Blayz 7

1737 Words
Nagising ako sa malakas na alarm ng aking phone at napabalikwas pa talaga ako mula sa kama. I was confused at first dahil hindi pamilyar kung nasaan ako. Tapos naalala ko na nasa malaking bahay pala ako ni Blayz at dito na ako natulog. Namuo ulit ang saya sa aking puso, at sa pagtingin ko sa buong paligid, hindi pa rin ako makapaniwala na magiging kwarto ko ito. Pinatay ko ang alarm ng bago kong phone at huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa labas ng bintana at papasikat pa lang ang araw. Naginat-inat ako at natigilan nang makarinig ako nang yapak sa labas. May kumatok sa aking pinto at agad namanakong bumaba sa kama at lumapit roon. Inayos ko muna ang aking sarili tapos ay binuksan ko na ang pinto. Nakita ko si Blayz, he’s wearing some shorts at tank tap na basang-basa. He’s all sweaty pero ang hot pa rin niyang tignan, “Good morning… Akala ko hindi ka pa gising.” sabi niya sa akin at ngumiti naman ako. “Kagigising ko lang. Saan ka nagpunta?” tanong ko at ngumiti rin naman siya. Napansin ko ang paglakbay ng kanyang mga mata sa aking katawan tapos ay napalunok siya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng kanyang adam’s apple. Medyo nahiya naman ako sa kanyang tingin lao na at tshirt ko lang ang suot niya at walang underwear underneath. Mabuti na lang at black tshirt ito kundi baka nakita na niya lahat. Hindi pa naman ako handa tsaka hindi ako nag-shave! Uminit ng husto ang aking mukha at napayuko ako. “I went for a run. I do that every morning. I look like a mess right now kaya maliligo lang ako. Take your time, gagawa ako ng breakfast natin after nito, okay?” tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Hinaplos niya lang ang aking buhok at pumasok siya sa kanyang kwarto na katabi lang pala ng akin. Sinara ko naman ang pinto at niyakapko ang sarili. I just feel so exposed sa tingin niya. Mabuti na lang at hindi ako umihi sa kilig! Speaking of that, ihing-ihi na rin talaga ako. Kaya pumasok ako sa banyo kung saan nakasabit ang aking underwear na nilabhan ko kagabi na tuyo na. After kong umihi at mag-tootbrush, naligo na rin ako at sinuot ang aking damit kahapon. Ginamit ko ang hair dryer na naroon sa mahaba kong buhok. Tinali ko ito tapos ay lumabas na. Kinuha ko ang aking bag at nagkagay ako ng konting powder sa aking mukha. Nang okay na, lumabas na rin ako at bumaba. Sinundan ko ang ingay ng pagluluto at nadatnan ko si Blayz sa kusina. “Hey, sweetheart, malapit na akong matapos. Umupo ka na lang dyan and don’t attempt to hel me. Gusto ko pagsilbihan kita.” napangiti naman ako at sinunod ang gusto niya. Umupo ako sa isa sa mga chairs na nakapaligid sa dining table. Pinanood ko siya habang nagluluto at hindi ko akalain na ang isang katulad niya ay pinapakilig ako ng ganito. So this is what it feels like na inaalagaan ka. It feels so light at hindi punong-puno ng saya. I just hope na magtagal ito. I don’t know kung anong mangyayarai o mamamagitan sa amin, pero sana nga maging kami. I really like that. Noon pa, siya na ang gusto ko at siya ang gusto kong makauna sa akin. I wonder how it feels like to be pleasured by Captain Blayz? Para akong nagising nang ilagay na niya ang niluto niya sa table. Naka-setup na ang mga plates at baso. Naglabas siya ng pitcher na may lamang juice na nilagay niya rin doon. “Coffee?” tanong niya sa akin at tumanggi naman ako. Umupo na rin siya at nagsimula na kaming kumain. Natakam talaga ako dahil first time ko na kumain ng breakfast na ganito. Usually, instant noodles lang at kung gipit talaga, walang breakfast, pati na rin lunch. Umaasa na lang ako ng free meal sa aking trabaho. Mabait din naman ang employer namin doon kaya masaya ako at na-hire ako roon. Hindi ko maiwasan na kumain ng suno-sunod dahil ang sarap ng mga ito. “Hera, dahan-dahan lang, hindi ka naman mauubusan.” tumigil naman ako at uminom ng juice tapos ay pinunasan ang aking bibig ng tissue. “Sorry… Ang sarap lang kasi, ngayon lang ako kakain ng ganitong pagkain sa breakfast.” nahihiya kong sabi sa kanya. “Sigurado ka ba na kumain ka kagabi? You should have told me.” “Kumain talaga ako, may free meal kami sa coffee shop. Gaya nga ng sabi ko, ngayon lang ako nakakain ng ganito. I’m a struggling student and mga instant ang kadalasan ko lang afford.” tumango-tango naman siya. “That’s why nahihiya ako na tumira sa bahay mo. Ayoko naman na ikaw lang ang mag-provide ng lahat. Ayoko na maging charity case mo.” “Charity case? Hera, wala akong iniisip na gano’n. Gustoko lang na alagaan ka and I want you to be safe. Ayoko rin na tumira ka sa isang co-ed dorm na mga lalake ang makakasama mo. Isa pa, muntik ka ng mapahamak kahapon. As possible dapat may kasama ka pag lalabas ka sa college niyo.” “Lumalabas lang naman ako pag pumupunta ako sa trabaho ko.” hinawakan niya ang aking kamay at hinaplos haplos ng kanyang thumb ang aking inner wrist. Napasighap naman ako sa kanyang ginawa at pinagdikit ko ang aking mga hita. “Then ask one of your friends na samahan ka. Oh kaya naman, tawagan mo ko or message me pag pupunta ka sa trabaho mo. Turn your location anytime sa phone mo, okay?” ngumiti naman ako at tumango. “Pag may problema o nangyari, sabihin mo agad sa akin.” “Yes po, huwag kang mag-alala, sasabihin ko agad sa’yo. Alam ko naman na darating ka kaagad, eh. I’m not that scared anymore dahil nandyan ka.” hinalikan niya ang aking kamay at pinagpatuloy na namin ang pagkain. After that, lumabas na kami at sumakay sa kanyang sasakyan. Hinatid niya ako sa college at bago ako bumaba, pinigilan niya ako. “Hera, I need to know kung kailan ka lilipat sa bahay ko.” sabi niya sa akin. “Ohhh… Uhm, sa weekend, wala akong klase. Unless, may duty ka?” sagot ko. “It’s my day-off this coming weekend so it’s good. Call me, okay para masundo kita.” tumango ako. Hinalikan ko siya sa pisngi, nagpsalamat ulit at tuluyan na akong bumaba. Kumaway pa ako sa kanya at pumasok na ako sa college. Sa bc entrance ako dumaan dahil mas malapit ang dorm doon. Binati ko ang guard sa harapan at mabilis akong lumakad papasok sa dorm. Dumiretso agad ako sa aming kwarto. Kumatok muna ako and using my key, pumasok ako. Nadatnan ko na nakahiga sa kanilang mga kama ang mga kaibigan ko, at nandito rin ang iba pa na nakahiga sa sahig. “Anong ginagawa niyong lahat rito?” tanong ko sabay sara ko ng pinto at ni-lock ko pa ito. Mahirap na at baka may bigla na namang um-ambush at batuhin kami ng ano dito sa loob ng kwarto. Bumangon ang mga nasa sahig at hinila ako ni Emberlyn tapos ay pinaupo sa kanyang kama. “Kumusta? may masakit ba sa’yo? Need mo ba ng gamot?” tanong niya sa akin at nagtaka naman ako. “Masakit? Gamot para saan?” tanong ko rin sa kanya. Malakas niya akong pinalo sa braso at napaaray ako. “Nakakainis ka naman eh! May nangyari ba sa inyo ni Captain Blayz? Nag-stay ka sa bahay niya kagabi. Hindi ka ba ginapang, ganern?” napakurap naman ako tapos ay binatukan ko siya. “Ano bang pinagsasabi mo? Of course walang nangyari! First time ko sa bahay niya, may mangyayari agad? Huwag mo kong itulad sa’yo na lumalandi kaagad. Na-overwhelm ako kgabi dahil sa mga sweet gestures niya. Ayoko na masira ang moment namin. Ni hindi nga siya nagpakita ng motibo, eh. Paano pag nilandi ko tapos hindi naman pala papatol, di ako pa ang napahiya.” irita kong sabi sa kanya at tumawa naman ang iba naming kaibigan. “Ikaw talaga, masyado kang advance. Slowly lang, para naman may mag-bloom. Hindi yong sunggab agad. Isipin pa niya na easy girl lang ako.” “Tama rin naman kasi si Hera, Emeberlyn, minamadali mo, eh pinapahinog muna ang relationship nila.” sabi ni Lumina. “Masyado kang excited, sa totoo lang.” “Ihhh! Iniisip ko pa naman buong gabi na may nangyari na sa inyo. Akala ko magkukwento ka na.” napailing lang naman ako. “Naku, bumalik na nga kayo sa kwarto niyong tatlo. Maaga pa ang klase kop ngayong araw. Nga pala, pwedeng isa sa inyo ang samahan ako na pumasok sa work mamaya. Baka may sumunod na naman kasi sa akin.” “Ibig bang sabihin nito may stalker ka?” tanong naman ni Glowria at nagkibit balikat lang ako. “Kailan ka nga pala lilipat sa bahay ni Captain Blayz?” tanong ni Sohlar at napatingin silang lahat sa akin. “Sa weekend… Konti lang naman ang mga gamit ko. Sure ba talaga kayo na okay lang kayo rito?” alala kong sabi at tumango sila. “Ano ka ba naman, Hera, hindi kami weak na mga babae ‘no. Kaya namin ang mga bwisit na lalakeng ‘yon. May araw din sila. Magmi-meeting nga lahat ng mga girls sa college para makabawi kami sa kanila.” “Basta mag-ingat kayo. Kung may problema, tawagan niyo ako at hihingi ako ng tulong kay Blayz.” ngumiti naman sila at nagulat ako nang niyakap nila ako. “Pero mami-miss ka namin…” naka-pout na sabi ni Flair at bahagya naman akong tumawa. “Grabe naman kayo, parang lalayo ako ng husto. Lilipat lang ako ng bahay na malapit din rito. Tatanungin ko si Blayz kung pwede kayong bumisita. Mabait naman siya. Sige na, ang babantot niyo tapos yumayakap kayo sa akin.” napatili ako nang kilitiin nila at humihingal ako nang layuan na nila ako. Nagbihis naman na ako para makapunta ako sa aking first class. Kailangan ko ding kausapin ang admin sa paglipat ko. Sasabihin ko na lang na may kaibigan ang mga magulang ko na nakilala ko. Hindi naman na siguro sila magtatanong kung sino, malaki na ko at kaya ko na ang sarili ko. Hindi na rin ako makapaghintay sa weekend!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD