Blayz 8

1669 Words
Weekend, tumawag sa akin si Blayz ng maaga at sinabi niya na tawagan ko na lang siya pag handa na ako. Kaya naman ngayong umaga ay busy na ako sa pagliligpit ng aking mga gamit. Hindi na kami ngakita pa after ng pag-stay ko sa kanyang bahay. Busy siya sa trabaho at marami silang ginawang rescue missions sa nagdaang araw. Okay lang naman ang pag-aaral ko pero naging mas maingat na ako ngayon lalo na at may sumusunod sa aking lalake noong nakaraang araw. Thankful ako sa mga kaibigan ko dahil may nakakasama ako sa pagpunta sa coffee shop at may sumusundo rin sa akin pagabas ko na. Sa mga nakaraang araw, hindi ko na rin nakita ang lalakeng ‘yon, baka naman natakot na kay Blayz. Pero kahit gano’n, I just need to be more careful. Binilhan nga ako ng self-defensive items ni Sohlar mula sa isang online shop at lagi kong dala-dala ang mga ‘yon. Dito sa dorm naman, mukhang napagsabihan na talaga ng mga admin ang mga lalake dahil hindi na sila nangungulit gaya ng dati. Masaya naman kaming mga girls pero hand pa rin kaming gumanti kung sakali man na magsimula na naman sila. Nakausap ko na rin ang dean ng college na lilipat ako sa bahay ng kaibigan ng mga magulang ko. Hindi na sila nagtanong pa kung anu-ano. I’m one of their best students at hindi ko sinasayang ang scholarship na pinagkaloob nila sa akin. “Hindi naman ako ang lilipat, pero bakit ako ang excited.” sabi ni Emberlyn habang tinutulungan niya ako. Pati nga unan at mga blankets ko kinuha ko na rin. “Hindi ka excited! Gusto mo lang makibalita kung may nangyari na sa amin.” sabi ko naman. “Pero sa totoo lang, kinakabahan rin ako.” “Ha? Bakit naman? Safe na safe ka na nga sa piling ni Captain Blayz.” bumuntong hininga naman ako. “I just feel that this is all too good to be true, na may kapalit ang kasiyahan na ito. Kung sakali man na magkaroon kami ng relationship at malaman ng lahat, do you think may consequences ‘yon?” tanong ko at natigilan naman siya. “Dahil ba mas matanda siya kaysa sayo?” tumango ako. “Hera, it's not like you're sixteen years old. Aba’y 21 na tayo pero pare-pareho pa rin tayong virgin. It’s not fair, you know.” napatawa lang naman ako. “Tsaka pakialam ba ng mga tao sa age difference ninyo. Pareho naman kayong single, wala namang asawa si Captain Blayz. Wenno ngayon kung magkaroon man kayo ng relationship?” “Pero may reputation siyang pinapangalagaan. Captain siya ng isang firefighter team. Isa pa, nag-aalala rin ako at ganyang klase ang trabaho niya.” “Hay naku, matagal na niyang ginagawa yan. It's his job kaya huwag na huwag mo siyang pipigilan. Basta mag-oray ka na lang lagi sa safety niya at alagaan mo siya habang nakatira ka sa bahay niya. Alam ko naman na aalagaan ka rin niyang mabuti. Sana all na lang talaga!” “Huwag kang mag-alala, malay mo may mabingwit ka rin na may firefighter at kukunin na niya ang virginity mo na gusto mong mawala. Emberlyn, huwag kang masyadong magmadali, we are still young. Problemahin mo yan pag 30 na na tapos NBSB ka pa rin, doon ka na talaga mag-alala.” napalabi naman siya at kinurot niya ako sa tagiliran. “Nasasabi mo lang yan dahil may Captain ka na. Wala ba talagang nangyari sa inyo?” “Wala nga…” sambit ko. “Pero nag-kiss na rin naman kami.” natigilan siya tapos ay tumili siya sa matinis niyang boses. Bahagya niya akong sinabunutan at tinulak ko naman siya. “Loka ka! Akala ko nagpakainosente ka the whole time na magkasama kayo pero may kissing scene na palang naganap!” kinikilig niyang sabi. “Baliw ‘to! Isang beses lang naman ‘yon nangyari. Masyado naman yang reaction mo.” tinulak niya rin ako at muntik na akong matumba sa kama. Kami lang ang nasa kwarto ngayon dahil pumasok na sa kani-kanilang trabaho ang mga kaibigan namin. Ako naman ay off ko rin kaya free ako buong araw. Ano kayang gagawin namin ni Blayz? Mabilis lang kaming natapos dahil na rin konti lang ang mga gamit ko. Ang iba, nasunog na sa dati naming dormitory, mabuti nga at may natira pa. Nang sure na akong okay na ang lahat, tinawagan ko na si Blayz at agad naman siyang sumagot. “Uhm, this may be weird…” sabi niya sa akin at napakunot noo naman ako. “Kanina pa ako naghihintay dito sa likod ng dorm niyo. Naka-park lang ako sa malapit.” sabi niya sa akin at napangiti naman ako. “Ano ka ba naman. Blayz. Hindi ka na sana naghintay pa, nakakahiya tuloy.” sagot ko naman sa kanya at tumawa siya. “Sweetheart, you are worth waiting for. Nandito na ko, lumabas ka na pag ready ka na, okay?” malambing niyang sabi. “Okay…” pagkasabi nito, nag-end na ang call. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sinamahan ako ni Emberlyn palabas. Ay mga nakasalubong kaming mga lalake at hindi na lang namin sila pinansin. Dumaan kami sa likod ng dorm at natuwa ako nang makita ko si Blayz doon. Mabilis siyang lumapit sa amin at siya na ang nagbuhat ng mga dala namin. Ingat kayo rito, ah.” sabi ko kay Emberlyn. Sabihin mo na lang sa ibang kaibigan natin.” “Oo na… Captain, alagaan mong mabuti si Hera, ah.” sabi nito sa lalake. “Huwag kang mag-alala, ‘yon naman ang plano ko. She is also safe with me. Pag nagkaproblema kayo rito, tawagan niyo lang ako.” “Sige po, salamat! Mauna na ko sa loob, bye!” at pumasok na ulit siya. Naglakad naman kami ni Blayz papunta sa kanyang sasakyan. Nilagay niya ang mga gamit ko sa backseat at tinulungan niya ako na sumakay sa front seat ng kanyang sasakyan. Naphinga naman ako ng malalim habang nasa daan na kami. Ito na talaga ang start ng pagtira ko sa kanya! Nang makarating kami sa kanyang bahay, pinapasok niya agad ako habang binuhat niya pa rin ang aking mga gamit. Pumanhik agad kami sa taas at tumungo sa magiging kwarto ko. “Kailangan mo ng tulong na ayusin ang mga gamit mo?” tanong niya sa akin. “Hindi, kaya ko na, Blayz. Maraming salamat talaga.” at niyakap ko siya. Niyakap niya rin naman ako at hinalikan ang aking ulo. “Nga pala, kung free ang mga kaibigan mo bukas tutal weekend naman, imbitahin mo sila rito. We are going to have a barbecue lunch with the guys, pa-welcome ko na rin sa’yo sa bahay ko.” sabi niya at napangiti naman ako. “Talaga? Okay lang na papuntahin ang mga kaibigan ko rito?” “Oo naman! Kung gusto mo sunduin pa natin sila.” niyakap ko ulit siya. “Siguradong matutuwa ang mga ‘yon. Pero Blayz, hindi mo naman na kailangan na gumawa ng pa-welcome sa akin. Nakikitira na nga lang ako sa’yo.” “Wala ‘yon, gusto ko rin kasing makilala mo ang mga kasamahan ko sa trabaho.Gusto ka rin naman nilang makilala. Sila nga ang nagusap-usap tungkol bukas.” hinawakan niya ang aking kamay. “Iiwan muna kita at pupunta lang ako sa supermarket para bukas. May gusto ka bang ipabili?” “Wala, okay na ko. Gusto mo bang tulungan kita?” “Huwag na, just familiarize yourself with the house. Pwede kang pumunta kahit saan dit sa bahay, kahit sa kwarto ko.” sabay kindat niya sa akin. Bahagya naman akong tumawa at uminit ang aking mukha sa huli niyang sinabi. “Iiwan muna kita. I don’t expect a visitor kaya huwag kang magpapasok ng ibang tao unless kilala mo sila. Is it okay if I leave you here for a while?” “Yeah, kaya ko naman ang sarili ko.” hinaplos niya ang aking pisngi at ngumiti siya. “I will make the best welcome party for you tomorrow. Feel at home, yeah?” tumango lang ako. Nagpaalam na siya at umalis na. Tinignan ko ang paalis niyang sasakyan sa bintana tapos ay umupo ako sa tabi ng kama. Nakita ko ang aking mga gamit sa tabi at napangiti ako. Hindi na talaga ito panaginip. Titira na ako sa bahay ni Blayz na kasama siya. Napatili ako sa kilig tapos ay kinuha ang phone ko para tawagan si Emberlyn. “Oh ano? Na-miss mo agad ako?” sabi niya nang sagutin niya ang aking call. “Hindi! Nandito na ako sa bahay niya at sinabi niya sa akin na may pa-welcome party siya bukas para sa akin. Papuntahin ko daw kayo rito to celebrate. And guess what? Nandito rin ang mga ka-trabaho niya para daw makilala nila ako!” “Oh my gosh! You mean nandyan bukas ang mga sexy firefighters na ka-team ni Captain Blayz!” malakas niyang sabi at nailayo ko pa ang aking phone sa aking tenga. “Oo nga! Sabihin mo sa ibang malanding kaibigan natin. Magpaganda tayo ng husto para naman humang talaga sila sa angkin ganda natin. Susunduin namin kayo, lumabas lang si Blayz para mag-grocery sa kakainin natin bukas. Free naman kayong lahat, hindi ba?” “Oo naman! Kahit may work pa ako hindi ko palalagpasin yan! Sasabihin ko sa mga friends natin. Ayiiiieeehhhh Excited na ko! Humanda ang mga firemen na ‘yon dahil makakakita na sila ng dyosa!” Napatawa naman ako. “Sabihin mo ah! Walang aarte-arte na ayaw pumunta. Barbecue yon at siguradong masarap. Sige na at mag-aayos pa ako ng mga gamit ko.” nagpaalam na kami sa isa’t-isa at tinapos na ang tawag. Tumayo naman ako at nag-ayos na ng aking mga gamit. Bago pa mag-lunch, dumating si Blayz na maraming dala kaya naman tinulungan ko siya. Bumili na rin siya ng kakainin naming tanghalian at sabay kaming kumain na nagkukwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD