Blayz 3

2175 Words
I was surprised nang malaman ko na magshe-share na kami ng dorm sa mga lalake na katabi lang ng college namin. Sa totoo lang, naiilang ako dahil wala naman akong kilala na lalake roon. Mabuti sana kung karamihan sa kanila ay mababait, pero sa totoo lang, those boys from the other college likes to show off. Gabi-gabi na lang yata maiingay sila dahil palaging may party na nagaganap. Hindi naman namin sila pinapansin, pero ngayon na magkasama na ang mga babae at lalake sa iisang dorm, hindi ko alam kung anong mangyayari. Of course I am scared dahil nasanay na ko na babae lang ang nakikita ko at nakakasama. Papunta na kami sa auditorium para malaman kung anong kwarto namin nang tumunog ang aking phone. Number lang ang nakita ko sa screen at nang sagutin ko ito, si Captain Playz pala ang tumawag. Iniwan muna ako ng aking mga kaibigan for privacy at bigla naman akong kinabahan pagkarinig ko sa malalim niyang boses. “Captain, ikaw pala…” sabi ko nang sabihin niya kung sino siya. “Captain? Please, tawagin mo na lang akong Blayz. I feel old with the captain thing especially coming from you.” natatawa niyang sabi at kinagat ko lang naman ang aking labi. “So, I am guessing that your phone is okay?” “Yeah, may crack lang sa screen peromagagamit ko rin naman. Hindi na ako mamomroblema sa pagbili ng bago. May mga gamit din ako na safe, pero ang importante sa lahat, safe ako dahil sa’yo. Maraming salamat talaga, Blayz.” “You’re welcome, sweetheart. It’s good to hear that your okay.” napangiti naman ako. “May gagawin ka ba ngayon?” “Oo, eh, tinawag kaming lahat sa auditorium para malaman naman ang magiging kwarto namin sa kabilang dorm.” narinig ko ang malakas niyang paghinga. “Sandali? Kabilang dorm? You mean the all boys college na katabi ninyo?” di-makapaniwala niyang sabi. “Oo, wala naman kasing ibang choice pa. Kagabi nga sa study hall na lang kami nag-stay lahat. Medyo matatagalan ang pag-renovate sa dorm namin. Gagawin na lang nilang co-ed ang kabilang dorm.” “So you will be staying with men?” mas lalo pang lumalim ang kanyang boses sa tanong niyang ‘yon. “Hindi naman sa iisang kwarto, pero sa iisang building. I guess mas mabuti na ‘yon. Kasama ko naman ang mga kaibigan ko. Madami pa kami. Kaya kung mangulit ang mga ‘yon, bubugbugin na lang namin.” “That’s your college’s solution for this.” malakas siyang bumuntong hininga. “Hera, may gagawin ka ba after this?” “Uhm, wala naman… Bla-Blayz…” mahina kong sabi at parang narinig ko siyang umungol. Pero siguro imagination ko lang dahil nga sa malaking attraction ko para sa kanya. “Let’s have lunch together, my treat. Okay lang ba?” napakagat labi naman ako at lihim akong kinikilig ngayon. “Oo naman, basta libre hindi ko tatanggihan yan.” bahagya siyang tumawa. “Okay, tawagan mo na lang ako pga tapos na kayo at susunduin kita.” “Ha? Wala ka bang trabaho pala ngayon?” taka kong sabi at baka makaabala pa ako sa kanya. “Mamayang gabi pa ang duty ko, so I can take you out.” napangiti naman ako at tumango kahit hindi niya nakikita. “Sige, Blayz, tatawagan na lang kita. Kailangan ko ng ibaba ito kahit na ba gusto pa kitang kausap. I’ll call you, bye!” at tinapos ko na ang tawag. Patakbo akong lumapit sa aking mga kaibigan at binilisan na namin ang pagpunta sa auditorium. “Anong sabi? Anong sabi?”” excited na sabi ni Emberlyn habang mabilis kaming naglalakad sa hallway. “Kinumusta niya ko tapos niyaya niya kong mag-lunch.” nakangiti kong sagot sa kanya at tumili na naman ito sa kilig. “Uy! Magtigil ka nga! Wala kayong pagsasabihan na iba, ah.” “Teka, sino ba yon?” taka namang sabi ni Sohlar. Hindi namin siya sinagot dahil pumasok na kami sa auditorium. Marami ng tao roon at nakita namin ang iba naming kaibigan na kumakaway sa amin kaya lumapit kami sa kanila. May sinave silang seat para sa amin kaya umupo kami doon. Tumahimik na ang lahat nang pumasok ang faculty and nagsimula ng mag-announce ng dean sa microphone. Nakinig kaming mabuti sa kanila at ang magigisng sitwasyon namin patungkol sa aming dorm. Malaking building din naman kasi ito at doon kami lahat nakatira. Pero habang inaayos pa ito, doon muna kami sa kabilang dorm kung saan may mga kasama nga kaming mga lalake. Naglabas sila ng list sa aming college page online kung saan anong number ang magiging room namin. Kung may iba daw kaming mapupuntahan ay doon muna kami. Lumabas na kaming lahat after ng meeting at tinignan agad namin ang page ng college. Nandoon na nga ang listahan at tuwang-tuwa kami dahil magkakasama kaming tatlo at magkatabi lang ang room namin na magkakaibigan. Nagyaya si Emberlyn na kumain ng lunch. “Hindi ako pwede girls, may iba kasi akong plano.” sagot ko at nagtataka naman silang tumingin sa akin. “Ayiiiieeehhhhh!!! May date kasi ang kaibigan natin.” kinikilig na sabi nito at bahagya ko naman siyang tumulak. “Hay naku, maiinggit tayo sa kanya at napansin siya ni Captain Blayz ng Firefighter team, at may date sila!” “Sinabi ko namang huwag mong ipagsabi, eh!” sabay kurot ko sa kanyang tagiliran. “Langya ka! Bakit naman hindi mo sasabihin sa aming mga kaibigan mo. Bakit? Support naman kami! Basta ba, ipakilala mo sa amin ang mga kasama ni Captain.” sabi naman ni Glowria. “Ano ba naman kayo! baka first and last na ito. Huwag tayong masyadong umasa, okay? Sige na, at tatawagan ko pa siya.” tinukso na naman nila ako at iniwan na nila ako. Tinawagan ko naman si Blayz at isang ring pa lang sumagot na siya. Bahagya akong nagulat dahil sinabi niyang nasa harap na siya ng school. Kaya naman mabilis akong pumunta roon at nakita ko siyang nakasandig sa isang malaking sasakyan. Nakasuot lang siya ng pants at tight shirt kaya kitang-kita ang laki ng kanyang katawan. May black shades din siya sa kanyang mga mata at ngumiti ang lalake at kumaway siya sa akin. lumapit ako sa kanya at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang truck. Tinulungan niya akong sumakay at mabilis siyang sumakay sa driver’s seat at umalis na kami. Patingin-tingin lang ako sa kanya habang nasa sasakyan kami. Hindi ko nga alam kung bakit bigla niya akong niyaya na mag-lunch. Pumayag ako dahil gusto ko rin naman siyang makasama. “Uhm, Blayz, salamat sa pagliligtas mo sakin, ah.” sabi ko sa kanya. Ngumiti ulit siya at nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay. Pinag-intertwine niya ang mga daliri namin at lumakas ang kabog ng aking puso. “Wala ‘yon, it’s part of my job. But I’m glad na ako ang nandoon para iligtas ka. Are you really okay? Hindi ka naman na-trauma?” “Hindi naman… Bigla kang dumating kaya parang nafi-feel ko na nandyan ka para iligtas ako lagi.” tumawa siya at hinalikan niya ang aking kamay. “That’s sweet, and I like it.” kinagat ko ulit ang aking labi at matamis akong ngumiti. Sa isang korean restaurant kami nagpunta at naglaway ako dahil first time akong kakain rito. I want the Korean barbecue experience. Hindi lang namin magawa ng mga kaibigan ko kasi nga pare-pareho kaming kapos sa pera. Sa scholarship lang kami ng college umaasa at ang part time job namin na konti lang naman ang sahod. “I hope you don’t mind, sobrang gutom lang talaga ako.” “Naku, huwag mong alalahanin ‘yon. Excited nga akong kumain dahil first time kong masusubukan rito.” “Talaga? Then I made a good choice.” magkahawak kamay kaming pumasok at pumwesto kami sa isang booth. Magkatabi kaming dalawa at nilagay niya pa ang kanyang malaking kamay at braso sa sandalan ng upuan na para siyang nakaakbay sa akin. “So, you told me earlier na titira kayo sa kabilang dorm with the boys in there.” tumango ako. “Yeah, alam na rin namin kung saan room kami. Kasama ko ang tatlong kaibigan ko doon.” “Gusto mo ba na mag-stay roon?” tumingin ako sa kanya tapos ay umiling ako. “I don’t really want to. Medyo naiilang ako sa mga lalake na naroon. But I have no choice Blayz.” tumango naman siya at kinamot ang kanyang noo. “Wala ka bang ibang mapupuntahan? Parents, relatives?” napayuko ako. Pero hinawakan niya ang aking mukha kaya tumingin ulit ako sa kanya. “Wala na akong mga magulang, tsaka bago ako mag-aral ng college, namatay rin ang grandparents ko. Yo’ng pera na iniwan nila sa akin ang ginamit ko sa pag-aral rito. Pero kailangan ko pa ring mgatrabaho kahit part-time lang. Hindi ko alam kung may iba pa kaming kamag-anak.” “I’m sorry about that, Hera…” bahagya lang naman akong ngumiti sa kanya. Tinitigan niya ako tapos ay bumuntong hininga rin siya. “Look, I, I have an extra room in my house.” napakurap naman ako. “Kung ayaw mo talagang tumira sa dorm, you’re welcome to stay in my house for a while.” tuluyan na akong natigilan. “I should not be offering that to you dahil kakakilala pa lng natin kagabi. Pero hindi rin ako mapakali kung hindi ka comfortable kung saan ka magi-stay habang inayos pa ang dorm ninyo. “Blayz… Nakakahiya naman. Baka mabala pa kita. Isa pa, wala akong maibabayad na renta sa’yo.” “Oh, don’t think about that. You can live there for free, bantayan mo ang bahay habang wala ako. Madalas naman kasi akong hindi umuuwi. You can clean or cook some meals kapalit ng renta mo.” napakagat labi naman ako. “Hera, hindi ako masamang tao. Wala rin akong gagawin sa’yo na hindi mo magugustuhan.” “Sigurado ka ba? Hindi ba awkward pag pupunta ang girlfriend mo doon tapos makikita niya ako?” natigilan siya tapos ay malakas siyang tumawa na kinagulat ko. “Sweetheart, wala akong girlfriend. Hindi rin ako nag-uuwi ng babae sa bahay ko.” kinuha niya ang aking kamay at pinisil niya ito. “So what do you say? Gusto mo ba na mag-stay pansamantala sa bahay ko? I’m just worried, lalo na at mapapaligiran ka ng mga lalake. Baka kasi maagaw ka ng iba.” bahagya naman akong tumawa. Hindi ko maintindihan kong bakit niya sinasabi ito. Imposible naman na may gusto siya sa akin ‘no! Gaya ng sinabi niya, kakakilala pa lang namin. I like the idea na tumira ako sa bahay niya, pero may kaba rin sa dibdib ko. Pag pumayag kasi ako baka may masabi ang iba. But I really don’t care dahil malaki na ako at kaya ko ng magdesisyon para sa akin sarili. I am twenty years old and I can do what I want. Wala naman akong nararamdaman na danger sa kanya. Besides, he’s a fireman, nagliligtas siya ng mga tao kaya imposible na saktan niya ako. Ang hirap naman ng ganito! May opportunity na sa harap ko na makasama siya sa iisang bahay, pero nagdadalawang isip naman ako. Nakita niya siguro ang confliction sa aking mukha at hinaplos niya ang aking pisngi. “Pag-isipan mo muna ng mabuti and tell me your decision pag tapos na tayong kumain, okay?” tumango lang naman ako. Sinerve na ang unli meat at side dishes na in-order niya. Naglagay siya ng meat sa grill at napadila ako ng labi sa nakikita ko. Malakas na tumunog ang aking tiyan at kitang-kita ko ang mapanukso niyang ngiti. Marami ang nilgay niyang meat sa plate ko at nagluto naman siya para sa kanya. Nagpa-refill pa siya ng meat habang ako ay kumakain na. Mabilis ko lang itong naubos at kumain naman ako ng side dishes. Sinulit namin ang pagkain ng maraming meat at busog na busog na ako nang matapos na kami. Sa totoo lang, pareho yata kaming maraming kinain at ubos lahat ng in-order namin. Sinigurado ko talaga na walang leftover dahil may bayad pala. Lumabas kami ng restaurant, pero naglakad-lakad muna kami. In twenty years of my life, ngayon lang ako nabusog ng ganito. Hindi na kami magkahawak ng kamay dahil na rin siguro sa mga tao sa paligid namin. But our skin are brushing at satisfied na ako doon. He asked me about my studies at kinumusta after ng sunog kagabi. Sinabi ko naman sa kanya ang lahat at ayoko talagang kinakaawaan ako dahil ulila na ako. Hindi ko naman na-feel ‘yon sa kanya, proud pa nga siya dahil dean’s lister ako. He made me so comfortable at ang saya rin niya talagang kausap. Gusto ko ang nakakatuwa nilang cases na ginawa sa pagiging firefighter nila. Hinatid niya ako pabalik sa college at nang makapag-park siya sa tabi, hinarap niya ako. “So, what’s your decision, Hera?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD