Blayz 9

1321 Words
Tinutulungan kong mag-ayos si Blayz ng kanyang mga pinamili nang matapos kaming kumain ng lunch. Once again I am so full, hindi lang ‘yon dahil sobrang saya ko rin na may magaganap palang welcome party para sa akin bukas. Medyo kinkabahan ako na makaharap ang kanyang mga katrabaho. Katulad ni Blayz, malalaki din silang mga lalake na may kanya-kanyang appeal. Hindi ko alam kung may girlfriend na ang iba sa kanila pero sana naman wala pa dahil gustong-gusto rin sila ng mga kaibigan ko. As I said, dumadaan talaga kami minsan sa firehouse para lang makita sila. Pero walang matapang sa amin na bigyan man lang sila ng desert o some type of food katulad ng nakikita namin na ginagawa ng iba. Maswerte ang lugar namin dahil sa kanila. Ginagawa nila ang kanilang trabaho ng mabuti at marami na silang iniligtas. Kaya naman sa pagtira ko sa kanyang bahay, sana naman hindi ito masamain ng iba. Nag-aalala rin naman ako at baka maapektuhan ang trabaho niya pag nandito ako. Aminado ako na delikado ang pinasok niyang work, siya pa ang Captain, kaya sana walang mangyari na masama sa kanya. Gusto ko umuwi siya lagi sa piling ko, kahit hindi man maging kami, basta safe siya at hindi mapahamak, okay na sa aking ‘yon. “Ang dami mo naman yatang pinamili?” sabi ko sa kanya habang nilalagay niya ang napakaraming karne sa sink para sa barbecue party namin bukas. “You don’t know those men, siguradong kulang pa ito sa kanila. But I am sure they would act like a gentleman kasi may kasama pa tayong iba.” “Tinawagan ko na pala ang isa sa mga kabigan ko at pupunta daw sila bukas. Lahat sila free, tawagan ko na lang sila kung anong oras natin sila susunduin. Sigurado ako na marami rin silang kakainin. Hindi lang halata pero mga patay-gutom rin kami.” malakas siyang tumawa at nilapitan niya ako. “You know what, masaya ako at may nakakausap na ako ngayon.” tuwa niyang sabi at napangiti naman ako. “At sobra naman akong nagpapasalamat sa’yo dahil pinatira mo ko rito. Hindi mo lang alam na malaking tulong ito sa akin. Asar na asar na rin kasi kami sa mga lalakeng kasama namin sa dorm. Ang hihilig nilang mang-prank.” napakunot noo naman siya. “Really? Well, mabuti at nandito ka na. Pero sana sinabi mo ng mas maaga para mabigyan namin sila ng leksyon.” bahagya naman akong napatawa. “It’s okay, we have our ways na makaganti sa kanila. Tumigil na rin sila this past few days dahil na rin sa paninita ng admin ng college nila. I just hope na tuluyan na silang tumigil at hindi pansamantala lang. But I know my friends will fight back, hindi nagpapatalo ang mga ‘yon.” “That’s good to hear, but I don’t want anyone hurting you. Sabihin mo sa akin pag may mangungulit pa sa’yo.” tumango naman ako. “Uhm, I’m just wondering, wala ka pa bang ibang nakasama na babae rito sa bahay mo maliban sa akin?” tanong ko at natigilan naman siya saglit. “I had past relationships, pero walang ibang babae na tumira sa bahay ko. I don’t know, I just feel lighter when I’m with you, Hera. I know I’m saying weird things pero gusto ko lang naman na maging lalake na karapat-dapat sa’yo.” sincere niyang sabi. Napakurap naman ako and I was speechless. Nagsimulang kumabog ng malakas ang aking dibdib at sa kanyang titig, para na akong natutunaw. Lalo pa siyang lumapit at napaatras naman ako hanggang sa bumangga ang aking likod sa counter. Kinulong niya ako sa gitna ng malalakiniyang braso na nakadantay ang kanyang kamay sa kitchen counter. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at konting-konti na lang at didikit na ang labi niya sa akin. “Ma-may naging serious na relationship ka na ba?” tanong ko ulit at ngumisi naman siya. “Wala pa, pero gusto ko ng magsimula ngayon…” huminga siya ng malalim at bahagya naman akong nanginig. “Ikaw Hera? Wala ka pa bang naging serious boyfriend?” lalong lumakas ang tib0k ng puso ko. “Wala, wala pa naman… Sa pag-aaral lang kasi ang focus ko tsaka wala namang nagkakagusto sa akin.” sagot ko. “Kung gano’n ang swerte ko naman pala. I really like you, Hera, may kakaiba sa’yo na hindi ko maintindihan. This is my first time na makaramdam ng ganito sa isang babae, at sa mas bata pa sa akin. I plan to figure this out kay huwag ka sanang matatakot sa akin.” napalunok naman ako at napatingin ang kanyang mga mata sa dinilaan kong labi. “Do you like a guy in particular?” “I-I do…” sambit ko. “Mas matanda lang siya sa akin ng konti at medyo delikado ang kanyang trabaho. So I pray for his safety every day.” matamis siyang ngumiti at hinawi niya ang konting buhok na tumatakip sa aking mukha. “He’s a very lucky guy.” tumango lang naman ako. Akala ko nga hahalikan niya ako dahil an inch na lang at magdidikit na ang labi namin, pero nadismaya ako nang dumistansya sa akin. “Blayz…” tawag ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang braso. “Ikaw lang naman ang nagustuhan kong lalake. Yon nga lang hindi mo ako napapansin. Is it bad na masaya ako ng konti dahil muntik na akong mapahamak ay ikaw ang nagligtas sa akin?” “Oh, sweetheart, it’s not. Pero huwag mong ipahamak ang sarili mo para lang mapansin kita. It’s good to hear that you like me, dahil gano’n din naman ako sa’yo. I am very comfortable talking with you. Nawawala ang stress ko sa trabaho pag ikaw ang iniisip ko.” pinisil niya ang tungki ng aking ilong at bumalik siya sa kanyang ginagawa. “About sa trabaho mo, hindi ba makakaapekto ang pagtira ko sa bahy mo?” tanong ko. Lumingon siya sa akin at nagtataka ang kanyang mukha. “Baka pag nalaman nila na kasama mo ko rito, you might get in trouble.” “Bakit naman? Pakialam nila kung sino ang pinapatira ko sa bahay ko. Hera, hindi na ako magpapaligoy pa. You are special to me and I will not let you out of my sight.” natigilan ako at uminit ng husto ang aking mukha. My gosh! Hindi pa talaga ako ready sa mga sinasabi niya. Pero naghahatid ito nang sobrang saya sa kalooban ko ngayon. Siya rin naman ay napaka-special na lalake sa akin. Bukod sa niligtas niya ko, he was so kind to let me stay here, sa malaki niyang bahay. Tapos handa na rin ang room ko kahit na ba hindi ako pumapayag. With a guy like him, hindi talaga ako nagkamali ng nagustuhan. “Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa’yo, Blayz. Pero sobrang saya ko sa tuwing kasama kita. Feel na feel ko talaga na gusto mo akong alagaan. Matagal na rin akong hindi nakakaranas ng treatment na ganito.” lumambot naman ang kanyang mukha. Naghugas siya ng kamay na pinunas niya sa isang malinis na kitchen towel, tapos ay lumapit na naman siya sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan niya ako ng husto. “You don’t have to worry about anything anymore, I will always be by your side. Kung may kailangan ka. Kung gusto mo ng yakap, ng comfort, nandito lang ako.” sabay haplos niya sa aking pisngi. “I want your kisses too…” mahina kong sabi at natigilan siya. “Hera, if I kiss you now, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.” ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ko rin ang kanyang mukha. “I will not stop you.” sagot ko. Hindi siya sumagot at natuwa ako nang hinalikan na niya ako sa labi na puno ng pananabik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD