Kabanata 4

2245 Words
 An offer Bata pa ako ay pangarap ko nang magkaroon ng masaganang buhay at makatapos ng pag-aaral. Ngunit isa ako sa mga batang hindi mapalad na magkaroon noon. I envy those people who have completed family and a wealthy living. Kaya kahit mahirap ang buhay ay tumulak ako patungong Maynila at nababakasaling dito'y matupad ko ang pangarap ko para sa sarili at sa mga naiwang kapatid sa probinsya. Pumikit ako kasabay ng pagragasa ng malamig na hangin sa aking pisngi. Tinatangay din ng malakas na hangin ang ilang hibla ng aking buhok. Ibang sasakyan ang dala ni Gonzalo ngayon. Isang convertible car kaya anong hawi at hila ang ginawa ko sa buhok na siyang tinatangay ng hangin dahil sa mabilis nitong pagpapatakbo. Sabi nila piliin mo kung ano ang magpapasaya saiyo. Sumulyap ako kay Gonzalo na tahimik lang na nagda-drive sa tabi ko. Alam kong marami pa akong dapat unahin pero nandito ako ngayon at kasama ang taong laman ng bawat kong panaginip. What is more important to not to be with him, huh? At sino ba ang hindi makakatanggi sa isang Gonzalo Dela Serna? Tinanggap ko ang alok nitong ihatid ako sa apartment na tinutuluyan ko. Medyo nagsisi pa ako dahil nasa labas pa halos lahat ng aking mga kapitbahay at may mga nag-iinoman pa sa may bandang kanto nang datnan namin. "Dito na lang ako." Pigil ko sa kanya bago baklasin ang suot na seat belt. "Salamat sa paghatid, ah." Tinulak ko na pabukas ang pinto para lumabas subalit ganoon din ang ginawa n'ya. Tumingala ito sa rental building na tinutumbok namin. Agad akong sumulyap sa mga kapitbahay ko na nagkakandahaba ang leeg sa pagtingin dito at sa mamahalin niyang sasakyan. "Pasensya ka na kung hindi kita mapapaunlakan pumasok." I tighten my lips. Alam kong kabastusan ang sinabi ko pero mas makabubuti na rin iyon sa'kin at para hindi na kami pagtampulan ng tsismis. "Gusto kong makita ang unit mo," aniya na hindi inaalis ang tingin sa building. Napatanga ako sa kaniyang tinuran. Hindi pa ba ito tapos? He really did find a ways to enter in my miserable life. Hindi ko gusto ang ideyang iyon pero ano bang magagawa ko? He's Gonzalo Martin Dela Serna. One of the most successful business man in the country. His power is beyond my control because I'm just a nobody. Sinulyapan ko ang kotse nito. Siguro ay napansin niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ko. Sa tingin ko kasi ay hindi safe iwan na lang dito basta ang kotse niya. "That's not a problem," wika n'ya. Mula sa bulsa ay hinila niya ang kaniyang mobile phone at may kinalikot doon. Maya pa'y kusa nang sumasarado ang bubong ng kaniyang kotse. Ang mga batang namangha sa pangyayari ay tila hindi nakagalaw habang pinapanood iyon sumarado. I sighed deeply. Pumihit na ako papasok sana sa building nang tawagin ni Aling Flor ang aking land lady. "Aba, Andra mukhang nakasiklo ka ng mayaman ngayon, ah?" patudyo nitong bigkas. Halos magmurang kamatis ako sa hiya dahil sa narinig. "Dinispatsa mo naba yung Afam mong boyfriend?" Nakangising tanong ni Betchay isang kilalang tsismosa sa building namin. Ano bang iniisip nila sa'kin? Para pangalawang beses palang akong nagdadala ng lalaki dito. Ang una nga ay si Lexus na sinasabi nilang fil-am ex-boyfriend ko. Pinilig ko ang ulo at isinantabi ang ilang ala-ala na meron kami. Hindi ko na lang din pinansin ang tukso ng ilang nakatambay sa may tindahan at ilang manginginom sa malapit. Pumasok na ako sa building at gumamit ng hagdanan. Isa rin ito sa dahilan kaya ayoko siyang papasokin sa building. Sira kasi ang elevator at nasa ika-anim na palapag pa ang aking unit. "Naabutan ko nang sira ang elevator dito." Pagbibigay diin ko habang humahakbang paakyat. Pansin kong tahimik lamang itong nakasunod sa aking likuran kaya sinulyapan ko ito. At hindi ko inaasahan ang madadatnan. Mukhang busy kasi ito sa pagbisita sa hita at binti ko. "Your legs is still look more perfect than It should. Hindi halatang pagod lagi sa pag-akyat, baba sa hagdanan," he said while twisted his lips. Nanlaki ang mata ko dito. "Bastos!" My whole face turned sunburned red. Padabog akong umakyat at iniwanan ito. Narinig ko pa ang bahagya nitong pagtawa mula sa aking likuran na nagpainit ng dalawang pisngi ko. "I don't usually give a compliments to someone." Bawi nito at tumabi sa'kin nang marating ko ang pinto ng aking unit. Imbes na patulan pa ang kaniyang sinabi ay binuksan ko na ang pinto ng aking unit. "Pasok ka!" Hindi naman siguro tamang basta ko na lang siya paalisin matapos n'yang magpagod umakyat dito. Mabilis kong hinila ang ilang damit na nakakalat sa sofa set at ang mga bills ng kuryente't tubig na nasa aking coffee table. Tuwing weekends lang kasi ako nakakapaglinis dahil busy sa trabaho. Saka hindi ko inaasahang magkakabisita ako ngayong gabi. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang mini ref para humila pitcher ng tubig. Damn, you need to relax, Alondra! Kanina ko pa kasi pinipilit na umaktong normal sa harapan nito. Kahit pa kanina ko pa rin siya gustong yakapin at pugpugin ng halik. "Nice home..." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses nito mula sa aking likuran. I quickly twirled around with my unblinking eyes. He's leaning against the door frame of the kitchen while roaming his eyes around. Oh, Lord! Tell me this is not just a dream. The gorgeous and the richest Businessman in the country is standing right in front of me while complimenting my home. "Tubig? Gusto mo... tubig?" Itinaas ko ang pitcher dito habang nauutal. "Just give me a cup of coffee instead." hirit niya. Napatanga ako at hindi agad nakapag-isip ng gagawin. Nang tumalikod ito ay saka lamang ako gumalaw. My both hands are still shaking. Mabuti ay hindi tumapon ang kape habang nilalapag ko iyon sa center table sa sala. Agad itong umahon sa sofa set at hinila ang tasa ng kape. Tahimik lang din akong naupo sa katapat nitong silya. I watch him carefully while drinking his coffee. Tila walang kapintasan kung susuriin. Wala rin akong makita mali dito. I know it's impossible to say but he's totally perfect! He lift his head after he taste the coffee. Tumama ang tingin sa'kin at sandaling naglagi ang mga titig. I have to swallowed hard and shifted to my seat. Hindi ko rin natagalan ang mga tingin nito kaya bumagsak iyon sa aking kandungan. The moment of silence lingered between us. Buong akala ko'y kapag nakaubos na ito ng kape ay tatayo na't magpapaalam ngunit nagkamali ako. He lean his back at the sofa set and crossed his legs like a Greek God while looking straight to my face. "I heard your termination..." He paused. Humalukipkip ngayon habang nakatitig sa'kin. Napatiim bagang ako. "I will talk to Syd. So that your problem can be solve," aniya na hindi inaalis ang mga titig sa'kin. "You should be. Ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako natanggal sa trabaho!" I spat. Umiinit na ang dalawang pisngi ko. Naiinis ako kapag naalala ko kung paano ako tawaging unprofessional ng manager namin dahil sa kagagawan n'ya. "I'm sorry for the trouble I've caused," aniya sa seryosong tinig. I smirked, hindi gustong paniwalaan ang kaniyang sinabi. "Hinila mo ako sa gitna ng trabaho ko. And you... kissed me right in front of your wife!" Sumabog na ang kinikimkim kong sama ng loob para dito. "Mahalaga para sa'kin ang trabaho ko at hindi mo maiintindihan iyon dahil marami kang pera!" I saw how his jaw clenching so hard because of my remarks. "Maraming naghahabol sa halik na 'yon. You're lucky enough to be kissed by Gonzalo del Serna," he said in a low but husky voice. Hindi rin nakaligtas sa' kin ang pag-angat ng labi nito. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang tinuran. Did I heard it right? Akala ko'y sapat na ang ganda nitong lalaki para hangaan ko ngunit may isang bagay palang akong nakaligtaan. He's so full of himself! Kung biniyayaan man siya ng yaman. Di hamak na mas sinalo n'ya ang kayabangan na bigay ng langit. "I'm sorry?" I furrowed my brows at him. Gonzalo twisted his lips. Tila nasisiyahan sa lukot ko nang mukha dahil sa inis dito. "I thought you liked that kiss, don't you?" Mas lalong lumapad ang ngisi nito sa labi. Napabuga ako ng hangin mula sa dibdib sa kaniyang tinuran. Kailangan paba n'yang itanong 'yon? Of course I liked that kiss! Pero hindi pa ako ganoon ka desperada para aminin' yon sa kanya ng harap-harapan. "Pagod na ako, gusto ko nang magpahinga!" mas pinili kong sinabi. "We haven't started yet, bakit pinapauwi mo na ako?" Lumunok ako at hindi agad nakapagsalita. What's his real intention for coming here? Puno rin ng kaba ang puso dahil sa kakaibang hatid ng sinabi n'ya sa'kin. "Like I've said earlier, kakausapin ko si Syd para ibalik ka sa trabaho." Muli nitong hinila ang tasa ng kape at inubos ang natitirang patak mula doon. "Hindi na kailangan. Marami pa naman akong pwedeng pasokan na Café d'yan," sagot ko. Pero ang totoo'y pabor ako sa gusto niyang gawin. Mahirap makahanap ng stable na trabaho. Malaki magpasahod ang Starry Hub kumpara sa ibang Resto-Bar. Malaki rin itong tulong sa nalalapit na pasokan kaya hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. "If you say so, hindi ko na lang gagawin," aniya at tinangka nang tumayo ngunit mabilis kong pinigilan ang braso nito. "No, wait!" Mariin kong kinagat ang ibabang labi nang mapansin ang pag-angat ng labi nito sa ginawa ko. "I... I badly needed this job," pagsuko kong sinabi. Tila napapaso ko rin naman binitiwan ang kaniyang braso at yumuko. Bumalik ito sa sofa at ngayon ay nakadekwatro pa ng upo, while two arms rested at the armrest. I rolled up my eyes. Wala akong magagawa kailangan kong lunukin ang pride ko para makabalik ako sa trabaho. "Hindi lang iyon ang dahilan kaya ako nandito ngayon." Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Wala akong ideya sa kung ano pang sasabihin n'ya. "I have something to offer you that I'm surely you will not refuse," aniya sa buong boses. Napalabi ako. The lace of seriousness of his tone made my heart clenched in nervous. "I've known to be rich and famous businessman in the country today. At hindi ako madadalawang isip na bigyan ka ng magandang pwesto sa isa sa mga hotels ko o kahit sa iba ko pang businesses. Just name it and I'll give it you... In one condition." Mas lalong humataw ang kaba sa dibdib ko sa tinuran nito. "I am the eldest heir of Dela Serna family. My grand father wants me to manage all of our businesses in the near future." I need to shut my eyes. Iniisip kung ano ang konek nito sa balak niyang i-alok sa'kin. "We have a family tradition. Iyon ay ang ipagkasundo at ipakasal sa isang malalapit na kaibigan ng aming pamilya. The Santillan empire. Isang respetadong pamilya at malaki ang impluwensya, lalo na sa business industry." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa labis na pagtataka. "Ang gusto lang naman nila ay makasal kami. So, I gave her a civil wedding secretly." I swallowed. That words coming from his lips cuts my already broken heart. "You mean you already married?" my lips asked. He didn't answer he just watched my pain reaction. Tulad ni Bonnie ay hindi rin ako naniniwalang kasal na nga siya pero ngayong inamin na n'ya sa akin ng harap-harapan ay parang binagsakan ako ng langit at lupa. Wala nang lumabas na salita mula saʼkin. Parang gusto kong tumayo na't iwan itong mag-isa. Pero nanginginig ang aking dalawang tuhod. I don't know if this is because of his revelation or just because of his damn hot presence. Umiling ako at yumuko. Wala nang maibuga pa. "We've just married for convenience and she agreed to my agreement. Ilang buwan na lang ang hihintayin ko para tuluyan nang ipasa sa'kin ni lolo ang ilan niyang shares sa kompanya. Pagkatapos niyang magawa iyon ay hihiwalayan ko na agad si Penelope," he said seriously. Napalabi ako. Hindi ko malaman ang dapat maramdaman. Masaya ako sa narinig ngunit kinakabahan sa pwede pa nitong sabihin. "Kapag dumating na ang panahong nasa akin na ang shares ni lolo. Gusto ko naman hingin ang tulong mo." Tumuwid ang likod ko't hinanda ang sarili sa mga maririnig. "May kasunduan kami ni Penelope na maghihiwalay kapag nakuha ko na ang gusto ko. Pero alam kong hindi iyon magiging madali. I find her being possessive lately and so difficult to deal with." He shook his head and clenched his jaw tight. Lumunok ako. Kaya ba nito lang ay sinundan siya ni Penelope sa Starry Hub at gumawa ng eksena doon? Hindi ko lubos maisip na ang isang mayaman at makapangyarihang tao na gaya niya'y nagkakaroon pa ng ganitong problema. Kung iisipin ay hindi ganoon kalaki ang problema nito. Kayang kaya niyang hiwalayan ang asawa kung gugustohin n'ya. Pero bakit kailangan pa ng tulong ko? Doon ko napatunayan na ang kawayan ay yumuyuko rin kapag bigat na bigat na. Pero hindi ko yata kayang makitang nahihirapan siya. "What do you want me to do then?" Kusang lumabas ang mga katagang iyon sa aking labi. I saw how his jaw working so hard, eyes became more dark and serious. "Simply, I want you to prentend to be my mistress." My lips left dumbfounded when I heard what he said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD