Kabanata 3

2737 Words
 Fired "Miss, hindi naman ito yung order namin, ah? Sabi ko isang bucket ng beer bakit itong bote ng martini ang ibinigay mo?" nakasimangot na sabi ng customer sa aking harapan. "S-sorry po. Sige po papalitan ko agad!" natataranta kong sagot. Mabilis akong tumalikod sa mga ito at bumalik sa counter para palitan ang maling order. "Uy, ayos ka lang? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili." Sita sa'kin ni Bonnie. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Ilang araw ko na rin napapansin na tila wala ako sarili matapos ng insidenteng iyon. Gonzalo kissed me my right in front of his wife and all of the people here in Starry Hub. Ilang araw na rin akong pinagtatampulan ng tsismis at tukso dahil doon. They were accusing me for having an affair with Gonzalo. Pumikit ako ng mariin at pinilig ang ulo. Dinala ko na sa customer ang order nila bago bumalik sa counter. "Mukhang wala yata sina Gonzalo?" tanong ni Bonnie nang malapitan ko sa may counter. Nilingon ko ang VIP section kung saan madalas silang nakapwesto. Matapos kasi ng insidenteng iyon ay hindi na nagpakita pa si Gonzalo. Madalas ay puro sina Damon at ibang kasama na lang ang namamataan ko doon. At ngayon, mukhang walang pupunta kahit na isa. "Sa tingin mo totoo yung balitang kasal na si Gonzalo?" Kumunot ang noo ko dito. Hindi pa ba sapat na narinig nila iyon mula sa bibig ni Gonzalo? "Kasal na sila." Pagbibigay diin ko. "Eh, bakit hinalikan ka? Knowing Gonzalo Martin dela Serna. Mukhang hindi basta-basta papatali ng gano'n kadali," aniya. Muli akong pumikit. Paulit-ulit na kasi ang issue na ito. Isang linggo na ang matulin lumipas pero mainit pa rin ang issue tungkol sa amin ni Gonzalo. "He maybe wanted to ditch his girlfriend kaya n'ya nasabi iyon? At ikaw ang nakita niyang way para takasan ang linta niyang girlfriend!" aniya na tila sigurado sa sinasabi. "Bakit ako? Marami naman d'yan iba? Mayayaman at magaganda at mas may ibubuga. Hindi tulad ko na walang maipagmamalaki sa buhay," walang lakas kong sagot. "Sus, ang drama mo. Hindi mo ba alam na maganda ka? Hindi rin biro ang sipag mo sa trabaho. Saka ang hinahanap ng mga lalaki ngayon ay yung madiskarte sa buhay, noh!" aniya na nakataas ang kilay. "At Ikaw ha, hindi kapa nag-o-open sa'kin. Kamusta yung halik? Matamis ba? Ano lasa, dali sabihin mo!" Halos mamula ang braso ko kakahampas nito dahil sa kilig. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti sa inakto nito. Wala sa loob ding umangat ang daliri ko patungo sa malambot kong labi. That kissed is the sweetest. Iyon lang ang masasabi ko. "Alam mo bumalik na tayo sa trabaho, dumarami na ang customer oh!" Pag-iiba ko sa usapan. "Alondra?" Nilingon ko si Ms. Olga na siyang tumawag sa'kin. Inutos nitong sumunod ako sa kanya sa opisina. "Oh, tawag ka, baka may promotion ka na!" Tulak nito sa'kin. "Tss.. Asa!" irap ko ditong sinabi. Kagat labi akong naglakad papasok sa loob ng opisina nito. Naabutan ko itong nakatalikod sa'kin habang nakatayo sa wall glass ng kaniyang opisina. "G-good evening po," I said in my shaky voice. Hawak sa kamay ang kopita ng alak ay humarap ito sa'kin. Dahan-dahan naglakad patungo sa kaniyang oak wooden table at naupo sa kaniyang swivel chair. "Alondra Dominguez, right?" She started. "Uh, opo!" "Please, take a seat." Turo nito sa tanggapan na silyang kaharap n'ya. Malakas man ang kabog sa dibdib ay pinilit kong i-kalma ang sarili at huminga ng tama nang makaupo. "I read your credentials and observed your performances sa loob ng dalawang buwan mong magta-trabaho dito sa Starry Hub." Panimula n'ya. Pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay sa ibabaw ng aking skirt na suot. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Ms. Dominguez. Gusto kitang I-congratulate sa maganda mong performance! Great job!" Inilahad nito sa'kin ang kaniyang kamay na atubili ko naman inabot. "S-salamat po..." Hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang sinahbi. "But I'm sorry to inform you that you're fired," aniya, bago bawiin ang kamay sa'kin. Ilang segundo kong inulit-ulit sa isip ang kaniyang sinabi bago pa iyon ma-absorb ng aking utak. "Po?" My voice cracked. "Malaking damage ang nagawa mo sa Starry Hub last week. Tayo ang tampulan ng balita. Even the Santillan Group Of Company ay nagpadala ng letters sa office of the CEO. Si Penelope Santillan-dela Serna ang nag-iisang tagapagmana ng SGC. Malaki ang impluwensya nila lalo na sa mga business na kagaya nito. " Lumunok akong ng sagad at pilit na iniintindi ang kaniyang mga sinasabi. "Isa pa, nalaman ko na umalis ka sa trabaho ng gabi ding iyon at sumama kay Mr. dela Serna. How unprofessional, Alondra." She added. "We don't tolerate that kind of behavior here at the Starry, Alondra." Umiling pa ito sa'kin. Gusto kong magsalita at ipagtanggol ang sarili. Gusto kong linawin ang side ko pero tila natuyo ang aking lalamunan. "Ayokong pamarisan ka ng iba. Lalo na ang umalis sa duty ng walang paalam at babalik na parang walang nangyari, " aniya pa. Tumigil ito, tila hinihintay ang aking mga paliwanag ngunit paano ko ba uumpisahan ipagtanggol ang sarili kung sa umpisa palang ay nakapagdesisyon na siya. "I-I need this job, Ms. Olga." Iyon na lamang ang tangi kong nasambit. Magpapasukan na sa susunod na buwan at hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho ngayon. Paano ko pa matutustosan ang pag-aaral ko nito? "I can refer you to some of my friends na nagma-manage din ng mga resto-bars and restaurants near here, but I'm sorry to say. Hindi ka na namin pwede pang tanggapin dito." Umiling iling pa ito na tila nakikisimpatya sa'kin. Alam ko naman na ginagawa lang n'ya ang trabaho n'ya at napag-utosan lang siya, pero ang sabihan n'ya akong unprofessional ay tila hindi ko matanggap. Lumabas ako ng kaniyang opisina na bagsak ang balikat. Tulala at hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. "Anong sabi? Na-promote kaba?" Kalabit sa'kin ni Bonnie nang salubongin ako. Tahimik kong hinubad ang pagkakabuhol ng apron ko't sinunod ang aking hairnet. "Tanggal na ako sa trabaho," matabang kong sagot. "Ha?! Paano nangyari iyon, e hindi ka naman uma-absent at panay pa ang OT mo!" "Dahil ito sa gulong kinasangkutan ko noong nakaraang linggo. So, they decided to fired me," sagot ko. Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago ilugay ang mahaba at kulot na buhok. Sinulyapan ko ito na siyang biglang tumahimik sa aking tabi. "Problema mo?" "You... are so beautiful. You look so gorgeous!" bulalas nitong sabi. Inirapan ko ito. "Tama bang magbiro gayong natanggal na ako sa trabaho?!" Maktol ko. "And look who's coming!" Hinawakan nito ang dalawa kong balikat at pinihit paharap sa direksyon nila Gonzalo na siyang namataan kong papasok sa loob ng bar. My heart nearly stops from its beat as I watched his forthcoming. The same intensity and the impact is there and the butterflies in my stomach churned. "This is it girl!" aniya sa tabi ko. Kunot noo akong lumingon dito na siyang kumindat lang sa'kin. Nagtataka man ay nagpahila ako dito nang dalhin n'ya sa isang sulok. Inilabas sa bulsa ang lipstick at pinahiran ako. Ang nakalugay kong buhok ay bahagya nitong ginulo para magkaroon ng volume at binuksan ang ilang butones sa bandang dibdib ng suot kong blusa. "Perfect!" Pumalakpak pa ito sa aking harapan habang sinisipat ako ng tingin. "Ano bang ginagawa mo? Saka ako 'to?" Pilit kong ibinabalik ang pagkakabutones ng aking blusa ngunit pinigilan n' ya. "Ano kaba, bagay nga saiyo. Tingnan mo mukha ka nang party-goer ngayon!" All smile pa ito habang binibisita ang mukha ko. "What is this all about, Bonnie?!" Napupuno ko nang sinabi. "Hindi ka na emplayado dito kaya nandito ka ngayon para maging customer namin. At ito na ang chance mong makausap si Gonzalo!" Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi. Hindi pa rin makapaniwala sa plano nito. "Bonnie, ano kaba. Nakakahiya!" Pinigilan ko ang tangka nitong paghila sa'kin. Ngunit mahigpit ang kapit nito sa aking braso. Mabilis naming dinaanan ang ilang sumasayaw sa gitna ng dance floor at diretsong umakyat sa VIP section. Halos pigil ko ang paghinga nang tumigil kami sa mismong lamesa katabi nila Gonzalo. Pinapanalangin na sana'y hindi n'ya ako makilala sa ayos ko ngayon. Bumaling naman si Bonnie sa mga ito at inilabas mula sa bulsa ang notepad. "How was your order, Sir? Is there anything you want, Sir?" Bonnie politely said to the boys. Dahil doon ay nabaling ang pansin nila kay Bonnie. Narinig kong um-order pa ang mga ito ng dalawang buffet ng beer at pulutan. Si Bonnie rin ang nagdala sa'kin ng inomin. Bamagan ay wala itong bayad dahil sagot na daw niya ay nahihiya pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang plano n'ya pero gusto ko na lang i-enjoy ang gabing ito. Magpakalasing at kalimutan ang problema. Nakaka-ilang baso na ako ng tequilla nang mapansin kong nilapitan ng grupo ng mga babae ang lamesa nina Gonzalo. Nangalumbaba ako't pinagmasdan ang mga ito, wondering how they deal with a different girls every night. Si Gonzalo ay maykatabi rin na babae ngunit mukhang hindi man lamang niya ito kinakausap. Binalingan kong muli ang bote ng tequila sa aking harapan. Wala pa ito sa kalahati ngunit pakiramdam ko ay lasing na ako. Gustohin ko man itong komprontahin ay wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Mas mabuti pang maglasing na lang ako. "Alondra, my friend! Mukhang nag-e-enjoy ka ha?!" Halos manlaki ang mata ko sa malakas na boses na iyon ni Bonnie. Halata naman kasi na pinarinig n'ya sa katabing lamesa ang boses n'ya. And they finally moved. Sumulyap si Damon sa'kin at si Apollo rin. Hindi rin nagtaggal ay si Primo at Philip ay napagawi ang pansin sa'kin. Kagat labi akong nagbaba ng tingin paano. Hindi pa rin maawat ang boses ni Bonnie buhat nang makalapit sa lamesa ko. "Ano pang order mo?!" she asked with the huge smils on her face. Pinanlakihan ko ito ng mata at saglit na sumulyap sa lamesa nila Gonzalo at huling-huli ko kung paano sila magbulongan at sa huli'y siniko ni Primo si Gonzalo at bumulong dito. Hindi nagtagal ay nag-angat ito ng tingin diretso sa direksyon ko. I held my breath for about a second when our eyes met. Not wanting the moment come an end. Gusto ko ang binibigay nitong kaba at pananabik sa puso ngunit namumutawi ang pangamba kaya't mabilis kong pinutol ang mga titig dito. Binalingan ko ang kopita ng alak at tinungga iyon ng inom. I endured the warm and the kick of the liquor that running throughout my nerves. Panay pa rin ang usisa sa akin ni Bonnie. Naupo na nga ito sa harapan ko't pilit na gumagawa ng kwento ngunit di ko na kaya pang patulan. Damn! Nalasing yata ako! "Hi, remember my friend, Alondra?!" ani Bonnie sa grupo nila Gonzalo. Nanlaki ang mata ko sa tinuran niyang iyon. But because of my dizziness, hindi ko na alam ang pinagsasabi nito sa grupo nila Gonzalo. "I... I to have go to... the bathroom." I stuttering. Sinubukan kong tumayo ngunit mas lumala ang naramdaman kong hilo. Sandali akong pumikit at nang dumilat ay pilit na inaninag ang daan patungong CR. Humarap ako sa full sized mirror matapos lumabas ng cubicle. I look at my face in the mirror. Ibang-iba sa dating Alondra na serbidora. Isang mapait na ngiti ang iginawad sa labi matapos ay pinahid ang mapulang lipstick na inilagay ni Bonnie kanina. Damn, hindi ako dapat nagpakalasing. Naghilamos ako't pinusod muli ang mahabang buhok at isinarado ang butones ng aking suot na blusa. Uuwi na lang siguro ako. Walang mangyayari kung sasayangin ko ang oras sa pag-inom. Hindi nito masusulosyonan ang problema ko at lalong walang saysay na kumprontahin pa si Gonzalo. Naglakad ako sa pasilyo patungo na sanang locker room nang may mahagip ang mata ko. The light is dim and the noise is still bombing in my ears. I feel like a bit dizzy but I can recognize who's leaning against the wall. Kahit siguro nakapikit ako'y kabisado ko ang imahe nito. His messy but sexy hair. That broad shoulders and strong built. His God-like face and his almost perfect features. Wala nang iba kundi si Gonzalo Martin dela Serna. Mariin akong lumunok at pinustura ang sarili. Dahan-dahang naglakad sa direksyon nito. Ilang hakbang pa palapit mula dito'y napansin kong umayos na ito ng tayo. Halos pigilan ko ang paghinga kasabay ng paghampas ng kaba sa aking puso. I pinning my heels at the floor as he took a few steps and stop right in front of me. I slowly lift up my chin with my agape lips. Gayon pa man ay pinili kong magpaka-pormal. "Anong ginagawa mo dito?" I asked with firm voice. Imbes na sumagot ay bumaba ang tingin nito sa naka-awang ko pa ring mga labi. He slowly looked away and I caught how he licked his lips after bitting them hard. "I want you to come with me," aniya matapos ibalik ang tingin sa'kin. "I'm sorry, but I need to go. Maaga pa ako sa café bukas." Pagtanggi ko. Sinubukan kong humakbang para sana ito lampasan ngunit hinarang nito ang katawan at sinalubong ang mga titig ko. Halos magkulay pula ang paligid dahil sa neon lights. Ang usok at amoy ng samo't saring alak ang pumupuno sa paligid. But it seems like nothing is there at all habang nakatitig ako sa mga mata nito. "Ano bang gusto mo?! Hindi na ako nilulubayan ng tsismis dahil sa nangyari sa atin. At ngayon natanggal ako sa trabaho dahil saiyo!" Hindi ko na napigilan ilabas dito ang sama ng loob. Gusto kong umiyak pero baka isipin niya na napakababaw ko. "That's not a problem." He just shook his head and twitched his brows. Nagpatiim bagang ako at nainsulto sa kaniyang sinabi. How could he say that? "Saiyo hindi problema iyon dahil mayaman ka at walang pino-problema sa buhay!" ganti kong sinabi. Umayos ito ng tayo sa aking harapan. Pansin kong gumalaw ang panga nito habang nakatitig sa'kin. "You don't understand what you are talking about," he said in a baritone voice. I smirked. Oo, nasa wisyo pa ako ng alak pero matino pa rin ako at nakakapag-isip ng tama. "Ano ang hindi ko naiitindihan? Nawalan ako ng trabaho dahil saiyo at ikaw? Wala kang pakialam dahil hindi mo pino-problema kung saan mo hahanapin ang kakainin mo sa araw-araw? Ganon ba 'yon?!" He lick his lips impatiently. Itinago sa dalawang bulsa ang kamay habang nananatili pa rin sa aking harapan. "I've been faced the most difficult things in life. But I don' t make excuses. I do not stop," he said firmly. Lumunok ako. Pipangaralan n'ya ba ako o pinagyayabangan lang? "I get your point. I never stop trying and I don't live the same day over and over again and call that a life! How about you, mister billionaire?" I smirked again. Napansin kong umangat ang gilid ng labi nito at ngayo'y humalukipkip na ng tayo sa harapan ko. "Do you want to see the life I have?" Kumunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Last time na sumama ako sa kanya ay may hindi magandang nangyari. Nawalan ako ng trabaho at pinagtampulan ng tsismis. Kung papatulan ko ang kaniyang alok ano na naman kayang problema ang dala nito sa'kin? "Look, I have no time for jokes! So please let me pass!" I glared at him. Kahit gaano ko pa siya ka gusto ay hindi ko pa rin nais na samantalahin ang pagkakataon. "I'll take you home, then." Pagpupumilit n'ya. Umawang muli ang aking mga labi. Did i heard it right? Gusto n'ya akong ihatid pauwi? Pumikit ako ng mariin. No! Pamilyado na siyang tao. Hindi ako dapat basta na lang sumama sa kanya. "I'm sorry, but I really have to go!" Sinubukan ko muli siyang lampasan ngunit sinukol lamang niya ako ng matipuno niyang dibdib. Mabilis akong umatras, but he extend his arm to catch my back and lower down his head to look at me in the eyes. I could feel his hard chest and strong arm around me. Ramdam ko rin ang mainit nitong hininga na dumadagdag sa pamumula ng aking pisngi. My throat almost dry-up and my lips were shaking right now. "What are you doing?" My voice sounding more profound and nervous. "Wala pang tumatanggi sa isang Gonzalo Martin dela Serna. And I'll make sure na hindi ikaw ang magiging una," aniya sa seryosong tinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD