Blayz 4

1315 Words
“Sandali, pakiulit nga ang sinabi mo? Inalok ka ni Captain Blayz Swelter sa kanyang bahay pero hindi ka pumayag!!!” malakas na sigaw ni Emberlyn sa akin habang nag-aayos na kami ng mga gamit namin sa room n binigay sa amin. As expected maingay ang mga lalake na nandito sa dorm at panay reklamo dahil may makakasama silang mga babae. Bukod pa doon, lumipat ng kwarto ang iba para lang ma-accomodate silang lahat kaya naman inis na inis ang mga ito. Grabe naman sila! Parang mga bata kung makareklamo, alam naman nila na nasunog ang girls dormitory, eh, hindi naman namin ‘yon kasalanan. Ngayon nga, kalilipat pa lang namin rito, nagsisisi ako na hindi ko tinanggap ang alok ni Blayz. At sinabi ko ito sa aking mga kabigan na nandito rin lahat. Since freshman years, kaming lima na ang magkakasama. Si Emberlyn ang una kong nakillala pero lahat naman kami ay close lalo na at crush talaga namin ang mga firefighters na malapit lang dito sa university. We are like sisters at kami na lang ang naging pmailya dahil ang iba sa amin ay galing sa orphanage at ang iba ay ulila na rin nakatulad ko. Kaya siguro kami nag-click at nagturingan ng magkakapatid. Matalim kong tinignan si Emberlyn dahil sa kanyang pagsigaw at gusto ko talagang takpan ang bunganga niya. Napa-roll na lang ako ng eyes ko at tnuloy ang pag-aayos ng kama ko. Nilalagyan kong bagong bed sheet na binigay sa amin kanina. Nandito rin ang iba kong kaibigan na iniwan na lang ang gamot nila sa kabilang kwarto at agad na pumunta rito. Gusto kasi nilang makibalit sa aking date. Sinabi ko naman ang nangyari at kasali na doon ang alok sa akin ni Captain Blayz. “Talaga ba? Inalok ka niya na tumira sa bahay niya?” tanong naman ni Flair. Huminga akong malalim at tumingin ako sa kanila. “Oo nga… Ito namang si Ember, ang laki ng bunganga!” inis kong sabi at tumawa naman ang iba. “Hindi naman ako tumanggi, ang sabi kung pwedeng pag-isipan ko pa. Nakakahiya kaya, kailan lang kami nagkakilala tapos titira na agad ako sa kanya. Nagtataka nga ako kung bakit niya ako inalok.” “Ano bang sinabi niya?” tanong naman ni Glowria. “Wala naman siguro siyang masamang balak sa’yo. Hello? Captain siya ng firefighter team.” “Alam ko, at feel ko naman na mabuti siyang tao. Niligtas nga niya ako diba? Sinigurado niya pa talaga na okay lang ako bago niya ko iwan. Sabi niya nag-aalala siya at mapipiligiran ako ng mga lalake at ayaw niyang maagawan. Though, hindi ko maintindihan ang part na ‘yon.” nagkatinginan silang apat at biglang tumawa si Sohlar na pinagtaka ko. “Naku, masasaktan ka na talaga sa akin, Hera… Hindimo maintindihan? It means ayaw ka niyang maagaw ng ibang lalake dahil gusto niya na siya lang ang lalake sa buhay mo. meaning interesado siya sa’yo, he likes you.” sabi ulit ni Emberlyn. Ako naman ang tumawa pero biglang bumilis ang tib0k ng puso ko. Parang may kiliti na bumalot sa akin at kinikilig ako sa isipan na may gusto nga ang katulad ni Blayz sa akin. Pero my doubt din sa kabila kong mind na imposibleng mangyari ‘yon. “Tama si Emberlyn, worried siguro si Captain na may makilala ka at maunahan siya ng iba. Sino bang lalake ang manliligtas sa’yo at isusuot pa ang sarili niyang tshirt sayo para hindi makita ng iba ang sexy mong katawan? Tapos kinuha pa niya ang number para masiguardo niya talaga na safe ka lang.” sabi naman ni Lumina. “Ito na ang chance mo kaya para makasama ang lalakeng gusto mo tapos nagdalwang isip ka pa.” sabi naman ni Flair. “I think okay lang naman ‘yon na pag-isipan muna ni Hera.” mahinang sabi ni Solar at napatingin kaming lahat sa kanya. “Para naman hindi magmukhang easy girl na madali lang makuha. Gaya nga ng sinabi niya, hindi siya tumanggi. Okay lang naman na magpakipot ng konti hindi ba?” ngumiti naman ako sa kanya at niyakap ko siya dahil katabi ko lang siya. “May point ka din naman, Sohlar. Alam mo ikaw ang less na malandi sa amin kaya nakakapag-isip ka ng matino.” sabi ni Glowria at namula naman ang mukha nito. “Eh, anong balak mo ngayon? Hanggang kailan ka mag-iisip? Baka magbago na ang isip ‘yon or worst magahanap siya ng iba pag pinatagal mo pa.” “Titignan ko muna kung magiging maganda ang pag-stay natin rito. Tsaka ayoko naman na iwanan kayo. Okay lang ba sa inyo na tumira ako sa kanya kung sakali?” “OO NAMAN!” sabay-sabay nilang sabi at pinanadilatan ko sila ng mga mata dahil sa ingay namin. Nagkatawana sila at umiling lang naman ako. “Bakit ka naman namin pipigilan kung isang mlaking opportunity mo na ito? Matagal ka ng may gusto sa kanya, this is your chance para makasama mo siya. Huwag mo na lang isipin ang age gap ninyo. Isa pa, malaki ka na, legal age, kaya mo ng magdesisyon sa sarili mo. Wala namang pakialam ang college sa mga gagawin mo.” “Fine… Fine… I’ll give it for a few days. Malay ko ba kung seryoso talaga siya. Kung gusto man niya ako, I’m sure naman na makakapaghintay siya.” ngumiti sila at sabay-sabay na tumango. “Grabe naman! Sana all na lang talaga! Ang swerte talaga ng kaibigan natin. Siya pa talaga ang unang biniyayaan. Sana nagpa=trap din ako sa isang kwarto ‘no para iligtas din ako ng isang hot fireman!” “Baliw ka talaga, Ember! Paano pag hindi ka naabutan, eh di barbecue ka ngayon.” natatwang sabi ni Flair na tinulak naman ng isa. “Basta support lang kami sa’yo. Tsaka huwag ka ng umasa na maganda ang pag-stay mo rito. Tignan mo naman ang mga lalake na puro reklamo. Mas maarte pa yata sila kaysa sa atin.” “Kaya nga dapat tayong mag-ingat at baka kung anong gawin ng mga yan. Baka i-prank tayo and the next thing we know, nasa social media na tayo at napapahiya na. Kung umasta sila parang mga grade school kids. Kaya wala tayong magustuhan na ka-edad natin or close sa sge natin dahil ganyan sila. Kaya mga type natin katulad ng savior ni Hera.” napaaray ako nang kinurot ako sa tagilirn ni Lumina. “Loka ka! Lucky girl mo talaga!” “Dapat pa nga matuwa pa tayo! Kasi pag nag-date na talaga sila offcially baka maka-bonding din natin ang mga kasama niyang firefighters hindi ba?” tuwang sabi ni Glowria at tumili silang lahat. Natatawa lang naman ako ta natigilan kami nang may malakas na kumatok sa aming pinto. Lumapit doon si Emberlyn at binuksan ito. Nakita namin ang aming Dorm Manager at sinita kami dahil masyado kaming maingay. Humingi kami ng sorry at umalis naman na ito. Tahimik na kami ngayon na nagtawanan at tinuloy na lang ang aming ginagawa pero may harutan pa rin naman. Sa mga sinabi ng mga kaibigan ko parang may confidence na ako na tanggapin ang alok ni Blayz. Ang sabi niya naman sa akin na willing siyang maghintay at huwag na akong mahiya sa kanya. It is really a big chance for me para makasama siya, pero nagdadalawang isip ap rin kasi ako kanina. Kaya hindi muna ako pumayag. Pero kung hindi ko na talaga magustuhan ang pag-stay rito, tatawagan ko na lang siya. I will give it a few days para naman hindi niya maisip na sabik na sabik akong makasama siya. Tumunog ang aking phone at matamis akong napangiti nang makita na nag-message sa akin si Blayz. Ako naman ay kinikilig naman talaga! Ang lakas talaga ng effect niya sa akin! Paano pa kaya pag nakatira na kami sa iisang bahay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD