Luck
Life is not always a rough road. It's easier to choose the right path that leads you the right decision. But sometimes the right path is not the easiest one. You rather choose the difficult roads thats leads you to the beautiful destinations.
Sa pagkakataon ito ay hinihila ako ng pagkakataon para sunggaban ang maputik na daan. Piliin ang sa tingin ko'y tama.
Gonzalo asked for my help. Ang hiling niyang magpanggap na kabit nito ay isa sa pinakamahirap na desisyon na gagawin ko.
Oo, gusto ko siya. Simula palang ng tumapak ang mga paa ko sa Starry Hub ay naagaw na n'ya agad ang pansin ko. I've waited this moment to happen. Ang masulyapan man lamang ng isang Gonzalo Dela Serna.
I have a huge crush on him since the very first time I saw him drinking at the bar. Angat siya sa lahat. Hindi lamang sa tikas at tindig pati na rin sa itsura. He caught my attention and give my heart a jolt of happiness.
Kung minsan hindi ko mapigilang managinip ng gising. Pinapangarap na sana mapansin niya. At ito na ang pagkakataon na iyon. Ito na pagkakataong magkaroon ng katuparan ang bawat kong panaginip.
"Hindi ko matatanggap ang alok mo," kagat labi kong sagot.
Gano'n pa man ay nakapagdesisyon akong tanggihan ang alok nito kahit pa labag iyon sa loob ko.
"I know this is a risky decision for you but I'll give you time to think about it and decide," aniya.
Hindi ko na siya pinigilan nang tumayo. I pursed my lips. Kinain ako ng guilt para sa sarili. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng dibdib ko dahil hindi ko sinunod ang gusto ko.
Hindi na ako nakapagsalita pa nang tuluyan na itong tumayo at pinanood lamang itong malakad palabas matapos niyang magpaalam.
Hanggang sa makalabas na ito ng aking unit ay wala akong nasabi isa man.
Hindi rin ako pinatulog ng desisyon kong iyon. Maraming pumipigil sa'kin para tanggihan ang alok niyang iyon. Isa na doon ang mabansagang kabit at kutyain ng ilan kapag nagkataon. Pero bakit sobrang bigat dalhin ng desisyon kong ito? Bakit hindi ako masaya?

Ordinaryong araw lang para sa'kin ang pasok ko sa Dreame Café. Hindi ko rin pinagkakausap si Josie na panay ang ungkat tungkol sa amin ni Gonzalo. Nakarating kasi dito ang balitang pinatalsik ako sa Starry Hub dahil sa gulong nangyari kaya hindi ako nilulubayan ng tanong.
"Totoo bang kasal na si Gonzalo? Bali-balita lamang iyon dito noon. Totoo na pala."
Dapat ko pabang ilihim? Siguro nilihim nila ang kasal para hindi sila pag piyestahan at ngayon lang nila iyon inamin para wala nang mag-ungkat pa.
"Ikaw naman kasi sana hindi ka na sumama kay pogi para hindi ka nawalan ng trabaho sa Starry Hub!" sisi nito sa'kin.
Tumaas ang kilay ko dito at tinuloy ang pagpupunas ng lamesa sa kabilang table. Ngunit sumunod ito sa'kin.
"Sabagay kahit ako naman ayain ng isang Gonzalo tatanggi pa ba ako? Ikaw lang kasi ang mahina girl. Dapat sinulit mo na ganon din naman pala matatanggal ka rin sa trabaho!"
I rolled up my eyes and blew out a deep breath. Tinalikuran ko na ito para tumungo naman sa counter table ngunit talaga makulit ito.
"Kung ako saiyo kakausapin ko si Mr. Dela Serna para naman mapanagutan n'ya ang pagpapatalsik saiyo. Malay mo naman bigyan ka ng magandang pwesto sa kompanya n'ya. Balita ko boom na boom ang business n'ya ngayong casino at supermarket."
Tumigil ako sa ginagawa at humarap dito. Habang ito naman ay mawalak ang ngiti sa'kin.
Kung alam lang sana niya ang inaalok nitong kapalit para sa magagandang trabaho na iyon ay baka gaya ko ay tumanggi din siya.
"Marami pa naman trabaho d'yan na pwede pasukan." Pagmamaangan ko dito bago siya talikuran.
Subalit naudlot ang sanay paghakbang ko nang mamataan ang lalaking papasok sa entrada ng cafeʼ. Si Primo at si Gonzalo na parehong nakasuot ng pang office attire.
Mula sa kinatatayuan ko'y nakita kong lumingap ito. Mabilis na nagtama ang mga mata namin. My heart rate faster and wild tila biglang pinatakan ng gasolina para tumibok ng mabilis.
There is no words to describe how gorgeous he is today. I would say that his extravagant looks is his weapon to catch a women's heart.
May ilang napalingon sa dalawa at may mga bumati na sila naman nitong nginitian bago naupo sa isang sulok ng cafeʼ.
Balak ko sanang ignorahin ang mga ito para iba na lang ang umasikaso. Ngunit mukhang busy ang lahat. Ang ilang waitress pa nga ay nagmamadali sa kanilang naunang customer para maharap ang mga bagong dating.
Nawala rin bigla sa likod ko si Josie kaya malakas man ang ang kabog ng dibdib ay lakas loob akong lumapit.
"G-Good morning, Sir! May I take your order, please?" mahina kong sambit.
Pirme lamang na nasa sticky pad ang aking tingin habang hinihintay ang mga itong sumagot.
"Wait, natatandaan kita ah?"
Agad na umangat ang tingin ko kay Primo na siyang malawak ang ngisi sa mga labi. Kung hindi lamang nakasanla ang puso ko kay Gonzalo ay baka naagaw na niya ang pansin ko. He has that kind of appearance that will stop you on track. Pero wala nang mas sisidhi pa sa nararamdaman ko para kay Gonzalo.
"Good morning, Sir!" Yumukod ako dito at ngumiti.
"Diba siya yung waitres sa Starry Hub? Yung kasama mo noong isang gabi?!" Tila ayaw magpa-awat ni Primo.
I bit my lower lip and averted my gaze to Gonzalo. Nakatuon lamang ang pansin nito sa hawak na menu at mukhang walang balak sagotin ang kaharap.
"What is your name again?" Pangungulit nito na tila ayaw pang tapusin ang usapan.
I swallowed the thick in my throat before I answer. "A-Alondra po, Sir."
"Hmm, now i remembered. Ikaw din yung nasa kabilang table last night diba?" Mas malawak ngayon ang ngisi nito sa'kin. Bahagya pa itong sumulyap kay Gonzalo na tila walang pakialam sa pinag-uusapan namin.
"Uh, opo." Halos umakyat ang pamumula sa dalawang pisngi ko.
Pakiramdam ko kasi ay nagpakadesperada ako kagabi para nakipag-socialized sa mga upper class. Tapos ngayon ay makikita n'ya akong nagse-serve lang ng kape dito.
Mabilis itong bumaling kay Gonzalo bago bakas ang isang ngiting hindi ko mapangalanan. Isang iling pa ang ginawa nito bago muling tumingala sa'kin.
"Hindi pa pala tayo nagkakakilala. I would like to introduce myself formally. I'm engr. Primotivo Alarcon at your service." Sumaludo muna ito sa'kin bago ilahad ang kamay ngunit agad na nagsalita si Gonzalo.
"Give me a cup of espresso and your moistcake," he said in his cold baritone voice.
Ang nakalahad na kamay ni Primo ay mabilis niya na lang isinuklay sa buhok bago sumandal at ngumisi sa kaharap.
"Ako din isang espresso at isang..." Bahagya itong tumigil at tumingin kay Gonzalo na ngayon ay isinara na ang menu.
He look at Primo darkly while clenching his jaw.
"Isang strawberry cake." dugtong niya.
Dahan-dahan akong tumango at inilista ang order nila. "Anything you want, Sir?" tanong ko habang nakayuko sa papel.
"Yung moistcake n'yo ba talagang masarap? Parang gusto ko rin mag-add non?" Isang malawak na ngisi muli ang ipinamalas nito bago sumulyap kay Gonzalo.
Gonzalo shook his head. Hindi ito nagkumento.
"Ah, opo. Best seller po namin 'yon." mataman kong sagot.
"Kaya pala binabalik-balikan," aniya habang titig na titig kay Gonzalo at malawak pa rin ang ngiti sa mga labi.
Bahagyang kumunot ang noo ko dito. Iyon naman ang totoo. Best seller namin ito at talagang binabalik-balikan.
"Gusto n' yo rin ho bang idagdag ko ang moistcake?" I asked patiently.
Doon na ito umayos ng upo dahil nakita kong sumandal si Gonzalo sa kaniyang silya at tumiim ang titig kay Primo.
He cleared his throat first before he speak. "No, okay na ako sa strawberry cake," aniya sa medyo seryoso nang tinig.
Tumango ako at tumalikod na sa mga ito. Abot-abot naman ang kabang bumalik ako sa counter. Huminga muna ako ng malalim at ihanda ang sarili pabalik sa lamesa ng mga ito.
Bitbit ang in-order nila ay bumalik na ako sa lamesa nila ng tahimik. Sa puntong ito ay hindi ko mapigilan hindi marinig ang pinag-uusapan nila.
"Ano ngayon ang plano mo? Paano si Don Miguel?" Primo asked Gonzalo.
"I'll take care of him. Hindi naman n'ya malalaman kung walang magsasabi." sagot nito kay Primo.
"How about Penelope?"
Sandali akong natigil sa pagbaba ng tasa ng kape sa harapan ni Gonzalo nang hindi sinasadyang mahawakan nito ang kamay ko nang kunin ang tasa ng kape. Isa pa ay narinig ko ang pangalan ni Penelope.
Bahagyang sumulyap sa'kin si Gonzalo. And my heart starts bombing again. Tila hinihigop niya ang enerhiya ko kaya hindi ako agad nakagalaw.
"She is my biggest problem," sagot nito bago higupin ang laman ng tasa.
Tapos ko nang ilapag ang in-order nila ngunit hindi pa ako umaalis. Gusto kong marinig ang magiging sagot n'ya, kung ano ang plano n'ya.
But he look back at me again. Tila napansin ang matagal kong paglagi sa harapan nila.
"Pre, 'wag mong sabihing itutuloy mo ang plano mo?" singit ni Primo.
"Hindi pa ako sigurado pero susubukan ko," aniya kay Primo na hindi na inaalis ang titig sa'kin.
"Uh, please... enjoy your coffee." Tuluyan na akong umatras para sana umalis ngunit narinig kong nagsalita ito.
"I'll pick you up after your duty," aniya sa'kin.
Bumagsak ang panga ko at hindi rin agad ako nakasagot dahil sa kaniyang tinuran.
I heard a smirked coming from Primo. Isang iling din ang ginawa nito bago tahimik na higupin ang kapeng dala ko.
"Anong oras ang labas mo?" tanong nitong muli.
I held my breath for about a second bago naisipang sumagot.
"Ah, 6pm," I answered with my widened eyes.
Matapos kong sumagot ay mabilis na nitong binawi ang tingin at naging abala na muli sa kaniyang kape.
"Salamat dito, Alondra." Pukaw sa'kin ni Primo.
Wala sa loob akong tumango at mabilis na ring umalis. Diretso ako sa comfort room kung saan wala sa loob na pumasok sa cubicle at naupo doon.
"Calm down, Alondra!" Pigil ang sariling huwag sumigaw.
Hindi ko alam ano ang magiging reaksyon ko sa nangyari. Ayokong bigyan ng kulay pero bakit n'ya tinanong ang oras ng labas ko mamaya? I bit my lower lip hard. Pinigilang mag-isip ng pwedeng mangyari.
Wala na sina Gonzalo paglabas ko ng CR. Labis man ang panghihinayang ay naging masigla naman ang araw ko sa Dreame Café. Hindi rin alintana ang pagod kahit pa gusto ko nang hilahin ang oras para mag ala-sais na ng gabi.
Sumapit ang oras ng uwian. Nag-ayos ako at nagpahid ng bahagyang lipstick. Tiyak na naghihintay na sa'kin si Gonzalo sa labas.
Isang malawak na ngiti ang ginawad ko sa labi kapag labas ko ng parking area.
Sandali kong nilibot ang mga mata at hinanap ang mamahalin nitong sasakyan ngunit gano'n na lang ang labis na pagkadismaya nang walang Gonzalo akong nakita.
May kurot man sa dibdib ay nilunok ko na lang ang sakit. Bakit ba ako umasa? Bakit ba umaasa ako na susunduin n'ya kahit na hindi naman ako sigurado?
Hindi ko mapigilang manghinayang. Kung tinanggap ko na sana ang alok nito'y hindi sana ako nanghihinayang ngayon.
Bagsak ang balikat na naglakad na lang papunta sa sakayan ng jeep na ramdam ang maghapong pagod sa trabaho.