kung ano ang meron si Gonzalo. "Dito ho tayo, ma'am." Nilingon ko ang driver na papasok sa mismong entrada ng bulwagan. Nalingonan ko pa ang hilera ng mga sasakyan sa labas. Tiyak na hindi lamang ako ang naimbitahan dito. Marahil ay narito rin sina Mr. Fournier. Yumuko ako sa suot kong damit. Naka pants and collar shirt lamang ako at kulay itim sa rubber shoes. Bigla ay parang gusto kong umatras. "Sunod ho kayo sa akin." Tumalima ako kay Manong na papasok sa loob. Wala akong nakitang tao kapag pasok namin kaya nakahinga ako ng maluwang. Tahimik na sumunod ako kay manong na lumiko sa isang hallway at sa huli ay sa isang nakasaradong pintuan. Pinihit n'ya pabukas ang pinto at namataan ko doon ang isang babaeng maluwang na nakangiti sa'kin. "Siya na ba ang sinasabi ni Mr. Gonzalo?" tanong ng babaeng gupit lalaki pero blonde ang buhok. Bumagay dito ang buhok na medyo may pagka-stylish. "Kayo na ho ang bahala sa kaniya. Akyat lang ako para sabihin kay Boss na nandito na siya." Gusto ko sanang magsalita pero tumalikod na sa akin si manong at isinarado agad ang pinto. "Hi, I'm Sussie and you are Alondra right?" Tumango ako dito matapos niyang makipag kamay sa akin. "So, you are my exclusive client for tonight. I'm Sussie, ako ang bahalang mag-ayos saiyo, ulit pa niya." She started while the smile on her face never fades away. "Ho? Ayos na po ako." Pagtanggi ko. "Uh, uh. No... Hindi iyan ang order sa'kin ni Gonzalo." Hinawakan n'ya ako sa magakabila kong balikat matapos ay hinirap sa isang full sized mirror. "Hmm... Pwede na rin." komento niya bago buksan ang kaniyang make-up box. Hindi ko maintindihan kung ano ang meron at kung bakit wala akong lakas para tumanggi sa ginagawa n'ya. Pero ganon pa man ay ayokong makampante. Hindi ko na rin pinalampas ang pagkakataon na tanongin siya kung ano bang meron. "Hindi mo alam, birthday ngayon ni Gonzalo." Natigilan ako. Kung ganon pala ay ngayon ang kaarawan nito. Nakagat ko ang ibabang labi. Nakakahiya na pupunta ako dito tapos wala man lang akong dalang regalo. Isa pa, ang bihisan at ayosan ay isang malaking utang na loob ko na sa kaniya. "Ayan, tapos na! Look ar you. You are stunning!" tumitig ako sa malaking salamin at kinilala ang sarili. Kahit pa light nake-up lang ang ipinahid n'ya ay hindi ko pa rin agad nakilala ang sarili. "You look so young and fresh. Ayoko naman masira ang skin mo sa dark make-up so, I decided to put light colors and lip tint. Wala sa loob na tumango ako dito. Hindi pa rin kasi ako makapaniwal na may iaayos pa itong mukha ko. "Let's go for your final dress!" Maliksi itong tumalikod sa akin at may kinuhang dress mula isang closet doon. "Tamang tama pala itong mga napili ko para saiyo, hindi na mahirap mag-adjust pa because you have a perfect shape of body." Puri n'ya sa akin. Hindi nga ito nagkamali sa sinabi. Bumagay sa akin ang kulay beige na na dress na hindi lalampas saaking tuhod. Simple yet elegant. Iyon ang salitang namutawi sa kniyang mga labi habang nakatitig sa akin mula sa salamin. "Finally, pwede ka nang lumabas. Enjoy the night!" Pinagtulakan n'ya ako palabas ng pinto at doon ko nakasubong muli ang driver na sumundo sa akin. "Dito po tayo ma'am." Wala sa loob na sumunod ako sa kaniya na siyang paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Malakas na ang kaba sa puso ko mula pa nang tumapak ako sa ikalawang palapag. Hanggang sa tumigil ito sa nakasaradong pinto. Binuksan n'ya iyon at dito tumambad sa akin ang eleganteng ayos ng silid. Ganon pa man ay walang gaanong tao akong napansin sa loob. I only saw a group of people of some rows of the tables. Black and white din ang tema ng pagtitipon at halatang mga piling tao lang nandoon. Nanliit ako bigla nang tapunan ako ng tingin ng ilan. May napansin din akong nagbulongan matapos na pasadahan ng tingin ang aking suot. "Alondra, I'm happy to see you, sino kasama mo?" tanong sa'kin ni Engr.Primo. Gwapong gwapo ito sa suot na black suit. "Magandang gabi ho, engr. Ako lang ho mag-isa." "Uh, drop the formality, Primo na lang." Ngumiti ito sa akin na labas pa ang mapuputi at kumpletong ngipin sa akin. Aaminin ko isa siya sa may pinaka magandang ngiti sakanilang grupo. Mabuti ay panaka-naka lang ang pagtama ng ilaw sa amin. Kung hindi ay tiyak na nakita na niya kung gaano mamula ang aking dalawang pisngi. "Sige, Primo." He smile at me again. "Nakita ka naba ni Gonzalo? Tara samahan kita." Wala sa loob na sumunod ako dito at hindi pinansin ang palihim na tingin sa'kin ng ilang piling bisita na naroon. Ang bulwagan ay nasa ikalawang palapag ng bahay ni Gonzalo. Kung tutuosin ay wala pa sa kalahati ng laki nito ang meron sa ikalawang palapag. Higit sigurong nakamamangha kung ano ang meron sa ikatlongn palapag. Bago ako dalhin ni Primo kay Gonzalo ay nadaan muna namin ang grupo nina Apollo at Philip. Kasama nito sa grupo sina, Zanjo at si Damon na siyang kumaway sa'kin at bumabati pa. "Are you Alondra the one who work for Stary Hub?" tanong ni Damon sa'kin. Marahan naman akong tumango at sumagot. Ibang iba ang postura nito ngayon, hindi tulad noong nakaraan na kagigising lang nang magtungo sa cafe. Gayon pa man ay mas lalong lumakas ang dating nito wearing his same black suit like Primo. The other boys are definitely handsome in their suits. "Paano dadalhin ko lang siya kay Gonzalo, see you around guys." Paalam nito sa mga kaibigan. Tumango naman ang mga ito matapos ay kumaway pa sa'kin. Iniwan ko naman sila ng tipid na ngiti bago namin lakarin ang kahabaan ng bulwagan bago namin makita si Gonzalo na may kausap na ilang grupo. Hindi pa man kami nakakalapit ay naagaw na namin ang pansin niya. I held my breath for a moment as he reach my eyes. sandali itong tumitig sa mga mata ko bago lantarang sinuri ang ayos ko. He's wearing a dark grey suit at black slack pants and oxford shoes. Bumagay dito ang nakasuklay niyang buhokk paitaas na dumagdag sa malakas niyang appeal. Hindi ko maiwasan lalong higitin ang paghinga nang maglagi pa ang mga titig n'ya sa akin na tila gusto lunurin ang puso ko sa sobrang kaba. Damn, Alondra. He looks really hot!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD