Chapter 5

1629 Words
Blayz POV Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan nang sumakay ako sa front seat ng firetruck na gingamit namin. Pumasok na rin ang iba kong kasama habang ang iba ay sumakay sa ambulance. We just finished with a rescue at babalik na kami sa firehouse. Una kong kinuha ang aking phone sa aking bulsa at tinignan ito. Napangiti ako nang makita ang wallpaper na mukha ni Hera. Kumuha ako ng picture niya sa date namin. It’s been a few day since nangyari ‘yon at inalok ko siya na tumira sa aking bahay. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ko nasabi ‘yon. But when she told me na titira na sila sa isang co-ed dorm kasama ang ilang lalake, doon na nga ako nag-panic. I don’t want her to be near with another man. Tsaka hindi rin ako tiwala sa mga lalakeng nakapaligid sa kanya once na mag-stay na sila sa dorm na ‘yon. Ano ba kasing naisip ng kanilang admin that it was a good idea. Syempre hindi sila masasanay sa isang co-ed dorm because they ahve been staying for a long time in an all-girld dormitory. Isa pa, all-girls college rin ang kanilang pinapasukan. Nakakaasar! I feel anxious these past few days. Ilang beses ko na siyang gustong tawagan peo ayoko naman na isipin niyang pinipilit ko ko siya at wala akong pasensya. I never have any patience with things lalo na sa gusto kong makuha. I just want her in my house safe and sound. Hindi naman niya ako tinanggihan, pero pag-iisipan niya raw mabuti. I feel rejected though pero may pag-asa pa rin naman hindi ba? Ayoko naman hilingin na may mangyari kaya papayag siya sa alok ko, I’m not that kind of guy. Pero sana isipin niya na ginagawa ko ito because I am worried about her. Tinanggal ko ang aking helmet at mahigpit ko itong hinawakan. “Captain, mukhang distracted ka, ah.” sabi ng isa kong kasama pero hindi ko siya pinansin. “Dahil ba binusted ka ng babae na niligtas mo no’ng isang araw?” “Busted? Nanligaw ba siya?” tanong naman ng isa pa na nagda-drive ngayon. “Kaya naman pala ilang araw ng hindi maipinta ang mukha mo captain. After ng duty, uminom tayo. Doon mo ibuhos ang lahat o pwede mo namang buhosan ang babae na nandoon.” “Kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa?!” inis kong sabi at natigilan naman ang mga ito. “Huwag niyo nga kaong pakialaman. Puro inom at babae lang kasi ang nasa isip niyo!” “Ey! Parang hindi ka naman gano’n nong una, Blayz.” sabi naman ng Vice-Captain at matlim akong tumingin sa kanya. “I’m just saying, marami pa namang babae dyan. Besides, she’s too young. At bilin mo pa sa amin na umiwas tayo sa all girl’s college na malapit sa firehouse.” “Luh! Nandoon ang type mo, Captain? Sabagay, hindi naman kita masisisi. I rescued a cute little lamb too na ang sarap sigurong alagaan.” binatukan naman ito ni Koahl at tumawa ang iba. “Loko ka! Hindi sila yong tipo na niloloko! They are delicate. Hayaan niyo na nga lang si Blayz at baka maparusahan pa tayo.” umiling na lang ako at hindi na nagsalita pa. Dumaan kami sa mga university at natigilan ako nang makita si Hera sa di-kalayuan at may lalakeng sumusunod sa kanya. Pinatigil ko ang firetruck at bigla itong pumreno. Agad akong bumaba at patakbo akong lumapit sa kanila. Bago pa mahawakan ng lalake si Hera, humarang na ako. Nagulat naman ito at kumaripas ito ng takbo palayo. Hindi ko na siya sinundan pa at hinarap ko si Hera na parang miiyak na. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap. I wrapped my hands around her at naririnig ko ang kanyang paghikbi. “What’s the matter? Kilala mo ba ‘yon?” tanong ko sa kanya habang hinahaplos ko ang kanyang ulo. Humiwalay siya sa akin at gustokong habulin ang lalakeng ‘yon dahil umiiyak siya ngayon. “Hindi ko siya kilala at kanina pa niya ako sinusundan. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko, eh. Mabuti na lang dumating ka.” niyakap ko siya ulit at pinakalma. I also notice na naginginig siya at mahina akong napamura. Humiwalay siya ulit sa akin. “Pasensya na, mukhang naistorbo kita sa trabaho mo.” “Hindi, ayos lang. Pabalik na rin naman kami sa firehouse. Saan ka ba pupunta at ihahatid na kita.” bahagya naman siyang ngumiti at pinahiran niya ang kanyang pisngi. “Pupunta ako sa part-time job ko.” tinuro niya ang natatanaw naming coffee shop. “Dyan lang ako, oh. Kaya ko na, wala na rin naman yo’ng lalake.” “No, sasamahan kitang maglakad at baka balikan ka pa niya. Anong oras matatapos ang shift mo?” tanong ko ulit sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay at pinisil ko ito. “Ni-nine PM, Blayz.” namumula ng mukha niyang sab at bahagya naman kong ngumiti. Kinausap ko ang aking mga kasama mula sa radio na mauna na sila sa firehouse. Gumalaw naman ang firetruck na dinaanan kami pero bigla akong nainis dahil sa cheers ng aking mga kasama. Humanda sa akin ang ‘yon mamaya. Narinig ko naman ang matamis na pagtawa ni Hera na kumakaway sa mga ito. “Gusto kong sumakay sa gano’n one time.” cute niyang sabi at tumawa naman ako. “You can, basta hindi nakakaabala sa trabaho namin.” humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay habang naglakad kami at gano’n din naman ang ginawa niya. Mabuti na lang at dito kami dumaan, kung hindi baka kung anong nangyari na sa kanya. Sino ba ang lalakeng yon at bakit niya sinusundan si Hera. Sayang at hindi ko nakita ang mukha dahil naka-cap at face mask ito. Lumakad kami papunta sa coffee shop at nang makarating kami doon, hinatid ko pa siya sa pagpasok. Um-order na rin ako ng take out na kape para sa amin at siya mismo ang gumawa nito. “Salamat talaga, Blayz, niligtas mo na naman ako.” sabi niya sa akin. “Paano na ako makakbawi sa’yo niyan?” ngumiti naman ako. “Pwede namang pumayag ka na lumabas kasama ko ulit.” matamis siyang ngumiti at parang may sumundot sa puso ko na hindi ko maintindihan. I feel warmth in my bosy and I just want to take her in my home and take care of her. “Oo naman… Nabubusog ako pag kasama kita, eh.” “Lalo kang mabubusog pag tinanggap mo ang alok ko.” natigilan siya. “Maghihintay pa rin ako sa sagot mo. I will see you at 9PM, susunduin rin kita. Tapos na rin naman ang shift ko sa oras na ‘yon.” “Hindi na, Blayz, dapat umuwi ka na at magpahinga.” umiling naman ako at hindi pumayag. “Susunduin kita, okay?” hinalikan ko siya sa pisngi at umalis na ako bago pa siya makatanggi. Hawak ko ang mga take out orders ko at nang makabalik ako, tuwang-tuwa ang mga mokong sa mga dala kong kape at pastries. Lumapit sa akin si Koahl at kinumusta kung okay lang si Hera at sinabiko sa kanya ang nangyari kanina. Kailangan na mag-ingat ang baby ko dahil mukhang may stalker siya na hindi nalalaman. Sana talaga pumayag na siya na tumira sa bahay ko dahil mas safe siya doon. After ng aming duty, dumiretso na ako sa coffee shop at doon ko na lang hihintayin na matapos ang kanyang shift. Umupo ako sa isang booth kung saan nakikita ko ang mga taong dumadaan sa lugar. Nakita ko rin si Hera sa counter na busy sa pag-take ng orders at paggawa rin ng kape. Napangiti siya nang makita niya ako at hinatiran pa ako ng tubig. Nagmasid lang naman ako at baka magpakita ulit ang lalake na sumusunod sa kanya kanina. Matapos ang kanyang shift, sabay kaming lumabas ng shop at pinagbuksan ko siya ng pinto ng aking sasakyan. Tinulungan ko siyang pumasok tapos ay sumakay na rin ako. Malapit din naman ang bahay ko sa pinapasukan niya. “Uhm, gusto mo bang mg-stay muna sa bahay ko ngayong gabi?” tanong ko sa kanya and I didn’t dare to look at her. “Ano… Uhm… Pwede ba?” hinawakan ko ulit ang kanyang kamay at hinalikan ko ito. “Sabi ko naman sa’yo na welcome ka doon. Hindi ka makakaabala sa akin. My house has extra rooms na pwede mong gamitin. Wala akong gagawing masama sa’yo, Hera, aalagaan pa nga kita. Please, let me take care of you.” pakiusap ko sa kanya. “Si-sige, Blayz, kung ayos lang talaga sa’yo. Sabihan mo na lang ako kung kailan ako pwedeng lumipat para maihanda ko ang mga gamit ko.” natigilan ako at bigla kong tinabi ang sasakyan sa gilid ng daan. Tumingin ako sa kanya at naktingin rin siya sa akin na may kislap sa kanyang mga mata. “So you’re going to stay with me?” ngumiti siya at tumango. Mabilis kong tinanggl ang seatbelt ko at niyakap ko siya. “That’s good to hear, sweetheart. Mas safe ka rin talaga pag sa bahay kita tumira.” “Maraming salamat, Blayz, sa alok mo. You are really a nice guy. Ang swerte ko at ikaw ang nagligtas sa akin nong gabing ‘yon.” humiwalay ako sa kanya at nagkatitigan kami. I look at her red, sultry lips at hindi ko na napigilan na bigyan siya ng masuyong halik sa labi. It was a brief kiss but it feels like heaven. Nag-drive na ako ulit na hawak ang kanyang kamay hanggang sa nakarating na kami sa aking bahay. Things will be so exciting from now on!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD