Kinabukasan ay wala akong ganang pumasok. Gayon pa man ay kailangan maging aktibo dahil nalalapit na ang anibersaryo ng Dreame Café kung saan ako nagta-trabaho.
We offer a 50% off sa bawat kape at sweets na mag a-avail ng bestseller naming moistcake.
Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatitig sa moistcake na naka-display sa cake glass stand. Kapag kasi nakikita ko ito ay naalala ko si Gonzalo.
Natikman ko na ito minsan pero dahil may kamahalan nga ay 'di na iyon naulit pa.
"Oh, Alondra baka malusaw yang cake kakatitig mo!" Puna sa'kin ni Josie nang lapitan ako nito.
"Sa tingin mo, pupunta si Gonzalo ngayon?" wala sa loob kong naisatinig.
"Huh? Si Mr. Dela Serna?!" malakas na sambit ni Josie kaya mabilis akong umayos ng tayo at sumulyap sa paligid.
"Hindi, ibig kong sabihin. Marami kayang customer ngayon?" Kamot noo akong umiwas dito.
"Syempre naman no, nag-iisa yata ang Dreame Café sa mga sikat ng Café dito sa lugar natin. Isa pa nand'yan lang ang South Ridge noh!" aniya na nanlalaki pa ang mga mata sa'kin.
May puunto s'ya. Pero sa tingin ko mukhang wala isa man sa mga taga doon ang maghahabol sa 50% off.
Bumalik ako sa trabaho at inabala ang sarili sa mga customers. Ang ilan dito'y puro mga estudyante pa mula sa isang private school.
Tinanaw ko ang ilang estudyante na nasa iisang lamesa. Maingay sila at puno ng pagkaing in-order ang lamesa nila. Umpisa na ang klase nila samantalang kaming nasa public ay sa susunod pang linggo.
"Miss, can we have one more coffee here?" atas ng isang lalaki.
"Sure!" Inabot ko dito ang menu na hawak. Matapos kunin ang order ay bumalik na ako sa counter para kunin ang order nila.
Pabalik na akong muli nang mahagip ng mata ko ang grupo ng mga lalaking pumasok sa loob at inukupa ang isang group size table na malapit lang sa may counter table.
Hindi ako pwedeng magkamali. Ang grupo nila Gonzalo ang dumating. Sina Primo, Zanjo, Damon at Nicholai. Maging si Syd na siyang may-ari ng Starry Hub ay kasama rin sa grupo at ang huli nga ay si Gonzalo. He is wearing his office suit and sun glasses that give so much authority to his presence.
I held my breath for about a seconds. Hindi na naigalaw pa ang mga paa.
"OMG! Nandito ang sikat na bachelors ng South Ridge!" Halos isigaw na ni Josie ang katagang iyon habang sinisiko ako sa braso.
Natigilan ako habang tinititigan isa-isa ang mga ito. Wala ngang tulak kabigin isa man sa kanila. Lalo na ngayon mas naaninag ko sa araw ang angkin nilang tikas.
"Akin yung naka jacket na maong, huh." Narinig kong sinabi ng isa sa mga kasamahan ko. She is referring to Zanjo. Habang ang isa naman ay itinuro si Primo.
Isang iling ang ginawa ko bago hilahin ang menu. Ngunit mabilis itong inagaw sa'kin ng isa sa mga kasamahan kong waitress.
Si Vexana. Isa sa maboka naming waitress dito. Hindi rin papahuli ang ganda nito. Iyon nga lang, puno ng kulorete ang mukha't buhok nito. Dahil sa samo't saring ipit sa buhok.
"Ako na dito. D'yan ka na lang sa kabilang table mag-assist." sita niya sa'kin.
Nagpaubaya ako tutal ay may dala akong order mula sa kabilang lamesa.
Matapos kong ibaba ang order ng mga estudyante ay sumulyap ako sa lamesa nina Gonzalo. Vexana entertained them with her charm. Alam na alam kung paano magpa-cute sa customer.
"Alondra!" Nilingon ko si Primo na siyang tumawag sa'kin.
I waved my hands at him. Isang ngiti rin ang ibinigay ko dito bago maglakad palayo.
"Alondra!"
Isang malakas na pagtawag muli ang narinig ko mula kay Primo kaya natigil ako sa paghakbang at sumulyap muli dito. Pansin kong lumingon sa'kin ang ilang customers at mga service crew ng Café.
Para wala nang pag-usapan pa'y humakbang ako palapit.
" Good morning, Sir!" I greeted them with a smile.
"Nabalitaan kasi namin may 50% off daw kayo ngayon?" Primo said and nodded his head to Gonzalo who's busy at the menu.
"May maagang gumising sa'kin para lang matikman ang bestselling n'yo na moistcake," ani Zanjo na bakas malaking ngisi sa labi.
"Ako nga hindi pa nakakaligo tumulak na dito, " Nicholai muttered with a bit of mockery while looking at Gonzalo.
Lumipat ang tingin ko kay Gonzalo na prente lamang na nakaupo sa kaniyang silya.
"Alondra, right?" ani Syd sa'kin.
"Uh, good morning po, Sir."
"Pumasok ka mamaya sa Starry Hub, sinabihan ko na ang manager doon na ibalik ka sa trabaho," aniya sa'kin.
Nanlaki ang mata ko sa kaniyang tinuran. Mabilis din akong bumaling ng tingin kay Gonzalo na hindi pa rin inaalis ang mata sa menu.
"S-salamat po." kagat labi kong sagot.
Nagkibit balikat lamang ito matapos ay hinarap na si Vexana para um-order.
"Just give me a cup of espresso," narinig kong sinabi ni Gonzalo matapos ay tumingal sa'kin. Kahit may suot itong sunglasses ay sigurado akong sa akin ito nakatingin.
"Himala, mukhang hindi ka yata um-order ng moistcake?" Tila buska dito ni Primo.
Napalabi ako at isinulat sa notepad ang order nito. Umalis din ako agad dahil si Vexana na ang umasikaso sa iba. Tanging ang order lang ni Gonzalo ang nakuha ko.
"Ikaw ha, bakit inaagaw mo ang moment ko sa mga boys?" bulong sa'kin ni Vexana nang maabutan ako sa counter.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko," sagot ko.
"Talaga? Halata namang gusto mo lang lumandi sa kanila. Nakita mo namang ako na ang nag assist doon tapos bigla kang lumapit!" Patuloy nitong paninita.
"Tinawag nila ako kaya ako lumapit," sagot ko na hindi nagpapatinag.
"Tss... Malakas lang ang loob mo dahil kilala ka nila," turan pa nito bago ako ismiran.
Hindi ko pinansin ang sinabi nito at bumalik na muli sa trabaho. Hanggat maari ay ayokong masangkot sa gulo lalo na sa trabaho. Nadala na ako nangyari sa Starry Hub kaya ang ibinigay ni Syd na ikalawang pagkakataon ay susulitin ko.
Dinulog ko ang order na kape ni Gonzalo. Tanggal na ang sunglasses nitong suot kanina kaya malaya kong napagmamasadan ngayon ang gwapo nitong mukha.
"Uh, if you need anything nasa may counter bar lang ako," wika ko sa kanya.
I bit my lips as they teased Gonzalo silently. Hindi kasi nakaligtas sa'kin ang paniniko dito ni Primo at pagsipol pa ni Nicholai.
"Sabihin mong kailangan mo siya..." Tudyo dito ni Primo sabay ngisi.
My both cheeks turns redder because of what I've heard. Hindi ko mawari kung bakit at paano nila nagagawang buskahin ang huli na tila dedma lang sa nangyayari.
"Salamat dito. Makakaalis ka na." Iyon lang ang tangi nitong binanggit bago higupin ang dala kong kape.
Disappointment runs through out my blood. Tahimik akong tumalikod na kagat ng mariin ang mga labi.
Sa loob ng halos isang oras nila sa Café ay malimit kong mapansin nag angat ng tingin si Gonzalo. Pirme lamang itong nakatutok sa cell phone n'ya habang ang mga kasama'y gumagawa ng ingay sa loob ng Café.
Agaw eksena rin ang paglapit ng mismong may-ari ng Café dito na si Ms. Trina para sandaling makipagkwentuhan bago mabilis na nagpaalam.
Tumuwid naman ang tayo ko matapos senyasan ni Primo para sa chit. Mabilis naman akong lumapit sa mga ito at inabot sa kanya ang chit.
"Give it to Gonzalo. Siya daw ang may sagot ng lahat ng in-order namin," aniya sa'kin bago tapunan ng tingin ang ngayo'y dumudukot ng wallet sa bulsa.
Inabot nito sa'kin ang kaniyang master card na agad ko naman kinuha. Tumalikod na ako para ibigay iyon sa cashier at hinintay ang resibo bago bumalik dito.
Nag-umpisa nang magsitayuan ang mga ito. Tanging si Gonzalo lamang ang naiwan.
"Salamat sa libreng kape, bro!" Tapik ni Primo sa balikat ni Gonzalo. Sumulyap pa ito sa'kin bago kumindat.
Tumiim ang mga labi ko't bahagyang tumango dito. Gayon din sa mga kasama nitong paalis na ng lamesa.
"See you at the bar tonight, Alondra." Bilin pa sa'kin ni Syd. Namula ang dalawang pisngi ko. Hindi pa rin makapaniwalang pinabalik n'ya ako sa trabaho. Ang kausapin ng isang Syd Fournier ay isang karangalan at suntok sa buwan kung iisipin.
"Opo, thank you, Sir!" Isang matamis na ngiti rin ang iginanti ko dito. Bago balingan si Gonzalo na tila hindi natitinag sa pagkakaupo.
"Uh, anything you want, Sir?" tanong ko dito matapos makaalis ng grupo nila Primo.
Tumingala ito sa'kin at hinubad muli ang suot na sunglasses. My heart throbbing so hard against my chest. Agad nakaramdam ng pagkabalisa dahil sa mga titig n'ya.
"Sorry If didn't pick you up last time. May biglaan lang akong meeting," aniya sa malalim na boses.
Cold brushed at my back. Hindi ko akalain na ganon siya kaseryoso sa sinabi. Bigla ring nawala ang tampo dito ilang araw ko ring dinadamdam.
I chuckled softly and shake my head. Hindi ko na ibinuka pa ang mga labi dahil muli itong nagsalita.
"I cleared my schedule today kaya masusundo kita."
My jaw drop at the very moment. And my heart blushed so hard. Tila nagising sa isang magandang panaginip at nagkatotoo ang lahat.
Tumayo na ito para umalis na wala man lang akong nasabi ni isang kataga...